Unveiling ng rebulto ni Omaghicon
- Published on September 6, 2025
- by @peoplesbalita
BILANG bahagi ng pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Kasaysayan, muling binuhay at itinayo ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang rebulto ng Datu ng Nayon ng Butas na si Omaghicon. Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco ang unveiling ng Omaghicon statue sa Navotas Citywalk and Amphitheater sa C4 na kanyang permanenteng tahanan na sinamahan ng pagtatanghal ng buhay at kamatayan ni Omaghicon mula sa Tanghalang Suhay Dance Company ng Tanza National High School. (Richard Mesa)
