• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2026

Top 20 Business at Realty Taxpayers sa Navotas, binigyan ng pagkilala

Posted on: January 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

BINIGYAN ng pagkilala ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa ika-120th Navotas Day ang Top 20 Business at Realty Taxpayers ng lungsod bilang pasasalamat sa kanilang kontribusyon sa patuloy na pagpapaunlad sa lungsod. Kinilala rin sa gabi ng parangal ang Key Stakeholders ng lungsod. Pinasalamatan din sila ni Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco sa tapat at maagap nilang pagbabayad ng buwis at patuloy na pagsuporta sa layunin ng pamahalaang lungsod na itaas pa ang antas ng pamumuhay ng bawat pamilyang Navoteño. (Richard Mesa)

P105 M PUSLIT NA SIGARILYO SA BATAAN, NASAMSAM NG BOC

Posted on: January 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NASAMSAN ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang P105 milyong halaga ng sigarilyo sa isang compound sa Brgy. Santa Isabel, Dinalupihan, Bataan noong Enero 9.

Ayon sa BOC , kargado nang humigit-kumulang 1,030 Master cases ng sigarilyo ang nadiskubre sa loob ng 12 sasakyan sa loob ng compound na may tatak na Modern, RGD, Nise Baisha, HP, Power, Carnival, Playboy at President.

Ayon sa paunang imbestigasyon, mula umano sa China, Vietnam at Korea ang mga produkto at planong ipakalat sa Regions II at III.

Binigyang-diin ni Nepomuceno na patuloy ang mahigpit na kampanya ng BOC laban sa smuggling upang maprotektahan ang kita ng gobyerno (Gene Adsuara)

58 STREET DWELLERS, PALABOY NI-RESCUE SA MAYNILA

Posted on: January 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NI-RESCUE ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) ang 58 na indibidwal sa ilang bahagi ng Maynila sa ikinasang operations .
Partikular na ikinasa ang operasyon sa Osmen̈a Highway, Kalaw Avenue patungong Roxas Blvd., Abad Santos at Soler St kanto ng Masangkay Street.

Sa bahagi ng Osmeña Highway, nasa 24 na indibidwal ang nasagip habang 31 sa Kalaw Avenue at 3 sa iba pang lugar.

Pansamantala namang dinala sa Reception and Action Center (RAC) ang mga nasagip na Street dwellers upang mabigyan ng pangunahing pangangailangan.

Isinailalim din sila sa kaukulang proseso para sa kanilang maayos na pag-uuwian kung saan ang ibang kabataan naman ay dinala na sa Manila Boston. (Gene Adsuara)

New Years Call kay Gobernadora Doktora Helen Tan, matagumpay

Posted on: January 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SA PAGSISIMULA ng taon ay matagumpay na nagsagawa ng isang pagtitipon para sa Bagong Taon para sa Gobernadora ng Lalawigan o New Years Call to the Governor na ginanap Lunes, Enero 12, 2026 sa Ikatlong Palapag ng Gusali ng Kapitolyo ng Quezon.
Ito ay alinsunod sa pangako nitong palakasin ang kooperasyon ng mga institusyon at itakda ang mga polisiya para sa darating na taon, isinagawa ng Tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ang Bagong Taon ng Panawagan sa Gobernador ng Lalawigan ng Quezon, na pormal na minarkahan ang pagsisimula ng Taong Kalendaryo 2026 at pinatitibay ang pagkakaisa at kolaborasyon sa pagsusulong ng kapayapaan at kaayusan sa buong probinsya.
Itinampok ang aktibidad sa pamamagitan ng presentasyon ng mga nagawa sa operasyon at administratibo ng QPPO, at ang Mensahe ng Bagong Taon ni Kagalang-galang ANGELINA “DOKTORA HELEN” D.L. TAN, MD, MBAH, Gobernador ng Quezon, kasama ni Admin Manny Butardo, Provincial Administrator ng Lalawigan.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng QPPO Provincial Director PCol. Romulo Albacea kasama ang Command Group, Provincial Staff, Force Commanders, Chiefs of Police at Chiefs of Provincial Support Units.
Ayon sa Gobernadora “Hindi kailangan maging Hepe para maging mabuting manggagawa ng Gobyerno”.
Iprinesenta rito ng miyembro ng Kapulisan ang kanilang Taonan Ulat, habang pinasalamatan naman ni Governor Doktora Helen Tan ang kanilang “dedikasyon para sa serbisyo” at ang kahalagahan nila sa isang komunidad.
Sa huling mensahe niya ay binigyang-diin ni Gobernadora Doktora Helen Tan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng respeto at simpatya sa kapwa, pagsunod sa batas at legal na mga proseso, pagiging istrikto na may disiplina, para sa kanilang sinumpaang pangakong pangseguridad para sa kapayapaan ng nasabing lalawigan.
Nagpahayag din siya ng pagsuporta at pasasalamat para sa dedikasyon ng Pulis ng Quezon.
Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, muling pinagtibay ng Quezon PPO ang pangako nito sa responsableng pagpupulis at patuloy na pakikipagtulungan sa Pamahalaang Panlalawigan sa paglilingkod sa komunidad ng mga Quezonian. (Jeremiah Solomon/Photos by Boy Morales)

No. 9 top most wanted person ng Caloocan, laglag sa selda

Posted on: January 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

LAGLAG sa selda ang lalaki na wanted sa kaso ng illegal na droga matapos matiklo ng pulisya sa pinaigting na manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Sa kanyang ulat kay Norhern Police District (NPD) District Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Joey Goforth ang akusado bilang si alyas “Jojo”, 33, ng lungsod.

Ayon kay Col. Goforth, si alyas Jojo ay nakatala bilang No. 9 sa Top Ten Most Wanted Person ng Caloocan CPS kaya iniutos niya sa kanyang mga tauhan ang malawakang pagtugis sa akusado.

Nang makatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Caloocan CPS hinggil sa kinaroroonan ng akusado, agad ikinasa ng mga ito ang manhunt operation.
Dakong alas-8:30 ng gabi nang tuluyang masakote ng mga operatiba ng WSS sa pangunguna ni P/Lt. Joselito Barredo ang akusado sa Interior 3, Barangay 73.
Hindi naman umano pumalag si ‘Jojo’ nang isilbi nang pulisya ang arrest warrant na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 127, Caloocan City para sa paglabag sa Section 12 ng R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002)
Pinuri naman ni BGEN Dela Cruz ang matibay na dedikasyon ng arresting team na nagpapalakas aniya ng tiwala ng publiko. Hinimok niya ang mga tauhan ng NPD na panatilihin ang antas ng pagganap at patuloy na maglingkod sa komunidad nang may kahusayan. (Richard Mesa)

DRIVER NA WALANG DISIPLINA NAKASAGASA NG BATA, PATAY; LTO AGAD NAG-ISYU NG SCO

Posted on: January 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

AGAD na ipinag-utos ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao ang pag-isyu ng Show Cause Order (SCO) sa may-ari at driver ng pulang Isuzu D-Max matapos ang insidente noong 11 Enero 2026 sa South Road National Highway (SRNH), sa tapat ng San Isidro Labrador Chaplaincy sa Barangay Nabuslot, Pinamalayan, Oriental Mindoro. Ang nasabing insidente ay naging viral sa Facebook at nagresulta sa pagkamatay ng isang bata habang tumatawid sa pedestrian lane.

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat, ang sangkot na driver ay nagmamaneho ng sasakyan papuntang southbound nang matamaan ang bata na tumatawid sa pedestrian lane. Ang insidente ay nagdulot ng matinding pinsala sa ulo at iba pang bahagi ng katawan ng bata, na idineklara namang patay bandang 11:50 ng umaga ng parehong araw sa lugar mismo ng insidente. Ang may-ari ng sasakyan ay pinatawag din upang harapin ang kaso.

Ito ang dahilan kung bakit napakahalaga ng wastong pagsasanay sa pagmamaneho at disiplina sa kalsada ng mga driver. Kapag ang isang driver ay walang sapat na kaalaman sa mga batas trapiko, tamang paraan ng pagmamaneho, at respeto sa mga pedestrian, tataas ang panganib ng mga aksidente sa kalsada. Ang mga ganitong insidente ay patunay na ang kawalan ng propesyonal na pagsasanay at disiplina ay maaaring magdulot ng malaking pinsala, maging ang pagkawala ng buhay. Hindi lamang ito nakakapinsala sa mga indibidwal kundi nakakaapekto rin sa kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng kalsada.

Sa isang mariing pahayag, sinabi ni Asec. Lacanilao: “Ang pagkawala ng buhay ng isang bata dahil sa kapabayaan o kawalan ng disiplina sa kalsada ay hindi maaaring balewalain. Ang LTO ay determinadong tiyakin na ang bawat driver na nasa kalsada ay may sapat na pagsasanay, alam ang mga batas trapiko, at may respeto sa karapatan at kaligtasan ng lahat. Hindi tayo titigil sa pagpapatupad ng mga batas upang pigilan ang mga ganitong trahedya. Ang bawat buhay ay mahalaga, at ang responsibilidad ng pagmamaneho ay hindi dapat tratuhin bilang biro.”

Ayon sa SCO, inaatasan ang may-ari at driver na umatend sa pagdinig sa Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO sa East Avenue, Quezon City, sa ika-16 ng Enero 2026 (Biyernes), bandang 10:00 ng umaga. Kailangan nilang magsumite ng Sworn Comment/Explanation para ipaliwanag kung bakit hindi dapat parusahan ang driver ng Reckless Driving, Failure to Yield the Right of Way sa Pedestrian at pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle. Kasama rin dito ang akusasyon sa may-ari para sa pagpapatakbo ng sasakyan na may hindi awtorisadong accessories.

Samantala, pansamantalang suspendido ng siyamnapung (90) araw ang lisensya ng driver at kailangang ipasa ito agad sa IID. Ang sangkot na sasakyan na ay ipapasailalim din sa alarm habang isinasagawa pa ang pagsisiyasat. Kung hindi sila makakapunta o hindi magsumite ng paliwanag sa takdang araw, ituturing itong pagbibigay-wala sa kanilang karapatan na iparating ang kanilang panig, at ipagpapatuloy ng LTO ang pagsisiyasat batay sa mga dokumentong nakalap.
(PAUL JOHN REYES)

PBBM, nais palakasin ang kakayahan ng LGus sa paghahatid ng serbisyo sa taumbayan- Malakanyang

Posted on: January 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SA 2026 national budget, malinaw ang hangarin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.: ang pamahalaan na mismo ang lalapit sa taumbayan sa pamamagitan ng mas malakas at mas may pananagutan na local government units.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na nais din ng Pangulo na mas paigtingin ang kaugnayan sa pagitan ng local and national government.
Para sa taong ito ayon kay Castro, mayroong 1.19 trillion pesos na national tax allotment na matatanggap ang mga LGU bukod pa sa 31.72 billion pesos na special shares mula sa national taxes at 1.41 billion pesos mula sa fire code fees.
Idagdag pa rito ang 57.87 billion pesos sa ilalim ng Local Government Support Fund, mahigit doble kumpara noong 2025 na dinisenyo upang palakasin ang kakayahan ng mga LGU na maghatid ng basic services, magtaguyod ng kabuhayan at magtayo ng ligtas at matatag na komunidad.
Binigyang-diin din aniya ng Pangulo ang suporta sa low-income at resource constrained LGUs sa pamamagitan ng Growth Equity Fund at iba pang uri ng assistance programs.
“Pero sa likod nito, nilinaw ng pamahalaan na hindi puwedeng bigla na lang may ilalagay na proyekto sa isang lungsod o bayan na hindi alam ng mayor o ng LGU. Ibig sabihin, sa ilalim ng 2026 budget framework, ang mga proyekto sa local level ay dapat na manggagaling mismo sa kanila batay sa kanilang local development plans. Isang bagay na magpapalakas sa devolution sa ilalim ng Executive Order No. 103,” ang sinabi ni Castro.
Layunin din aniya nitong palakasin ang Growth Equity Fund sa mga LGU.
Ito’y dahil naniniwala aniya ang Pangulo na ang local government unit ay hindi lamang tatanggap ng pondo kung hindi mismong may-ari ng programa at siyang responsable sa resulta.
“Mayroon ding 15.33 billion pesos na inilaan ang pamahalaan para sa Disaster Rehabilitation and Reconstruction Assistance Program na mula sa 39.82 billion pesos na galing sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund para sa taong 2026,” ayon kay Castro.
“Malinaw ang nais at hangarin ni Pangulong Marcos Jr., ito ay pagtibayin ang serbisyong lokal at bigyan ng kapasidad ang mga LGU upang malayang makapagdesisyon para sa kanilang nasasakupan,” dagdag na wika ni Castro. ( Daris Jose)

Ads January 14, 2026

Posted on: January 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

May plano kasing bawiin ang kanilang flood control scandal testimonies Malakanyang, binalaan ang BGC Boys na huwag magpabudol

Posted on: January 13th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

BINALAAN ng Malakanyang ang ilang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) laban sa kanilang plano na bawiin ang kanilang testimonya na nagsasangkot sa mga high-ranking politicians sa corruption schemes sa public infrastructure projects.“Kung ito ay may katotohanan, sana man lang itong mga witnesses na ito na maaaring may alam sa katotohanan, ‘wag silang magpabudol,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.“‘Wag kayo magpagamit dahil maaaring kayo pa ang makulong sa kulungan at ‘yung inyong mag itinuturo na malalaking isda ang siya pang makalaya,” aniya pa rin.Ang pahayag na ito ay matapos na mapaulat ang plano ng tinatawag na “BGC Boys’” na bawiin ang kanilang sinumpaang salaysay.Matatandaang binansagan ni Senador Panfilo Lacson na “BGC Boys” ang “Bulacan Group of Contractors” — isang grupo ng mga opisyal ng DPWH mula Bulacan na di umano’y notoryus bilang high rollers sa casino circles.Sa ulat, nilinaw ng Department of Justice (DOJ) na wala itong natanggap na opisyal na recantation o pagbawi ng testimoniya ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan District Engineer Henry Alcantara mula sa kanyang mga naging rebelasyon sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Setyembre 2025.Ayon kay Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez, wala silang natanggap na official recantation, ito man ay sa pamamagitan ng verbal o written.Ginawa ng DOJ official ang paglilinaw nang matanong hinggil sa ulat na naghain umano si Alcantara ng kaniyang counter-affidavit may kinalaman sa mga reklamong inihain ng National Bureau of Investigation laban sa kaniya at iba pang DPWH officials, kabilang sina Brice Hernandez at Jaypee Mendoza, kaugnay sa umano’y kickback schemes sa maanomaliyang flood control project sa Bulacan.Nakasaad umano sa counter-affidavit ni Alcantara na walang ebidensiya na pinaburan niya ang sinumang kontraktor o indibidwal at wala umanong testigo na nagbigay siya ng iregular na bayad kayat ikinatwiran niyang walang sapat na ebidensiya para i-convict siya.Sinabi rin umano ni Alcantara na ang kanyang mga subordinate ang nagsagawa at nagtago ng mga aksiyong sila mismo ang gumawa.Kung matatandaan, nauna ng ibinunyag ni Alcantara sa Senate hearing na sina Hernandez at Mendoza ang nasa likod umano ng kickback scheme.Inamin din ni Alcantara na kasama niya si DPWH USec. Roberto Bernardo sa pagbibigay ng komisyon mula sa flood control projects sa kampo nina Senator Jinggoy Estrada, Sen. Joel Villanueva, dating Senator Bong Revilla, Jr., dating Ako Bicol Rep. Elizaldy Co, at dating Caloocan Representative Mitch Cajayon, bagay na nauna na ring pinabulaanan ng mga nabanggit na mambabatas. ( Daris Jose)

Sa ginanap na 83rd Golden Globe Awards Jessica Buckley, Rose Byrne, Wagner Moura, at Timothée Chalamet, waging Best Actress at Best Actor

Posted on: January 13th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

GINANAP na ang prestihiyosong Golden Globe Awards nitong Lunes, Enero 12, 2026, sa Los Angeles, na kinilala ang mga natatanging tagumpay sa parehong internasyonal na pelikula at telebisyon sa nakalipas na taon.Unang itinatag noong 1944, ang Golden Globes ay isang taunang seremonya na nagpaparangal sa mga artista at propesyonal sa industriya para sa kanilang pambihirang trabaho. Tradisyonal na itinatanghal ito tuwing unang buwan ng taon, ang kaganapan ay nananatiling pangunahing highlight ng season ng entertainment awards, na humahantong sa Academy Awards.This year, Frankenstein, Hamnet, It Was Just an Accident, The Secret Agent, Sentimental Value, and Sinners went head-to-head in the Best Motion Picture – Drama category. Meanwhile, Blue Moon, Bugonia, Marty Supreme, No Other Choice, Nouvelle Vague, and One Battle After Another competed for Best Motion Picture – Musical or Comedy honors.Narito ang complete list of winners ng 83rd Golden Globe Awards.Motion Picture CategoriesBest Motion Picture – DramaHamnetBest Motion Picture – Musical or ComedyOne Battle After AnotherBest Motion Picture – AnimatedK-pop Demon HuntersBest Motion Picture – Non-English LanguageThe Secret AgentBest Performance by a Female Actor in a Motion Picture – DramaJessie Buckley, HamnetBest Performance by a Male Actor in a Motion Picture – DramaWagner Moura, The Secret AgentBest Performance by a Female Actor in a Motion Picture – Musical or ComedyRose Byrne, If I Had Legs I’d KicAnotheBest Performance by a Male Actor in a Motion Picture – Musical or Comedy Timothée Chalamet, Marty SupremeBest Performance by a Female Actor in a Supporting Role in any Motion PictureTeyana Taylor, One Battle After AnotherBest Performance by a Male Actor in a Supporting Role in any Motion PictureStellan Skarsgård, Sentimental ValueBest Director – Motion PicturePaul Thomas Anderson, One Battle After AnotherBest Screenplay – Motion PicturePaul Thomas Anderson, One Battle After AnotherBest Original Score – Motion PictureLudwig Göransson, SinnersBest Original Song – Motion PictureGolden by Joong Gyu Kwak, Yu Han Lee, Hee Dong Nam, Jeong Hoon Seo, Park Hong Jun, Kim Eun-jae (EJAE), Mark Sonnenblick, K-pop Demon HuntersCinematic and Box Office AchievementSinnersTelevision CategoriesBest Television Series – DramaThe PittBest Television Series – Musical or ComedyThe StudioBest Television Limited Series, Anthology Series, or Motion Picture Made for TelevisionAdolescenceBest Performance by a Female Actor in a Television Series – DramaRhea Seehorn, PluribusBest Performance by a Male Actor in a Television Series – DramaNoah Wyle, The PittBest Performance by a Female Actor in a Television Series – Musical or ComedyJean Smart, HacksBest Performance by a Female Actor in a Limited Series, Anthology Series, or a Motion Picture Made for TelevisionMichelle Williams, Dying for SexBest Performance by a Male Actor in a Television Series – Musical or ComedySeth Rogen, The StudioBest Performance by a Female Actor in a Supporting Role on TelevisionErin Doherty, AdolescencBest Performance by a Male Actor in a Limited Series, Anthology Series, or a Motion Picture Made for TelevisionStephen Graham, AdolescenceBest Performance by a Male Actor in a Supporting Role on TelevisionOwen Cooper, AdolescenceBest Performance in Stand-Up Comedy on TelevisionRicky Gervais, MortalityBest PodcastGood Hang with Amy Poehler