• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 2:09 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 6th, 2025

Estados Unidos, naglaan ng P3-B aid para sa Pinas; pauna simula nang itigil ang tulong

Posted on: September 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGLAAN ang gobyerno ng Estados Unidos ng P3 billion (USD60 million) na foreign assistance sa Pilipinas, itinuturing na unang anunsto sa alinmang bansa mula nang itigil ng Estados Unidos ang karamihan sa foreign aid commitments nito noong Enero.

Tiniyak ng US Embassy sa Maynila na ang pagpopondo, idinaan sa US Department of State, ay susuporta sa mga programa sa enerhiya, maritime security, at paglago ng ekonomiya sa Pilipinas.

Ang aid announcement ay ginawa matapos ang pagpupulong sa pagitan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at US Secretary of State Marco Rubio sa Washington, DC, nito lamang Hulyo 21.

“This is the US government’s first announcement of new foreign assistance for any country since the Trump Administration began its review and realignment of foreign assistance in January,” ang sinabi ng embahada sa isang kalatas.

Samantala, inanunsyo ng State Department ang intensyon nito na makatrabaho ang US Congress para maglaan ng P825 million (USD15 million) ng kabuuang pondo “to catalyze private sector development” sa Luzon Economic Corridor (LEC).

Kapag naaprubahan, ito ay susuporta sa mga pamumuhunan sa transportasyon, logistic, enerhiya at semiconductors sa Luzon.

Inilunsad naman ng Pilipinas, Estados Unidos at Japan ang LEC noong April 2024 para suportahan ang pag-unlad sa Luzon, kasama ang Subic-Clark-Manila-Batangas (SCMB) Cargo Railway bilang flagship project nito.

Sa ilalim ng LEC, “the three countries commit to accelerating coordinated investments in high-impact infrastructure projects, including port modernization, clean energy, semiconductor supply chains and deployments, agribusiness, and civilian port upgrades at Subic Bay.”

Samantala, sinabi ng embahada na ang pakikipagpulong ni Pangulong Marcos kay US President Donald Trump, Rubio, at US Secretary of Defense Pete Hegseth sa Washington, DC ngayong linggo “reaffirmed the United States’ ironclad commitment to the US-Philippines Alliance and advanced closer economic ties between the two nations.” (Daris Jose)

DRUG PERSONALITY NA NASA TARGET LIST NG PDEA-PNP ARESTADO, ₱1.7M HALAGA NG SHABU NAKUMPISKA

Posted on: September 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAARESTO ng mga operatiba ng PDEA 7, katuwang ang PNP Regional Intelligence Unit 7, ang isang drug personality na kabilang sa regional target list ng PDEA-PNP sa pamamagitan ng isinagawang buy-bust operation sa Benedicto Street, Barangay Tejero, Cebu City, noong Setyembre 3, 2025, bandang alas-2:30 ng hapon.

Kinilala ni PDEA 7 Regional Director Joel B. Plaza ang suspek bilang si alyas Jun, 42 taong gulang, drayber sa barangay hall, at residente ng Barangay Carreta, Cebu City.

Nakumpiska sa operasyon ang limang (5) pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit-kumulang 250 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱1,700,000 sa pamilihan, kasama ang buy-bust money at iba pang ebidensiyang hindi droga.

Isinailalim na sa chemical analysis at wastong disposisyon sa PDEA 7 Regional Office Laboratory ang mga nakumpiskang ebidensya.

Ang pagbebenta ng ipinagbabawal na droga, anuman ang dami at kalidad nito, ay may kaukulang parusang habambuhay na pagkabilanggo at multang mula ₱500,000 hanggang ₱10M. (PAUL JOHN REYES)

Unveiling ng rebulto ni Omaghicon

Posted on: September 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Kasaysayan, muling binuhay at itinayo ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang rebulto ng Datu ng Nayon ng Butas na si Omaghicon. Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco ang unveiling ng Omaghicon statue sa Navotas Citywalk and Amphitheater sa C4 na kanyang permanenteng tahanan na sinamahan ng pagtatanghal ng buhay at kamatayan ni Omaghicon mula sa Tanghalang Suhay Dance Company ng Tanza National High School. (Richard Mesa)

First Couple, biktima rin ng panloloko ng mga Discaya

Posted on: September 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BIKTIMA rin ng panloloko ng mga Discaya ang First Couple na sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Unang Ginang Lisa Araneta -Marcos matapos bigyan ng substandard na resulta ng ipinatayong Philippine Film Heritage Building, sa Intramuros, Lungsod ng Maynila.

Ang nasabing gusali ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ay alay ng First Couple sa Film Industry.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ang puso at adbokasiya ng Unang Ginang ay para mapalago pa ang mga pelikulang gawang Filipino.

“Pero itong building na ito, instead na ngayon dapat i-turn over dahil ngayon ang supposed to be tapos na, Sept 4, 2025, ay makikita natin kung papaano pa ito nagawa at bakit nakakadismaya. At ang contractor ng building na ito ay Great Pacific Builders and General Constractor Inc., isa ito sa mga korporasyon ng mga Discaya,” ayon kay Castro.

Kitang-kita aniya ang low standard o substandard ng pagkakagawa ng nasabing gusali.

Ipinakita rin ni Castro ang mga palpak at hindi tapos na pagkakagawa ng gusali. Ang proyekto ay sinimulan noong Disyembre 20,2024 at inaasahan na makukompleto sana ngayong araw ng Huwebes, Setyembre 4.

“Mismong ang gobyerno pa talaga, at ito pa mismong proyekto ito ang parang niloko pa ng mga Discaya,” ang sinabi pa rin ni Castro.

Sinabi ni Castro na kapag walang naibigay na balidong dahilan ang mga Discaya sa nakadidismayang proyektong ito ay maaaring kasuhan ang mga ito. Ani Castro may civil liability ang bagay na ito at kung mayroon aniyang makikitang panloloko ay hindi aniya maikakaila na maaaring kasuhan ang mga Discaya ng estafa.

Sa kabilang dako, ang halaga ng nasabing kontrata para sa proyektong ito ay P107, 983,128.81.

“So, gusto ko lang sabihin sa inyo na ang kontratang ito, ang contractor dito ay hindi lang pang baha, pang-building pa,” aniya pa rin sabay sabing lumabalas na hindi lamang mukhang flood control projects ang naaaektuhan, marami aniyang imprastraktura, gusali, mga programa ng gobyerno ang mukhang maaapektuhan dito kaya’t tuloy -tuloy ang pag-iimbestiga ng Pangulo.

Ang kontrata aniya ay sa ilalim pa rin ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Samantala, dismayadong-dismayado aniya ang Unang Ginang sa kinalabasan ng proyektong ito lalo pa’t pinalabas ng mga Discaya na bagong building ito o bagong gawa at hindi ni-renovate.

“Noong kinausap niya (Unang Ginang Lisa) kami rito, siya mismo ay talagang dismayadong-dismayado kasi ang First Lady kasi kapag gusto niya ang trabaho, dapat maayos. So, dapat kapag nakipag-kontrata ka, huwag ka ng kukuha ng maraming kontrata kung hindi mo naman kayang tapusin,” ang litanya ni Castro.

 Samantala, nang hingan ng komento si Atty. Samaniego , abogado ng mga Discaya sa isiniwalat na ito ni Castro, ang naging tugon ng una ay “Clueless daw at itatanong daw niya sa kanyang boss Curlee” ang bagay na ito. (Daris Jose)

PBBM, pinangunahan ang ‘switch-on’ ng bagong power plants sa Siquijor

Posted on: September 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ceremonial switch-on ng 17.8-megawatt ng bagong Siquijor Diesel Power Plants sa nasabing lalawigan.

Dinisensyo upang makakuha ng energy future ang nabanggit na isla, sinabi ng Presidential Communications Office na ang tatlong bagong mga pasilidad —4.4 MW sa Larena, 6.6 MW sa Lazi, at 6.8 MW sa Siquijor— ay minadali kasunod ng pagpapawalang bisa sa Siquijor Island Power Corporation’s (SIPCOR) permit para mag-operate bilang power supplier ng lalawigan.

May kakayahang kapasidad na 12.25 MW at isang 1.7 MW reserve laban Siquijor’s 9 MW peak demand, layon ng proyekto na tiyakin na magpapatuloy at matatag ang kuryente para sa mga kabahayan at mga negosyo.

Ang mga planta, itinayo sa pamamagitan ng kolaborasyon ng National Electrification Administration (NEA), PROSIELCO, at Cebu Electric Cooperative (CEBECO) I at III, at partner stakeholders, hangad na mabawasan ang brownouts at ayusin ang system reliability sa Siquijor.

“It will also spur local economic growth in the province,” ayon sa PCO.

Sa ulat, binawi ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang permit to operate ng Villar-owned Siquijor Island Power Corporation (SIPCOR) dahil sa matinding krisis sa kuryente sa Siquijor, ayon sa Department of Energy (DOE).

Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, ang utos ay epektibo agad matapos mabigong ayusin ng SIPCOR ang problema sa kuryente sa loob ng halos dalawang buwan.

Ayon sa National Electrification Administration (NEA) audit, nakaranas ng kabuuang 568 power interruptions ang mga residente, o higit 31 beses kada buwan, simula noong Enero.

Dahil dito, idineklara ng lalawigan ang state of emergency kung saan apektado ang mga ospital, paaralan, at kabuhayan, lalo na sa turismo.

Pinalitan na ng PROSIELCO (local electric cooperative) ang SIPCOR sa pamamagitan ng kasunduang pansamantalang suplay ng kuryente sa Total Power Inc.

Nilinaw ni Garin na ang aksyon ay hindi pulitikal at resulta ng patuloy na pagkabigong tuparin ng SIPCOR ang tungkulin nito.

Samantala, kinumpirma naman ng SIPCOR ang pagkakatanggap ng order at nagsabing pag-aaralan nila ito upang maghain ng legal na tugon.  (Daris Jose)

Binatilyo, kalaboso sa pananakit, panunutok ng baril sa ka-live-in sa Malabon

Posted on: September 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KULONG ang 24-anyos na kelot matapos i-reklamo ng pananakit, pagbabanta at panunutok ng baril sa kanyang live-in partner sa Malabon City.

Ayon kay Malabon Police Chief P/Col. Allan Umipig, kasong paglabag sa R.A 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act) at paglabag sa Art. 282 of the RPC (Grave Threat) ang isinampa nila laban sa suspek na si alyas “Jeff”, batilyo.

Sa reklamo sa pulisya ng biktimang si alyas “Lona”, 35, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang maganap umano ang pananakit sa kanya ng suspek sa loob ng kanilang bahay sa Phase 3, Area 1, Brgy., Longos.

Hindi pa nakuntento, pinagbantaan at tinutukan pa umano siya ng baril ng suspek na dahil sa labis na takot ay humingi na ng tulong ang biktima sa kay P/Capt. Lalaine Almosa, Acting Commander ng Malabon Police Patrol Base 7.

Kaagad namang nagpunta ang mga tauhan ni Capt. Almosa sa bahay ng mag live-in partner subalit, hindi na nila naabutan si alyas Jeff habang kusang pinapasok sila ng biktima at itinuro sa kanila ang kung saan itinago ng suspek ang baril nito.

Nang buksan ang drawer na itinuro ng biktima, tumambad sa mga pulis ang isang kalibre .357 Magnum revolver na kargado ng apat na bala kaya kinumpiska nila ito.

Sa isinagawang follow-up operation ng pulisya, naaresto ang suspek sa paglabag sa R.A 9262 at nang hanapan siya ng kaukulang mga dokumento hinggil sa legalidad ng kanyang baril ay walang naipakita si ‘Jeff’ kaya madagdagan pa ang kanyang kaso ng paglabag sa R.A 10591. (Richard Mesa)

Mga inisyatibo sa edukasyon ni Cong. Egay, pinuri ni DepEd Sec. Angara

Posted on: September 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINURI ni Department of Education (DepEd) Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara ang mga inisyatibo ni Caloocan City District 2 Congressman Egay Erice para sa sektor ng edukasyon sa kanyang distrito.

Sa isinagawang budget briefing ng Kamara ng DepEd, ibinahagi ni Cong. Erice ang ilan sa mga natuklasan mula sa ginanap na Education Summit sa Caloocan, kabilang na ang lumalalang isyu ng mga magulang na tila nawawalan na ng interes sa paggabay sa kanilang mga anak sa pag-aaral.

Ayon sa kay Cong. Erice, ito ay isa sa mga pangunahing problemang kailangang tugunan ng DepEd.

Bilang tugon naman ni Secretary Angara, kinilala niya ang mga pagsisikap ni Rep. Erice at sinabing mahalagang maipagpatuloy ang mga ganitong inisyatibo sa iba pang bahagi ng bansa.

Nagbiro pa si Angara na inimbitahan niya si Dr. Milwida “Nene” Guevara ng Synergeia Foundation na maging bahagi ng DepEd upang mas mapalawak ang tulong sa mga lokalidad gaya ng Caloocan.

“𝘠𝘰𝘶 𝘮𝘦𝘯𝘵𝘪𝘰𝘯𝘦𝘥 𝘵𝘩𝘦 – 𝘔𝘢’𝘢𝘮 𝘕𝘦𝘯𝘦 𝘎𝘶𝘦𝘷𝘢𝘳𝘳𝘳𝘢 — 𝘸𝘦 𝘢𝘤𝘵𝘶𝘢𝘭𝘭𝘺 𝘢𝘴𝘬 𝘩𝘦𝘳 𝘵𝘰 𝘫𝘰𝘪𝘯 𝘵𝘩𝘦 𝘥𝘦𝘱𝘢𝘳𝘵𝘮𝘦𝘯𝘵 (𝘌𝘥𝘶𝘤𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯) 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘮𝘢𝘴 𝘨𝘶𝘴𝘵𝘰 𝘯’𝘺𝘢 𝘵𝘶𝘮𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘊𝘢𝘭𝘰𝘰𝘤𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘴𝘢 𝘪𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘶𝘨𝘢𝘳,” ani Angara. (Richard Mesa)

 

DISCAYA, DI PA NAKAKALABAS NG BANSA – BI 

Posted on: September 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINABULAANAN  ng Bureau of Immigration (BI) na nakalabas na ng bansa ang mag-asawang Discaya.

Nilinaw ng Bureau of Immigration (BI) ang ulat na nakalabas na ng bansa ang mag-asawang Sara at Pacifico Discaya.

Ang mag-asawang Discaya ay iniuugnay sa maanomalyang flood control project sa bansa at kabilang sa listahan ng mga nasa ilalim ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO).

Ito’y kasunod ng mga ulat online na umano’y bumiyahe na ang pamilya discaya patungong Hanoi, Vietnam.

Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, wala rin silang impormasyon kung nasa ibang bansa na rin ang mga kaanak ng mag-asawa.

Ibinunyag din ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na may ilang indibidwal nang nasa labas ng bansa kahit nasa ilalim ng ILBO, pero karamihan aniya ay nananatili pa rin sa Pilipinas.

Nilinaw naman ng DOJ na ang ILBO ay para lamang sa monitoring at iba sa Hold Departure Order (HDO) na iniisyu ng korte.

Pero kung lalabas ng bansa ang mga sangkot, tiyak aniya na marami silang kailangang saguting katanungan. (Gene Adsuara)

BASECO HOSPITAL, BUKAS NA

Posted on: September 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BINUKSAN na ang President Corazon C. Aquino Hospital o mas kilala sa Baseco Hospital na matatagpuan sa Tondo, Manila.

Nitong Biyernes, September 5, pinasinayaan na ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang inagurasyon ng President Corazon C. Aquino General Hospital .

Ito ang ikapitong pampublikong ospital na pinondohan at pinatatakbo ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila. Matatagpuan ito sa loob ng Baseco Compound sa Barangay 649 at may 50-bed capacity, kumpletong departments, emergency room, digital x-ray, at centralized oxygen supply.

Tinatayang aabot sa 80,000 residente ng Baseco at Intramuros ang makikinabang dito. Ayon kay Mayor Isko, simbolo ito ng social justice at “kalayaan sa kahirapan” para sa komunidad.

Ayon kay Manila Health Department (MHD) OIC Dra. Grace Padilla, mayroong 50 bed capacity ang hospital ngunit asahan aniya na madaragdagan pa ito pagsapit ng Disyembre sa tulong na rin ng Department of Health (DOH).

Pinasalamatan din ni Mayor Isko ang dating Pangulong Corazon Aquino na nagsilbing inspirasyon sa pangalan ng ospital bilang simbolo ng demokrasya.

Dagdag pa ng alkalde, pangunahing prayoridad ng lungsod ang minimum basic needs tulad ng pabahay, edukasyon, kalusugan at trabaho—hindi lamang mga proyektong palamuti, kundi mga programang tunay na nakakaangat sa buhay ng tao. (Gene Adsuara)

11 katao, huli sa akto sa sugal, droga sa Valenzuela 

Posted on: September 6th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAGKAKASAMANG isinelda ang 11 katao, kabilang ang apat drug suspects matapos maaresto ng pulisya sa magkahiwalay na anti-illegal gambling operations sa Valenzuela City.

Sa report ni PCpl Christopher Quaio kay Valenzuela Police Acting Chief P/Col. Joseph Talento, dakong alas-5:15 ng hapon nang maaktuhan ng mga tauhan ng Patrol Base 2 ang tatlong lalaki na nagsusugal ng ‘cara y cruz’ sa Lower Tibagan Compound, Brgy. Gen T De Leon.

Nasamsam sa kanila ang tatlong peso coins na gamit bilang ‘pangara’, bet money at isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nakumpiska kay alyas “Jayson”, 27.

Alas-8:20 ng gabi nang mahuli naman sa akto ng mga tauhan ng Patrol Base 4 sa Pinagpala Ext., Bukid Pinalagad, Brgy. Malinta ang dalawang kelot na abala sa paglalaro umano ng ‘cara y cruz’. Nakuha sa kanila ang bet money, tatlong peso coins ‘pangara’ at isang plastic sachet ng umano’y shabu na nasamsam kay alyas “Matt”, 24.

Sa Brgy., Ugong, huli rin sa akto ng mga tauhan ng Patrol Base 8 ang tatlong lalaki na nagka-cara y cruz sa Building 16 ng AMVA Homes dakong alas-5:10 ng hapon. Nasamsam sa kanila ang bet money, tatlong peso coins ‘pangara’ at isang plastic sachet ng hinihinalang shabu at nakuha kay alyas “Gil’, 42.

Samantala, tiklo naman sa mga tauhan ng Patrol Base 6 ang tatlong indibidwal nang maabutan na naglalaro ng sugal na ‘cara y cruz’ sa gilid ng basketball court sa I. Marcelo St., Brgy., Malanday. Nakumpiska sa kanila ang tatlong peso coins ‘pangara’ at bet money habang ang isang plastic sachet ng sinasabing shabu ay nakuha kay alyas “Abed”, 42.

Ayon kay PMSg Carlito Nerit Jr., kasong paglabag sa PD 1602 at paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa nila laban sa mga suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)