SA newest public service program na “Si Manoy ang Ninong Ko”, ma-inspire sa mga kuwento ng pag-asa, katatagan, at modern day na ‘bayanihan’, simula na ngayong Linggo, ika-3 ng Marso sa GMA-7. Magsisilbing hosts sina Gelli de Belen, Patricia Tumulak, Sherilyn Reyes-Tan at si Manoy mismo, ang dating businessman at ngayon ay public servant, Agri Partylist Rep. Wilbert T. Lee.
Ayon kay Manoy Wilbert, tampok sa programa ang mga “tunay na kwento ng ating mga kababayan na siyang magbibigay inspirasyon sa atin para lalo tayong magsumikap, na tayo mawalan ng pag-asa. “
“Ano mang problema ang ating kinakaharap ay tiyak na malalampasan sa tulong ng ating komunidad at mga kapwa Pilipino na sa kaibuturan ay may malasakit para sa bawat isa.”
Pagbabahagi naman ni Gelli, “iyong mga problema nila na kailangan nila ng tulong, hindi siya yung usual na kailangan ng pera o pagkain, ang kailangan talaga nila ay ang nakatutulong sa mga trabahong ginagawa na nila.”
Sobrang grateful ni Gelli na maging host ng naturang show, “as a host of a program like this, siyempre grateful ako for the opportunity, hindi lang ako masayang-masaya.
“Dito talaga ng hihimayin ang mga problema ng certain areas at aalamin kung paano sila matutulungan.
“Hindi po kami nagmamagaling, talagang humahanap kami ng tamang solusyon. Dini-discuss namin with the experts, kung paano namin sila matutulungan.
“It is really something that I am grateful na I am part of the show.”
Tuwing Linggo, dalawang beneficiaries ang itatampok ng programa at personal na pupuntahan ng mga host para interbyuhin at harapang alamin ang kanilang mga hinaing.
Pahayag naman ni Patricia, “sometimes they just want to be seen and heard.
Yung marinig lang natin ay malaking bagay at tulong na para sa kanila. Pero siyempre di tayo hihinto riyan. Mabusisi nating aaralin ang bawat sitwasyon at susubukan nating bigyan ito ng pangmatagalang mga solusyon.”
Idiniin din ni Sherilyn na, “hindi natin sino-solve ang problema nila at the moment. Binibigyan din natin sila ng hope at chance na itaguyod ang kanilang pamilya o sarili nila. Kumbaga long term talaga at hindi kung ano lang yung mabigay ngayon iyon na.”
Sa pilot episode ngayong Linggo, ika-7 nang umaga ng “Si Manoy ang Ninong Ko”, pakikinggan at tutulungan nina Manoy Wilbert, Gelli, Patricia at Sherilyn ang mga onion farmer ng Pangasinan, pati na rin ang volunteer sea guardians ng Orani, Bataan.
Para sa updates, i-follow ang @simanpyangninongko sa Facebook o ang @AngNinongKo sa Tiktok at Instagram.
(ROHN ROMULO)