APAT na hinihinalang sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga ang arestado sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.
Sa report ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y illegal drug activities ng nagba-buy and sell na si alyas “Ron”, 55, kaya ikinasa nila ang buy bust operation laban sa kanya sa pangunguna ni P/Cpt. Ronald Sanchez.
Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon s suspek ng P500 halaga ng droga at nang tanggapin niya ang markadong salapi mula sa pulis kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang inaresto ng mga operatiba, kasama ang kanyang kasabwat na si alyas “Isabel”, 42, cashier, residente ng Brgy. Arkong Bato dakong alas-12:45 ng madaling araw sa B Espiriru St., Brgy. Mabolo.
Ani PSSg Carlos Erasquin Jr., nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 3 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P20,400, marked money, P300 recovered money at coin purse.
Nauna rito, natimbog naman ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Balanti St., Brgy. Ugong dakong alas-12:35 ng madaling araw sa pangunguna ni PEMS Restie Mables sina alyas “Jovienal”, 36, at alyas “Ernesto”., 48, tricycle driver ng San Jose St.,Pangil, Laguna City.
Ayon kay Cpt. Sanchez, nakuha sa mga suspek ang nasa 3 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P20,400, P500 marked money, P500 recovered money at coin purse.
Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Valenzuela police sa kanilang pagsisikap para tugisin ang mga taong sangkot sa pagpapakalat ng ilegal na droga na nagresulta sa pagkakasakip sa mga suspek na pawang mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
SHOOT sa selda ang dalawang hinihinalang drug personalities na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P67K halaga ng droga sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
TINATARGET ngayon ng Department of Health na magpatupad ng modernisasyon sa buong Kagawaran ng Kalusugan ngayong taong 2024.
AHEAD of the film’s opening on January 31, get to know the rest of the characters of “Argylle.” Take it from John Cena, who plays one of the book characters in the film.
MAIPAPAKITA na ng Pilipinas sa international community ang kakayahan ng pamahalaan na protektahan ang karapatan ng bawat mamamayang Filipino.
IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isang special non-working day sa buong bansa ang Pebrero 9, 2024 bilang pagdiriwang ng Chinese New Year.
NAKIISA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa milyon-milyong deboto ng Señor Sto. Niño sa pagdiriwang ng Sinulog Festival kasabay ng paghikayat sa mga ito na i-translate ang kanilang pananampalataya sa gawa at ipalaganap ang pag-asa, pagmamahal at saya sa iba.
HINDI bababa sa 27 barko ang ipinadala ng China sa West Philippine Sea (WPS) na isang “major maritime militia rotation”, ayon sa isang maritime security expert.
SINAKSIHAN ng libo-libong Navoteños ang Grand Parade na bahagi ng pagdiriwang ng ika-118th Navotas Day para personal na makita ang kanilang mga hinahangaang artista na sina Bianca Umali at Jillian Ward sakay ng makukulay na mga float, kasama sina Congressman Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco. Sumama din sa parada ang mga opisyal, empleyado, senior citizen, faith-based, pribadong mga organisasyon, sektor ng negosyo at edukasyon. (Richard Mesa)