Nahuli si alyas ‘Jeff’, 44, matapos mahulihan ng cal. 38 revolver na walang lisensiya sa bisa ng search warrant sa Brgy. Longos, Malabon. Inaresto siya ng Malabon SS5 sa pangunguna ni P/Capt. Lalaine Almosa. Kakaharapin niya ang kaso sa ilalim ng RA 10591. Pinuri ni Gen. Ligan ang pinaigting na kampanya laban sa loose firearms.