• April 16, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tindahan ng mga paputok sa Divisoria, ininspeksiyon

NAGSAGAWa ng sorpresang pag­iinspeksiyon ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa mga tindahan ng paputok sa Juan Luna, Binondo, Maynila na bahagi ng Divisoria market para matiyak kung may kaukulang permit at kung may illegal na paputok na ibinebenta rito.
Ang hakbang ay alinsunod ito sa utos ni MPD Director P/Brigadier General Arnold Abad na i-monitor ang mga nagbebenta ng iligal na paputok. Kabilang sa inaalam ang mga panindang masyadong malalaki, mabibigat at mapanganib.

Ang mga lumalabag ay maaaring magmulta ng hanggang P20,000 at/o pagkakulong ng anim na buwan hanggang isang taon sa ilalim ng Republic Act No. 7183. Magugunita na inanunsyo ng Philippine National Police(PNP) ang listahan ng mga ipinagbabawal na paputok para sa pagdiriwang ng Bagong Taon ng 2026.
Pinangunahan naman ni P/ Captain Jeric Salandana ang pag-iinspeksiyon para alamin kung may pag-labag partikular sa pagbebenta ng mga iligal na firecrackers. Wala pang ulat ang MPD kung may nahuli sa mga paglabag.

Ang mga lumalabag ay maaaring magmulta ng hanggang P20,000 at/o pagkakulong ng anim na buwan hanggang isang taon sa ilalim ng Republic Act No. 7183. Magugunita na inanunsyo ng Philippine National Police(PNP) ang listahan ng mga ipinagbabawal na paputok para sa pagdiriwang ng Bagong Taon ng 2026.
( Gene Adsuara)