KAISA si 4Ps Partylist Rep. JC Abalos kay Senador Erwin Tulfo sa panawagan nito na siguruhin na tanging mga karapat-dapat na benepisaryo ang nakakatanggap ng tulong mula sa gobyerno, lalo na yaong mga programa para sa mga mahihirap.
“Dapat patas. Walang kulay politika, walang palakasan, at walang padrino. mahalaga ang kabuhayan at paghanapbuhay para maiangat ang ating mga kababayan mula sa kahirapan,” ani Abalos.
Ayon sa mambabatas, importante ang pagkakaroon ng livelihood programs para sa mamamayan .
Ngunit, hindi naman siya pabor sa panukala na alisin ang 4Ps program. Ang kailangan aniya ay i-recalibrate at palakasin ang implementation nito kahalintulad sa ibang government social services.
“Livelihood is indeed a powerful tool against poverty. But 4Ps addresses poverty from a different front, by investing in the education and health of children from the poorest households. It ensures they attend school, get regular health checkups, and that their parents participate in monthly family development seminars. We don’t have to choose one over the other. Livelihood and conditional cash transfers are not mutually exclusive. Poverty is complex, and it demands a multi-pronged approach”, giit ni Abalos.
Naniniwala pa ito na dapat gamitin ang lahat ng pamamaraan upang labanan ang kahirapan tulad nang paglalaan ng livelihood support, conditional cash transfers, healthcare, at edukasyon.
Pinaalalahanan pa nito ang lahat na walang [government] program ang perpekto, maging ito ay 4Ps, livelihood assistance, at iba pang social services at programs.
Sa kabila na vulnerable ang mga programa ng gobyerno sa misuse ay hinid sapat na dahilan ito para irekomenda ang pagpapatupad nito.
Sinabi naman ni Mamamayang Liberal Party List Rep. Leila de Lima na dapat palakasin at hindi ibasura ng programa.
Aniya, may mga gaps sa implementasyon at may ilan ding pang-aabuso kung kaya dapat itong palakasin gaya ng tamang pag-target, better monitoring, at better support systems, hindi pag-abandona sa milyong pamilya na matagal ng umaasa sa naturang program para mabuhay, maka-recover, at makatayo muli.
Bilang pangunahing author at sponsor ng Republic Act No. 11310, ang batas na nag-institutionalized sa 4Ps, sinusuportahan nito ang programa. Mahigit sa 1.5 million households ang nakapagtapos mula sa kahirapan sa ilalim ng 4Ps.
“Ngayong nasa Kongreso ako muli, isinusulong ko ang House Bill No. 1434 o ang Expanded 4Ps Act. Sa ilalim ng panukalang ito, palalawigin natin ang suporta sa mga benepisyaryo, hindi lamang sa tulong-pinansyal kundi sa pamamagitan ng adult education, livelihood training, employment facilitation, at entrepreneurship development. Hindi lang pantawid, kundi panghabambuhay na kabuhayan ang layunin,” anang mambabatas.
(Vina de Guzman)