• April 27, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ayon sa isang kilalang celebrity psychic Tambalang KATHRYN at JAMES, ‘di masyadong papatok sa manonood

KUNG nag-rate ang solo project ni Daniel Padilla na ‘Incognito’ ay baka hindi raw pumatok ang teleserye nina Kathryn Bernardo at James Reid na ‘Someone, Someday.’Nakatakdang ipalabas ito this year sa ABS-CBN, ALLTV 2, at iba pang platforms.So-so lang ang magiging resulta at mismatch raw ang bagong tambalang Kathryn at James. Kaya hindi raw talaga ito magwo-work, ayon sa celebrity psychic na si Jay Costura sa vlog ni Councilor Aiko Melendez.Ilan pa sa mga medyo hindi positibong hula ngayong year of the fire horse, ay marami raw third party issues at maraming marriages ang masisira, may isang veteran actress na magsa-suffer raw sa malala nitong sakit.Si Vice Ganda ay pinag-iingat sa sakit nito sa sikmura. Magiging komplikado naman daw ang relasyon ni Bea Alonzo sa Chinese businessman na si Vincent Co, tuloy-tuloy rin daw ang kaso ni Kim Chiu sa sister nitong si Lakam Chiu.Maganda naman ang nakikita ni Costura para kina Marian Rivera at Dingdong Dantes na tinawag niyang “Power Couple.” Strong pa rin daw ang pagsasama ng dalawa. Posibleng pasukin raw ni Dingdong ang politics sa 2028.Si Jay Costura ay binansagang Nostradamus ng Asya dahil sa hula nitong si PBBM ang mananalong presidente noong 2022.***KUNG dito sa Pilipinas, ay napakaraming followers ni GMA Artist JC Regino, na may 735K followers sa official Facebook Fan Page, sa San Diego California, Las Vegas at iba’t-ibang parte ng Amerika ay sikat rin siya at dinudumog talaga ng crowd tuwing may concert.Yes bukod kasi sa may sikat na kanta o single na “Babytawan” under GMA Records na humahamig na ng 1.2M views ang music video. Sobrang talented rin ang bunsong anak ni the late OPM icon na si April Boy Regino at Madelyn Regino. Tulad ng kanyang ama na mahusay na concert performer at composer si JC.Samantala nabahiran ng lungkot ang sayang nadarama ni JC sa pagpanaw ng kanyang uncle Jimmy Regino. Dapat ay kasama nila ito ng kanyang Tito Vingo Regino sa matagumpay nilang concert na “JC Regine and the April Boys” sa East Plaza Blvd National City, San Diego California last December 12.Nagsilbing tribute kay Jimmy ang nasabing soldout na konsiyerto na produced ng sister ni JC na si Charmaine. Isa si JC sa naging punong abala sa burol ni Jimmy hanggang sa maihatid ito sa kanyang huling hantungan.(PETER S. LEDESMA)