• September 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 3rd, 2025

Impeachment secretariat, binuo para sa mga prosecutors

Posted on: March 3rd, 2025 by Peoples Balita No Comments

PORMAL nang binuo ng Kamara ang Impeachment Secretariat upang siyang maglalaan ng technical at administrative support sa public prosecutors na siyang hahawak sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, na nakapaloob sa Memorandum Order No. 19-1006 (SG) na inisyu ni House Secretary General Reginald Velasco.

 

“The House Secretariat plays a vital role in ensuring the orderly conduct of legislative proceedings, including impeachment trials. This directive ensures that the prosecution team has access to essential logistical, research, and documentation support to facilitate a smooth and efficient trial process,” ani Velasco.

 

Ang Impeachment Secretariat ay bubuuin ng mga personnel mula sa iba’t ibang opisina ng Kongreso, kabilang na ang Office of the Secretary General, Office of the Sergeant-at-Arms, Legislative Operations Department, Legal Affairs Department, at iba pang units.

 

Bahagi ng kanilang tungkulin ay ang pagbibigay ng plenary support, legal research, records management, stenographic transcription, information technology, security, at administrative coordination.

 

“This is a routine function aligned with our constitutional duty. The House Secretariat remains neutral and professional in fulfilling its mandate,” dagdag ni Velasco.

 

Upang masiguro ang accountability, ang lahat ng personnel na nakatalaga sa senado ay magtatala ng kanilang attendance sa pamamagitan ng designated HousePass monitoring system, at ang kanilang schedules ay pangangasiwaan ng kani-kanilang kaukulang opisina.

 

“As the impeachment process moves forward, the Impeachment Secretariat will continue to provide the necessary support to uphold the integrity of the proceedings,” pahayag ni Velasco(Vina de Guzman)

Korean National, inaresto ng NBI

Posted on: March 3rd, 2025 by Peoples Balita No Comments

INARESTO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Muntinlupa City ang isang Korean national na nahaharap sa kaso  sa kanilang bansa .

Ayon sa NBI, nahaharap ang banyaga  sa mga kaso dahil sa umano’y paglabag sa mga batas ng Korea, katulad ng Korean National Sports Promotion Act, Criminal Act, at Act on the Regulation of Punishment for Concealment of Criminal Proceeds.

 

Batay sa provisional arrest warrant na inilabas ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 173, sinabi ng NBI na pumunta ang mga ahente nito sa Bureau of Immigration Warden Facility sa Taguig City kasunod ng pagkakaaresto sa dayuhan.

 

Sinabi ng NBI na ang dayuhan ay dinala sa NBI-International Operations Division para sa standard booking procedures.

 

Kalaunan ay inilipat siya sa NBI Detention Center sa Muntinlupa City. (Gene Adsuara)

Successor ni VP Sara sakaling ma-impeach ito, maaga pa para pag-usapan

Posted on: March 3rd, 2025 by Peoples Balita No Comments

MAAGA pa para pag-usapan kung sino ipapalit kay Vice President Sara Duterte kung sakaling tuluyan siyang matanggal sa puwesto sa pamamagitan ng impeachment.

 

Ayon kay House Assistant Majority Leader Jil Bongalon ng Ako Bicol Party-list at miyembro ng House prosecution panel, hindi napag-usapan ng mga mambabatas na sumuporta sa impeachment ang usapin ukol sa succession.

 

Iginiit nito na mas pinagtuunan ng pansin ng mga mambabatas ang impeachment trial sa halip na anumang potensiyal na political gains.

 

“I guess for me that is a premature issue that has to be tackled kasi wala pa nga tayo dun sa impeachment trial. So siguro we’ll cross the bridge when we get there once we are able to prosecute and secure a conviction of the Vice President,” ani Bongalon.

 

Aniya, wala sa naging talakayan nila na nasambit ang isyu kung sino ang ipapalit sa vp kung sakaling ma-convict ito sa impeachment case.

 

“And then sa pag-iikot din namin sa pakikipagkwentuhan sa mga kasamahan, wala nag-signify. No one is volunteering himself or herself to be the successor or to become the Vice President,” dagdag niya.

 

Ang pahayag na ito ni Bongalon ay bilang reaksyon sa sinabi ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na tatanggihan niya ang posisyon ng vp kung sakaling ialok sa kanya ang posisyon kapag napatalsik si Duterte.

 

Inamon din ni Escudero ang mga miyembro ng House of Representatives na sumuporta sa na gawin din ang ganitong commitment.

 

Iginiit naman ng Kongresista na sa ilalim ng konstitusyon, nasa pangulo ang prerogative na mag-nominate ng bagong Vice President, na aaprubahan naman ng dalawang kapulungan ng kongreso, a magkahiwalay na botohan.

 

Una nang ini-impeach ng kamara si Duterte dahil sa iba’t ibang akusasyon kabilang na ang umano’y misuse of confidential funds at pagbabanta sa ilang mataas na opisyal kabilang na kay Presidente Bongbong Marcos.

(Vina de Guzman)

2 Russian national na namatay sa diving lesson, narekober ng PCG

Posted on: March 3rd, 2025 by Peoples Balita No Comments

 DALAWANG Russian national ang narekober ng Coast Guard Batangas na namatay sa kanilang diving session malapit sa Verde Island, Batangas City noong Huwebes.

Ayon sa inisyal na ulat, isa sa biktima ang agad na dinala sa St.Patrick Hospital sa Batangas City ngunit idineklarang dead on arrival.

Ang isa pang dayuhang biktima ay huling natagpuan na wala nang kanang braso.

 

Hinihinalang inatake ng pating ang mga biktimang diver na nagresulta ng kanilang pagkamatay.

Wala pang inilalabas na karagdagang impormasyon at detalye ang Philippine Coast Guard (PCG) hinggil dito. (Gene Adsuara)

Halos 5K Batang Kankaloo, nakinabang sa libreng health services sa Caloocan

Posted on: March 3rd, 2025 by Peoples Balita No Comments

HALOS 5,000 residente ang nakinabang mula sa mga libreng serbisyong pangkalusugan na inihandog ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan bilang bahagi ng mga aktibidad ng pagdiriwang ng ika-63 Cityhood Anniversary..

Sinimulan ng administrasyon ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang buwan sa pamamagitan ng libreng Medical & One-Stop Shop Community-Based Health Services, na nagsilbi sa halos 1,200 indibidwal.

Samantala, ang Caloocan City Medical Center (CCMC) at ang Caloocan City-North Medical Center (CCNMC) ay nagsagawa ng isang linggong libreng serbisyong medikal, kung saan ang pinagsamang bilang ng halos 3,500 indibidwal ay nag-avail ng mga serbisyong medikal, tulad ng pagpaplano ng pamilya, ob-gyne, at sexually-transmitted disease (STD) screening, dental services, ultrasound and mammogram services, electrocardiogram (ECG), at complete blood count (CBC).

Nagpahayag ng kanyang pasasalamat si Mayor Along sa mga doktor, nars, at health workers, gayundin sa buong komunidad ng CCMC at CCNMC sa pagsunod sa mga direktiba ng kanyang administrasyon sa paggawa ng de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa lahat.

“Nagpapasalamat tayo nang lubos sa CCMC, CCNMC, at sa lahat ng mga health worker sa ating lungsod na naging malaking dahilan kung bakit matagumpay ang inisyatibang ito at sa pagtulong sa atin na patuloy na ipakitang deserve ng mga Batang Kankaloo ang libre at de-kalidad na serbisyo medikal,” pahayag ng alkade.

Pinaalalahanan din niya ang lahat na ang tunay na diwa ng Cityhood Anniversary ay tunay na serbisyo publiko, na ipinamalas ng pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng pagbibigay prayoridad sa kalusugan at kapakanan ng mga nasasakupan nito.

“Ang pagdiriwang po natin ngayong buwan ay hindi lamang upang gunitain ang Caloocan Day, kundi ipakita na ang buo ang pagsisikap ng pamahalaang lungsod sa pagbibigay ng mga kailangan ng mga mamamayan,” ani Mayor Along.

Maliban dito, regular ding nagsasagawa ang lungsod ng libreng chest X-ray services para sa Tuberculosis (TB) Caravan, pagbabakuna laban sa mga nakakahawang sakit, at maging sa Sagip Mata operations. (Richard Mesa)

ASEC MENDOZA, iniutos sa LTO REGION 7 na maglabas ng suspension order laban sa mga enforcer sa Bohol viral video

Posted on: March 3rd, 2025 by Peoples Balita No Comments

INIUTOS ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II nitong Sabado March 1, sa regional director ng LTO Region 7 na maglabas ng preventive suspension order laban sa mga enforcer na sangkot sa viral video sa Bohol.

 

Ayon kay Asec Mendoza, ang ipinag-utos na preventive suspension ni DOTr Secretary Vince Dizon ay kailangang ipatupad kaagad at mananatiling epektibo hanggang sa matapos ang masusing imbestigasyon.

 

“Ang aking direktiba ay tapusin ang imbestigasyon sa lalong madaling panahon upang matukoy ang katotohanan, alamin kung may anumang pagkukulang, at tiyaking mapanagot ang sinumang may responsibilidad,” ani Asec Mendoza.

 

Noong Biyernes, February 28, kumalat sa social media ang isang video na umano’y nagpapakita ng mga enforcer ng LTO na nangmamaltrato sa isang motorcycle rider sa Panglao.

 

Agad nang ipinag-utos ni Secretary Dizon ang preventive suspension sa lahat ng LTO personnel na sangkot sa insidente sa Panglao, Bohol, at tiniyak ang masusing pagsisiyasat sa pangyayari.

 

“Mananatili itong epektibo habang hindi pa natatapos ang isang komprehensibo at patas na imbestigasyon sa insidente,” ayon sa DOTr kaugnay ng suspension order.

 

Samantala, inatasan din ni Asec Mendoza si LTO Region 7 Director Glen Galario na makipagtulungan sa investigating team na binuo ni Secretary Dizon.

 

Nagpahayag naman ng paghingi ng paumanhin si Asec Mendoza sa insidente at tiniyak na magpapatupad ng mga kaukulang hakbang upang maiwasang maulit ang ganitong pangyayari sa hinaharap. (PAUL JOHN REYES)

Libreng serbisyong medikal, hatid ng SM Foundation

Posted on: March 3rd, 2025 by Peoples Balita No Comments

PATULOY  na pinalalakas ng SM Foundation ang adbokasiya nitong ilapit ang dekalidad na serbisyong medikal sa iba’t ibang komunidad ng bansa.

Ngayong buwan ng mga puso, sa pakikipagtulungan ng SM Supermalls at iba pang social good partners, isinagawa ng SM Foundation ang sunud-sunod na medical mission sa Sta. Rosa, Laguna; Roxas City, Capiz; at Culasi, Antique.

Naghatid ito ng ­libreng konsultasyon, mga bitamina, at mga gamot para sa mga pas­yente. Sa pamamagitan naman ng Mobile Clinic, nakapagbigay rin ito ng libreng ECG at X-ray.

Layon ng SM Foundation Health and Medical programs na mapabuti ang kalusugan ng mga komunidad. Simula ng ilunsad ito, nakapagsagawa na ng halos 1,700 medical mission ang foundation na nakatulong naman sa higit 1.2 milyong pasyente.