• September 17, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November, 2023

2 drug suspects huli sa Caloocan drug bust

Posted on: November 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng dalawang hinihinalang drug personalities matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na si alyas “Ert”, 53 at alyas “Mekini”, 20, kapwa residente ng Brgy. 19.

 

 

Batay sa ulat ni Col. Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, bandang alas-6:10 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Cpt. Emmanuel Aldana ng buy bust operation laban kay Ert matapos ang natanggap na report hinggil sa pagbebenta nito ng shabu.

 

 

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P6,500 ng droga at nang tanggapin niya marked money mula sa pulis kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinakma ng mga operatiba, kasama si Mekini na sinasabing bumili din ng droga kay Ert sa P. Zamora St., Brgy., 19.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 10 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P68,000.00; at buy bust money na isang P500 bill, kasama ang 6-pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Pinuri naman ni BGen. Gapas ang Caloocan police sa kanilang pagsisikap kontra ilegal na droga at sa mga taong sangkot sa pagpapakalat nito na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

SINING AT KULTURANG PILIPINO SA QUEZON CITY, BUHAY AT AKTIBO

Posted on: November 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
IDINAOS kamakailan sa lungsod Quezon ang isang tagisan ng galing sa balagtasan na may temang Diwang, Sagisag Kultura ng Filipinas sa pangunguna ng National Commission on Culture and the Arts (NCCA), NCCA-Philippine Cultural Education Program katuwang ang QC Education Affairs Unit.
Sa kanyang talumpati, hinikayat ni Mayor Joy Belmonte ang sama-samang pagbibigay-buhay at pagkilala sa kultura at panitikang Pilipino. Dahil aniya, ang ating sining at kultura ay ang ating pagkakakilanlan saan mang panig ng mundo tayo makarating.
Dadag pa ng Alkalde, hindi biro ang naging sakripisyo ng taong nagsulong at patuloy na nagsusulong na manatiling buhay sa ating lahat ang sarili nating kultura at sining.
Ang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan na si Virgilio Almario ay naging hurado sa naturang kumpetisyon. Nakiisa naman sina PCEP Director Joseph Cristobal at Asian Social Institute President Felipe de Leon Jr. sa aktibidad.
Matatandaan na tuwing ika-22 ng Nobyembre, ipinagdiriwang ang Poetry Day sa QC sa bisa ng Executive Order No.19. At ang Araw ng Pagtula sa QC kasabay ng kapanganakan ng makata na si Jose Corazon de Jesus o Huseng Batute. (PAUL JOHN REYES)

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Filipino na maglaan ng oras para magnilay-nilay at kumonekta sa pamilya at mahal sa buhay ngayong panahon ng Pasko.

Posted on: November 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
Ang panawagan ng Pangulo ay matapos pangunahan ang  tradisyonal na  Christmas tree lighting ceremony at awarding sa mga nanalo sa “Isang Bituin, Isang Mithiin”  nationwide parol -making contest sa Palasyo ng Malakanyang. 
“We have gained the reputation around the world for celebrating Christmas with more fervor than most other countries, and I think that that is a good thing because I think we, all of us Filipinos, take Christmas as a time for reflection and a time to spend with your friends, your family, your loved ones,” ayon sa Chief Executive.
“And I suppose what is left now is for me to wish you all a very merry Christmas,” dagdag na wika nito.
Dahil sa ulan, bahagyang naantala ang switch-on ceremony. Ito sana ay magsisimula ng 5:30 ng hapon, araw ng Sabado subalit dahil nga sa ulan ay bahagya itong naantala.
“Unfortunately, the weather did not cooperate with us. But we’re Filipinos and we do not let the little rain dampen our Christmas spirit,” ayon sa Pangulo.
Aniya pa, dapat na i-enjoy ng mga bata ang pagdiriwang ng Pasko.
“As far as I’m concerned, Christmas is really for the children. And as we watch the children, it brings us the innocence that they bring to these festivities. Really, the expression I’m tempted to use is it blows out the cobwebs in your brain and in your heart and gives you a fresh start for the next year,”  ayon sa Pangulo.
Sa kabilang dako, nakiisa naman sa nasabing event sina Filipino music icon Jose Mari Chan, singer-actress Rita Daniela, Coro de San Jacinto atCagayan State University Chorale na hinarana si Pangulong Marcos at ang First Family,  mga miyembro ng gabinete at iba pang bisita.
Samantala, ang Batangas State University ang nakasungkit ng first place sa  parol-making  contest, sinundan naman ito ng  University of Northern Philippines of Vigan, Ilocos Sur at Bohol Island State University ng Bohol province.
Nakatanggap naman ang nanalong  state universities ng mga larawan at video editing package, kabilang na ang camera, gimbal, laptop, at editing software.
Ang mga nanalong estudyante ay nakatanggap ng cash prizes na P1 million, P500,000 at P250,000, laptop showcase at  mobile phone showcase. (Daris Jose)

Ads November 25, 2023

Posted on: November 25th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Sumagot ang cast sa ‘ultimate fan reactions’: ‘My Plantito’, higit 54 million views kaya may hirit na Season 2 sina KYCH

Posted on: November 25th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ILANG araw makalipas ang pagtatapos ng popular na serye sa Tiktok na My Plantito, damang-dama pa ng fans ang pagkasabik mula sa emosyonal na tila rollercoaster na pag-iibigan nina Charlie at Miko.

 

 

Wala ngang duda, nakuha ng palabas ang atensyon ng mga manonood hindi lamang dahil sa nakatutuwang kuwentong boy-love, pati na rin sa mga plot twist na naglatag ng mga temang malapit sa mga Pilipino, gaya ng pamilya, pakikipagkaibigan, at makabuluhang aral sa buhay.

 

 

Tampok sa My Plantito ang istorya ng nangangarap na content creator na si Charlie (Kych Minemoto), at ang kaniyang gwapong kapitbahay, ang negosyante at plantitong si Miko (Michael Ver). Sa gitna ng mga nakakaintrigang pangyayari, maling desisyon, at kilig moments, nakuha rin ng mga tagasubaybay ang pinakahihintay nilang sagot mula umpisa: makakamit ba nina Charlie at Miko ang kanilang happy ending?

 

 

Sa kabuoan, nakalikom ang mga episode ng My Plantito ng nakabibilib na 54.2 milyong view sa Tiktok at YouTube ng Puregold Channel.

 

 

Sa pagtatapos ng My Plantito, abot-kamay ng fans ang magandang pagtatapos sa isang makabuluhang naratibo. Narito ang ilang komento mula sa kanila, at ang reaksyon ng mga miyembro ng cast sa mga ito.

 

 

Ang Kontrobersyal na Payo ni Bianca

 

 

Isang tauhan na nagpainit ng mga tagpo sa My Plantito at umani ng mga komento mula sa Tiktok at YouTube ay si Bianca (Devi Descartin), ang best friend ni Charlie. May ilang mga nagalit sa kaniya, at sinisi siya dahil higit sa isang beses niyang dinala si Charlie sa maling direksyon. Narito ang ilang mga nasabi ng fans:

 

 

“Ah, Bianca! Wrong again. And again. And again. Please send her to Botswana and have her bring back some exotic plants . . . two years from now.” – @gnirolnamlerf593

 

 

“Only a friend like ‘Bianca’ is enough to destroy your peace of mind and to get delusional thoughts.” – @user-um7to8rj6o

 

 

Sa kabilang banda, hindi naman pag-cancel ang mabilis na solusyon para sa ibang tagasubaybay. Natuwa ang ilang mga fan sa kompleksidad ng kaniyang karakter:

 

 

“Bianca, she is a toxic friend but at the same time a caring soul.” – @Joe.Ortega

 

 

“I don’t know that girl; but for me, she isn’t toxic. She’s just being real. She’s telling the truth that her best friend should prioritize work. Goals first.” – @joeverclarion7813

 

 

Binigyang-linaw ni Devi, ang intensyon ng kaniyang character at sinabing, “As Charlie’s best friend, gusto kong makuha ni Charlie kung ano ‘yung matagal na niyang pangarap. Number #1 fan and supporter nga ‘di ba. Though in the end, na-realize naman ni Bianca kung anong resulta ng plano niya. She learned her lesson.”

 

 

Sabi ni @romulus.evales.futureteacher sa pag-arte ni Devi, “Effective pala ang gumanap na Bianca dito, ang daming nanggigigil.”

 

 

Janong: Best Dad Ever

 

 

Nabihag naman ni Janong (Ghaello Salva) ang mga tagapanood bilang ama ni Charlie. Pinaulanan ng pagmamahal ng fans si Janong dahil sa kaniyang suporta sa anak:

 

 

“Who agrees with me that his dad deserves someone to love him as much as he loves his son? Best dad.” – @sandrablack4197

 

 

“Nakakatuwa ang daddy niya. Napakabait and supportive. Cool lang na daddy.” – @chubzyhatz3135

 

 

“Isa sa pinakagusto ko sa series na ito ay ang napaka-supportive na father.” – @philipmanansala8855

 

 

Ikinatuwa naman ito ni Ghaello ang natanggap na pagmamahal: “Actually, knowing the viewers of My Plantito were millennials and Gen Zs, I didn’t expect them to give Janong more than casual attention. So, from the bottom of my heart, thank you for welcoming Janong and my son Charlie into your hearts.”

 

 

Nagbahagi din siya ng payo sa mga magulang: “Support and open communication are crucial. We need to show selfless love to them. And as parents, let’s educate ourselves about LGBTQ+ issues and create a safe space where they may feel accepted and understood.”

 

 

Miko: Ang Heartthrob ng My Plantito

 

 

Ang tauhan ni Miko, na ginampanan ng poging si Michael Ver, ay nagpakilig at nagpaibig din sa mga tagasunod.

 

 

“I keep viewing all of Miko’s scenes over and over AND OVER again . . . but I can’t get enough of my plantito Michael Ver!” – @fmaximo1979

 

 

“Miko? There isn’t a straight girl or gay guy who would reject you. It’s cute that Miko doesn’t realize that, though.” – @gnirolnamlerf593

 

 

Nang makatanggap si Miko ng mga papuri at heart-eyed emojis, hindi niya hinayaang palakihin nito ang kaniyang ulo. Sabi niya, “I felt excited and nervous in creating My Plantito because I have never been in a boy-love series ever. I accepted this project because I love the story and the reality that it tackles.”

 

 

Ihinayag din niya ang kaniyang pasasalamat sa mga tagapanood ng My Plantito. “I was overwhelmed by how the fans took to the love team of Miko and Charlie. I really appreciate their positive responses and reactions!”

 

 

Miko-Charlie Chemistry: Love Team na Hindi Malilimutan

 

 

Habang marami ang natuwa sa pagiging magulang ni Janong, nagdebate sa mga desisyon ni Bianca bilang BFF, at napabuntung-hininga sa appeal ni Miko, may isang aspekto ang My Plantito na hindi rin matigilang pag-usapan ng fans–ang hindi maitatangging chemistry sa pagitan nina Miko at Charlie. Iniwan ng serye ang fans na nananabik pa sa kanila, at humihingi pa ng mas maraming proyekto para sa dalawa.

 

 

“The chemistry is so good. More projects for Miko and Charlie, please!” – @iamkennethic

 

 

“I’m starting to love the chemistry between Miko and Charlie. In fairness, pareho silang neophytes pero magaling silang umarte. Sana mabigyan sila ng mas malaki pang projects. Finger crossed! Love you both!” – @amirprince68

 

 

Hindi nahihiya ang mga fan na ihayag ang kanilang kagustuhan na magtambal pa sina Miko at Charlie, ang parehong mapagpasalamat ang mga bida sa suporta.

 

 

Sabi ni Kych, na nagbigay-buhay kay Charlie, “Sobrang thankful po talaga ako na maging part ng My Plantito. Ngayon, bawat paglabas ko may nagpapa-picture na at nagsasabi na napanood nila ako sa My Plantito. May mga nagsasabi na naka-relate sila sa kwento. Fan meet pa lang dama na namin ang suporta ng fans. Sa online, lagi tayong trending.”

 

 

Nagdagdag din siya ng mensahe sa on-screen partner na si Michael:

 

 

“Message ko for Michael: ‘Ituloy mo lang ang pagiging masipag mo sa trabaho, at ang grabeng dedication mo.’ Makikita mo na pursigido talaga si Michael sa ginagawa niya. Mami-miss ko ang mga kulitan at kwentuhan namin pagkatapos ng mga eksena. ‘Michael, message ka lang dahil nandito lang kami para sumuporta sa iyo.’ ”

 

 

Habang nananatili ang kilig mula sa huling episode ng My Plantito, humihirit si Kych ng posibleng ikalawang season: “I’m wishing na sana magkaroon ng Season 2 at matuloy natin kung ano pa kaya ang nangyari kina Miko at Charlie. Abangan!”

 

 

Natapos na ang serye pero patuloy lamang ang kilig: maaaring panoorin ang My Plantito sa opisyal na YouTube at Tiktok channel ng Puregold.

 

 

Gusto mo ba ng LIBRENG entertainment? Mag-subscribe na sa Puregold Channel sa YouTube. Para sa mga update, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, i-follow ang @puregold_ph sa Instagram at Twitter, at ang @Puregoldph sa Tiktok.

(ROHN ROMULO)

Meron silang maiinit na mga eksena ni Polo: ROB, first time ma-encounter ang role na lover ng isang gay

Posted on: November 25th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALIK ang Team Jolly nila Sofia Pablo and Allen Ansay sa bagong offering ng #SparkleU titled ‘#Ghosted.’

 

 

 

This time ay hindi kilig-kiligan ang AlFia loveteam dahil sa tema ng episode na tungkol sa isang multo na nakaapekto sa mental health ng isang student.

 

 

 

“Pinaghiwalay po kami ni Direk Barry (Gonzales) ng lugar sa taping para makapag-concentrate kami sa aming roles. Very different po kasi ito from the first time na nadirek kami ni Direk Barry na Luv Is: Caught In His Arms. Mas malalim po ito at mas seryoso,” sey ni Sofia.

 

 

 

Pinag-aralan daw ni Allen ang character niyang si Zac na isang student na nang-ghost sa dalawang naging girlfriends niya. Never pa raw kasi niyang na-experience iyon.

 

 

 

“Mahirap po sa akin kasi no experience ako na magkaroon ng two girlfriends na ginu-ghost ko. Kaya humingi ako ng tulong kay Direk Barry para maayos ang pag-arte ko po,” sey ni Allen.

 

 

 

Kasama rin sa ‘#Ghosted’ sina Princess Aliyah, Liana Mae, Marcos Masa at Rufa Mae Quinto as Ms. Agnes Gaspar, the ghost teacher na hinu-haunt ang Sparkle U library.

 

 

 

***

 

 

 

FIRST time na ma-encounter ni Rob Gomez ang role niya ng lover ng isang gay sa GMA-Regal teleserye na ‘Lovers/Liars’.

 

 

 

Si Polo Ravales ang gay lover niya at meron silang mga maiinit na eksena.

 

 

 

“It’s my first time to portray a role of someone na may gay lover. You get super nervous when it’s about to happen, but then after, it’s just like okay, so you let it go na. I think more of the preparation was being friends with him, really get to know him, how he thinks, how he works.

 

 

 

“Polo is a very cool guy, sporty, gyms a lot. I met his beautiful wife, and he has a beautiful kid, so it resonated with me,” sey ni Rob na ang ka-love triangle nila ay si Michelle Vito na ex-girlfriend niya kung kanino meron siyang anak na hindi niya alam.

 

 

 

***

 

 

 

AFTER 26 years, nauwi sa divorce ang pagsasama ng Will & Grace star Eric McCormack at ng wife niyang si Janet Holden.

 

 

 

Si Janet ang nag-file ng “dissolution of marriage” sa Superior Court of California citing “irreconcilable differences”. Hiling din nito ay spousal support and payment for her attorney fees.

 

 

 

Walang issue sa custody dahil 21-years old na ang anak nilang si Finnigan.

 

 

 

Na-meet ni Eric si Janet sa set ng Lonesome Dove: The Series in 1994. Kinasal sila noong 1997.

 

 

 

Wala pang official comment re sa divorce ang 60-year old Emmy winner.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Dahil gusto nila na magkaroon ng ‘Dragon baby’: ARA, planong mabuntis at manganak bago matapos ang 2024

Posted on: November 25th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
INAMIN ni Ara Mina na sa 2024 ay isasakatuparan na niya ang pinakabonggang plano niya, ang pagkakaroon ng baby ng mister niyang si Dave Almarinez.
“I remember, five months pregnant ako dun sa daughter ko, I’m still taping. Kaya ko pa naman mag-taping hanggang five to six months, if they will allow me, bago ako manganak.
“So iyon. Pero next year naka-plan na ako na magbi-baby na kami ng husband ko,” sabi ni Ara.
Nagpa-check up na raw siya sa kanyang doctor at okay na okay pa siyang magbuntis.
“I had my check up, okay naman daw. That was early last year. So I think this December papa-check ako ulit,” masayang tsika niya.
“Siyempre, I’m not getting any younger. Pero kaya ko pa daw, kasi normal naman ako dun sa first baby ko.
“So, let’s see. I hope, kaya pa rin naman. Pero hindi ko na papaabutin ng 2025 kasi I want to have a Dragon baby.”
Pero if ever, hindi siya mabuntis sa natural na proseso, payag ba siyang sumailalim sa in vitro fertilization o kaya ay sa surrogacy?
Sagot ni Ara, “Surrogacy, I’m not sure, but IVF, I think.
“Hindi pa naman ako magpapa-store [ng egg cells] kasi puwede pa. I mean, naka-schedule na next year na plano ko mag-baby, e.
“Yung mga nagpapa-store yung tipong wala pang partner, di ba? Na hindi kasiguraduhan kung kailan siya mabubuntis.
“E ako naman, may asawa naman. Anytime na gustuhin ko na hindi ako mag-aano, puwede na akong mabuntis anytime.
“But nagku-control na rin kami ng husband ko, kasi may tinatapos pa akong mga projects at medyo busy pa siya.”
Bising-busy nga si Ara sa kanyang showbiz.
Siya ang first guest sa pilot episode ng bagong online show na Glitter Entertainment Chatter Show.
Main host ng show Star Magic artist na si Aya Fernandez kasama ang mga bagong Starkada ng NET 25’s Star Center Artists na sina Sofi Fermazi, Nicky Gilbert, at Celyn David.
Co-hosts din dito ang iba pang Starkada artists na sina Bo Bautista, Miyuki de Leon, at Via Lorica.
Mapapanood ang ito sa Glitter Channel ni Direk Perry Escaño na siyang may ideya at direktor ng show.
Magsisimula na sa December 3, Linggo ng 4:00 p.m. sa Glitter Channel Facebook at may replay sa YouTube Channel ng Glitter. Guest rin ang showbiz guru na si Aster Amoyo.
May regular show si Ara sa NET 25 ang Magandang ARAw at may sitcom rin siya na Jack & Jill sa TV5 directed by John “Sweet” Lapus.
May gagawin siyang drama series sa TV5 rin. Magkakaroon din si Ara ng concert tour sa iba-ibang state sa Amerika.
Bukod dito, for sure magiging abala rin siya sa bagong business ng asawa na malapit na ring i-launch.
“I’m very excited to share all of you na yung bagong business namin na ilu-launch this December, ng E-Force Ventures.
“Sobrang excited ako dun kasi medyo malaking business ito na makakatulong, na marami kaming mabibigyan ng trabaho. Malalaman nyo naman yan very soon, malapit na December.
“Help us na maging maingay ito, kasi marami talagang mabibigyan ng trabaho itong business na ito,” kuwento pa ng actress at singer.
(ROMMEL L. GONZALES)

Ryan Gosling & Emily Blunt’s On-Screen Reunion in “The Fall Guy”

Posted on: November 25th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

GET ready for ‘The Fall Guy’ with Ryan Gosling and Emily Blunt, a high-octane homage to Hollywood’s unsung heroes, coming to Philippine cinemas!

 

 

Hollywood’s glitz often overshadows the gritty, heart-thumping world of stunt performance—until now. “The Fall Guy,” featuring the dynamic duo of Ryan Gosling and Emily Blunt, is ready to catapult audiences into the adrenaline-pumping reality of movie magic’s unsung warriors.
Director David Leitch, the mastermind behind hits like “Deadpool 2” and “Atomic Blonde,” shifts the spotlight onto the action artisans in this homage to Hollywood’s daredevils. In a fusion of humor and heart-pounding stunts, Leitch crafts a narrative that’s both a nod to the ’80s hit show and a contemporary tale of on-screen and off-screen antics.

 

 

Gosling’s character, Colt, embodies the quintessential Hollywood stuntman, dedicating his career to elevating star Tom Ryder (Aaron Taylor-Johnson) to blockbuster glory. Yet, when Ryder vanishes, Colt’s cinematic chops are put to the ultimate test. Enter Emily Blunt as Jody Moreno, the director with a vision and Colt’s former flame. The real action begins as Colt leaps from on-set stunts to an off-screen mission, rekindling old sparks amidst the mayhem.

 

 

This isn’t just about the thrills. Gosling and Blunt reignite their on-screen chemistry, proving that amidst the backlot chaos, romance can still steal the show. As Colt and Jody navigate the perilous journey to find Tom, their past adds depth to every chase, every leap, every narrow escape.

 

 

Leitch’s unique expertise as a former stunt performer brings authenticity to every frame. With an impressive résumé featuring “Fight Club,” “Daredevil,” and the “Matrix” series, Leitch is no stranger to crafting breathtaking cinema. His insight into the world of stunts ensures that “The Fall Guy” is as much an ode to the craft as it is a cinematic spectacle.

 

 

At CinemaCon, Gosling shared insights into the movie’s core message: “In most films, the actors get all the credit, but the stunt performers do all the work, and that ends today”.

 

 

Don’t miss the explosive tandem of Gosling and Blunt in The Fall Guy, crashing into Philippine cinemas on February 28, 2024. Keep up with all the backflips and plot twists by following Universal Pictures Ph on their Facebook page.

 

 

Remember, when the lights dim in the theater come 2024, it’s not just a movie you’ll be watching—it’s a high-flying tribute to the shadows of cinema who make superheroes out of actors.

 

 

And who better to lead the charge than Hollywood’s own Ryan Gosling and Emily Blunt? Get ready to be wowed!

(ROHN ROMULO)

Mahigit isang bilyong halaga ng subsidiya, naipamahagi na ng LTFRB sa mga tsuper at operators

Posted on: November 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT na sa mahigit isang bilyong piso ang naipamahagi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ayuda para sa mga tsuper at operators sa ilalim ng fuel subsidy program.

 

 

Batay sa datos ng LTFRB, sumampa na sa P1,089,176,500 ang kabuuang halaga ng fuel subsidy na naibigay sa mga tsuper at operators sa buong bansa, simula inumpisahan ito ng pamahalaan.

 

 

Ito ay napakinabangan ng mga tsuper at operator ng kabuuang 166,597 units ng mga pampublikong sasakyan.

 

 

Ang Fuel Subsidy Program(FSP) ay isang programa ng pamahalaan na nagbibigay ng pinansyal na tulong sa mga tsuper at operators ng mga pampublikong sasakyan, sa layuning maibsan ang epekto ng labis na pagtaas ng presyo ng langis.

 

 

Ayon sa LTFRB, magpapatuloy pa rin ito, sa pagnanais na maibsan ang pasanin ng mga tsuper sa buong bansa.

 

 

Nagpapatuloy din umano ang koordinasyon ng naturang ahensiya sa state-owned Land bank of the Philippines na siyang nagdi-distibute ng mga subsidiya sa mga kwalipikadong benepisyaryo. (Daris Jose)

PBBM, dumating sa Tacloban, nagsagawa ng briefing sa epekto ng panahon sa Northern Samar

Posted on: November 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

DUMATING kahapon ng umaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Tacloban at kagyat na nagsagawa ng virtual briefing sa matinding epekto ng shear line at low pressure area (LPA)  na nakaapekto sa Northern Samar.

 

 

Nauna rito, nakatakda sanang  lumapag sa bayan ng Catarman si Pangulong Marcos. Gayunman, hindi nagawang mag-landing ang eroplano ng sinasakyan ng Chief Executive.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi ng weather bureau na PAGASA  na nakaranas ang  Catarman ng mahigit na isang buwan ng pag-ulan sa loob lamang ng 24 oras, iniuugnay sa shear line,  “cold and warm air converge.”

 

 

Dahil sa weather disturbance, napilitang ilikas  ang mahigit sa  24,000 pamilya.

 

 

Mataas ang tubig-baha kung saan ang mga residente ay nakitang nakakapit  sa mga piraso ng kahoy at styrofoam ang iba naman ay napilitang lumangoy para sa kanilang kaligtasan sa gitna ng presensiya ng  electric wires.

 

 

Sa isinagawang rescue operations, naranasan ng mga awtoridad ang kahirapan  bunsod ng malakas na water current.

 

 

Ginawa ang deklarasyon matapos na irekumenda ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) dahil sa pinsala sa imprastraktura at mga ani sanhi ng malalim na pagbaha.

 

 

Samantala, may kabuuang  169 klase at  12 work schedules ang sinuspinde dahil sa masama at masungit na panahon. (Daris Jose)