• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Top 20 Business at Realty Taxpayers sa Navotas, binigyan ng pagkilala

BINIGYAN ng pagkilala ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa ika-120th Navotas Day ang Top 20 Business at Realty Taxpayers ng lungsod bilang pasasalamat sa kanilang kontribusyon sa patuloy na pagpapaunlad sa lungsod. Kinilala rin sa gabi ng parangal ang Key Stakeholders ng lungsod. Pinasalamatan din sila ni Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco sa tapat at maagap nilang pagbabayad ng buwis at patuloy na pagsuporta sa layunin ng pamahalaang lungsod na itaas pa ang antas ng pamumuhay ng bawat pamilyang NavoteƱo. (Richard Mesa)