• April 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 12th, 2025

Kamara, itutuloy pa ring mapanagot si VP Sara sa alegasyon ng misuse ng P612.5 milyong confidential funds  

Posted on: August 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PAHAYAG ito nina Deputy Speakers Paolo Ortega V ng La Union at Jay Khonghun ng Zambales kasunod ng sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na ang desisyon ng Supreme Court (SC) na nagdedeklarang unconstitutional ang impeachment complaint laban kay VP Duterte ay hindi nagresolba sa pananagutan nito.

“I agree with the President. The Supreme Court decision delved on procedural issues but not on the alleged misuse of CIFs received by the Office of the Vice President and the Department of Education when she was education secretary,” ani Ortega.

Ayon sa mambabatas, ang bahagi sa isyu ng accountability ay hindi pa nareresolbahan kung kaya intensiyon nilang tatanunging ang vp na bigyang linaw ang naturang pondo at sagutin kung papaano ito ginamit.

Sinabi naman ni Khonghunna ang buong 93 pahinang desisyon ng SC ay para sa proseso ng impeachment at rules ng kamara at hindi nito pinawawalang sala si VP Duterte sa usapin ng P612.5 M na natanggap ng kanyang opisina.

“In other words, the Vice President is not yet off the hook on the use of this large amount of taxpayers’ money. We will pursue accountability on her part wherever it takes us,” anang mambabatas.

Hindi rin aniya totoo ang lumalabas sa ilang social media posts na nagsasabing naabsuwelto na ang VP.

“The Duterte camp’s trolls and disinformation peddlers are busy at work again,” dagdag nito.

Umaasa na lamang ang mga mambabatas na mababaligdad ang unang desisyo ng SC upang matuloy ang impeachment trial.

Ngunit, kung hindi nagbago ang desisyon ay tatalakayin na lamang nila ito pagdating ng Pebrero 6, 2026, kung papaano ituloy na mapanagot ang VP ukol sa milyong confidential funds nito noong 2022 at 2023.

Sa ilalim ng SC ruling, sa Pebrero 6 matatapos ang one-year period kung saan maaaring maghain ng impeachment complaint laban sa vp.

(Vina de Guzman)

2 suspects sa pananaksak at pagnanakaw sa Malabon, timbog

Posted on: August 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ARESTADO ang dalawang lalaki na suspek sa insidente ng pananaksak at pagnanakaw dahil sa mabilis na pagresponde ng pulisya matapos itawag sa 911 sa Malabon City.

          Sa ulat ni Malabon Police Chief P/Col. Allan Umipig kay Northern Police District (NPD) ActinG District Director P/BGen. Jerry Protacio, nagpapatrulya ang mga tauhan ng Malabon Police Patrol Base 3 nang makatanggap sila ng tawag mula sa 911 dakong alas-2:20 ng hapon hinggil sa nagaganap na kaguluhan sa Rosita St., Barangay Santulan.

          Kaagad namang rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng Patrol Base 3 na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na si alyas “Willy”, 22, pedicab driver dakong alas-2:24 ng hapon.

          Sa pahayag sa pulisya ng biktimang si alyas “Josh”, 26, factory worker, ng Templora St., Brgy. Santulan, habang nag-iinuman sila ng kanyang mga kaibigan sa nasabing lugar bandang ala-1:40 ng hapon nang bigla na lamang umanong magwala ang suspek.

          Nang tangkain niyang awatin, nagalit umano ang suspek at naglabas ng patalim saka siya inundayan ng saksak at tinamaan siya sa kanang kamay.

          Ani Col. Umipig, alas-2:50 ng hapon nang maaresto naman ng mga tauhan ng Patrol Base 5 sa follow-up operation si alyas “Vic”, 28, ng Caloocan City matapos respondehan ang natanggap na tawag mula sa 911 hinggil sa insidente ng pagnanakaw sa Block 43, Lot 9D, Phase 3, Area 2, Kaunlaran Village, Barangay Longos.

          Narekober sa suspek ang isang cellphone na nagkakahalaga ng P12,000 at iba’t ibang uri ng ID na pagmamay-ari ng biktimang si alyas “Vincent”, 49, freelance manager at residente sa nasabing lugar. (Richard Mesa)

Kelot na wanted sa murder sa Caloocan, tiklo

Posted on: August 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGWAKAS na ang mahigit anim na taon pagtatago ng isang most wanted na kriminal matapos siyang masakote ng pulisya sa manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

          Ayon kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/BGen. Jerry Protacio, kinilala ni Caloocan Police OIC chief P/Col. Joey Goforth ang akusado na si alyas “Mac-Mac”, 29.

          Ikinasa ng mga tauhan ni Col. Goforth ang pagtugis sa akusado na kabilang sa talaan ng mga Most Wanted Person ng Caloocan police.

          Dakong alas-11:00 ng gabi nang tuluyang masukol ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section WSS) si alyas Mac-Mac sa Barangay 74, ng lungsod.

          Hindi na nakapalag ang akusado nang bitbitin siya ng mga tauhan ni Col. Goforth sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Branch 124, noong Feruary 22, 2019 para sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.

          Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng IDMS-WSS ng Caloocan police habang hinihintay ang utos mula sa korte para sa paglilipat sa kanya sa City Jail.

Pinuri naman BGen. Protacio pagsisikap at propesyonalismo ng arresting team na binibigyang-diin ang kanilang hindi natitinag na pangako sa pangangalaga sa kaligtasan ng publiko. (Richard Mesa)

Milyong pisong pangkabuhayan, ipinamahagi ng DOLE-Calabarzon

Posted on: August 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAMAHAGI nang mahigit  sa P5 milyong tulong pangkabuhayan at emergency employment ang Department of Labor and Employment o (DOLE) CALABARZON.

Ayon sa DOLE, sa Calamba City, ang kabuuang P5.8 milyon ay ipinamahagi para sa sahod sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers o TUPAD katuwang ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan.

Sinabi ni DOLE CALABARZON Regional Director Atty. Erwin Aquino, simbolo ito ng pagtutulungan para sa iisang layunin—ang palakasin at bigyang-kapangyarihan ang mga komunidad.

Binigyang-diin din ni Officer-in-Charge Angelique Yaun na mahalaga ang pangmatagalang epekto sa kabuhayan at hindi lamang ang agarang tulong.

Patuloy na isinusulong ng DOLE ang whole-of-nation approach para sa mas inklusibo at matatag na kinabukasan ng bawat Pilipino. (Gene Adsuara)

Online registration, ipapatupad ng Comelec  

Posted on: August 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAGPAPATUPAD ang Commission on Elections ng online registration para sa susunod na halalan para makaiwas na rin sa dagsa ng mga magpaparehistro .

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, electronic registration ang paraan ng komisyon para makapagparehistro online ang mga botante kung walang maipapasang batas para rito.

Ang pahayag ni Garcia ay kasunod ng insidente kung saan may nahimatay o nabilad sa init ng araw dahil sa haba at dami ng mga voter registrants.

Pero paglilinaw ni Garcia, kinakailangan pa ring magtungo sa local offices ang mga nagparehistro online upang makuhanan ng litrato at biometrics .

“Tapos pag nagpa-online ka automatically ‘yung mismong system magbibigay sayo ng date kung kailan ka pupunta sa local Comelec ibig sabihin hindi muna kailangan pa pumila pa para maisubmit ‘yung form para hindi na po napupuno registration site natin na nakapila para magsubmit ng papel,” ani Garcia.

Target ng Comelec na ipatupad ang online voter registration sa Oktubre para sa BSKE sa 2026 kung magiging batas ito at sa presidential election sa 2028. (Gene Adsuara)

PDEA, DDB nagbabala sa publiko laban sa paglaganap ng sigarilyong “Tuklaw” sa Pilipinas  

Posted on: August 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

XML:com.adobe.xmp: ???? ? ? ? ? 2025-08-08? da1eb7c0-5eca-4647-aee3-ea756dd637f8? 525265914179580? 2? ? ? ? ?? ? Yes? ?? ? ? ? No-Tobacco – 4? ? ? ?? ? Miguel Tan? ?? ? Canva doc=DAGveJRZaNc user=UAF9S9i_Aew brand=BAF9SypyKAw template=Red and Black Modern No-Tobacco Day Instagram post? ???

NAGBABALA sa publiko ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ang Dangerous Drugs Board (DDB) laban sa paglaganap ng “Thuoc Lao”, na kilala bilang “Tuklaw” na sigarilyo sa mga lansangan.

Inilabas ni PDEA Director General Undersecretary Isagani R. Nerez ang resulta ng mga laboratory findings ng Agency sa sigarilyo na nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng nicotine at synthetic cannabinoid na idinisenyo upang gayahin ang mga epekto ng marijuana ngunit mas mabisa at mapanganib. Kapag ginamit ng mga naninigarilyo ang “Tuklaw” ay maaaring makaranas ng mga psychotic episodes at hallucinations.

Nakaagaw ng atensyon sa publiko kamakailan lang ang mga naiulat sa balita na ang ilang mga teenager ay nangingisay at nawalan ng malay matapos subukang manigarilyo ng “Tuklaw”.

Ang “Thuoc Lao” ay isang planta ng tabako na lumago sa kabundukan ng Northern Vietnam. Sa lokal, maaari itong pausukan o nginunguya bilang bahagi ng kanilang mga ritwal. Ang tradisyonal na paraan ng paninigarilyo ng tabako ay ang paggamit ng tubo na tinatawag na bamboo bong. Ang nicotine content ng “Thuoc Lao” ay maaaring umabot ng hanggang siyam na porsyento kumpara sa mga ordinaryong sigarilyo na may average na isa hanggang tatlong porsyento lamang.

Ang mga nakamamatay na sigarilyong ito na may synthetic cannabinoid ay halatang smuggled goods at iniulat na ibinebenta online. Nagbabala ang PDEA sa publiko na huwag tangkilikin ang sigarilyong “Tuklaw” dahil sa mga seryosong panganib nito sa kalusugan.

Pagkatapos magsagawa ng mga confirmatory test gamit ang Gas Chromatograph – Mass Spectrometry (GC-MS) na tumukoy sa pagkakaroon ng synthetic cannabinoid sa mga sigarilyong “Tuklaw,” ang PDEA Laboratory Service ay humingi din ng tulong sa mga international at domestic forensic laboratories para makapagtatag ng isang tiyak na resulta.

“Ang parehong ahensya ay makikipag-ugnayan din sa mga kinauukulang sektor, mga eksperto sa kalusugan ng publiko, at sa mga iba pang ahensya ng gobyerno, kabilang ang Department of Health, National Bureau of Investigation at ang Food and Drug Administration, upang matiyak na ang anumang resulta ng panukalang patakaran ay komprehensibo, balanse, at maipapatupad,” sabi ni DDB Chairman Secretary Oscar F Valenzuela.

“Ang tunay na layunin ay protektahan ang kapakanan at interes ng pangkalahatang publiko laban sa mga banta at panganib ng nakakahumaling at nakakapinsalang mga sangkap tulad ng mga sintetikong cannabinoid”, pagtatapos ni DDB Chairman. (PAUL JOHN REYES)

Isang pagrerepaso sa issue: Dalian Trains sa MRT 3, matapos ang 10 taon, makakatulong na ito sa paglago ng turismo sa MM  

Posted on: August 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MATAPOS  ang sampung (10) taon na pag-aayos ng Dalian trains dahil sa problema nang hindi tugmang standards sa Metro Rail Transit 3 na ginawa ng CRRC Dalian ay tumakbo na rin ang unang tatlong three-car na bagon.

Ang nasabing Dalian trains ay may kabuuang 16 na three-car light rail vehicles.

Ang mga bagon ay dumating sampung (10) taon na ang nakalipas matapos na lagdaan ang kontrata sa pagitan ng Department of Transportation (DOTr) at CRRC Dalian ng

China.

Dahil sa karagdagan   Dalian   trains,  ang   pamunuan ng  MRT 3   ay   positbo  na

makakatulong ito sa paglago ng turismo sa buong kalakhang Maynila dahil tataas ang kapasidad ng mga sasakay.

Sa ngayon ay tumataas ang mga bilang ng mga sumasakay kung kayat malaking

tulong ito upang mabigyan ng magandang serbisyo ang mga pasahero lalo na ang mga taong gustong pumunta sa mga lugar na may mga tourist attractions.

Turismo at Commuter Mobility

Ang Manila’s MRT 3 ay isang lifeline sa kalakhang Maynila na nagdudugtong sa

mga neighborhoods at airport upang maglakbay papunta sa tourist spots lalo na sa lungsod ng Maynila.

Dahil dito, ang bagong Dalian trains ay makakatulong upang magkaroon nang mas mabilis at komportableng paglalakbay ang mga tao sa loob ng mas maikling oras ng paglalakbay.

Mula sa colonial walls ng Intramuros hanggang sa mga luntiang harden ng Rizal Park   at   papuntang   Museum’s   galleries   hanggang   sa   mga   shopping   malls   sa   SM Megamall,  Mall   of   Asia,   at   cultural   zones   sa   lungsod   ng   Quezon,  ang   MRT   3   ay nakakatulong upang maglakbay sa mga nasabing tourists spots.

  • Ang mas maganda at mabilis na trains ay nagbibigay din ng isang magandang serbisyo sa loob ng peak travel times na tiyak na panalo ang mga residente at ang lumalagong merkado ng turismo.

Tumataas din ang bilang ng mga turista ang dumarating at bumabalik sa Pilipinas

dahil sa pagkakaroon ng gumaganda at maaasahang transportasyon sa bansa kung kaya’t nakakatulong ito upang makagala at makapaglibot sa mga city’s best sights ng stress-free.

Kapasidad at Mabilis na turn-around ng trains

Ang bagong Dalian trains ay makapagpapalakas ng kapasidad ng MRT 3. Ang bawat   three-car   set   ay   nakapagsasakay   ng   may   1,182   na   pasahero   kung   kaya’t

maiiwasan ang pagsisikip sa mga platforms kapag peak hours. Malaking tulong na ito kapag may mga holidays at fiestas ang pamilya.

Kung may malaking kapasidad ng mga trains, ang ibig sabihin ay magkakaroon ng mas maikling waiting times ang mga pasahero na mamasyal at papasok sa mga opisina.

Mas   magkakaroon   ng   isang   kaaya-aya   at   masayang   paglalakbay   ang   mga pasahero dahil mayroong improved na circulation, roomy seats, at trains na darating on time at kada konting minuto lamang ang ipaghihintay.

Dahil dito, ang isang   pasahero ay  hindi   na   mahihirapan na kumuha   ng   mga

connecting transportasyon sa mga buses, jeepney, at taxis.

Sasakay na lamang sila sa mga istasyon ng Quezon Avenue, Ayala Avenue or

EDSA at makakarating na sila sa kanilang destinasyon. Magagalak din sila dahil ang MRT 3 ay tumatakbo sa elektrisidad kung kaya’t walang polusyon kumpara sa mga buses at metro cars na gumagamit ng diesel.

Kung naghahanap ang mga turista ng isang eco-friendly na transportasyon, ang

MRT   3   ang   isang   klase   ng   transportasyon   na   mag-stand-out.     Sa   ginagawang modernisasyon at rehabilitasyon ng MRT3, kasama ang pagkakaroon ng isang greener na

paglalakbay dahil ito ay may mas mababang carbon footprints na maganda para sa mga

pasahero at mga planet-friendly visitors.

Expansion sa darating na panahon at Pagsasama sa sektor ng Turismo

Dahil patuloy na lumalago ang operasyon ng MRT 3, ang DOTr ay may planong

mas   mapalawak   pa   ang   mga   nasabing   electric   fleet   upang   mas   mapalakas   ang connectivity sa buong kalakyang Maynila.

Simula pa lamang ang pagdadagdag ng Dalian trains sa nasabing aspeto ng

modernisasyon ng MRT 3.

 

Sa lalong madaling panahon ay dadagdagan pa ito ng four-car sets at may plano rin na pahabain ang oras ng serbisyo upang mabigyan ng kaukulang oras ang tumataas na bilang ng pasahero.

Kung   may   mabilis   at   maaasahang   na   transportasyon   mas   marami   pa   ang madadaliang  sumakay   papunta   sa   mga   lugar   na   may   historical   landmarks, entertainment hubs at green parks.

Alam ng pamahalaan na importante ang seamless na transportasyon upang ang

mga  turista  ay   maengganyong bumalik   at  ibalita  sa   buong  mundo  na   maganda  ang

Pilipinas.

Ang DOTr ay isa sa mga sangay ng pamahalaan na sumusuporta sa Philippines’ tourism push. Ang isang modernong kalakyang Maynila ay magiging kaaya-ayang  bansa

na may imaheng epektibo at environmental na pangangalaga sa bansa kung saan ang isang turista ay maaaakit na bumalik-balik upang puntahan ang mga pangunahing tourist

attractions hindi lang sa kalakyang Maynila kung hindi sa buong bansa.

Konkluksyon

Ang pagdadagdag ng Dalian trains sa MRT 3 ay isang malaking hakbang para sa isang magandang pampulikong transportasyon sa kalakhang Maynila. Dahil araw-araw na parehas sumasakay ang mga tao at turista dito, sila ay makakaranas at makakita ng

isang mas maganda at maayos na paglalakbay.

Dahil sa bumabalik at lumalagong industriya sa turismo, ang rehabilitasyon at pag-aayos nito   ay   makakatulong   upang   mapanatili   ang   mga   turista   at   mga  pasahero   na makapaglakbay  at  sumakay   ng   may   mainam   na   pagkilos   mula   sa   isang   cultural   at historical sites papunta sa iba pang lugar na may magandang tanawin. LASACMAR

No More Delays: LCSP Urges for Immediate Alternative Toll Payment Systems

Posted on: August 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

THE Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) is urging the Department of Transportation (DOTr) and the Toll Regulatory Board (TRB) to introduce more toll payment options alongside the existing RFID system.

Earlier this month, DOTr Secretary Vince Dizon set a timeline for Metro Pacific Tollways and San Miguel Corporation to resolve RFID operational concerns by the first half of 2026. He also emphasized that full interoperability—where a single RFID sticker works across all tollways—requires resolving expressway connection issues first.

While RFID has brought convenience to many motorists, the issues surrounding it are not new. These concerns have been raised repeatedly over the years, yet they remain unaddressed—causing daily inconvenience for thousands of drivers. These recurring problems include:

a)    Occasional delays in barrier lifting

b)    Unexplained balance deductions

c)     Unreadable RFID stickers

d)    The “floating money” issue—funds loaded but not immediately reflected in the system

LCSP believes these long-standing problems should be addressed alongside the introduction of more payment choices. The group points to similar reforms in public transport, where the DOTr announced that LRT and MRT commuters would soon be able to pay fares via credit cards, debit cards, and now with mobile wallets such as GCash and Maya—removing the need for stored-value Beep cards and helping reduce queues.

Applying this approach to tollways would allow:

a)    Exact fare deductions – Only the actual toll is charged, without requiring locked-in balances

b)    Greater convenience – Faster and more flexible reloads via popular digital platforms

c)     Reduced delays – Minimizing congestion from malfunctioning RFID tags

With the Christmas and holiday season fast approaching—when traffic congestion on expressways is expected to worsen—LCSP stresses that action should not be delayed until 2026. Motorists have already endured these RFID-related issues for years and continue to experience them daily. Introducing e-wallet, card, and other digital payment options now would provide greater flexibility, ease traffic bottlenecks, and deliver a smoother travel experience—while still allowing RFID for those who prefer it.

=======================

Atty. Albert N. Sadili

Spokesperson 

Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP)

09660859816 – Viber and Mobile number 

DOH: Leptospirosis fast lanes, bukas na sa 19 na pagamutan

Posted on: August 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INIULAT ng Department of Health (DOH) na bukas na ang Leptospirosis Fast Lanes sa may 19 na pagamutan sa bansa.

Sa isang Facebook post, sinabi ng DOH na hanggang 10:00am ng Agosto 9, 2025 ay nasa 19 na ang DOH hospitals na kumpirmadong may Leptospirosis Fast Lanes.

Kabilang dito ang San Lorenzo Ruiz General Hospital; East Avenue Medical Center; Quirino Memorial Medical Center; Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium; Dr. Jose Fabella Memorial Hospital; Philippine Orthopedic Center; San Lazaro Hospital; Valenzuela Medical Center; Tondo Medical ­Center; Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center; Amang Rodriguez Memorial Medical Center; Rizal Medical Center; Jose R. Reyes Memorial Medical Center; National Children’s Hospital; National Center for Mental Health; Lung Center of the Philippines; National Kidney and Transplant Institute; Philippine Children’s Medical Center; at Research Institute for Tropical Medicine.

Ipinaliwanag ng DOH na layunin ng pagbubukas ng “Leptospirosis Fast Lanes” na mas mapabilis ang konsultasyon at gamutan.

“Dito, nangyayari ang assessment para malaman kung kailangan i-admit sa ospital ang pasyente o hindi. Dito rin tinitignan ang risk level ng pasyente para mabigyan ng reseta sa tamang paggamit ng doxycycline,” anang DOH.

Una nang nag-anunsiyo ang Philippine General Hospital (PGH) at Ospital ng Maynila (OSMA) na overcapacity na ang mga emergency rooms ng kanilang mga pagamutan bunsod na rin ng pagtaas ng leptospirosis cases.

Ads August 12, 2025

Posted on: August 12th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

12 – 4-merged