Paglilinis sa Dampalit Integrated School
- Published on August 5, 2025
- by @peoplesbalita
MAKALIPAS ang mga pagbaha dulot ng nagdaang Habagat at bagyo, agad ipinag-utos ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval ang pagsasagawa ng paglilinis sa Dampalit Integrated School upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng mga mag-aaral at guro sa kanilang pagbabalik-eskwela. Ayon kay Mayor Jeannie, patuloy ang kanilang paglilingkod para sa mas maayos at ligtas na kapaligiran para sa kaligtasan ng bawat batang MalabueƱo. (Richard Mesa)
