• June 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 3rd, 2023

PBBM, gustong gamitin ang biofertilizers para pagaanin ang kalagayan ng mga magsasaka

Posted on: March 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang plano ng kanyang  administrasyon na pagamitin na ang mga  magsasaka  ng biofertilzer para mabawasan o hindi na umasa pa ang mga ito sa mga mamahalin at imported na  petroleum-based fertilizers.

 

 

Sa isang  video message na ipinalabas ng  Presidential Communications Office (PCO), sinabi ng Pangulo na ang mga magsasaka ay sasailalim sa pagsasanay sa kung paano ang tamang paggamit ng biofertilizers.

 

 

“We are totally dependent on petroleum-based fertilizer. Now, we are going to introduce biofertilizer to our farmers and teach them how to use it. And hopefully, this will ease our concerns when it comes to the supply of fertilizer. And we can fully control the availability of biofertilizer,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Ang Biofertilizers ay natural fertilizers na binubuo ng  living microorganisms. Ginagamit ito upang suportahan ang paglago ng halaman sa pamamagitan ng pagdaragdag ng  nutrient supply sa lupa.

 

 

Winika pa ng Pangulo na ang  biofertilizers ay gagamitin bilang alternatibo dahil sa mataas na presyo ng common fertilizers at alalahanin ng availability nito.

 

 

Aniya pa, nagpakita ng “promising” results ang ginawang trials ng DA sa  biofertilizers.

 

 

“Kayang-kaya raw dito i-produce sa Pilipinas ‘yan. And furthermore, there are many technologies from UPLB (University of the Philippines – Los Baños), from the other SUCs (state universities and colleges), the agricultural colleges. Marami silang na-research, na-develop na technologies diyan sa biofertilizer,” aniya pa rin.

 

 

Magkagayon man, nilinaw naman ng Punong Ehekutibo na maaari pa ring gumamit ang mga magsasaka ng non-organic at petroleum-based fertilizers, lalo na ang  urea.

 

 

“Now, there will still be a mix. Hindi mawawala ‘yung urea, hindi mawawala ‘yung mga non-organic. But we will lessen our dependence on importation when it comes to fertilizer supply,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Excited nang maipalabas ang nakaka-inspire na serye: ASHLEY, hinangaan si XIAN sa effort at dedikasyon para matutong mag-ice skate

Posted on: March 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments
PAREHONG excited na sina Ashley Ortega at Xian Lim na mapanood ng lahat ang unang seryeng pagtatambalan nila, ang Hearts On Ice.
Sumabak sila sa matinding training sa ice rink sina Ashley at Xian bilang paghahanda sa kanilang mga karakter sa kauna-unahang ice-skating drama series ng bansa.
Kahit dati ng isang competitive figure skater, nag-training ang aktres at naglaan ng panahon para mapag-aralang mabuti ang kanyang bagong karakter.
“Aside from training, siyempre inaaral ko rin yung character ko. I want to give justice to my role, her name is Ponggay. At saka may extra challenge din yung role ko roon sa figure skating. Extra challenge siya for me kasi may something siya, so I have to make an effort–to look good inside the rink, to do all my stunts without falling,” pahayag ni Ashley.
Ikinuwento rin ng aktres na sabay silang nagte-training ni Xian at nakikita niya ang dedikasyong ibinibigay nito para matutong mag-ice skate. Dahil backdrop ng magandang kuwento ng Hearts On Ice ang sports na figure skating, kinakailangan din ng aktor na matutunan ito.
“Si Xian Lim, talagang he trained for three to four months para lang hindi raw s’ya magmukhang nakakahiya. Kapag nakikita ko siya sa skating rink, mas maaga pa siyang pumupunta sa akin roon. Magbubukas pa lang ‘yung mall nandu’n na siya.
“Sabi ko, ‘Bakit nandito ka na tapos parang araw-araw?’ Sabi niya, ‘Nahihiya kasi ako sa ‘yo,’ sabi ko, ‘bakit ka mahihiya sa akin. Ako nga ‘yung nahihiya sa ‘yo because you’re Xian Lim.’ Pero I really admired his effort and his passion, na-in love s’ya sa sport ko.
“Nung nagsu-shoot kami… ‘yung production like every time they would film me performing, nai-in love din sila sa sport, naa-appreciate nila. So sana once na nag-air na s’ya, ma-in love din lahat ng tao sa sport, sa ginagawa namin, because it’s really inspiring,” kuwento niya.
Abangan ang unang tambalan nina Ashley at Xian sa Hearts On Ice ngayong Marso sa GMA Telebabad.
***
HINDI nga pinalad na manalong Pangulo ng Pilpinas si Isko Moreno sa nakaraang eleksyon noong Mayo 2022.

At bilang malapit kay Isko, tinanong namin si Yul Servo, na Bise-alkalde na ngayon ng Maynila, tungkol sa sinapit ng kanyang dating Alkalde.

 

 

“Siyempre malungkot, malungkot na hindi pinalad, pero siyempre may dahilan yan kung bakit, ‘di ba?

 

 

“Siguro hindi pa yun para sa kanya.

 

 

“Pero naniniwala ako sa kakayahan ni Yorme, na kaya din niyang maging magaling na lingkod-bayan sa buong Pilipinas, hindi lang siguro pa panahon, hindi pa para sa kanya.

 

 

“Pero nandiyan naman siya, hindi naman siya tumitigil sa pagtulong, pagbibigay ng advice, so sa lahat ng aspeto ng paglilingkod nandiyan pa rin naman siya, nakagabay sa aming Asenso Manilenyo e,” sinabi sa amin ni Yul na nakausap namin sa relaunch ng The Manila Film Festival na naglalayong mas pasiglahin ang panonood ng mga pelikula, lalo na ng mga baguhang filmmakers, sa buong Kamaynilaan.

 

 

Sa pagbabalik ng The Manila Film Festival ay katuwang ng gobyerno ng Maynila ang Saranggola Media Productions at Edith Fider.

 

 

Si Ms. Fider ang magbibigay ng grant (at least three hundred thousand pesos) para sa walong mapipiling screenplay na kasama sa The Manila Film Festival.

 

 

Ang TMFF ay bukas qualified bonafide students mula sa pribado at pampublikong unibersidad kolehiyo at senior high school.

 

 

Ang deadline ng submission ng screenplay entries sa pamamagitan ng e-mail ay sa Marso 10 sa ganap na 11PM at ipadala sa themanilafilmfesival@gmail.com

 

 

Sa March 20 ang announcement ng selected eight entries, awarding of first tranch of production grants, assignment of mentors, June 2 naman ang submission of completed film and teaser, June 3-24, promotion period, June 17 film screening at ang petsa ng awarding of prizes to follow.

 

 

Ang mga direktor na sina Al Tantay at Jay Altarejos ay ilan sa magsisilbi bilang mga mentor ng mga mapipiling kalahok.

(ROMMEL L. GONZALES)

Senate probe sa phaseout ng traditional jeepneys, gumulong na

Posted on: March 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TATALAKAYIN  sa Senado ang resolusyon tungkol sa pagpapaliban sa nakatakdang phaseout ng traditional jeepneys sa Hunyo 30.

 

 

Itinakda ng Senate Committee on Public Services na pinamumunuan ni Senador Grace Poe ang pagdinig dakong ala-1:30 ng hapon.

 

 

Bukod sa jeepney phaseout at PUV modernization program ay layon din ng pagdinig na pigilan ang nakaambang tigil pasada ng mga transport groups sa Marso 6-12.

 

 

Kabilang sa inimbitahan sa pagdinig ang mga opisyal ng DOTr, LTFRB, DILG, DTI, DBM, Landbank of the Philippines at Development Bank of the Philippines.

 

 

Ipapatawag din ang mga transport at commuter groups kabilang ang Manibela, ALTODAP, PISTON, Pasang Masda, FEJODAP, Laban TNVS, Stop and Go Transport Coalition, Lawyers for Commuters Safety and Protection at Move as One gayundin ang iba pang stakeholders tulad ng Get Vehicles (e-jeep), EVT USA at MPT Mobility.

 

 

Humingi ng permiso si Poe sa mga senador na agad dinggin sa Huwebes ang resolusyon upang mapigilan ang nakaambang isang linggong tigil-pasada

 

 

Kinatigan naman ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang hirit ni Poe na bagama’t mayroong 3-day rule na sinusunod ang Kongreso bago isalang sa pagdinig ang isang panukala o resolusyon, maituturing namang ‘national concern’ ang problema na nangangailangan ng agarang atensyon ng mga mambabatas. (Daris Jose)