• March 2, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December, 2025

Ads December 30, 2025

Posted on: December 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Parehong passion at ginagamitan ng emosyon… JUDY ANN, bumabalik sa pagluluto ‘pag nai-stress sa pag-arte

Posted on: December 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PAANO maikokonek ni Judy Ann Santos ang acting sa cooking?
“Parang hindi ko siya puwedeng ikonek,” umpisang sagot ni Judy Ann.
“I think the professionalism and the characteristics of being a world-class icon or UFC as the world-class brand… grabe naman kung ako pa ang magsabing napaka-world class ng talent ko di ba,” at natawa si Judy Ann.
“Hiyang-hiya naman ako sa sarili ko… different in a way na ibang-iba lang kasi yung trabaho sa harap ng kamera o yung pagluluto.
“But if the passion is the same I think the effort would still be the same, it’s just that when you’re acting you’re using emotions.
“And you have to… kailangang makita at maramdaman ng mga tao yun.
“Sa pagluluto ganun din, you will use your emotions, only to connect to your food. Pero hindi kailangang lumuha ng pagkain, hindi kailangang manampal ng pagkain, pero gusto mo silang sampalin ng sarap, sa kung anumang pagkain ang gagawin mo.
“I think for both types of profession that I’m in magkaiba ng passion definitely, kaya siguro nagagawa ko pareho because I treat each other as my playground.
“When it comes to acting iba yung hugot ko, and when it comes to cooking mas lalong iba kasi it brings me back to the times that I was just cooking in my kitchen kasi pagod ako, I just want to destress my mind.
“Sa pagluluto talaga ako bumabalik pag nai-stress ako sa pag-arte.
“Ngayon pagka nai-stress na ako sa pagluluto babalik ako sa pag-arte.
“So it’s a win-win situation, that’s when Judy Ann’s Kitchen was born! I got very tired with a lot of things back then so I wanted to prove something so I produced Judy Ann’s Kitchen.
“So pag nauubos naman na yung utak ko sa pag-iisip ng recipes and episodes for Judy Ann’s Kitchen magbe-break muna ako.
“I go back to acting.
“So it is something that unconsciously happened along the way na I wasn’t really aware na I was building two playgrounds for my passion.”
Nakausap namin si Judy Ann sa exclusive pocket media roundtable ng UFC na kung saan ang naging spotlight ay ang “UFC’s global-quality standards, its diverse culinary portfolio, and its continuing legacy of shaping the Pinoy palate.”

(ROMMEL L. GONZALES)

Waging Best Picture at nag-Best Actress pa si Krystel… SYLVIA, nagkatotoo ang sinabing gagawa ng history ang ‘I’mPerfect’

Posted on: December 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HALOS lahat ay masaya at konti lang kumontra nang manalo ng “I’mPerfect” bilang overall Best Picture sa 51st Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal last December 27, na ginanap sa Dusit Thani Manila, Makati City.
Ito ang official entry ng Nathan Studios sa 2025 MMFF, na tungkol sa pagmamahalan ng dalawang may Down Syndrome, mula ito sa direksyon ni Sigrid Andrea Bernardo.
Ang “I’mPerfect” ang first mainstream Filipino feature na pinagbibidahan ng dalawang baguhang actors with Down Syndrome na sina Krystel Go at Earl Amaba.
Gumawa nga ng history si Krystel sa Philippine entertainment industry nang makamit niya ang first ever best actress na may DS sa yearly film festival.
Sa kanyang madamdaming speech, “Maraming salamat po sa award na ‘to. Hindi po ako makapaniwala na nanalo ako. Mommy, Daddy, para po sa inyo ‘to, Best Actress na po ako.”
Dagdag pa ni Krystel, habang patuloy ang pagluha dahil sa karangalang natanggap…
“Salamat po sa pagkakataong ito para mabigyan kami ng boses at maipakita namin na kaya rin naming umarteng mga persons with Down Syndrome.
“Higit sa lahat, Lord, tinupad Niyo po ang pangarap ko, naming lahat, na maging artista.”
Pahayag naman ni Direk Sigrid, “Inclusivity in one word that’s how I simply described this historic milestone for Philippine cinema. I pushed for this film for several years since 2009, the first time I wrote the script.
“I thought nobody would produce the film. I thanked Nathan Studios for the fantastic opportunity,” say ni Direk Sigrid.
Ka-collab din ng Nathan Studios ang CMB Film Services at VLTF Co Production.
Dagdag pa niya, ilang producers ang tumanggi nang i-pitch niya ang pelikula hanggang sa tanggapin at gawin ito ng Nathan sa pangunguna ni Sylvia Sanchez.
“I doubted myself, but I never gave up on them. It was a big reward that this film had already released in cinemas and saw them dancing on the stage, getting the attention they deserved and being interviewed is an absolute success,” pahayag pa pa ng direktor.
“I am already a big winner as I proved my point. These awards are priceless, and they are the icing on cake. These are the rewards,” sabi pa ni Direk Sigrid na ang tinutukoy ay ang napanalunan nilang Best Picture, Best Actress, at Best Ensemble Performance (Special Jury Prize) awards.
Hanggang ngayon ay emosyonal pa rin ang executive producer ng “I’mPerfect” na si Sylvia Sanchez dahil sa mga parangal na kanilang natanggap.
Sabi nga niya sa kanyang mensahe, “Persons with disability, you made history tonight! Para sa inyo lahat ito!”
Sa isang panayam naman bago ang Gabi ng Parangal, “Ang inisip ko lang talaga ay ipagmalaki sila. Kailangan din silang marinig, makita, at pahalagahan. Ito na ‘yung script for them.
“Bago namin ito binuo, humingi kami ng tulong at nakipag-meet kami sa lahat ng organizations (down syndrome and PWDs) kasi gusto naming gawin nang tama ang pelikulang ito. Gawin na nating tama, big time, lahat.
“‘Yung kumita, ibibigay ng Diyos ‘yun. Maniwala kayo sa akin, itong mga batang ito, gagawa ito ng history sa December 27. Ang galing-galing nila. Kayang-kaya nila,” sabi pa ni Sylvia na nagkatotoo naman sa awards night.
Kaya makikita sa kanyang Facebook post noong December 28 ang labis na pasasalamat sa Diyos.
“Ibang klase ka LORD [folded hands praying emojis]
“Maraming, maraming salamat po!! [yellow and blue heart emojis].”
Congrats Team ‘I’mPerfect’!

Kapansin-pansin na very sweet sila… Photo dump ni KLEA sa recent trip nila ni JANELLA, kinakiligan ng netizens

Posted on: December 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-UUSAPAN ng netizens ang photo dump ng Sparkle artist na si Klea Pineda sa Instagram tungkol sa recent trip nila ni Janella Salvador sa Los Angeles.

Kapansin-pansin na very sweet ang dalawa sa mga na-share na photos ni Klea.

Sa pinakaunang larawan sa carousel ni Klea, makikita ang black-and-white photobooth strips nila ni Janella, kung saan todo pose sila sa kanilang mga ngiti at wacky poses, at mayroon ding mga larawan kung saan sila ay magkayakap.

Sa huling larawan naman, napansin ng netizens ang litrato nila ni Janella na nakalagay sa phone case ni Klea.

Kinakiligan ng netizens ang larawan, lalo na ang dalawang photo na tila tinakpan ng Sparkle artist na nakahalik sila sa isa’t isa.

***

MARAMI ang nagpatunay sa ginintuang puso ni Taylor Swift dahil sa pag-share nito ng blessings sa buwan na ito.

Nag-donate ng higit sa ₱117 million si Taylor sa charitable organizations tulad ng Feeding America, the American Heart Association, and MusiCares. Lahat ay natanggap ang donasyon niya on December 24.

Sey ng Feeding America: “We are incredibly grateful for Taylor Swift’s $1 million gift. When we join together alongside people facing hunger, we can make sure families have a full table this holiday season and beyond.”

Sey naman ng American Heart Association: “Taylor Swift’s remarkable generosity will create lasting change far beyond its financial value. Her contribution will raise awareness about heart health, strengthen prevention efforts, and ultimately help people live longer, healthier lives.”

Mula naman sa MusiCares: “We are thrilled to share that we’ve received a generous donation from Taylor, which will help support our vital programs, resources, & financial assistance for the music community in need. It takes a village to bring the music fans love to life, and Taylor’s donation helps ensure that all music professionals, across genres and professions, don’t have to choose between a life in music and life-sustaining care.”

Namigay din si Taylor ng $197 million bonus sa staff, crew and performers ng kanyang Eras Tour na kumita ng $116 billion.

(RUEL J. MENDOZA)

Jack Black and Paul Rudd get goofy at the world premiere of “Anaconda” in Los Angeles, and continue the fun at the London photocall with matching outfits

Posted on: December 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

THE cast and filmmakers of the original comedy adventure Anaconda shined at the film’s world premiere last December 13 at the United Theater on Broadway in Los Angeles, California. A giant anaconda also made its appearance at the premiere, peeking at the top of the photowall, with the cast having fun posing with the figure. Stars Paul Rudd and Jack Black were all smiles for the premiere, accompanied by Daniela Melchior, Steve Zahn, Thandiwe Newton, and Selton Mello.

Watch the trailer: https://youtu.be/SvfxOesLpf4

Rudd and Black also got the party started at the Anaconda photocall at Claridge’s on December 19, 2025 in London, England. The pair came in wearing matching jumpsuits with their names embroidered on the tags.

Official synopsis: THIS IS NOT A REBOOT. It is an entirely original comedy, inspired by the cinematic ‘classic’ Anaconda, that features Doug (Jack Black) and Griff (Paul Rudd), who have been best friends since they were kids and always dreamed of remaking their all-time favorite movie. When a midlife crisis pushes them to finally go for it, they head deep into the Amazon to start filming. But things get real when an actual giant anaconda appears, turning their comically chaotic movie set into a deadly situation.

Anaconda slithers its way to Philippine theaters on January 8. Anaconda is distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International. Connect with the hashtag #AnacondaMovie @columbiapicph

(ROHN ROMULO)

Pinoy athletes, aasahang muling aarangkada sa 2026

Posted on: December 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY na kinikilala ang mga Pilipinong atleta sa buong mundo, at inaasahang magiging tampok pa rin sa international sports scene.

Kabilang sa mga magiging pangunahing mukha ng bansa si Alex Eala at Carlos Yulo, na parehong naglalayon ng higit pang tagumpay sa mga darating na torneo.

Alex Eala, target ang Grand Slam
Kasunod ng mga makasaysayang tagumpay, kabilang na ang kanyang unang round win sa US Open, nakatutok ngayong si Alex Eala sa isang magandang laro sa 2026.

Kung saan nakatakda itong lumaban sa WTA 250 Auckland ASB Classic, Australian Open, at ang WTA 125 Philippine Open na gaganapin sa bansa. Nais niyang palawakin ang kanyang tagumpay, lalo na pagkatapos manalo ng gintong medalya sa Southeast Asian Games, na nagwakas ng 26-taong pagkauhaw sa gintong medalya para sa Pilipinas sa women’s singles.

Carlos Yulo, sasabak sa Asian Games at World Championships

Si Carlos Yulo, isang two-time world champion, ay magpapatuloy sa kanyang paghahanda para sa Asian Games at mga gymnastics competitions. Kasama sa kanyang mga plano para sa 2028 Los Angeles Olympics, itinuturing na mahalaga ang kanyang performance sa FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Rotterdam, Netherlands noong Oktubre.

Gilas Pilipinas, sa FIBA World Cup Qualifiers

Ang Gilas Pilipinas naman ay muling nakatakdang lumaban sa FIBA World Cup Qualifiers laban sa Australia at New Zealand mula Pebrero hanggang Marso, at qualifying windows sa Hulyo, Agosto, at Nobyembre.

Matapos ang matagumpay na SEA Games, umarangkada ang atleta ng Pilipinas sa Asian Games, kung saan nakamit ng bansa ang apat na gintong medalya at maraming iba pang medalya noong 2023 sa Hangzhou, China. Layunin ngayon ng mga atleta na muling makapag-qualify at mabulsa ang panalo sa mga susunod na kumpetisyon.

Leviste, nanawagan sa DPWH na ilabas ang Cabral files

Posted on: December 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NANANAWAGAN si Batangas First District Representative Leandro Leviste sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na isapubliko ang opisyal na kopya ng tinaguriang Cabral files, na umano’y naglalaman ng detalye ng budget allocation para sa mga proyekto ng DPWH sa bawat congressional district.
Ayon sa mambabatas, dapat linawin ng DPWH kung ang mga halagang nasa dokumento ay tunay na pondong inilalaan sa mga kongresista. Sinabi rin niya na may mga kapwa mambabatas na umano’y pumigil sa kanya na mag-privilege speech tungkol dito.

Ibinahagi ng mambabatas na may kopya na rin umano ng naturang files ang DPWH, Office of the Ombudsman, at ilang media organization.

Aniya, ipinapakita nito na hindi gawa-gawa ang mga dokumento. Sinabi rin niyang nais umano ni DPWH Secretary Vince Dizon na ilabas ang files bilang bahagi ng reporma sa ahensya.
( Daris Jose)

Tindahan ng mga paputok sa Divisoria, ininspeksiyon

Posted on: December 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGSAGAWa ng sorpresang pag­iinspeksiyon ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa mga tindahan ng paputok sa Juan Luna, Binondo, Maynila na bahagi ng Divisoria market para matiyak kung may kaukulang permit at kung may illegal na paputok na ibinebenta rito.
Ang hakbang ay alinsunod ito sa utos ni MPD Director P/Brigadier General Arnold Abad na i-monitor ang mga nagbebenta ng iligal na paputok. Kabilang sa inaalam ang mga panindang masyadong malalaki, mabibigat at mapanganib.

Ang mga lumalabag ay maaaring magmulta ng hanggang P20,000 at/o pagkakulong ng anim na buwan hanggang isang taon sa ilalim ng Republic Act No. 7183. Magugunita na inanunsyo ng Philippine National Police(PNP) ang listahan ng mga ipinagbabawal na paputok para sa pagdiriwang ng Bagong Taon ng 2026.
Pinangunahan naman ni P/ Captain Jeric Salandana ang pag-iinspeksiyon para alamin kung may pag-labag partikular sa pagbebenta ng mga iligal na firecrackers. Wala pang ulat ang MPD kung may nahuli sa mga paglabag.

Ang mga lumalabag ay maaaring magmulta ng hanggang P20,000 at/o pagkakulong ng anim na buwan hanggang isang taon sa ilalim ng Republic Act No. 7183. Magugunita na inanunsyo ng Philippine National Police(PNP) ang listahan ng mga ipinagbabawal na paputok para sa pagdiriwang ng Bagong Taon ng 2026.
( Gene Adsuara)

Major rehab sa MRT-3, sisimulan sa susunod na taon

Posted on: December 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDA na umanong simulan sa susunod na taon ang malawakang rehabilitasyon ng lahat ng istasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ayon kay MRT-3 Ge­neral Manager Michael J. Capati, kabilang sa mga aayusin ang mga escalator sa buong linya ng tren, lalo na ang sa Ayala at Taft ­Avenue, gayundin ang mga tiles, at mga restrooms.

Plano rin aniya nilang maglagay ng mga safety platform barriers, gaya ng sa ibayong dagat, para sa mas ligtas at komportableng paghihintay ng mga pasahero.

Bukod dito, target din ng MRT-3 na mai-deploy na ang lahat ng 48 Dalian trains bago matapos ang 2026 upang mapataas ang kapasidad sa 800,000 pasahero kada araw.
Dahil dito, mananatili ang mabilis na 3.5 ­minutes na waiting time.

?Sa kabila naman ng mga naturang rehab, tiniyak ni GM Capati na walang panukala para sa pagtataas ng pamasahe sa MRT-3 sa susunod na taon.

Paniniguro pa niya, prayoridad ng pamunuan na ayusin muna ang serbisyo at pasilidad bago ang anumang dagdag-pamasahe. (Gene Adsuara)

Chavit may pasabog sa flood control scam

Posted on: December 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

IGINIIT ni Singson na hindi lamang ang mga kontratista at engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang dapat ma­nagot kundi ang mismong mastermind sa korapsyon sa flood control projects.

Aminado naman si Singson masama at masakit ang isyu sa flood control scandal matapos mabunyag ang sabwatan at garapalang korapsyon bagaman hindi pa aniya nasasapul ang mastermind.

Una nang lumutang sa imbestigasyon ng Senado at Kamara na ilang mga Kongresista umano at Senador ang nagkakamal ng kickbacks sa flood control projects kung saan nagkakaroon ng pagsisingit ng alokas­yon sa national budget na naging masamang kalakaran sa loob ng mga nakalipas na taon.

“Masama talaga ang nangyayari sa ating bansa, ang nadedemanda yung nagamit nila, okey lang kasuhan nila pero yung gumawa, yung mastermind yun ang dapat hanapin,” ani Singson.

Sinabi nito na halimbawa na lamang ­aniya ang mag-asawang kontraktor na sina Pacifico “Curlee” Discaya at ­Czesarah “Sarah” Discaya kung saan sa loob ng 3 taon ay nakakuha ng P34 bilyong proyekto pero ang mga ito ang nakasuhan kung saan nakulong pa si Sarah gayong ang mastermind na nagkamal sa korapsyon ay patuloy na nakakalaya.

Idinagdag pa ni Singson na hindi umano maganda ang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) kung saan nag-iisa na lamang dito si Chairman Andres Reyes.

“Sa awa ng Diyos mahuhuli rin yang mastermind, I’m dead sure ma­rami na katibayan, i-explain ko lahat sa Bagong taon, para maliwanagan lahat,” ani Singson na sinabing iba ang kaniyang pasabog sa 2026. (Daris Jose)