• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2026

Dahil sa viral at controversial videos Anak ni ANJO na si JAIME, humingi ng paumanhin sa mga pagsasalita ng ama

Posted on: January 13th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

VIRAL at kontrobersyal ang mga videos ni Anjo Yllana sa samo’t-saring isyu sa showbiz, partikular na ang tungkol sa mga dati niyang kasamahan sa ‘Eat Bulaga!’Dahil dito ay wagas rin ang bashing na tinanggap ni Anjo mula sa netizen na hindi pabor sa mga pinakawalan niyang negatibong mga salita at isyu tungkol sa kung sinu-sinong personalidad.At sa grand mediacon ng ‘My Husband Is A Mafia Boss’ ng VivaOne at kung saan isa sa mga cast members si Jaime Yllana na anak ni Anjo ay natanong si Jaime tungkol dito.Sa simula ay humingi ng paumanhin si Jaime sa mga pagsasalita ng kanyang ama.“Yung tatay ko kasi, at the end of the day, he’s my dad.“Sa bahay, tatay ko talaga siya, so nakikita ko talaga yung pinagdadaanan niya.“Alam ko naman, pasensiya po sa lahat, na may nagagawa siyang mali at naiintindihan ko naman na ganoon talaga.“Wala, tatay ko siya. Mahal ko siya kaya kailangan kong intindihin na ganoon siya.“Bigyan siya ng advice, kasi siyempre mga kaibigan din niya yung pinag-uusapan niya kaya medyo nakontrol niya.“Kahit anong maling gawin ng tatay ko, kailangan kong matuto na pagbigyan siya.“Siyempre, siya yung nagpalaki sa akin. I wouldn’t be here without him.”At dahil para lamang siyang matalik na magkaibigan at magkapatid ay nagagawa niyang payuhan ang ama.“Honestly, parang magkapatid kami.“Ganoon yung relationship namin. Para kaming mag-bestfriend.“Sinasabi ko lang sa kanya na, ‘Alam mo minsan sa buhay, kailangan i-keep private.’“Like siyempre, artista tayo or in the spotlight, but some things need to be in private.“Hindi naman lahat kailangan sabihin sa media na, ‘Oy ganito ako, ganyan ako.’’Nakinig naman sa kanya si Anjo kaya huminto ito sa paggawa ng kontrobersiyal na mga videos.Samantala, ang My Husband Is A Mafia Boss ay pinangungunahan nina Joseph Marco at Rhen Escaño.Sa direksyon ni Fifth Solomon at sa panulat ng yumaong author na si Diana Marie Serrato Maranan, o mas kilala online bilang Yanalovesyouu, mapapanood na ito ngayong 2026 sa Viva One!Nasa cast rin sina Frost Sandoval, Sara Joe, Icee Ejercito, Kyosu Guinto, Dann Aquino, Aaliyah Coco, R-ji Lim ng Alamat, PJ Rosario, Maru Delgado, Simon Ibarra, Roberta Tamondong, Hazel Calawod, Naz San Juan, MO Mitchell ng Alamat, Priscilla Meirelles, Kelley Day, Yuki Sonoda, Bianca Santos, Sandex Gavin, Anjo Damiles, Akihiro Blanco, Edsel Santiago at si Ara Mina.(ROMMEL GONZALES)

Naudlot noon pero happy together after 29 years ONEMIG, decided na talaga na ituloy at seryosohin ang panliligaw kay AIKO

Posted on: January 13th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MAY naudlot nga pala noong mas kabataan pa nila ang dating actor na si Onemig Bondoc at ang actress/councilor na si Aiko Melendez.Nakausap namin si Onemig at sey namin sa kanya, bakit parang hindi namin knows ang chapter na ‘yon ng lovelife n’ya. Hirit n’ya sa amin, kaya nga raw totoo kasi, walang nakaalam.Pero ‘yun nga, now, sa caption ni Onemig sa kanyang Thread account, “Happy Together… after 29 years.”Nakuwento ni Onemig sa amin kung kailan ‘yung time dati na obviously, hindi nagtuloy-tuloy. Pero ngayon, nakow, mukhang decided na talaga si Onemig na ituloy at seryosohin. Looks like si Aiko rin naman…Binata si Onemig dahil annulled na ang kasal n’ya sa ina ng dalawang anak n’ya at si Aiko rin naman ay matagal ng single. Marami naman ang natutuwa sa kanila at nagsasabing bagay sila at sana nga raw, magkatuluyan na. Sabi naman ni Onemig, sa ngayon ay kinikilala pa rin nila ang isa’t-isa. Though kamakailan lang ay magkasama sila sa isang resort sa Batangas.***BALIK teleserye si Kris Bernal after three years din. Ang huli pa raw n’ya ay nang mag-guest siya sa “Artikulo 247.”Si Kris ang kontrabida ngayon sa bagong GMA Afternoon Prime, ang “House of Lies” na pinagbibidahan naman ni Beauty Gonzales.Nag-focus, nagpaka-hands-on talaga sa anak nila ng mister na si Perry Choi. Two years & four na ang anak nila at nagbi-breastfeed pa rin daw. Pero nami-miss na raw n’yang talaga ang pag-arte, bukod sa gusto rin n’yang maka-trabaho si Beauty.Mas nakaramdam naman ng pressure si Kris dahil sa mga narinig na papuri sa kanya ng mismong director nila na si Direk Jerry Sineneng at ni Beauty mismo.Na ang asawa raw ni Beauty ay sinabihan siyang galingan n’ya dahil si Kris ang ka-eksena n’ya. “Nagulat nga ako at siyempre, nahihiya ako na galing pa sa kanila. Parang hala, nakaka-pressure lalo na sa mga taping namin, dapat ‘di ako magkamali. Ha ha ha,” sey ni Kris.(ROSE GARCIA)

Durant nahigitan na si Chamberlain sa all-time scoring

Posted on: January 13th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAHIGITAN na ni Houston Rockets star Kevin Durant si NBA legend Wilt Chamberlain sa dami ng mga puntos.

Mayroon na kasing 31,422 points si Durant na nagbigay kay Durant ng 17 points na kalamangan kay Chamberlain na mayroong 31,419 points.

Nangyari ang pagtaas na puntos ni Durant sa laro nila kontra sa Portland Trail Blazers.

Target ngayon ni Durant na malampasan si sixth-placer scorer Dirk Nowitzki na mayroong 31,560 points.
Nangunguna pa rin si Los Angeles Lakers star LeBron James sa scoring list na mayroong 42,601 career points.

Habang pumangalawa naman sa listahan si Kareem Abdul Jabbar na may 38,387 points.

Alex Eala, hawak na ang WTA rank No. 49

Posted on: January 13th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

HAWAK na ni Pinay tennis star Alexandra “Alex” Eala ang ika-49 na rango sa Women’s Tennis Association (WTA) ranking.

Ito ang panibagong career-high na ranggo ng bagitong tennis player.

Ang bagong ranking ay kasunod ng kaniyang kampaniya sa ASB Classic sa Auckland, New Zealand.
Sa naturang turneyo, nagawa ng Pinay tennis player na umabot sa semifinals, kasama ang impresibong panalo sa mga naunang elimination rounds, tulad ng panalo laban kay seven-time Grand Slam singles champion Venus Williams sa doubles category.

Bago ang ASB Classic, nasa pang-53 pwesto si Eala, ang dati niyang career-high ranking.

Nakatakdang sumabak ang 2026 SEA Games gold medalist sa sa Kooyong Classic at sa Australian Open sa Melbourne ngayong linggo.

Malakanyang, itinuturing na ‘political maneuvering’ ang posibleng paghahain ng impeachment case laban kay PBBM

Posted on: January 13th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

ITINUTURING ng Malakanyang na isang “political maneuvering” ang posibleng paghahain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na alam nila ang impeachment claim, subalit binigyang diin na ang Pangulo ay nananatiling dedma at nakatuon lamang sa kanyang mga responsibilidad.
“The administration will not speculate on rumours or political maneuverings,” ayon kay Castro.
Sa ulat, may ilang mambabatas ang nagbabalak di umano na magsampa ng impeachment complaint laban kay Pangulong Marcos Jr sa oras na mag-resume o magpatuloy na ang sesyon, ayon kay Rep. Edgar Erice.
“We have seen this statement made by a lawmaker. At this point, these are unsubstantiated statements allegedly coming from the supporters of a certain politician,” ani Castro.
“The President remains committed to leading and producing results for the Filipino people,” aniya pa rin.
Sinabi ni Castro na ginagalang ng Pangulo ang Saligang batas at naniniwala na ang anumang aksyon na gagawin ng mga mambabatas ay dapat na base sa ‘ katotohanan, batas at pambansang interes.’
“He respects the existing constitutional processes and believes that any actions taken by members of Congress will be driven by facts, the law, and national interest,” ang pahayag ni Castro.
Samantala, sinabi rin ni Erice na ang mga talakayan sa Kongreso ay hindi lamang nakatuon sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, dating kaalyado ni Marcos. Ang one-year bar rule para sa pagsasampa ng impeachment laban kay Duterte ay matatapos sa Pebrero 6.
( Daris Jose)

Aplikante, hired-on-the-spot sa Mega Job Fair sa Navotas

Posted on: January 13th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa 83 aplikante ang hired-on-the-spot sa isinagawang Mega Job Fair ng Navotas Public Employment Service Office (PESO) bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-120 anibersaryo ng lungsod. Mahigit 34 partner companies ang nagbukas ng job opportunities para sa mga Navoteño na naghahanap ng trabaho. Mayroon ding booths ang mga government agencies tulad ng SSS, PAG-IBIG, at PhilHealth para sumagot ng mga katanungan ng mga aplikante. (Richard Mesa)

Habang nasa UAE si PBBM: Tatlong miyembro ng Gabinete, itinalagang government caretakers

Posted on: January 13th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

ITINALAGA sina Executive Secretary Ralph Recto, Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III, at Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian na tumayo bilang government caretakers habang nasa working visit si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa United Arab Emirates mula Jan. 12 hanggang 14.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na sa ngayon, hindi pa umaalis ng bansa si Pangulong Marcos patungong UAE, nakatakda siyang lumipad patungo sa nasabing bansa, bago pa matapos ang araw na ito.
Si Recto ang tatayong chairman ng three-man caretaker committee, kasama sina Estrella at Gatchalian bilang mga miyembro.
Kagyat na magiging aktibo ang caretaker panel sa oras na lumipad na patungong ibang bansa si Pangulong Marcos upang matiyak na magpapatuloy ang government operations.
Ang working visit ni Pangulong Marcos ayon kay Castro ay para sa Abu Dhabi Sustainability Week kung saan tatalakayin ang mga hakbang upang isulong ang global sustainability.
Ito’y buhat aniya sa paanyaya ng kagalang-galang na Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan ng United Arab Emirates.
Makakasama ng Pangulo ang iba pang heads of state and government ng iba’t ibang bansa sa pagtalakay ng mga isyu patungkol sa enerhiya, tubig, usaping pinansiyal, pagkain at kalikasan.
Maliban dito, nakatakda ring daluhan ni Pangulong Marcos ang paglagda sa dalawang mahalagang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at United Arab Emirates.
“Una ay ang Comprehensive Economic Partnership Agreement o CEPA at ang Memorandum of Understanding on Defense Cooperation,” ayon kay Castro.
“Ang CEPA ang kauna-unahang free trade agreement ng Pilipinas sa isang bansa mula sa Middle East na naglalayong palawakin ang market access ng ating bayan sa Gitnang Silangan. Samantala, ang Defense Cooperation Memorandum naman ay siyang magsisilbing matatag na pundasyong pakikipagtulungan sa UAE para paunlarin ang defense technologies ng ating bansa,” dagdag na wika nito.
Sinabi pa ni Castro na buo ang paniniwala ni Pangulong Marcos na magiging makabuluhan at kapaki-pakinabang para sa sambayanang Pilipino ang kaniyang papalapit na pagbisita sa Abu Dhabi.
( Daris Jose)

Unang Ginang Liza, pinangunahan ang OFW ‘Serbisyo Caravan’ sa Dubai

Posted on: January 13th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Unang Ginang Liza Marcos ang pagbubukas ng third leg ng “Bagong Bayani ng Mundo: OFW Serbisyo Caravan” sa Dubai nitong weekend.
Bahagi ito ng ginagawang pagsusulong ng administrasyong Marcosna magdala ng mas mabilis na government services sa mga Overseas Filipino workers (OFWs).
Ang caravan, isinagawa araw ng Sabado, sa pakikipagtulungan sa Department of Migrant Workers (DMW) and Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) nakaayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang gawing mas accessible ang government services sa mga OFWs sa United Arab Emirates.
Mahigit sa 100 OFWs ang nakinabang naman mula sa caravan, kabilang na ang mga pasyenteng nakikipaglaban sa cancer
Ipinagkakaloob naman ang medical at disability assistance sa pamamagitan ng pinagsamang pagsisikap ng DMW AKSYON (Agarang Kalinga at Saklolo para sa mga OFWs na Nangangailangan) Fund, OWWA eCARES digital services, at Social Security System.
Suportado naman ang medical services ng LAB for All program ng Unang Ginang at Presidential Action Center.
Samantala, naghatid naman ang Department of Information and Communications Technology ng e-government services, kabilang na ang OFW Pass registration sa pamamagitan ng eGovPH app, online employment contract verification, at access sa Kumusta Kabayan app.
Maliban sa caravan, nakapulong naman ng Unang Ginang ang United Arab Emirates (UAE) Business Council at Filipino community leaders para palakasin ang ugnayan sa pamamagitan ng mga filipino at private sector partners sa Gitnang Silangan.
( Daris Jose)

PBBM, kumpiyansa sa suporta ng Kongreso sa gitna ng usapin ng impeachment

Posted on: January 13th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NANANATILING kumpiyansa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at nakatuon sa pamamahala sa gitna ng usapin ng impeachment complaint na posibleng isampa laban sa kanya sa oras na magpatuloy na ang sesyon sa Jan. 26.
Ang pahayag na ito ng Malakanyang ay matapos na sabihin ni Caloocan 2nd District Rep. Edgar Erice na maaaring may magsampa ng impeachment complaint laban sa Pangulo.
Muli namang inulit ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na ang napaulat na hakbang na pag- impeach ay nananatiling ‘unsubstantiated’ o walang katibayan at lumalabas na dahil sa political maneuvering kaysa sa konkretong alegasyon.
“‘Diumano may lumapit sa isang mambabatas na mga supporters ng isang politician, mukhang sila ay mga miyembro ng DDS [Diehard Duterte Supporters],” ang sinabi ni Castro.
Winika pa ni Castro na ang impeachment ay isang seryosong constitutional mechanism at hindi dapat na ginagamit para sa publisidad o pamamahala.
“Ang impeachment complaint ay hindi ito pang-media lamang. Hindi ito panakot lamang,” aniya pa rin.
Idinagdag pa ni Castro na ang mga usapin na na napag-usapan sa pampublikong diskurso ay dapat na direktang sagutin at hindi pinalihis sa pamamagitan ng political actions.
“Mas maganda po na masagot ang mga issue,” ayon kay Castro, tinukoy ang pahayag ng mga kritiko na ang impeachment talk ay maaaring gamitin para i-divert ang atensyon mula sa alegasyon na nagsasangkot kay Vice President Sara Z. Duterte.
Sa kabila ng development na ito, sinabi ni Castro na handa si Pangulong Marcos para sa anumang political scenario at patuloy na igagalang ang constitutional processes.
“Ang Pangulo naman handa naman sa lahat ng pagkakataon dahil siya po ay gumagalang sa Konstitusyon, gumagalang po siya sa proseso,” ayon kay Castro.
Itinanggi naman ni Castro ang pahayag na “betrayal of public trust,” partikular na sa alegasyon na nag-uugnay sa paglagda sa General Appropriations Act (GAA), binigyang diin ang ipinag-utos na imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects at naglagay ng mga safeguards o pananggalang sa 2025 national budget para protektahan ang public funds.
“Sa ngayon tiwala pa rin po ang Pangulo na mayroong pagtitiwala rin sa kanya ang mga mambabatas dahil hindi naman gumagawa ng kamalian ang pangulo,” ang sinabi ni Castro. ( DARIS JOSE)

Contractors, political dynasties i-ban, inihain ni Senator Rosa Hontiveros

Posted on: January 13th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAIN sina Senador Risa Hontiveros at Akbayan Party ng panukalang mag-aamyenda sa Party-List System Act.
Layon ng mga ito na bantayan ang pang- aabuso ng political dynasties at contractors.
Sa Senate Bill No. 1656, isinusulong ni Hontiveros na pagbawalan ang political dynasties sa pagsali sa party-list system maging mga party-list nominees at representatives na may interes sa government contracts.
Isang counterpart bill (House Bill No. 7074) ang inihain nina Akbayan Party-list Reps. Chel Diokno, Perci Cendaña at Dadah Ismula, kasama si Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao.
“Kung gusto nilang rumaket, huwag nilang gamitin ang partylist system. This bill aims to reclaim the voice of ordinary Filipinos who’ve been shut out of power because of abusive personalities who are using the partylist system as a backdoor to power. Tama na ang pangha-hijack nila. If they’re not genuinely fighting for the Filipino people, they don’t belong in this system,” ani Hontiveros.
Sinabi ni Diokno na nais ng panukala na maibalik ang tunay na isinusulong ng batas at hindi masamantala ang party-list system.
Ginagarantiya rin na ang marginalized sectors ay may tunay na boses sa Kamara.
Hindi lang isinusulong ng panukala ang pag-ban sa dynasties at contractors kundi ipinagbabawal ang registration ng party-list organizations na naka-pattern sa television o radio programs, government assistance programs, o pangalan ng public officials, celebrities, at iba pang public figures, upang masiguro na nakatuon sa tunay sectoral representation ang sistema.
Isinusulong din sa panukala ang pagtanggal sa 3-seat limit para sa pagkakaroon ng buo, demokratiko, at proportional na representation.
“The limit contradicts the Constitution’s intent to achieve proportionality,” ani Diokno.
Ayon sa ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism, nasa 66% ng party-lists sa 19th Congress ay may isang nominee mula sa established political dynasty.
Lumitaw din aniya sa ilang ginawang congressional inquiries sa anomalya sa flood control projects na ilang bilang ng party-list representatives ang direktang nakinabang sa government projects bilang contractors.
“Someone who votes on infrastructure budgets while their company bids on those same projects is a scammer. This blatant conflict of interest has no place in a democracy. After decades of abuse and loopholes, the sweeping reforms proposed in these bills hope to hand the reins back to everyday Filipinos,” dagdag ni Hontiveros.
(Vina de Guzman)