US military aggression vs Venezuela, kinondena
- Published on January 5, 2026
- by @peoplesbalita
MARIING kinondena ng
Makabayan bloc sa Kamara ang military aggression ng United States government laban sa Bolivarian Republic of Venezuela.
Ayon kina ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, Gabriela Women’s Party Rep. Sarah Jane Elago at Kabataan Rep. Atty. Renee Louise Co, ang pag-atake sa teritoryo ng
Venezuela ay dagdag na chapter sa mahabang kasaysayan ng imperyalismo ng US sa paglabag umano sa soberenya ng bansa.
Ang pagbobomba anila sa
civilian at military installations sa Caracas at iba pang estado ng Venezuela ay isa umanong malinaw na paglabag sa international law at UN Charter.
“Ang brutal na pag-atake na ito ay walang ibang layunin kundi ang pag-agaw sa yaman ng Venezuela—ang kanilang langis at mineral—at ang pagpataw ng puppet regime na susunod sa utos ng imperyalismong US,” saad ng mga mambabatas.
Sinabi pa ng mga mambabatas na ang military aggression ay nagpapakita sa tunay na mukha ng US foreign policy.
“Beneath the rhetoric of democracy and human rights lies the naked pursuit of resources and geopolitical dominance. Venezuela’s crime in the eyes of Washington is its assertion of national sovereignty and its refusal to allow foreign corporations unfettered access to its natural wealth,” dagdag ng mga ito.
Nanawagan ang grupo sa Marcos administration na agad magpalabas ng malinaw na pagkondena ng US military aggression laban sa Venezuela.
Hindi anila dapat manatiling tahimik ang Pilipinas sa paglabag na ito sa
international law at pag atake sa ibang bansa.
(Vina de Guzman)