NAG-TRENDING sa Twitter ang post ng Sparkle GMA Artist Center na: “Goosebumps sa first-ever solo mall show ni Pambansang Ginoo David Licauco sa Gaisano Mall of Davao – A number of fans also travelled from different parts of Mindanao to see David.”
David is in Davao City this weekend to celebrate Wiltelcom’s 23rd anniversary. Kasabay nito ay ipinakita ang video kung gaano karami ang mga fans na pumuno sa four levels ng mall. Nahirapan ang security bago nila naiakyat sa stage si David.
Hindi ito in-expect ni David, na gusto na sanang mag-give up sa kanyang showbiz career, at ang “Maria Clara at Ibarra” na sana ang huli niyang gagawing serye sa GMA Network, ayon sa manager niyang si Arnold Vegafria.
“Gusto na sana ni David na mag-focus na lamang sa mga businesses niya, para raw kasing walang nangyayari sa kanyang career. Muntik na naming hindi tanggapin ang offer ng #MCI para sa role ni Fidel, pero kinumbinse kami ng GMA, na sagot namin, “let’s see,,, we might get lucky this time.”
Nang magkasama na si Fidel at Klay (Barbie Forteza), napansin ng creative team ng serye na nagustuhan ng viewers ang funny cat-and-mouse dynamic ng dalawa, ang chemistry nila.
Dahil binansagan si David ng “Pambansang Ginoo” at naka-attract na siya ng mga teenage girls and young fans. Kaya totoo iyong ibinaba ang mga ads ni David ng isang big clothing brand na he’s topless and wearing an underwear dahil the children and the teenagers look to him as a role model.
Nawala man ang said ads, kapalit ay apat pang ads ni David as faces of the brand’s main lines.
Meanwhile, sina Barbie at David din ang napili ng Universal Records para sa official music video ng Ben & Ben’s “The Way You Look at Me,” na makakasama nila si Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista.
Ilo-launch ang teaser sa Saturday, March 25, sa YouTube. Napapanood din sila ngayon sa 4-week episode ng “Daig Kayo Ng Lola Ko”, tuwing Linggo.
Pagbalik ni Barbie from her US vacation, dalawang projects ang naghihintay sa kanila, isang movie at isang teleserye.
***
MULING magbabalik si phenomenal star Maine Mendoza for a new season ng “#MaineGoals”.
Tiyak na magugustuhan ito ng mga viewers ng show dahil the new season will give a new set of exciting adventrues, na mas braver, fiercer and stronger. More people to meet… more experiences to share….more stories to tell… and more goals to achieve!
Balitang three-days nag-shoot ng mga episodes sa Boracay sina Maine, Chamyto at Chichirita. Muling magbabalik ang “#MaineGoals” this April, from Monday to Friday, 8:30 AM sa TV5 (Free TV) at 8PM sa BuKo Channel (Ch. 2 on Cignal TV & SatLite).
***
POPSTAR Royalty Sarah Geronimo will be back on the concert scene.
Inilabas na ng Viva Live, Inc. na magkakaroon ng concert si Sarah sa Araneta Coliseum para i-celebrate ang kanyang 20th anniversary. Magaganap ito on May 12, 2023, titled “Sarah Geronimo: The 20th Anniversary Concert,” na magkasama nilang ididirek ni Paolo Valenciano.
Happy ang mga fans ni Sarah dahil three years ago pa ang last concert niya, ang “Unified,” na kasama niya si Regine Velasquez. Mabibili na ang tickets sa halagang P 15,000 for SVIP (na may kasamang meet and greet), P 8,000 (VIP), P 6,500 (Platinum), P4,000 (lower box), P 1,200 (upper box) at 600 (general admission).
(NORA V. CALDERON)
KINAALIWAN na naman ng mga netizens ang Instagram post ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na kung saan ibinahagi na naman ang topless at sexy photos ng kanyang fiancé na si Jeremy Jauncey.
MAYROONG 93 percent ng mga adult Filipinos ang umaasang natapos na krisis dulot ng COVID-19 sa bansa.
MAGDARAOS ang mga Kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of National Defense (DND) ng Pilipinas at Estados Unidos ng high-level meeting sa Washington sa darating na Abril.
NAGBIGAY ng pahayag ang isang transport group tungkol sa ipapatupad na fare discount ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung saan sinabi na hindi lahat ng fare discount ay ipapatupad sa lahat ng ruta.
AABOT na P120 milyong halaga ng poultry,seafood products ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BoC) sa serye ng isinagawang pagsalakay sa pitong bodega sa Navotas City kamakailan.
IN celebration of National Women’s Month, ‘Sagip Pelikula’ brought one of its restored titles featuring two of the premier actresses today, Maricel Soriano and Snooky Serna, with their 1995 family-drama classic “Inagaw Mo ang Lahat sa Akin” in the latest installment of Mga Hiyas ng Sineng Filipino, co-organized by the Film Development Council of the Philippines’ (FDCP), at the Manila Metropolitan Theater (MET) last March 19.
HINIKAYAT ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr. ang mga lider ng dalawang kapulungan ng kongreso na mag-usap at ayusin ng pribado ang kanilang bangayan sa isyu ng isinusulong na constitutional amendments ng Kamara sa halip na mag-away sa publiko.
IBINABALA ng isang health expert na isang malaking banta sa kalusugan ng publiko ang tumagas na langis sa may karagatan ng Oriental Mindoro dahil sa lumubog na oil tanker na MT Princess Empress.