• April 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Manilenyo, pinag-iingat ng Manila LGU vs GO! Manila parking fee scam

PINAYUHAN ng Manila City Government ang publiko hinggil sa umano’y “GO! Manila parking fee scam”.

Naglabas ng isang public advisory ang Manila City Government matapos na makatanggap ng mga sumbong mula sa mga residente kaugnay ng natatanggap nilang mga mapanlinlang na mensahe na nagsasabing mayroon silang hindi nabayarang parking fee, sa pamamagitan ng GO! Manila app.

Kasama umano ng mensahe ang isang link, na kung iki-click ng user, ay ididirekta sila sa isang fraudulent website na humihingi ng detalye ng credit card para sa pagproseso ng bayad.

“The scam involves a text message stating­ that the recipient has an alleged violation with the City of Manila, along with a payment link: https://gomanlia.com/. The link directs users to a fraudulent website that requests credit card details for payment processing,” anang lokal na pamahalaan.

Nagpaalala naman ng Manila LGU na ang naturang mensahe ay hindi opisyal na komunikasyon mula sa lokal na pamahalaan.

Giit pa nito, ang natu­rang link ay bahagi lamang ng scam at hindi dapat na i-clicked.