• April 27, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 5th, 2026

15,000 pulis ide-deploy sa Traslacion ng Nazareno

Posted on: January 5th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

UMAABOT sa 15,000 tauhan ang ide-deploy ng Philippine National Police (PNP) para ma­ngalaga sa kaayusan at katahimikan sa pagdiriwang ng piyesta ng Poong Hesus Nazareno sa gaganaping Traslacion sa darating na Enero 9 ng taong ito.

Ayon kay Police Maj. Philip Ines, Spokesperon ng Manila Police District (MPD), ang nasabing bilang ng mga pulis ay maliban pa sa mga force multipliers ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Inaasahan namang ang kapiyestahan ng Poong Hesus Nazareno sa Basilica Minor ng Quiapo Church ay da­dagsain ng mga daang libong mga deboto na posibleng umabot pa sa milyong katao.

Sinabi ni Ines na may mga naitakdang alternatibong mga ruta ang bubuksan sa ilang mga lansangan dahil sa may ilang kalsada ang isasara para bigyang daan ang prusisyon.

Samantalang may nagtakda na ring kaukulang hakbang sa mga ipinagbabawal na gamit sa mga magpapartisipa sa Traslacion.

Kaugnay nito, inihayag pa ng opisyal na wala namang namomonitor na anumang banta kaugnay ng pagdiriwang ng tradisyunal na okasyon para sa mga deboto ng Poong Hesus Nazareno. (Gene Adsuara)

Contribution hike target sa PhilHealth members na lumalabag sa safety laws

Posted on: January 5th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-AARALAN ng Department of Health (DOH) ang posibilidad ng pagtaas ng mga kontribusyon sa PhilHealth premium para sa mga indibidwal na napatunayang lumalabag sa public safety laws.

Sinabi ni Department of Health (DOH) spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo na sa pamamagitan ng pagbabago ng patakaran ay magi­ging “deterrent” ito upang pigilan ng mga magulang ang kanilang mga anak na gumamit ng paputok gayundin ang mga nagmamaneho ng sasakyan na piliing huwag lumabag sa batas trapiko.

Isa sa hinahanapan ng paraan ang mga informal settler o mga magulang na walang trabaho na binabalikat ng gobyerno ang PhilHealth.

“We will study it… especially what if the parent of the [firecracker] victim was an informal settler or jobless and is being subsidized by the government… We always say that don’t let your children use firecrackers but still it happens. So, we are looking into ways to deter this,” ani Domingo.

Binanggit ni Domingo ang naitalang 1,113 road accidents na karamihan ay mga riders na hindi nagsuot ng helmet at nagmaneho ng nakainom ng alak, mula Disyembre 21 hanggang Enero 2.

Mataas aniya ito ng 82% kumpara sa naitala sa parehong panahon noong nakalipas na taon.

Sa kasalukuyan, ang mga DOH hospitals sa bansa ay nagpapatupad ng zero billing na tinutustusan ng gvob­yerno kaya pinag-aaralan kung paano papanagutin sa bayarin ang mga tulad na kaso.
( Daris Jose)

US military aggression vs Venezuela, kinondena

Posted on: January 5th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MARIING kinondena ng
Makabayan bloc sa Kamara ang military aggression ng United States government laban sa Bolivarian Republic of Venezuela.

Ayon kina ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, Gabriela Women’s Party Rep. Sarah Jane Elago at Kabataan Rep. Atty. Renee Louise Co, ang pag-atake sa teritoryo ng
Venezuela ay dagdag na chapter sa mahabang kasaysayan ng imperyalismo ng US sa paglabag umano sa soberenya ng bansa.

Ang pagbobomba anila sa
civilian at military installations sa Caracas at iba pang estado ng Venezuela ay isa umanong malinaw na paglabag sa international law at UN Charter.

“Ang brutal na pag-atake na ito ay walang ibang layunin kundi ang pag-agaw sa yaman ng Venezuela—ang kanilang langis at mineral—at ang pagpataw ng puppet regime na susunod sa utos ng imperyalismong US,” saad ng mga mambabatas.

Sinabi pa ng mga mambabatas na ang military aggression ay nagpapakita sa tunay na mukha ng US foreign policy.

“Beneath the rhetoric of democracy and human rights lies the naked pursuit of resources and geopolitical dominance. Venezuela’s crime in the eyes of Washington is its assertion of national sovereignty and its refusal to allow foreign corporations unfettered access to its natural wealth,” dagdag ng mga ito.

Nanawagan ang grupo sa Marcos administration na agad magpalabas ng malinaw na pagkondena ng US military aggression laban sa Venezuela.

Hindi anila dapat manatiling tahimik ang Pilipinas sa paglabag na ito sa
international law at pag atake sa ibang bansa.
(Vina de Guzman)

PBBM, binalaan ang watchdog groups… P633 bilyong ‘hard, soft, shadow pork’ nasa 2026 budget

Posted on: January 5th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA ang mga watchdog group na mahigit P633 bilyon sa P6.793 trilyon na 2026 national budget ang maaaring magamit sa korapsyon o patronage politics kung hindi ito ibi-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Inihayag ito ng People’s Budget Coalition at ng Roundtable for Inclusive Development ilang araw bago ang nakatakdang paglagda ng Pangulo sa pambansang budget.
Sa halip na tuluyang i-veto ang mga proyektong ito, iminungkahi ng mga watchdog na buksan ang mga ito sa citizen monitoring o aktibong pagbabantay ng publiko.

Tinukoy din ng mga grupo ang Bantay Bisto Proyekto, isang inisyatibang isinasagawa katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at iba pang organisasyong panlipunan, na naglalayong ilantad sa publiko ang mahahalagang detalye ng mga proyekto, kabilang ang gastos, kontratista, lokasyon, dokumentasyon ng larawan, at mga obserbasyong isinusumite ng mga boluntaryong tagamasid.
Iminungkahi rin nila na ang mga proyektong pang-imprastraktura na nagkakahalaga ng higit P600 bilyon sa ilalim ng isang executive order ay dapat mapasailalim sa isang multi-sektoral at pinopondohang mekanismo ng citizen monitoring.

Para naman aniya sa “soft pork”, na inilalarawan bilang mga programang may malawak na diskresyon ng mga pulitiko, nanawagan ang mga watchdog na ang P210 bilyong pondo para sa ayuda ay gawing mga programang nakabatay sa karapatan at malinaw na alituntunin.

Ayon sa kanila, ang pagpapatupad ng mga programang ito ay dapat nakabatay sa malawak na konsultasyon sa mga propesyunal sa kalusugan at mga eksperto sa social protection.

Samantala ang P243 billion sa unprogrammed appropriations ay inilarawan nila bilang “shadow pork”, na dapat ma-veto dahil sa anila’y “limited transparency and legislative scrutiny”. (Daris Jose)

P1.5B smuggling bust ng PNP, patunay ng mas mahigpit na pagpapatupad ng batas

Posted on: January 5th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

ISANG malaking operasyon sa simula ng taon. Hindi nagkataon ang ₱1.5 bilyong pagkakasamsam ng mga unregistered na produktong tabako na tinukoy ng pulisya bilang smuggled cigarettes sa Malabon City.

Bunga ito ng tuloy-tuloy na pagbabantay, maayos na palitan ng impormasyon, at mahigpit na ugnayan ng mga ahensya.

Isinagawa ang operasyon noong bisperas ng Bagong Taon at inilatag sa press briefing noong Enero 1. Natagpuan ang mga smuggled cigarette sa loob ng isang cargo facility at tatlong indibidwal ang inaresto dahil sa kakulangan ng dokumento. Malaki ang halaga ng huli, ngunit mas mahalaga ang paraan: tahimik, organisado, at walang palabas.
Sa briefing, si Acting PNP Chief Jose Melencio C. Nartatez Jr. mismo ang naglahad ng detalye ng operasyon. Sa halip na magpokus lang sa resulta, ipinaliwanag niya kung paano sinundan ang impormasyon, paano nanatiling handa ang mga yunit, at kung paanong naging mahalaga ang koordinasyon ng pulisya at mga katuwang na ahensya.
Kasama rin sa briefing ang mga opisyal ng Highway Patrol Group, Northern Police District, at Bureau of Customs Enforcement Group. Iisang mensahe ang malinaw: may direksyon, may pamumuno, at magkakasabay ang kilos sa loob ng Philippine National Police.
Hindi lang sa mga pantalan nakatuon ang galaw ng pulisya. Sinundan nila ang daloy ng ilegal na produkto hanggang sa mga lugar na iniisip ng mga smuggler na hindi na nasusubaybayan.
Tinitingnan ng PNP kung may koneksyon ang huli sa Malabon sa isa pang malaking kaso ng pinaghihinalaang smuggled cigarettes sa Batangas City, na maaaring magpahiwatig ng mas malawak na smuggling network.
Sa utos ni Chief Nartatez, pinalawak ang imbestigasyon upang matukoy ang ugnayan ng mga insidente. Ipinapakita nito ang paglipat ng PNP mula sa pagtugon sa bawat huli nang hiwa-hiwalay tungo sa paghabol sa mga organisadong grupong nasa likod ng smuggling.
Hindi simpleng usapin ng dokumento ang smuggling. Direktang naaapektuhan nito ang lehitimong negosyo, binabawasan ang kita ng pamahalaan, at nagbibigay-daan sa ilegal na gawain na magpatuloy nang tahimik.
Sa operasyong ito, malinaw ang mensahe ng mga awtoridad: hindi palalampasin ang smuggling at pananagutin ang mga sangkot. Ipinakita rin nito na kapag magkakaugnay ang pamumuno, impormasyon, at aksyon, nagiging epektibo ang pagpapatupad ng batas.
Ipinapakita din nito ang direksyon ng pamahalaan sa ilalim ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.—disiplina sa pagpapatupad ng batas at mas pinatibay na inter-agency coordination—na sinusuportahan ng panawagan ni Jonvic Remulla, Secretary of the Interior and Local Government, para sa malinaw na pananagutan.
Mula sa isang operasyon sa Malabon, malinaw na lumalawak ang kampanya laban sa smuggling patungo sa sistematikong pagbuwag ng mga ilegal na network. Sa ganitong balangkas, ang batas ay hindi lamang ipinahahayag kundi aktibong naipapatupad. (Richard Mesa)

Robert Downey Jr. Returns As Doctor Doom In ‘Avengers: Doomsday X-Men’, Trailer Reveals Cyclops Mid-Battle As Magneto & Professor X Face Death

Posted on: January 5th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

THE next Avengers: Doomsday trailer is all about the iconic Marvel villain of the story, as Robert Downey Jr. returns to the Marvel Cinematic Universe, but as Doctor Doom.

The Multiverse Saga will finally see the MCU tackling Victor von Doom, but with a twist in the form of Downey Jr. bringing the popular foe to the franchise.

Marvel Studios continues its trailer marketing for Avengers: Doomsday by using Avatar: Fire and Ash’s theatrical run for the third week in a row to promote the 2026 entry. The third new teaser brings the focus to the Fox-Marvel era, specifically the X-Men actors.

Throughout the teaser, the footage explores the X-Mansion, better known as Xavier’s School for Gifted Youngsters. Sir Patrick Stewart, Sir Ian McKellen, and James Marsden, respectively, reprise Professor X, Magneto, and Cyclops from the original X-Men movies.

While Stewart’s Professor X is spotted wearing a blue jacket with a black-and-red X logo on it, McKellen’s Magneto has longer hair, making it a first for the actor after his time with the franchise since 2000.

Erik and Charles are seen reunited, while Scott Summers is revealed to be donning his costume from the comics, as he unleashes his blast against a Sentinel, before the trailer ends with the text: “The X-Men Will Return In Avengers: Doomsday,” before cutting to the same countdown as the previous teasers.

The first Avengers: Doomsday trailer revealed how Chris Evans’ Steve Rogers is part of the story, despite the actor’s denial. The second preview for the team-up film centered on Chris Hemsworth’s return as Thor in the MCU.

Downey Jr. was first revealed at San Diego Comic-Con 2024 to not only be returning to the franchise, but instead of playing Iron Man, it was announced that he would be starring as Doctor Doom. This came after it was decided to shift the Avengers: Doomsday story away from Kang, after Jonathan Majors was fired.

As the Avengers: Doomsday cast finished filming in September 2025, principal photography on Avengers: Secret Wars will start in the summer. However, additional photography on the fifth team-up film is expected to take place during the spring.

Downey Jr. will be back as Doctor Doom for the Phase 6 finale, but the full Avengers: Secret Wars cast has yet to be unveiled. The MCU also has Tom Holland’s Spider-Man: Brand New Day coming up on July 31, which will be the final film before the two Avengers installments.

Marvel Studios has scheduled Avengers: Doomsday to open on December 18, 2026.

(Source: screenrant.com)

After ‘Manila’s Finest’, mapapanood naman sa ‘Andoy’… CEDRICK, itinangging siya ang dahilan kaya nag-back out si KATE sa sexy play

Posted on: January 5th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PINABULAANAN ni Cedrick Juan ang napabalita na isa raw siya sa dahilan kung bakit nag-back out si Kate Alejandrino sa sexy play na ‘Anino sa Likod ng Buwan.’
“No. Hindi po ako,” umpisang bulalas ni Cedrick.
“I think it’s a personal decision and at the same time, it’s a decision of Idea First Company to really cast the right actor na kailangan po nila.
“Ganun naman ang casting. It’s not only about the skills that you can give, it’s really yung proper casting na nakikita and visually ng director din, aside from yung skills,” paglilinaw ni Cedrick.
Pagdating sa projects, hinahayaan ni Cedrick ang misis niyang magdesisyon kung alin o ano ang pipiliin nito?
“Well, siyempre sa ngayon po 6 months pa lang yung baby namin, para sa akin, it’s more of parang sanity.
“Kung kaya na niya, maybe she can work from time to time, minsan meron siyang mga projects na tinatanggap.
“Pero I think ang mahalaga sa ngayon is yung recovery, kasi very important po yun lalo na sa postpartum stage ng mga mommies and iyon po yung goal, to recover and eventually, siyempre nandyan naman yung lagi yung pagiging aktor namin ni Kate.
Ikinasal last February 25, 2025 sina Cedrick at Kate, kamusta naman si Cedrick bilang isang family man.
“Ayos naman po. I think married life naman always challenging in a good way. I think it’s parang ever-growing development naman ng dalawang nagsasama sa isang married life.
“Ganun naman siya and siyempre may another blessing pa with our baby boy. So always exciting, always challenging, but always worth it,” pahayag pa niya.
Kasama si Cedrick sa ‘Manila’s Finest’ na patuloy na napapanood bilang bahagi ng 51st MMFF.
Mapapanood soon si Cedrick sa “Andoy,” isang psychological/torture/horror film na kung saan kasama sina Jennica Garcia, Albie Casiño, Angelica Lao, Victor Relosa, Paolo Gumabao at Aya Fernandez.
Mula ito sa Wonderlust Films, ang pelikula ay magsisilbing feature length directorial debut ni Mark Putian, na kilala sa mga short films at music video.
Paano napa-oo si Cedrick na gawin ang ‘Andoy’?
“Siguro ever since lalo na lang nandun pa ako sa first management na Idea First Company kina direk Jun Lana and direk Percy, every time na mag-uusap kami na parang kung ano yung dream ko na gawin na role, ang alam ko naalala ko na unang kong nabanggit sa kanila na film, yung Split, yung kay James McAvoy.”
Ang ‘Split’ ay ang 2016 psychological thriller film ng director na si M. Night Shyamalan at pinagbidahan ni James.

(ROMMEL L. GONZALES)

Matapos pagdiskitahan ang kakaibang wedding cake… CARLA, tinawag na maldita ni JANUS dahil na-mass report ang FB page

Posted on: January 5th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PINAGDISKITAHAN at pinagtawanan ni Janus del Prado ang kakaibang wedding cake ni Kapuso actress na si Carla Abellana at ni Dr. Reginald Santos na nagpakasal noong December 27.
Feeling kasi ng character actor, parang kabaong sa burol ang slab cake sa kasal ni Carla dahil sa haba nito at may bulaklak pang nakapaligid dito.
“Cake! Ba’t mo kami iniwan! Huhu!” ayon sa naging caption ni Janus sa kanyang post. Hirit pa niya, “Sisiw na lang kulang.”
Dagdag panglalait pa ni Janus ang viral cake, “Yung CAKE ang inorder mo pero WAKE ang ibinigay.”
May nag-agree naman kay Janus at nag-comment kung bakit pahaba ang cake at kakulay pa ng ataul.
Say ni Janus, “Till death do us part ata daw meaning niyan. Yung bulaklak talaga sa harap yung kumumpleto eh.”
Nakarating naman kay Carla pang-ookray at nagkomento sa post ng aktor.
“Masarap naman at fully edible. Pati guests nag-enjoy. Para sa amin maganda siya at yun ang importante,” sagot ng aktres.
Narito naman ang naging reaksiyon ng netizens…
“Hahahhahahahahaha bat kasi hahahahhahahahahahahaha buti walang salamin”
“Are they close friends? I like Janus especially when he stands up for Bea sa mga posts niya but this one isn’t funny for me.”
“Un din una kng naisip nong nakita ko ang video sa cake nila! Dapat heart nalang na malaki eh.”
“Itawid na ang mga bata.”
“Maganda naman nga kaso ung design at ung pwestuhan ng flower medyo naging awkward yung itsura.”
“Janus, making comments like that on someone’s wedding day is disrespectful and unnecessary.”
Samantala, may bagong kaganapan sa naturang isyu.
Sa deleted Facebook post ni Janus ay tila galit na galit si Janus kay Carla dahil na-mass report ang kanyang page.
Narito ang pinost niya; “Maldita pala talaga tong si bagong kasal. Pina mass report yung page ko ngayon naka-hold ang monetization.
“To your new husband. Ingat ka dyan sa napili mo. Remember that she dragged all her exes name into the mud. Wag na wag kang magkakamali. Hay.
“Yun lang napikon ka na? Over react much? Best wishes. Sana tumagal kayo kahit 6 months lang. 😂😂😂”
Dagdag post pa ni Janus, “Ayan binura ko na. Bahala kayo sa buhay niyo ang bababaw niyo.😆”
“Ano gusto niyong joke? Yung knock knock na lang para di tayo na mamass report at nadedemonetize.😆”
Hinihintay naman ng netizens kung ano ang magiging reaction dito ni Carla.

(ROHN ROMULO)

Excited na sa mga projects na naka-line up… JILLIAN, new look sa bagong hairstyle para ngayong 2026

Posted on: January 5th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NEW look si Jillian Ward ngayong 2026.
May new hairstyle ito at pinost siya ito via Instagram noong nakaraang Dec. 27, 2025.
Ayon sa Star of the New Gen, naging productive ang 2025 sa career niya. Kaya ngayong 2026, gusto niya ay fresh look dahil na rin sa mga projects na naka-line up para sa kanya.
Last year, bukod sa ‘My Ilonggo Girl’, nagkaroon ng special participation sa ‘Mga Batang Riles’ at ‘Hating Kapatid’ as Dr. Analyn Santos
Nagbida din siya sa isang episode ng horror flick na ‘KMJS’ Gabi ng Lagim: The Movie.’
Sa taong ito, katambal ni Jillian si Pambansang Ginoo David Licauco sa action-drama series na ‘Never Say Die’. Kasama rin sa serye sina Kim Ji-soo, and Raheel Byhria.
***
PUMANAW noong Dec. 27, 2025 ang French film icon na si Brigitte Bardot sa edad na 91.
Naging symbol si Bardot ng sexual liberation noong 1950s and ‘60s. At wala itong regrets sa pagtalikod sa showbiz para i-devote ang kanyang sarili sa pagprotekta sa mga hayop sa pamamagitan ng kanyang foundation.
“The Brigitte Bardot Foundation announces with immense sadness the death of its founder and president, Madame Brigitte Bardot, a world-renowned actress and singer, who chose to abandon her prestigious career to dedicate her life and energy to animal welfare and her foundation,” ayon sa statement.
Born on September 28, 1934 in Paris, Bardot was married four times, pero iss lang ang naging anak niya na si Nicolas with her second husband, actor Jacques Charrier.
Naging global star si Bardot after magbida sa pelikulang ‘And God Created Woman’ in 1956. After 50 movies, nag-retire ito from acting in 1973.
Tinawag ng President of France na si Emmanuel Macron si Bardot bilang “legend” of the 20th century: “Brigitte Bardot embodied a life of freedom. We mourn a legend of the century.”
Bardot went on to found the Brigitte Bardot Foundation in 1986, which now has 70,000 donors and around 300 employees, according to its website.

(RUEL J. MENDOZA)

Ads January 5, 2026

Posted on: January 5th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments