Leviste, nanawagan sa DPWH na ilabas ang Cabral files
- Published on December 30, 2025
- by @peoplesbalita
NANANAWAGAN si Batangas First District Representative Leandro Leviste sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na isapubliko ang opisyal na kopya ng tinaguriang Cabral files, na umano’y naglalaman ng detalye ng budget allocation para sa mga proyekto ng DPWH sa bawat congressional district.
Ayon sa mambabatas, dapat linawin ng DPWH kung ang mga halagang nasa dokumento ay tunay na pondong inilalaan sa mga kongresista. Sinabi rin niya na may mga kapwa mambabatas na umano’y pumigil sa kanya na mag-privilege speech tungkol dito.
Ibinahagi ng mambabatas na may kopya na rin umano ng naturang files ang DPWH, Office of the Ombudsman, at ilang media organization.
Aniya, ipinapakita nito na hindi gawa-gawa ang mga dokumento. Sinabi rin niyang nais umano ni DPWH Secretary Vince Dizon na ilabas ang files bilang bahagi ng reporma sa ahensya.
( Daris Jose)