• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2026

Nakasisira sa ganda at natural view ng Cordillera mountains JOHN, hindi nakatiis na punahin ang ginagawang glass walkway sa Benguet

Posted on: January 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

HINDI nakatiis ang former child actor na si John Manalo na punahin ang ginagawang glass walkway sa La Trinidad, Benguet.Bakit daw kailangan pang gawan ng ganung structure dahil nakasisira raw yun sa natural na ganda at view ng Cordillera mountains.“Jejemon talaga ng Pinas. Ganda ganda ng cordillera eh. Dami pwedeng gawin. Kung sino sino lang kasi nakaupo sa Pinas eh. Sobrang jeje anlala,” caption ni Manalo sa Facebook post niya.‘Di bale raw kung original daw yung ginagawang structure. Pero kinopya lang daw yung glass walkway sa isang tourist attraction sa Vietnam. Kulang daw sa “originality and long-term vision” ang mga nakaisip nito.“That post came from a place of frustration—not just about that bridge, but about how things often work in the Philippines, whether in public or privately owned tourist spots. The Philippines is undeniably beautiful. But we seem to lack originality and long-term vision.“Zambales becomes the “New Zealand of the Philippines.” Marikina is called the “Little Singapore.” It’s always been like this—our places are framed as copies instead of being allowed to stand proudly as themselves.“Our country is rich in culture, nature, and talent, yet we’ve been plundered for so long that many of us have learned to settle for whatever we’re given. This isn’t hate for the Philippines. I love the country—that’s exactly why I’m critical of it. We deserve better, not just better views, but better systems, better leadership, and better respect for our own identity.”***BUKAS na raw si Nadine Lustre sa susunod na chapter ng buhay niya kasama ang boyfriend na si Christophe Bariou.Inamin ng aktres na ramdam niya na ito na ang “the right one” at posibleng ang kanyang huling boyfriend.Kaya sa tanong kung ready na ba siyang maging wife, sagot ng aktres: “Parang ibang responsibility ‘yan. Siguro, I mean kung mangyayari e ‘di go. Feeling ko naman kasi ‘yung kung ano ang nangyayari and ginagawa namin ngayon, parang ganu’n na siya. I think kasi were both focused on working on ourselves din.”Bukod sa pag-aasawa, napag-usapan din ang posibilidad ng pagiging ina. Pero iba ang paniniwala rito ni Nadine.“Actually ayoko talaga mag-anak. Pero kung mangyayari, kung ibibigay sa’kin, tatanggapin ko naman.“Parang ‘di ko lang kaya…kasi takot ‘din ako na magra-raise ka ng tao. Syempre responsible ka d’yan. Hindi lang siya laruan, hindi lang siya cute. It’s such a huge responsibility na takot ako ‘pag nagkamali ako. I think for me din kasi, hindi pa ko tapos i-discover ‘yung sarili ko. “Tapos mag-a-anak ako na parang lahat ng atensyon at oras ko mapupunta sa bata. I feel like in some way baka sobrang maka-affect din siya sa akin.”Kabilang si Nadine sa 2025 Metro Manila Film Festival top-grosser na ‘Call Me Mother.’***SI Beyoncé Knowles ang latest member ng billionaire club ayon sa Forbes.Si Queen Bey ang fifth musician na naabot ang billionaire status at ka-level na niya sina Taylor Swift, Bruce Springsteen, Rihanna at ang mister na si Jay-Z.Last year, na-stage ni Beyoncé ang kanyang most successful tour na Cowboy Carter na nag-gross ng $400 million in ticket sales, making history as the highest-earning country tour.After 20 years and 35 Grammys, nagtatag ang singer ng sariling company called Parkwood Entertainment and takes ownership of her music, concerts, and documentaries.“When I decided to manage myself, it was important that I didn’t go to some big management company, I felt like I wanted to follow the footsteps of Madonna and be a powerhouse and have my own empire and show other women when you get to this point in your career you don’t have to go sign with someone else and share your money and your success — you do it yourself.”(RUEL J. MENDOZA)

Pasok sa Top 10 PH TV shows sa Netflix at iWant Pagsasanib-pwersa nina DONNY at KYLE sa “Roja”, nagtala ng bagong all-time high online record

Posted on: January 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SA pagpasok ng bagong taon, pasabog agad ang hatad ng “Roja” matapos ilabas ang mid-season trailer, tampok ang umiigting na bakbakan nina Donny Pangilinan at Kyle Echarri sa action series, na napapanood na rin sa Kapamilya Channel sa ALLTV2.Nagtala din ng serye ang bagong all-time high online record matapos makakuha ng 541,446 peak concurrent viewers o sabay-sabay na nanood sa Kapamilya Online Live noong Lunes (Enero 5).Kaliwa’t kanan na rebelasyon ang dapat pang abangan sa serye, na kasalukuyang nasa listahan din ng Top 10 TV shows sa Pilipinas sa Netflix at iWant, dahil desidido nang magsanib-pwersa sina Liam (Donny) at Olsen (Kyle), kasama ang kaibigan na si Luna (Maymay Entrata), para tulungan ang mga pulis na pabagsakin ang mga hostage-taker ng La Playa Roja resort upang makatakas ng buhay ang mga natitirang biktima.Kasing tindi rin ng bakbakan ang mga plot twist dahil masisiwalat ang malaking eskandalo nang pagbintangan ni Greta (Lorna Tolentino) ang matalik na kaibigan na si Wendy (Janice De Belen) na mang-aagaw sa kanyang asawang si Magnus (Raymond Bagatsing).Sa pag-usbong nito, lilitaw din ang mga hinala hinggil sa tunay na pagkakakilanlan ng ama ni Olsen, ang anak ni Wendy.Pero hindi lang sa asawa magkakaroon ng problema si Greta dahil lalakas ang paghihinala ng anak nitong si Liam sa tunay na motibo ng kanyang ina nang mahuli ni Liam si Greta na palihim na nakikipag-usap sa hindi pa kilalang indibidwal sa telepono.Sa kabilang banda, magkakagulo rin sa kampo ng mga hostage-taker dahil sa lider na si Emil (Joel Torre). Madadala kasi si Emil sa kanyang kahibangan para patayin si Magnus bilang ganti sa panlolokong ginawa nito sa kanyang anak noon, at magdadalawang-isip naman ang sariling mga tauhan ni Emil na nais nang sumuko sa mga awtoridad.Sa sunod-sunod na pagkamatay ng mga biktima, makakahanap pa kaya sina Liam at Olsen ng paraan para makaligtas? Paano nila haharapin ang mga paparating na rebelasyon na gugulat sa kanila?Panoorin ang maaksyong mga kaganapan sa “Roja” gabi-gabi tuwing Lunes hanggang Biyernes ng 8:45 PM sa Kapamilya Channel sa ALLTV2 at Kapamilya Channel sa cable, pati sa A2Z at Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook.Mapapanood din ang pinakabagong mga episode ng “Roja” 72 oras na mas maaga sa Netflix at 48 oras na mas maaga sa iWant. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
***‘
Tatak ng Tapang, Tatak Ginebra’, pagkilala sa mga bakas ng tunay na katapangan MULING itinataas ng Ginebra San Miguel, ang pinaka-mabentang gin sa buong mundo, ang antas ng pagkukuwento sa pinakabagong kampanya nitong “Tatak ng Tapang, Tatak Ginebra.”Isa itong makapangyarihang ebolusyon ng kanilang matagal nang pagkilala sa giting at tapang ng mga Pilipino. Sa pagkakataong ito, nakatutok ang atensyon sa mga totoong tao—apat na indibidwal na ang katatagan ay hindi lamang bahagi ng isang kwento, kundi makikita sa mga peklat sa katawan na bakas ng kanilang mga pinagdaanan.Ayon kay Sales and Marketing Manager Allan Mercado, ang digital campaign na ito na inilunsad nitong ika-31 ng Disyembre upang salubungin ang bagong taon, ay nagmamarka ng isang makabuluhang pagbabago.“This is different from the past. We are honoring actual people—ordinary individuals whose stories our consumers can truly relate to. Our hope is that they inspire others through their authenticity and relatability to pursue their dreams, no matter how big on ambiguous.”Sa loob ng maraming taon, ang Ginebra San Miguel ay naging kasingkahulugan na ng katapangan, katatagan, at ng “never-say-die” spirt.Noong 2025, ipinagdiwang nito ang ideya ng kabayani—mga guro, tsuper ng jeepney, nars, at mga ordinaryong manggagawa na ang tahimik na kabayanihan ay nagbigay-kahulugan sa moderno at pang-araw-araw na bayanihan.“The concept of the “bayani” was born during the pandemic, when heroism took on new meaning. Today, we move toward real-life heroes—people who have actual battle scars to show. These are everyday heroes in their own fields, whose grit and discipline prove what true tapang looks like,” paliwanag ni Marketing Manager Ron Molina.Ang mga bakas na ito—na makikita sa mga kamay, paa, at mukha ng mountaineer at Mt. Everest conqueror na si Miguel Mapalad, visual artist na si Auggie Fontanilla, PBA top draft pick na si Sonny Estil, at billiards champion na si Chezka Centeno—ay hindi itinatago. Ang mga ito ay kanilang naging badge of honor.Para sa Ginebra San Miguel, ang mga markang ito ang tunay na “Tatak ng Tapang,” patunay ng mga labanang hinarap, tiniis, napagtagumpayan at napanalunan.Sino pa ba ang mas patunay sa “tatak ng tapang” kaysa kay Miguel Mapalad, habang sinasakop niya ang lamig, pagod, at panganib upang marating ang tuktok ng mundo. Ang kanyang pangarap ay ang maging isa sa mga Pilipinong makaka-summit sa Mount Everest. Ang mga taon ng mahigpit na pagsasanay sa buong mundo ay sumubok sa kanyang mga limitasyon, ngunit ang kanyang katapangan ay hindi kailanman natinag.Para kay Auggie, ang kanyang “tatak ng tapang” ay makikita sa mga kalye ng Maynila bilang isang graffiti artist. Sa araw, naghahanap-buhay siya para mabuhay; sa gabi, pinipinta niya ang mga pader ng lungsod.Sa paglipas ng panahon, nakilala ang kanyang mga gawa, at ngayon siya ay isa nang lead artist sa The Clothing at sa Pilipinas Street Plan Collective. Ang mga mural ni Auggie ay higit pa sa sining—ang mga ito ay pahayag ng katapangan, na ipininta araw at gabi.Sa tuwing makikita si PBA player Sonny Estil na pumupuntos para sa Barangay Ginebra Gin Kings, hindi mo aakalain kung paano siya nagsimula. Naglalaro siya sa mga lokal na liga gamit ang hiniram na sapatos na masikip at masakit. Tiniis niya ang sakit at nagsanay araw-araw hanggang sa magawa niya ang game-winning shot sa Draft Combine. Ngayon, bilang first-round draft pick para sa Barangay Ginebra, dala ni Sonny ang marka ng katapangan sa bawat hakbang na ginagawa niya sa PBA court.Eye on the ball, eye on the prize. Ito ang “tatak ng tapang” kay Chezka Centeno, ang world 10-Ball champion billiards player. Natutong maglaro ng bilyar si Chezka sa murang edad sa mga simpleng bar at hall sa Zamboanga, kung saan siya lamang ang tanging babae na nakikipaglaro laban sa mga lalaki.Noong 2025, kinoronahan siyang WPA Women’s World 10-Ball Champion, na ginamit ang bilyar hindi lamang para sa kanyang personal na tagumpay kundi pati na rin upang iangat ang kanyang pamilya mula sa kahirapan. Ngayon, gamit ang “Tatak ng Tapang,” ang bola ay nasa kanyang kamay, at ang mundo ang kanyang pool.“We celebrate courage in its most authentic form—Miguel, Auggie, Sonny, and Chezka are not celebrities or from well-off families, but they have shown what Tatak ng Tapang is all about—that when they face life’s challenges head-on, persevere against all odds, and inspire others through their strength, grit, and never-say-die spirit, they become real-life heroes,” pahayag ni Group Product Manager Paolo Jose Tupaz.Sa pamamagitan ng “Tatak ng Tapang, Tatak Ginebra,” ipinagpapatuloy ng brand ang legasiya nito sa pagbibigay-pugay sa katapangan—sa pagkakataong ito, sa pamamagitan ng mga totoong mukha, totoong mga peklat at marka sa katawan, at totoong kwento.(ROHN ROMULO)

Sec. Remulla, binawi ang unang pahayag ukol sa usapin ng extradition treaty para maaresto si Zaldy Co

Posted on: January 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

BINAWI ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang nauna nitong pahayag na ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mag-apply na sila ng ”formal application” ng extradition treaty kahit pa walang extradition treaty sa pagitan ng Pilipinas at Protugal para maaresto si dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.“Let me clarify. The President instructed to study the possibility of applying for extradition of Zaldy Co with Portugal. Pinag- aaralan pa namin kasi ang magulo dito ay wala tayong extradition treaty but there are other avenues that we can pursue na gusto niyang pag aralan,” ang sinabi ni Remulla sa isang phone interview ng mga miyembro ng Malacanang Press Corps (MPC).At nang uriratin sa kanya kung ano ang mga avenues na ito, ang sagot ni Remulla ay nandiyan ang interpol, United Nations (UN), at iba pang ahensiya na maaari nilang madaanan.“So, pinag-aaralan pa namin kung paano gagawin,” aniya pa rin.At sa tanong naman kung ipipilit ng Pilipinas na makakuha ng tratado o kasunduan para maaresto si Zaldy Co, inamin ng Kalihim na magtatagal pa ito.“A treaty takes years and years so the other avenues possible is pag-aralan kung paano namin, natin magagawa ang extradition niya without passing through a treaty,” ang sinabi ni Remulla.At kung mae-extradite ba si Zaldy Co kahit na walang extradition [treaty] o ang mangyayari na lamang ay maire-repatriate, ang sinabi ni Remulla ay “We will study… Ang instruction ay pag-aralan namin kung paano namin…”Ang punto lamang aniya nila ay maibalik sa bansa si Zaldy Co.“Yes oo, at all avenues para magawa namin yan,” diing pahayag ni Remulla.Nilinaw ni Remulla na ang ginagawa ng gobyerno ay para mai-repatriate o mapauwi sa Pilipinas si Zaldy Co at hindi ang i-extradite lalo pa’t wala namang extradition treaty sa pagitan ng Pilipinas at Portugal.“Extradition is almost impossible kasi wala nga tayong treaty pero we’re exploring all avenues and we are studying para makuha siya.We will look for all possible means to repatriate Zaldy Co to the Philippines. Not extradite. Repatriate,” paglilinaw ni Remulla.Nauna kasing sinabi ni Remulla na nais ni Pangulong Marcos na magkaroon ng extradition treaty sa Portugal para sa pag-aresto kay Zaldy Co.Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Remulla, ipinag-utos na ng Pangulo na mag-apply na sila ng ”formal application” ng extradition treaty kahit pa walang extradition treaty sa pagitan ng Pilipinas at Protugal.Sa pamamagitan aniya ng Interpol ay magre-request na sila ng repatriation ni Zaldy Co kung nasa Portugal talaga aniya ang huli.Si Co ay pinaniniwalaang nasa Portugal sa gitna ng nagpapatuloy na pag-aresto sa indibiduwal na kinasuhan dahil sa flood control mess sa Oriental Mindoro.Si Co ay pinaghihinalaang humahawak ng Portuguese passport, na “acquired so many years ago”. ( Daris Jose)

Heat pinalamig ng Oklahoma Thunder

Posted on: January 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

KUMANA si Shai Gilgeous-Alexander ng 29 points pa­ra banderahan ang nagdedepensang Thunder sa 124-112 pagpapalamig sa Miami Heat.
Ito ang ika-110 sunod na pagkakataon na bumi­ra ng higit sa 20 points si Gilgeous-Alexander.
Nagdagdag si Jalen Williams ng 19 points para sa ikatlong sunod na arangkada ng Oklahoma City (33-7).
Umiskor sina Chet Holm­gren at Ajay Mitchell ng tig-16 markers.
Bagsak ang Miami (20-19) sa pangatlong dikit na ka­malasan bagama’t nakahugot kay Andrew Wiggins ng 23 points tampok ang pitong three-pointers.

Nag-ambag si Tyler Her­ro ng 19 points kasunod ang 16 markers ni Pelle Larsson para sa Heat na na­hulog sa isang 13-point deficit sa third period matapos ang 15-0 atake ng Thunder.

Humugot din ang Oklahoma City ng 39 points mu­la sa 23 turnovers ng Miami.

Hindi nakalaro si Norman Powell para sa Heat da­hil sa kanyang lower back soreness.

Sa Sacramento, humataw si DeMar DeRozan ng 22 points at naging ika-23 player sa NBA history na umiskor ng 26,000 points sa 111-98 panalo ng Kings (9-30) sa Houston Rockets (22-14).

Tumipa si Zach LaVine ng 18 points para sa Sacramento at nagposte si Russell Westbrook ng 15 points, 10 assists at 6 rebounds.
Sa iba pang laro, ginu­lat ng Denver Nuggets ang Milwaukee Bucks, 108-104; tinalo ng Phoenix Suns ang Washington Wi­zards, 112-93; dinomina ng Atlanta Hawks ang Golden State Warriors, 124-111; lu­sot ang Minnesota Timber­wolves sa San Antonio Spurs, 104-103; panalo ang Orlando Magic sa New Orleans Pelicans, 128-118; nakatakas ang Toronto Rap­tors sa Philadelphia 76ers sa overtime, 116-115; at wagi ang Memphis Grizzlies sa Brooklyn Nets, 103-98.

Top junior surfers sasabak sa World Surf League sa La Union

Posted on: January 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SASALANG ang mga top junior surfers sa prestihiyosong 2026 World Surf League (WSL) World Junior Championships Presented by Purefoods and Magnolia sa Urbiztondo Beach sa La Union sa Linggo.

Ilan dito ay sina Championship Tour rookie Bella Kenworthy, Lukas Skinner at Laura Raupp.
“I’m very excited to be here,” sabi ng 17-anyos na si Kenworthy. “This place is super special. The wave is super fun.”

Kabuuang 48 best ju­nior surfers ang mag-aa­gawan sa korona.
Ang top two men at top two women mula sa pi­­tong global regions ng WSL ay makakasama ng 10 wildcards per gender kung saan ang bawat isa ay Challenger Series or Qualifying Series (QS) standouts.

Ang mga mananalo sa event na itinataguyod ng Philippines Sports Commission, SMC Infrastructure Inc. at BMEG/Nutrichunks ang makakasama sa 2026 Challenger Series para sa tsansang makalahok sa 2027 CT.

PBBM, nais pa rin na ipagpatuloy ng ICI ang mandato nito- Malakanyang

Posted on: January 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAIS pa rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipagpatuloy ng Independent Commission for Infrastructure ang trabaho nito kahit pa nagbitiw na sa tungkulin ang dalawang opisyal nito.
Ito ang inihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro nang hingan ng komento sa sinabi ni ICI special adviser Rodolfo Azurin Jr. na plano nilang magpadala ng formal letter sa Office of the President para sa klaripikasyon at gabay kung ano na ang mangyayari sa komite.
”Sa ngayon wala pong anumang ipinag-uutos pa ang Pangulo kung hindi ipagpatuloy pa rin ang kanilang mandato, ipagpatuloy pa rin ang kanilang pag-iimbestiga at maging fact finding committee pa rin.
”So, kung sila po ay susulat sa Pangulo, hintayin po natin ang kanilang panawagan sa Pangulo para po masagot naman ito ng Pangulo,” dagdag na wika nito.
Sinabi pa ni Castro na nais ni Pangulong Marcos na magkaroon ng batas na lilikha ng isang independent commission, na titingin sa infrastructure projects.
Nauna rito, hinikayat ni Pangulong Marcos ang Kongreso na iprayoridad ang pagpapasa ng panukalang Independent People’s Commission (IPC) Act. Sinabi naman ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na ang nasabing panukalang batas ay maaaring aprubahan sa Senado sa Pebrero.
Layon ng panukalang batas na “establish a permanent, independent, and non-partisan commission that would investigate alleged anomalies and corruption in infrastructure projects at the national, local government unit, and government-owned and -controlled corporation levels.”
Samantala, nagbitiw naman sa kani-kanilang tungkulin sina Commissioners Rossana Fajardo at Rogelio ”Babes” Singson kapuwa mula sa ICI. Ayon kay Castro, wala pang impormasyon kung papalitan sina Fajardo at Singson.
Simula nang likhain ang ICI, sinabi ni chairperson Andres Reyes Jr. nakapaghain na ang ICI ng 8 referrals at mga kaso sa Ombudsman, hindi kasama rito ang joint referrals kasama ang Department of Public Works and Highways (DPWH). ( Daris Jose)

Simultaneous clean-up activity sa ika-120th Navotas Day

Posted on: January 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng ika-120 anibersaryo ng Navotas, nagsagawa ng simultaneous clean-up activity sa lahat ng mga barangay sa lungsod nna nilahukan ng mga kawani ng pamahalaang lungsod at mga barangay, national agencies, street sweepers, estero rangers, Mutya ng Navotas 2026 candidates, at volunteers mula sa iba’t-ibang grupo at organisasyon.
(Richard Mesa)

PBBM, nasa United Arab Emirates na, bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at UAE pagtitibayin

Posted on: January 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

LIGTAS na nakarating, Lunes ng gabi si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bandang 11:09 P.M. local time matapos umalis ng 6:30 P.M. sa Pilipinas sa bansang UAE.
Ang pagbisita ng Pangulo sa Abu Dhabi ay buhat ng paanyaya ni UAE President Mohamed bin Zayed Al Nahyan, upang talakayin ang mga issue ng trade defense at sustainable development.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na 14 Araw na lamang ang lumipas noong huling nagkita ang dalawang leader, hudyat ng patuloy na gumagandang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Ayon aniya pa kay Philippine Ambassador to the UAE Alfonso Ver, malaking hakbang sa pag-unsad or rather pag-usad ng ugnayan ng Pilipinas ang mga bansa at ng mga bansa sa gitnang Silangan ang muling pag-imbita ng Presidente ng UAE kay Pangulong Marcos Jr.
Ang mga pangunahing layunin aniya ng Pangulo sa kanyang working visit ay ang paglahok sa Abu Dhabi sustainability week, pagdalo sa paglagda ng comprehensive economic partnership agreement at ng memorandum of understanding on defense cooperation. Punong-puno ang schedule ng Pangulo sa pagbisita nito sa Abu Dhabi.
Martes ng umaga, Enero 13 ay sinimulan ni Pangulong Marcos ang kanyang araw at pinulong ang kanyang gabinete sa isang working breakfast. Matapos nito ay nakatakdang makipagkitang muli ang Pangulo kay UAE PresidentSheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan, sa Abu Dhabi National Exhibition Center.
Ngayong araw din ayon kay Castro dadalo si Pangulong Marcos sa opening ceremony ng Abu Dhabi sustainability week kung saan siya magbibigay ng keynote speech at Sayed Sustainability Prize award na gaganapin sa ICC Hall. Magkakaroon din business meeting ang Pangulo, kasama ang DAMAC Digital, isang global infrastructure, digital infrastructure company para isulong ang business and technology interest ng bansa.
Dagdag pa rito, makikipagkita rin si Pangulong Marcos Jr. sa Filipino community sa Abu Dhabi upang kumustahin ang ating mga kababayan. Puno man ang schedule ng Pangulo, hindi ito magiging hadlang sa kanyang pagbisita sa mga kapwa natin Pilipino.
Bilang huling bahagi aniya ng kanyang working visit sa UAE, nakatakda naman dumalo ang Pangulo sa High-level gala dinner na hudyat sa pagwawakas ng Abu Dhabi Sustainability week.
“Hindi bakasyon at pang-sarili ang pagpunta sa Abu Dhabi, trabaho at negosyo, pambansang interes at seguridad. Ilan lamang iyan sa patuloy na isinusulong ni Pangulong Marcos Jr. para mas maginhawa at maunlad na bagong Pilipinas,” diing pahayag ni Pangulong Marcos. ( Daris Jose)

Get in on the Big Guy dance craze and watch “The SpongeBob Movie: Search for SquarePants”

Posted on: January 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

For rapper and songwriter Ice Spice, voicing a character in “The SpongeBob Movie: Search for SquarePants” is a dream come true.

IT’S SpongeBob’s Big Guy Era.

SpongeBob and his Bikini Bottom friends set sail in their biggest, yellow-est, most side-splittingly hilarious, all-new, can’t miss cinematic event ever… The SpongeBob Movie: Search for SquarePants. Desperate to be a big guy, SpongeBob sets out to prove his bravery to Mr. Krabs by following The Flying Dutchman – a mysterious swashbuckling ghost pirate – on a seafaring comedy-adventure that takes him to the deepest depths of the deep sea, where no Sponge has gone before.

To help get fans and movie audiences in SpongeBob’s Big Guy Era mode, a fun and catchy new song was released by rapper and songwriter Ice Spice, a proud Spongebob fan. “I grew up watching SpongeBob. I’m a huge fan,” says Ice Spice in a featurette for the movie. The song has inspired kids and kids-at-heart to post videos of themselves dancing along to the infectious ditty, sparking a dance craze.

Watch SpongeBob and Patrick invite fans to join the Big Guy dance craze in these videos:

https://www.instagram.com/p/DSbXCyLDB0O/?hl=en

https://www.instagram.com/p/DSd70c-jFL9/?hl=en

“This song is called Big Guy,” says Ice Spice. “It’s just supposed to embody confidence and this new attitude [SpongeBob] has facing the world.”

Watch Ice Spice talk about her song and character (yes, she’s also voicing a character in the movie!) in her own featurette:

Get ready to return to Bikini Bottom when The SpongeBob Movie: Search for SquarePants now showing in PH cinemas. #SpongeBobMovie

Photo and video credit: Paramount Pictures

(ROHN ROMULO)

Makabayan bloc, naniniwalang may basehan para i-impeach ang Pangulo kaugnay sa malawakan at systematic plunder

Posted on: January 14th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

WALANG batid ang Makabayan bloc sa inisyatibo nang paghahain ng impeachment laban kay Pangulong Marcos na nabanggit ni Caloocan City Rep. Erice.
Ngunit, naniniwala naman ang Makabayan bloc na may basehan para i-impeach ang Pangulo kaugnay sa malawakan at systematic plunder umano sa national budget, bloated unprogrammed appropriations ay alegasyon ng kickbacks ng palasyo kaugnay sa infrastructure projects.
Sinabi nito na maglalabas sila ng announcement ukol sa nasabing isyu sa kaukulang panahon.
Ito ay kasabay na rin sa kanilang paghahanda sa paghahain muli ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte sa susunod na buwan.
(Vina de Guzman)