• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga inisyatibo sa edukasyon ni Cong. Egay, pinuri ni DepEd Sec. Angara

PINURIย ni Department of Education (DepEd) Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara ang mga inisyatibo ni Caloocan City District 2 Congressman Egay Erice para sa sektor ng edukasyon sa kanyang distrito.

Sa isinagawang budget briefing ng Kamara ng DepEd, ibinahagi ni Cong. Erice ang ilan sa mga natuklasan mula sa ginanap na Education Summit sa Caloocan, kabilang na ang lumalalang isyu ng mga magulang na tila nawawalan na ng interes sa paggabay sa kanilang mga anak sa pag-aaral.

Ayon sa kay Cong. Erice, ito ay isa sa mga pangunahing problemang kailangang tugunan ng DepEd.

Bilang tugon naman ni Secretary Angara, kinilala niya ang mga pagsisikap ni Rep. Erice at sinabing mahalagang maipagpatuloy ang mga ganitong inisyatibo sa iba pang bahagi ng bansa.

Nagbiro pa si Angara na inimbitahan niya si Dr. Milwida “Nene” Guevara ng Synergeia Foundation na maging bahagi ng DepEd upang mas mapalawak ang tulong sa mga lokalidad gaya ng Caloocan.

“๐˜ ๐˜ฐ๐˜ถย ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ฅย ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆย –ย ๐˜”๐˜ข’๐˜ข๐˜ฎย ๐˜•๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ฆย ๐˜Ž๐˜ถ๐˜ฆ๐˜ท๐˜ข๐˜ณ๐˜ณ๐˜ณ๐˜ขย โ€”ย ๐˜ธ๐˜ฆย ๐˜ข๐˜ค๐˜ต๐˜ถ๐˜ข๐˜ญ๐˜ญ๐˜บย ๐˜ข๐˜ด๐˜ฌย ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ณย ๐˜ต๐˜ฐย ๐˜ซ๐˜ฐ๐˜ช๐˜ฏย ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆย ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ต๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ตย (๐˜Œ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ค๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ)ย ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ขย ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ดย ๐˜จ๐˜ถ๐˜ด๐˜ต๐˜ฐย ๐˜ฏ’๐˜บ๐˜ขย ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จย ๐˜ด๐˜ขย ๐˜Š๐˜ข๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ค๐˜ข๐˜ฏย ๐˜ข๐˜ตย ๐˜ด๐˜ขย ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จย ๐˜ญ๐˜ถ๐˜จ๐˜ข๐˜ณ,” ani Angara.ย (Richard Mesa)

ย