ISA kami sa naimbitahan para block screening ng ‘I’mPerfect’ sa VIP Cinema 1 ng Fisher Mall nitong Linggo, ika-4 ng Enero.Present ang limang actors with Down Syndrome sa pangunguna si Earl Amaba, na malungkot dahil nila nakasama sa block screening ang ka-loveteam na Krystel Go na tinanghal na sa Best Actress sa 51st MMFF, nasa Naga City ito nagbabakasyon.Punong abala siyempre ang premyadong aktres at producer na si Sylvia Sanchez na part din ng advocacy movie ng Nathan Studios. Sumaglit din ang gumanap na asawa niya sa movie na si Joey Marquez.Silang dalawa pala ang magri-represent ng ‘I’mPerfect’ sa ‘Konsyerto para sa Filipino’. Gaganapin ang free concert at meet and greet para OFWs sa Middle East sa January 10, abangan lang kung saan ang venue sa Dubai, UAE.Samantala, sa naturang block screening um-attend si Congresswoman Leila de Lima, kasama ang anak niyang si Israel na talented artist on the autism spectrum na kilala sa kanyang paintings.Kaya naman tuwang-tuwa si Sylvia na napaunlakan ni Cong. De Lima ang kanyang imbitasyon na panoorin ang kanilang pelikula.Kuwento ng aktres, “noong nasabi niya sa akin na meron siyang anak na may autism, sabi ko, ‘i re-react out kita. Hindi pulitiko sa pulitiko, kundi sa mga anak, o sa person with disabilities, tulad ang anak nyo na person with autism at sa cast na persons with down syndrome, thank you po Congresswoman.”Pahayag naman ng Cong. Leila after na mapanood ang movie, “ang isa sa nagustuhan ko ay yung towards the end, they’re trying their best to be husband and wife kahit alam nilang may mga limitasyon ang buhay nila as husband and wife.“Pero nagustuhan ko rin ay ‘yung realization ng kanilang mga parents. Parang moments of epiphany, kasi noong umpisa parang meron talaga silang pagdududa kung kakayanin ba ng kanilang anak na sina Jiro at Jessica bilang huband and wife.“But in the end, nagkaroon silang ng realization and that was very moving na na-accept nila.”Nagpasalamat din si Ibyang sa suporta at tulong ni Executive Director Glenda Relova ng National Council on Disability Affairs para ma-promote ang pelikula na patuloy na napapanood sa cinemas nationwide.At kahit napanood na namin ang ‘I’mPerfect’ sa premiere night, naapektuhan pa rin kami sa mahusay na pagganap nina Krystel at Earl, ganun din ang matinding suporta nina Sylvia, Joey, Lorna Tolentino, Tonton Gutierrez, Zaijian Jaranilla at Janice de Belen.Mula ito sa kapuri-puring direksyon ni Sigrid Andrea Bernardo.***Bagong pangulo at opisyales ng SPEEd, hinirang naHINIRANG na ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang bagong pangulo at iba pang opisyal nito kasabay ng pagsisimula ng taong 2026.Inihalal ng SPEEd si Tessa Mauricio-Arriola, lifestyle at entertainment editor ng The Manila Times, bilang bagong pangulo.Pinamumunuan na ngayon ni Mauricio-Arriola ang organisasyong nagsimula bilang isang social club ng mga entertainment editors mula sa mga pambansang broadsheet, nangungunang tabloid, at mga pangunahing online portal.Ang yumaong Manila Standard entertainment editor na si Isah V. Red ay isa sa nagtatag ng SPEEd, na nagsilbi ring president emeritus ng grupo.“Sa aming bagong hanay ng mga opisyal, nais naming sumulong nang may matapang na pananaw, ngunit kasabay nito ay manatiling tapat sa mga pinahahalagahang palaging gumagabay sa SPEEd at patuloy na sumusuporta sa direksiyong pinaniniwalaan ng grupo,” sabi ni Mauricio-Arriola.Kasama niya sa bagong hanay ng mga opisyal sina Maricris Nicasio ng Hataw (bise presidente—internal) at Gerardine Trillana ng Malaya Business Insight (bise presidente—external).Sina Ervin Santiago ng Inquirer Bandera at Rohn Romulo ng People’s Balita ay nahalal na mga kalihim, habang sina Dondon Sermino ng Abante TnT at DWAR1494 at Anna Pingol ng Pika-Pika at Pilipino Star Ngayon ay magsisilbing mga ingat-yaman. Si Jerry Olea ng PEP ay itinalaga naman bilang auditor.Ang mga inihalal na PRO ng grupo ay sina Nickie Wang ng Manila Standard, na muling nahalal, Neil Ramos ng Tempo at Janice Navida ng Bulgar.“Habang pumapasok tayo sa isang bagong kabanata, nananatili tayong nakatuon sa pagsuporta sa mga komunidad at, sa pamamagitan ng taunang Eddys, patuloy na pinararangalan ang mga manggagawa sa industriya ng pelikula na siyang dahilan kung bakit posible ang mga makabuluhang kuwentong ito,” dagdag ni Mauricio-Arriola.Ang beteranong mamamahayag na si Nestor Cuartero ng Tempo, Manila Bulletin, at The Market Monitor, ay patuloy na nagsisilbing tagapayo ng SPEEd.Kabilang sa mga miyembro ng konseho ng mga nakaraang pangulo sina Ian Fariñas ng People’s Tonight, Eugene Asis ng People’s Journal, Salve Asis ng Pilipino Star Ngayon at PangMasa.Ang iba pang miyembro ay kinabibilangan nina Dinah Sabal Ventura ng Daily Tribune, Jun Lalin ng Abante, Nathalie Tomada ng The Philippine Star, Bobby Requintina ng Manila Bulletin, Dindo Balares, retiradong editor ng Balita, at Rito Asilo, retiradong editor ng Philippine Daily Inquirer.(ROHN ROMULO)