• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2025

Ilang araw bago ang kanyang ika-40 na kaarawan: CARLO, naging emosyonal sa surprise birthday party ni CHARLIE

Posted on: September 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGING emosyonal aktor at Beautederm ambassador na si Carlo Aquino sa hinandang surprise birthday party ng asawa na si Charlie Dizon.
Ang birthday party ay ginanap sa isang bar sa Quezon City ang inihanda niya para sa asawa na nagse-celebrate ng ika-40th birthday ngayong September 3.
Kitang-kita nga sobrang pagka-touch ni Carlo at bago nag-blow ang kanyang birthday candles sa mga cakes, kiniss muna siya ni Charlie.
Say ni Carlo, “maraming salamat, hindi ako mahilig sa mga ganito (party), mahal na mahal ko kayo.
“Paalis na rin ako, sana mag-enjoy kayo.  Thank you talaga, sobra kong na-appreciate.  Thank you at sinalubong nyo ang aking 40th.  Mahal na mahal ko kayo.”
Dagdag pa niya, “mahal, ginalingan mo, mamaya ka sa akin.  I love you!”
Sa Instagram post ni Charlie ay ibinahagi niya ang ilang mga larawan na kuha sa surprise birthday party, na dinaluhan ng pamilya nila at mga kaibigan.
“Advanced birthday surprise for the hubby [emoji] A huge success,” saad ni Charlie sa caption.
Nagpasalamat rin si Charlie sa mga naging daan para maging successful ang birthday event ni Carlo.
“Grateful beyond words to everyone who made this day extra special. To our loving guests — thank you for showing your love and celebrating with us. We truly appreciate each and every one of you,” dagdag pa ni Charlie.
Sa comment section ay makikita naman ang mensahe ng aktor para sa asawang punong-abala sa kanyang birthday party.
“I love you April Rose,” sey ng isa sa bida ng seryeng ‘It’s Okay To Not Be Okay’.
Ilan nga sa mga celebrities na bumati sa aktor…
“Na-miss ko ito [sad emoji] pero nagwagi ang abala!!! Happy Burthday @jose_liwanag congrats @charliedizon_ ,” say ni Agot Isidro.
Comment naman ni Regine Angeles, “Happy Birthday Caloy @jose_liwanag!
Ang sweet naman ni wifey.”
“April truly surprised you [smiling emoji] Happy happiest birthday, Caloy. You are so
loved xoxoxo,” post ni Maila Gumila.
Maraming netizens ang bumati kay Carlo at tinatawag na siyang Manong Matmat. Na talaga namang napakahusay ng kanyang pagkakaganap sa seryeng pinagbibidahan din nina Anne Curtis at Joshua Garcia.
Anyway, may birthday post din si Ms. Rei Anicoche Tan, ang founder at CEO ng Beautederm (na nagse-celebrate ng 16 years) kasama ang mag-asawa.
May caption ito ng, “Family is forever [smiling face with heart-eyes emojis] Noon may Carlo Aquino ako, now may Charlie Dizon pa!”
  
(ROHN ROMULO)

Sinuportahan ang first-ever painting exhibit: COCO, ‘di makakalimutan si PEN at iba pang tumulong noong baguhan pang aktor

Posted on: September 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SINUPORTAHAN ni Coco Martin ang first-ever painting exhibit ni Pen Medina na ‘Paikot-ikot Lang (Human Condition.ed): The Prelude’ na magsimula noong Agosto 31 at magtatapos sa Setyembre 12, (10:00 AM-6:00 PM) sa Gateway Gallery, 5F Gateway Tower, Araneta City, Quezon City.
Si Coco nga ang special guest ni Pen sa opening ng art exhibit noong Sabado, Agosto 30, 2025, silang dalawa ang nag-ribbon-cutting kasama co-stars nila sa FPJ’s Batang Quiapo na si Susan Africa, at siyempre present ang partner ng veteran actor na si Tess Antonio.
Isinabay na rin sa opening ang celebration ng kanyang 75th birthday (noong August 27 kaarawan niya)
Nang ipakilala ni Pen si Coco ang naging emosyonal na rin siya, “Isa sa mga pinakaimportanteng tao sa buhay ko. Bagay naman kami, di ba? Ha! Ha! Ha!
“Noong panahon na parang medyo wala na… Tinulungan ako. At paglabas ko ng ospital, tuloy pa rin ang tulong.
“Napakalaking dahilan para makapagpinta ako nang walang inaalala para sa pamilya.
“Pero sabi ko sa kanya, puwede ka bang magsalita o kumanta? Ano ba, speech o kanta, sayaw?”
Inamin naman ni Coco na malaking karangalan para sa kanya na makadalo sa opening ceremony ng art exhibit ng kanyang Tito Pen.
“Alam niyo po kasi, kami, lahat, lalo na po sa henerasyon namin, sa aming mga kabataan, isa po si Tito Pen sa mga hinahangaan namin bilang artista,” panimula ni Coco sa kanyang speech.
“Napakalaki po ng kontribusyon niya sa aming industriya, sa sining, sa pag-arte, sa entablado, sa pelikula, sa telebisyon.
“Napakasarap na maging parte ng kanyang buhay bilang kaibigan, at bilang kasama sa Batang Quiapo, at maraming-maraming teleserye at pelikula po na aking nagawa.”
Pagpapatuloy pa ng Primetime King, “Nagpapasalamat ako sa buong Medina family. Halos lahat sila, lagi kong kasama sa mga proyekto ko dahil gusto kong malaman nila na napakaespesyal po nila sa akin.
“Hindi lang po kay Tito Pen, pati kay Ping (isa sa anak ng aktor). Kasi noong nagsisimula po ako sa telebisyon at sa mga indie films, kami lagi ang magkasama.
Naikuwento rin ni Coco kung bakit patuloy niyang tinutulungan ang mga beteranong artista.
“Tinatanong lagi sa akin na, ‘Ba’t gustung-gusto mong kinukuha yung mga veteran actors?’ Yung mga taong matagal nang hindi nakikita.
“Kasi, lagi ko pong sinasabi na ako’y isang tagahanga. Noong bata pa lang po ako, namulat na ako sa panonood ng mga pelikula.
“Dahil ang lola ko, sobrang number one fan ni FPJ at ni Nora Aunor. Kaya lahat po ng mga pelikula nila, napapanood ko.
“Kahit gusto kong manood ng cartoons, wala akong choice kundi manood ng mga pelikula ng mga veteran actors, na mga magagandang pelikula noong golden days ng movie industry. 
Malaki nga ang pasasalamat ni Coco kina Pen, Ping, at ibang kasamahan sa industriya na tumulong sa kanya noong siyay nagsisimula pa lang.
“Sabi ko sa sarili ko, hinding-hindi ko makakalimutan ang lahat ng mga tao na gumabay, umakay, at tumulong sa akin noong nagsisimula ako.
“Kaya kinukuha ko lagi ang mga veteran actors. Kasi po, sila po ang inspirasyon ko.
“Sila po ang mga tao na naging daan kung nasaan man ako ngayon,” seryosong pahayag pa ng aktor.
Dagdag pa ni Coco, “Tayo, tayong mga Pilipino, kami sa industriya namin, kapag ang tao, may pinagdadaanan, whatever it is, doon mo mararamdaman o maa-appreciate ang isang tao kapag nandoon ka sa bagay na alam mong may pinagdadaanan at nasa ilalim ka.
“Kaya ngayon, sabi ko nga, sa pagkakataong ito, kung may maliit akong pagkakataon na makatulong, makapagbigay ng oras, advice, makipagkuwentuhan, maging parte ng buhay niya — ginagawan at ginagawan ko po ng paraan.
“Para kahit papaano po, makapagbigay ulit ako ng pasasalamat, o maipakita ko iyong paraan ko para maiparamdam ko kung gaano ko sila kamahal.
“At ito iyong paraan ko para makapagpasalamat sa lahat ng mga taong tumulong sa akin at sa industriya po na kinalalagyan ko. 
Puring-puri ni Coco ang pinakitang husay sa pagpinta ni Pen at nagpahayag din siya ng kanyang apela.
“Kaya ngayon po, sana po, sa panibagong mundo na pinapasok ni Tito Pen, sa industriya ng pagpipinta, sa marami pa pong mga artists sa buong Pilipinas, gusto ko pong sabihin na napakagaling nating lahat, mapusong lahad ng matulunging aktor.
“Hindi lang sa pag-arte, hindi lang sa pagpinta, hindi lang sa pag-sculpture at kung saan-saan pa.
“Gusto kong sabihin na napakagaling ng lahat na mga Pilipino. At sana po, matulungan tayo ng ating gobyerno na masuportahan ang lahat ng mga artist sa buong Pilipinas!
Maraming-maraming salamat po!
 
(ROHN ROMULO)

Dahil sa pasabog na paghuhubad ng shirt: JOSEPH, ‘di sinasadyang naagawan ng eksena ang ibang VIVA male stars

Posted on: September 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAYANIG at dumagundong ang tilian sa loob ng Araneta Coliseum nang hubarin ni Joseph Marco ang shirt niya sa katatapos lamang na ultimate fan meet at grand concert ng Vivarkada sa Araneta Coliseum.
At sa kuwento ni Jerome Ponce, nahawi ang lahat ng Vivarkada Boys nang umakyat na sa stage si Joseph at naghubad.
At ang natatawang reaksyon ni Joseph tungkol dito…
“Nung una pinapasayaw nila ako, sabi ko ito lang ang kaya kong iambag kaya yun ang ginawa ko.
“At saka karamihan sa mga nanonood, bagets. Sabi ko, ‘Start ’em young.'”
Kaya naman hindi sinasadyang naagawan ng eksena ni Joseph ang ibang male stars ng Viva dahil sa kanyang pasabog na paghuhubad onstage.
Samantala, magkasama sina Joseph at Jerome sa Viva One Original series na ‘I Love You Since 1892’ kung saan si Joseph ang gumaganap na Leandro at si Jerome si Juanito with their leading lady na si Heaven Peralejo bilang Carmela/Carmelita.
Alam ni Joseph na may mga hindi pabor na sina Jerome at Heaven ang napili ng Viva para sa serye.
“Mixed emotions kasi napakadami ng interactions and at the same time, medyo may mga mababasa ka na foul language and masasakit na salita.
“Pero ang masasabi ko lang, sobrang… especially sa dalawang ito, Heaven at Jerome, sobrang proud ako sa kanila.
“They commit in a very classy way. I’ve seen how professional they are.
“Magagaling ito at hindi nila hinahayaan na ma-distract sila. Talagang naka-focus sila sa mga ginagawa nila.
“And I am just so proud of Jerome and Heaven.
“Nirerespeto nila yung karakter nila and they look up to Juanito and Carmelita, to the highest level.
“I am just really proud and thankful na makatrabaho sila.”
Naunang nag-taping sina Jerome at Heaven kaysa kay Joseph.
“At least I have more time to prepare and it’s such a luxury na marami akong time kasi hanggang ngayon, binubuo ko pa rin yung karakter ni Leandro.
“Iniisa-isa ko ang bawat karakter, kung ano ba ang relasyon ko sa mga karakter na yon.
“Paulit-ulit ko ring binabasa yung script kasi ito ang unang proyekto na mahihirapan akong mag-adlib dahil sa malalim na Tagalog.
“Hindi ko magagawa yung mga ginagawa ko sa previous projects ko.
“I am very thankful kasi ibang challenge ang kinakaharap ko ngayon. I am just so excited and eager to start taping,” saad niya.
Ang ‘I love You Since 1892’ ay sa direksyon ng kaibigan naming si direk McArthur Alejandre at sa panulat ni Binibining Mia.
Mula rin sa Studio Viva at Webtoon Productions, magsisimula na ang streaming ng serye sa September 6.
***

SI Heaven Peralejo ang bagong celebrity endorser ng online gaming app na PlayTime; paano siya nakumbinsi na tanggapin ang alok na ito sa kanya?

“PlayTime stood out to me because it champions entertainment at its core, di ba,” unang pahayag ni Heaven.

“I love that it encourages people to enjoy but at the same time with responsibility and heart.

“And so that’ s something I believe in; fun doesn’t have to be reckless.”

Natanong naman si Heaven kung saan siya busy sa kasalukuyan, bukod sa pagiging endorser ng PlayTime.

“Aside from Playtime, pinagkakabisihan po natin of course ang “I Love You Since 1892″, malapit na iyan lalabas, this September 6 na po, from Viva One.”

At dahil bahagi na siya ng PlayTime, ano ang maibibigay niyang payo sa mga kabataang tulad niya na susubok ma-entertain sa pamamagitan ng Playtime?

“So before naman, alam naman natin na ang Playtime ano sila, licensed by PAGCOR, right? And meron naman tayong KYC, right?”
Ang KYC ay nangangahulugan ng “Know Your Customer”.

Pagpapatuloy pa ni Heaven, “We comply to the guidelines, and ang advice ko would be, it’s okay to enjoy actually.

“It is okay. But at the same time dapat responsible gaming tayo.

“So iyon ang advice ko sa kanila, to find joy in little things and knowing your limits and you know when to pause and have this parang space to disconnect and be present.

Bukod kay Heaven ay nauna na maging endorser ng Playtime si Vic Sotto.

(ROMMEL L. GONZALES)

Opening film sa ‘Hundred Islands Film Festival’: ‘Green Bones’ ni DENNIS, puno ng energy at emosyon ang naging screening

Posted on: September 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PUNO ng energy at emosyon ang naging screening ng inspirational-drama film na ‘Green Bones‘ na pinagbidahan ni Dennis Trillo.
Nitong August 26, nagsilbi itong opening film sa Hundred Islands Film Festival sa Don Leopoldo Sison Convention Center.
Personal na ipinakilala ng award-winning director na si Zig Dulay ang pelikula sa mga nanood, na lalo pang nagbigay bigat at saysay sa espesyal na gabi.
Sa isang post ng GMA Pictures, makikitang hindi napigilan ng mga manonood ang kanilang reaksyon sa bawat eksena. May mga napatili, napatayo, at naluha habang sabay-sabay nilang naranasan ang madamdaming kwento ng pelikula.
“An audience of over 2,000 filled the venue with energy and emotion during the ‘Green Bones’ screening at the Hundred Islands Film Festival — a powerful testament to the film’s impact and to Alaminos City’s unwavering love for cinema,” ayon sa caption ng GMA Pictures.
Ang naturang video ay ipinost din ni Direk Zig sa kanyang Instagram, kung saan nagpasalamat din siya sa suporta at pagtangkilik ng viewers sa pelikula.
Patuloy nagbibigay ng inspirasyon at paghanga ang ‘Green Bones’ sa mga Pilipino.
Kamakailan lang ay nanalo ito ng Best Screenplay Award sa 73rd Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards (FAMAS).
Higit pa rito, ang inspirational-drama film ay isa sa mga napiling Philippines’ official entry sa Oscars 2026. 
Samantala, patuloy mapapanood ang award-winning film na ‘Green Bones’ sa digital streaming platform na Netflix.
***
IKAKASAL na ang panganay na anak ni King of Pop Michael Jackson na si Prince Jackson sa fiancee nito na si Molly Schirmang.
Eight years na raw nagde-date ang dalawa hanggang sa mag-propose si Prince last Aug. 26.
“8 years down ♾️ to go. Molly and I have spent a lot of time together and made incredible memories. We’ve traveled the world, graduated and grown so much together. I’m excited for this next chapter in our lives as we continue to grow and make great memories. I love you babs,” post ni Prince on Instagram.
Mensahe ng sister niyang si Paris Jackson: “It warms my heart to see how much joy you two bring each other.”
(RUEL J. MENDOZA)

SAYING GOODBYE TO THE ‘CONJURING’ UNIVERSE IS BITTERSWEET, HAPPY AND SAD, SAY JAMES WAN AND HIS FELLOW FILMMAKERS ABOUT “THE CONJURING: LAST RITES” 

Posted on: September 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

WHEN James Wan and Peter Safran set out to make the first “Conjuring” film, their goal was simply to make one great supernatural thriller, the likes of which people had not seen in a very long time, and in doing so, bring a great genre back to prominence.

More than 10 years and with an upcoming highly anticipated ninth movie later, the “Conjuring” Universe has become the highest-grossing horror movie franchise to date.

Watch the trailer for “The Conjuring: Last Rites” here: https://youtu.be/Nt6-4QdDRqE

“We just wanted to make one great movie,” shares Peter Safran, producer of “The Conjuring: Last Rites” and all the other previous eight movies in the franchise. “And so, we’re really proud to be here 14 years later, with all of the tremendous commercial and critical successes that these films have had… I believe you’re always conflicted by the end of something beautiful – I feel happy and sad. But with the series, I’m happy to have been involved with such an amazing group of artists, and that we’ve all gotten to end this journey on a high note.”

James Wan, who directed “The Conjuring” 1 and 2, and has been a producer since the second film in the Universe, shares the same sentiment as Safran. “For me, ‘The Conjuring: Last Rites’ is pretty much the end of an era and, because of that, it’s somewhat bittersweet,’ says Wan. “We’ve had such a good time making these films, because it feels like such a family unit. But like all good things… I think we’re finishing up at the right time. It feels like this movie is a good way to wrap up the world, at least for now. It’s been over a decade with the ‘Conjuring’ Universe. I’ve made many acquaintances who’ve become long-term friends.”

Wan is especially grateful to actors Vera Farmiga and Patrick Wilson, who play Lorraine and Ed Warren, respectively. “Vera and Patrick have always been the center of these movies,” says Wan. “They have such a great relationship, onscreen and off – they’re such good friends. I think that really comes across and the audience sees how authentic it is. I think it brings much more reality to the characters that they play. It’s a big part of why fans out there love these films. I have always said, ‘They come for the fright and the scares, but they really stick around for Vera and Patrick.’

In “The Conjuring: Last Rites,” Wan, Safran, director Michael Chaves and their fellow filmmakers deliver another thrilling chapter of the iconic “Conjuring” cinematic universe, based on real events. Vera Farmiga and Patrick Wilson reunite for one last case as renowned, real-life paranormal investigators Ed and Lorraine Warren in a powerful and spine-chilling addition to the global box office-breaking franchise.

Says “Last Rites” director Michael Chaves, who also helmed 2021’s “The Conjuring: The Devil Made Me Do It” and 2023’s “The Nun II”: “I’ve been so lucky to be part of the ‘Conjuring Universe.’ Saying goodbye to this experience – and to the friends I’ve made along the way – has been really emotional. Vera and Patrick have always been our secret weapon. They’re the heart and soul of these films, and it’s their talent and who they are as people that have shaped these movies from the start. These films ended up being family stories in a way not a lot of  people expected – big family stories with plenty of scares.”

Don’t miss “The Conjuring: Last Rites,” when it opens in Philippine cinemas September 3. #TheConjuring

Photo & Video Credit: “Warner Bros. Pictures”

(ROHN ROMULO)

PINAIGTING NA OPERASYON NG LTO, HULI HIGIT 9,000 TRUCKS DAHIL SA OVERLOADING

Posted on: September 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
AYON sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na mahigpit na ipatupad ang umiiral na mga batas ukol sa kaligtasan sa kalsada, nahuli ng Land Transportation Office (LTO), ang kabuuang 9,736 na trak dahil sa overloading sa isinagawang operasyon sa buong bansa mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon.
Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, inatasan na niya ang lahat ng regional directors at pinuno ng enforcement units ng ahensya na magsagawa ng mas maigting na operasyon sa pamamagitan ng mga surprise inspection sa mga karaniwang ruta ng mga trak sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa Metro Manila, ilan sa mga ruta na tinukoy niya ay ang mga pangunahing lansangan patungo at mula sa mga pantalan at iba pang kalsada gaya ng C-5 Road at Katipunan Avenue.
“Kailangan maramdaman ang presensya natin dahil buhay at kaligtasan ng mga motorista ang nakataya dito. Karamihan diyan mga breadwinner ng pamilya na kapag naging permanently disable o binawian ng buhay ay ang magdudusa ay ang buong pamilya,” ani Asec. Mendoza.
“Bagama’t karamihan sa nasa trucking industry ay sumusunod sa batas, partikular sa usapin ng overloading at roadworthiness, may ilan pa ring hayagang lumalabag. Sila ang target natin dito,” dagdag pa niya.
Ang parusa para sa mga trak at trailer na lalampas sa itinakdang gross vehicle weight ay katumbas ng dalawampu’t limang porsyento (25%) ng Motor Vehicle Users Charge (MVUC).
Ipinaliwanag ni Asec. Mendoza na ang mga trak na overloaded ay madalas na nakaaapekto sa kondisyon ng makina at sistema ng preno, na naging sanhi ng ilang malulubhang aksidente sa kalsada sa mga nakalipas na taon.
Batay sa datos ng LTO, karamihan sa mga nahuli dahil sa paglabag sa RA 8794, o overloading, ay mula sa LTO Central Office, kasunod ang LTO-National Capital Region at LTO Northern Mindanao.
Dagdag ni Asec. Mendoza, nakikipag-ugnayan na sila ngayon sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya ng gobyerno upang lalo pang paigtingin ang kampanya laban sa overloading, sa pamamagitan ng dagdag na tauhan at pasilidad na tutulong sa mas epektibong pagpapatupad ng batas.
Kabilang dito ang pagtatayo ng mga weighing bridges sa mga pangunahing lansangan sa buong bansa. (PAUL JOHN REYES)

NAVOTAS, ACTION LUMAGDA   PARA SA SCHOOL-BASED FEEDING PROJECT

Posted on: September 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PUMASOK sa isang kasunduan ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas, katuwang ang A Child’s Trust Is Ours to Nurture (ACTION), Inc. para sa pagtatag ng isang community-based kitchen at Tanza Elementary School.
Lumagda si Mayor John Rey Tiangco at ACTION Founder at President Hajime Yokota sa Memorandum of Understanding (MOU) para sa pormal na pagtutulungan na naglalayong mapabuti ang kalusugan at nutrisyon ng 100 piling bata mula sa Tanza ES sa pamamagitan ng Akamegane Kitchen Project.
Sa ilalim ng kasunduan, sasagutin ng ACTION ang gastos sa pagtatag at pagpapatakbo ng kusina, magbibigay ng pagkain sa mga benepisyaryo, subaybayan ang pag-unlad ng kanilang kalusugan, at magsusumite ng mga regular na ulat sa mga donor nito. Kasama sa mga sponsor Yamasato, InfiniVan, Inc., at Junnoke Kobayashi.
Samantala, ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas, sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office at City Health Office, ay magbibigay ng physical space, utilities, permits, training, at technical assistance upang matiyak ang ligtas at de-kalidad na paghahanda ng pagkain.
“We welcome this partnership with ACTION, Inc. and its supporters. Proper nutrition plays a vital role in learning, and through this project, we hope to give our children a better chance to achieve their full potential,” ani Mayor Tiangco.
Sinabi ni Japanese comedian and TV host Ryota Yamasato, nagsimula ang Akamegane Kitchen noong August 28, 2025. Ang pasilidad ay may tatlong locally staff hired personel na naghahain ng pang-araw-araw na pananghalia sa paaralan na idinisenyo upang matugunan mga pamantayan sa nutrisyon.
Ang proyekto ay tatakbo hanggang August 2028, kung saan ang parehong partido ay nagsasagawa ng taunang pagtatasa upang matukoy ang epekto at pagpapanatili nito.
Nagpasalamat naman si Tiangco sa ACTION at mga donor nito na ang inisyatiba aniya ay sumasalamin sa patuloy na pangako ng lungsod sa kapakanan sa child welfare at education.
“This is more than just about providing meals—it is about giving our children the nourishment they need to grow healthy and learn effectively. We are grateful for ACTION’s trust and generosity, and we hope more partners will join us in uplifting the lives of Navoteño children,” aniya. (Richard Mesa)

Yaya, alagang batang babae utas sa sunog sa Malabon

Posted on: September 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ISANG yaya at alaga niyang 3-taong gulang na batang babae ang nasawi habang kritikal naman ang 6-anyos na kapatid na babae nito nang ma-trap sa nasusunog na inuupahang bahay sa Malabon City, Lunes ng gabi.
Hindi umabot ng buhay sa Manila Central University (MCU) Hospital ang yayang si Juvy Ventura, nasa 30 hanggang 40–taong gulang, at ang alaga niyang 3-taong gulang na batang babae.
Patuloy namang inoobserbahan sa naturang pagamutan ang anim na taong gulang na batang babae na nagtamo ng 3rd degree burn sa katawan.
Sa ulat ni Malabon City Fire Marshal Supt. Elaine Evangelista, sumiklab ang sunog sa paupahang bahay na pag-aari ng isang Edwin Domingo, 48, sa 15, Sociego St. Brgy. Tinajeros dakong alas-11:50 ng gabi.
Ayon sa mga kapitbahay ng biktima, napansin nila ang maitim na usok na nagmumula sa inuupahang bahay ng mga biktima kaya naglakas-loob silang pasukin ang bahay at pinagtulungang apulahin ang apoy hanggang makita sa ikalawang palapag ang mga biktima.
Unang nailabas ang anim na taong gulang na biktima bago ang yaya na nakayakap pa sa kanyang batang alaga na kapuwa wala ng malay nang isugod sa pagamutan.
Umabot lang sa unang alarma ang sunog bago tuluyang naapula dakong alas-12:38 ng Martes ng madaling araw habang inaalam pa kung ano ang sanhi ng pagsiklab ng apoy at kung magkano ang halaga ng natupok na ari-arian.
Napagalaman na nasa panggabing duty bilang nurse ang ina ng mga bata habang sa ibang bansa nagta-trabaho ang kanilang ama kaya ang yaya lamang ang naiiwan sa mga bata. (Richard Mesa)

PDEA, BUREAU OF CUSTOMS NAKATIMBOG NG ₱75-M HALAGA NG SHABU SA CLARK FREEPORT ZONE SA JOINT AIRPORT INTERDICTION OPERATION

Posted on: September 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MATAGUMPAY na naharang ng Bureau of Customs at Clark Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (CRK-IADITG) na pinamumunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region III, ang isang shipment ng methamphetamine hydrochloride (shabu) na nagkakahalaga ng ₱75,072,000.00 sa isinagawang joint airport na interdiction sa Clarkehouse, Clarke. Pampanga.
Nasamsam ng mga awtoridad ang isang kahina-hinalang parsela na idineklara bilang “Industrial Water Chiller” na may tracking number na 883725003206, na ipinadala mula sa Mexico at naka-consign sa isang address sa Cainta, Rizal. Sa pag-inspeksyon, natuklasan ng mga operatiba ang 11.04 kilo ng shabu na nakatago sa loob ng kargamento.
Dalawang suspek ang naaresto sa operasyon:
•Alyas Dexs, 52, ng Cebu;
•Alyas Maca, 54, ng Tarlac.
Parehong mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Sections 4, 11, at 20, Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Kinumpirma ng PDEA Regional Office III na sasailalim sa laboratory examination ang mga nakumpiskang substance habang nasa kustodiya na ngayon ang mga naarestong personalidad. Kung mapatunayang nagkasala ito ay may parusang habambuhay na pagkakakulong at multang mula ₱500,000.00 hanggang ₱10M.
Pinapurihan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani R. Nerez ang tuluy-tuloy na pagtutulungan ng lahat ng law enforcement at border control agencies, na idiniin na ang pagharang ay nagtatampok sa walang humpay na pangako ng gobyerno na putulin ang supply ng iligal na droga sa mga daungan ng pagpasok ng bansa.
Nangako ang CLARK-IADITG na paigtingin ang mga operasyon alinsunod sa whole-of-nation approach sa ilalim ng direktiba at pananaw ng Bagong Pilipinas na kampanya ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr., laban sa ilegal na droga. (PAUL JOHN REYES)

Crime rate sa ‘Pinas bumaba ng 16.5 percent – PNP

Posted on: September 3rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
Ipinagmalaki ng Philippine National Police (PNP) ang pagbaba ng krimen sa bansa sa 16.5% mula Enero hanggang Agosto 2025, kumpara sa parehong panahon noong 2024.
Sa datos ni PNP Public Information Chief Brig. Gen. Randulf Tuaño, nakasaad na mula sa 26,969 focus crimes noong nakaraang taon, bumaba ito sa 22,519 ngayong taon.
Kabilang sa mga focus crimes ang murder, homicide, rape, physical injury, carnapping, at theft.
Ani Tuaño, indikasyon lamang na patuloy na pinaiigting ng PNP ang kampanya laban sa iba’t ibang krimen sa bansa kabilang na ang police vi­sibility at 5-minute response timepartikular ngayong pagpasok ng “ber” months.
Nilinaw ni Tuaño na taliwas ito sa pahayag ng Chinese embassy na lumalala ang kaso sa bansa kung saan target ang mga Chinese nationals.
Inatasan naman ni Acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang Directorate for Intelligence na makipag-ugnayan sa Chinese Embassy upang malaman ang kanilang mga reklamo at nalalamang kaso na kinasasangkutan ng kanilang mga kababayan.