• April 16, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Major rehab sa MRT-3, sisimulan sa susunod na taon

NAKATAKDA na umanong simulan sa susunod na taon ang malawakang rehabilitasyon ng lahat ng istasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ayon kay MRT-3 Ge­neral Manager Michael J. Capati, kabilang sa mga aayusin ang mga escalator sa buong linya ng tren, lalo na ang sa Ayala at Taft ­Avenue, gayundin ang mga tiles, at mga restrooms.

Plano rin aniya nilang maglagay ng mga safety platform barriers, gaya ng sa ibayong dagat, para sa mas ligtas at komportableng paghihintay ng mga pasahero.

Bukod dito, target din ng MRT-3 na mai-deploy na ang lahat ng 48 Dalian trains bago matapos ang 2026 upang mapataas ang kapasidad sa 800,000 pasahero kada araw.
Dahil dito, mananatili ang mabilis na 3.5 ­minutes na waiting time.

?Sa kabila naman ng mga naturang rehab, tiniyak ni GM Capati na walang panukala para sa pagtataas ng pamasahe sa MRT-3 sa susunod na taon.

Paniniguro pa niya, prayoridad ng pamunuan na ayusin muna ang serbisyo at pasilidad bago ang anumang dagdag-pamasahe. (Gene Adsuara)