• April 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2022

Pag-aalis ng face mask ‘wag muna – DOH

Posted on: September 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PUMALAG ang Department of Health (DOH) sa ipinalabas na kautusan ng isang local government unit (LGU) na nagsasabing boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face mask sa ilang lugar.

 

 

Iginiit ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, na masyado pang maaga para itapon na ang face masks o itigil na ang mandatory na pagpapatupad sa pagsusuot nito.

 

 

Reaksyon ito ni Vergeire sa nilagdaang executive order ni Cebu City Mayor Michael Rama na nagsasabing boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face masks sa lungsod, maliban sa mga ospital, klinika at iba pang medical facilities.

 

 

Ani Vergeire, hindi kinonsulta ang DOH sa pagtatanggal ng lungsod sa mandatory na pagpapasuot ng face mask dahil hindi maari na may isang lugar na nagpapatupad ng isang patakaran na taliwas sa iba pang lugar sa bansa. Kailangan aniya ang “one nation approach” laban sa nararanasang pandemya.

 

 

“I always say a city within a country cannot act on its own… Hindi pwedeng ang isang lugar sa ­ating bansa ay nagpapatupad ng kanilang protocol, samantalang the rest of the country is implementing the other side of the protocol o magkaiba because we have porous borders,” ani Vergeire sa press briefing.

 

 

Aniya, ang paggamit ng mga face mask ay nakakabawas ng 70% hanggang 80% sa panganib na magkaroon ng COVID-19 .

 

 

“Ang pagsusuot ng mask ay kaunting sakripisyo lang para maproteksyunan natin ang sarili natin.

 

 

“Darating tayo sa punto na maaari nang tanggalin ang mask kapag nasigurado na ng gobyerno na protektado ang mamamayang Pilipino ng mga bakunang binibigay natin sa komunidad,” dagdag pa ni Vergeire. (Daris Jose)

Giit ng DBM: Walang iregularidad sa ₱588.1B unprogrammed appropriations sa 2023 budget

Posted on: September 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IGINIIT ng  Department of Budget and Management (DBM) na walang iregularidad sa ₱588.1 billion unprogrammed appropriations sa ilalim ng panukalang  ₱5.268-trillion budget para sa taong  2023  sa gitna ng pagkabahala ng mga mambabatas.

 

 

“Details of these unprogrammed appropriations (UA) are available for public and Congress scrutiny,”  ayon sa DBM.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Deputy Speaker at 6th District Batangas Rep. Ralph Recto na dapat umanong linawin ang P588 bilyong ‘shades of grey’ sa panukalang 2023 national budget ng pamahalaan.

 

 

Marami aniya ang ‘unprogrammed fund bloats’ sa actual na panukalang pondo na aabot sa kalahating trilyon o ang tinagurian nitong P588 bilyong ‘shades of grey’ na dapat mai-itemized.

 

 

“The proposed national budget for 2023 is actually P5.856 trillion, or P588 billion bigger than the oft-quoted P5.268 trillion,” ayon kay Recto na sinabing ang spending amount na hinihingi ng Palasyo ay karagdagang kalahating trilyon pa na kaniyang nabusisi sa Unprogrammed Appropriations sa bahagi ng 2023 National Expenditures Program (NEP).

 

 

Nitong Biyernes ay sinimulan na ng Kamara ang deliberasyon sa masusing pagbusisi sa P5.268 trilyong 2023 NEP ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

“It is more than double the current year’s P251.7 billion unprogrammed fund,” ani Recto na sinabing kulang sa detalye ang P588 bilyon ‘shades of grey’ na dapat linawin ng economic team ng pamahalaan.

 

 

Kabilang sa hindi malinaw ang “Support to Foreign Assisted Projects” na nagkakahalaga ng P380.6 billion.

 

 

Gayundin ang P149.7 bilyon para sa “Support for Infrastructure Projects and Social Programs.”

 

 

Sa ipinalabas na kalatas ng DBM, ipinaliwanag nito na “Support to foreign-assisted projects will be getting the biggest share at ₱380 billion, where ₱378.2 billion will head to the Department of Transportation (DOTr) while the remaining ₱2.2 billion was assigned to the Department of Social Welfare and Development.”

 

 

“Next is the support for infrastructure projects and social programs at ₱149.6 billion, which includes ₱22 billion for procurement of vaccines,” ayon pa rin sa DBM.

 

 

Naglaan din ang DBM ng ₱20.6 billion para sa  budgetary support sa  government-owned and/or controlled corporations.

 

 

May  ₱18.9 billion naman ang nakatabi para sa  public health emergency benefits at allowance para sa  health at non-healthcare workers.

 

 

Ayon sa DBM,  ₱10 bilyong piso ang mapupunta sa equity infusion ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) alinsunod sa Republic Act 11211 o New Central Bank Act, at ₱5 bilyong piso para sa  modernization program ng  Armed Forces of the Philippines (AFP).

 

 

Naglaan din ang DBM  ng ₱2 bilyong piso para sa pagbabayad ng arrears sa  Land Transportation Office IT service.

 

 

“UA include ₱1 billion for the Risk Management Program. This will be used for commitments made by, and obligations of, the government in agreements covering public-private partnership projects, base sa nakalipas na budget.

 

 

“Also listed are ₱210.5 million for the refund of the service development fee for the right to develop the Nampeidai property in Tokyo, Japan, along with ₱14 million in prior years’ local government unit shares,” ayon sa kalatas ng DBM.

 

 

“In the 2023 national expenditures program, 11.2 percent (₱588.1 billion) is the percentage of unprogrammed appropriations to total obligations budget. However, this already includes the estimated ₱378.2 billion for loan proceeds requirements of the Department of Transportation (DOTr),”  ang nakasaad pa rin sa kalatas ng DBM.

 

 

Dahil dito, iginiit ng departamento na ang natitirang ₱200-billion ay maikukunsiderang unprogrammed.

 

 

“Thus, should this be removed, only approximately ₱200 billion, or 4 percent, is considered unprogrammed, which will be triggered for release only upon the generation of additional revenues,” ayon sa  DBM.  (Daris Jose)

Cool Smashers balik-ensayo agad para sa Asean Grand Prix

Posted on: September 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BALIK-ENSAYO  agad ang Creamline Cool Smashers para paghandaan ang sunod na pagsabak nito sa Asean Grand Prix na gaganapin sa Nakhon Ratchasima, Thailand sa Setyembre 9 hanggang 11.

 

 

Galing ang Cool Smashers sa dalawang magkasunod na torneo.

 

 

Una na ang Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference na pinagreynahan ng Cool Smashers.

 

 

Sunod ang Asian Volleyball Confederation (AVC) Cup for Women na ginanap sa Philsports Arena sa Pasig City kung saan gumawa ng kasaysayan ang Creamline matapos makuha ang ikaanim na puwesto.

 

 

Muling bibitbitin ng Cool Smashers ang bandila ng Pilipinas dahil sasabak ito sa Asean Grand Prix na lalahukan ng powerhouse Thailand, Vietnam at Indonesia.

 

 

“Very proud talaga ko sa teammates ko kasi hindi talaga biro yung pinagdaanan namin na tuluy-tuloy yung mga laro namin sa PVL, binuhos talaga lahat namin don, and then late notice nga namin nalaman na we were going to step up for the Philippines in the AVC,” ani playmaker Jia Morado.

 

 

Makukumpleto ang buong Cool Smashers patungong Thailand.

 

 

Makakasama na ng tropa si team captain Alyssa Valdez na tinamaan ng dengue na dahilan para hindi ito makalaro sa AVC Cup.

“Magkaisa po tayo at huwag tumigil sa pagsisikap. Gawin natin ang nararapat isagawa upang pagyamanin ang mga pamanang naiwan ni Gat Marcelo H. del Pilar” – Fernando

Posted on: September 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – “Magkaisa po tayo at huwag tumigil sa pagsisikap. Gawin natin ang nararapat isagawa upang pagyamanin ang mga pamanang naiwan ni Gat Marcelo H. del Pilar upang magsilbi itong tanglaw at gabay ng mga susunod pang henerasyon.”

 

 

Ito ang tinuran ni Gob. Daniel R. Fernando sa mga dumalo sa Paggunita ng Ika-172 Guning Taong Pagsilang ni Gat Marcelo H. del Pilar na may temang, “Marcelo H. Del Pilar: Yaman ng Bansa, Dangal ng Bulacan, Inspirasyon ng Mamamayan” na ginanap sa Dambanang Marcelo H. del Pilar sa Barangay San Nicolas, Bulakan.

 

 

“Mahalagang matandaan natin ang kanyang mga kontribusyon sa ating kasaysayan, ngunit makalipas ang isang siglo, ang hamon sa atin ngayon ay kung paano nga ba natin isasabuhay ang mga ito. Tulad ni Marcelo H. del Pilar, pilitin nating gawin ang tama upang tuluyan na nating makamit ang pagbabago tungo sa lubos na kaunlaran ng ating bayan”, ani Fernando.

 

 

Binigyang diin naman ni Kinatawan ng Unang Distrito Danilo A. Domingo, panauhing pandangal at tagapagsalita, ang mga tungkulin na dapat gampanan para sa pamilya at bayan sa pangkasalukuyang panahon.

 

 

Sinabi ni Domingo na si Gat Del Pilar ang siyang naging inspirasyon ng mga Bulakenyo, kung saan aniya tinawag ni Governor General Blanco na “the most dreadful of the Filipino politicians, the true voice of the separatists” si Del Pilar na walang kapagurang lumaban para sa karapatan ng mg Pilipino, reporma at pagkapantay-pantay.

 

 

“Higit pa natin siyang parangalan, tayo ay magkaisa para iangat ang ating bayan”, ani Domingo.

 

 

Aniya, kabilang sa mga hamon na kayang harapin ang banta ng COVID-19, proteksyon sa kagutuman ng pamilya kung saan ay dapat bigyang-tuon ang kabuhayan at pagkakakitaan, pagtatanim sa mga lupain para maibsan ang taas ng presyo ng mga bilihin at paglaban sa kurapsyon at pananamantala.

 

 

Samantala, pinangunahan nina Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro ang pagtataas ng watawat at pag-aalay ng bulaklak kasama sina Punong Bayan Vergel C. Meneses, Pangalawang Punong Bayan Reina C. Sanchez, Patnugot Tagapagpaganap Carminda R. Arevalo ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, Punong Bayan Eduardo J. Villanueva, Jr., PLt. Col Dominador Ignacio, Pangulo ng Integrated Bar of the Philippines Marcelo H. Del Pilar Bulacan Chapter Abgd. Joseph Inocencio at kinatawan ni Most Worshipful Johnny T. Pimentel, Grand Master, Grand Lodge of Free and Accepted Masons of the Philippines.

 

 

Dumalo rin sa nasabing okasyon sina Carmela Reyes-Estrope, correspondent ng Philippine Daily Inquirer at pangulo ng Central Luzon Media Association, mga miyembro ng Bulacan Press Club Inc.  sa pangunguna ng pangulo nito na si Omar Padilla ng Pilipino Star Ngayon, ilang mamahayag, mga kinatawan ng kaanak ni Gat Marcelo at marami pang iba. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Dengue cases tuloy sa pagsirit

Posted on: September 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY  ang pagtaas ng mga kaso ng dengue sa bansa nang maitala na ito sa 118,785 mula Enero 1 hanggang Agosto 13, ayon sa Department of Health (DOH).

 

 

Mas mataas ito ng 143% kumpara sa mga naiulat na kaso sa parehong period noong 2021 na nasa 48,867 lamang noon, ayon kay DOH officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

 

 

Pinakamaraming naiulat na kaso ng dengue sa Region III na may 21,247 kaso o 18%, kasunod ang Region VII na may 11,390 kaso o 10% at ikatlo ang National Capital Region na may 11,064 o 9%.

 

 

Mula nitong Hulyo 17 hanggang Agosto 13, nasa 19,816 kaso ng dengue ang naitala kung saan pinakamataas sa Region 3 na may 3,457, kasunod ang NCR na may 3,131 at CAR na may 2,106 kaso.

 

 

Nabatid rin na anim sa 17 rehiyon sa bansa ang lumagpas na sa ‘epidemic threshold’ sa nakalipas na apat na linggo.  Kabilang dito ang Regions II, III, CALABARZON, MIMAROPA, CAR, at NCR. (Daris Jose)

P100 milyong piso, ilalaan ng DA-BFAR para palakasin ang produksyon ng asin

Posted on: September 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAGLALAAN  ang Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR)  ng  P100 milyong piso para palakasin ang produksyon ng asin sa bansa.

 

 

“Para sa taong 2022 isinusulong ng Department of Agriculture sa pamamagitan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang paglalaan ng pondo sa halagang P100 million,” ayon kay BFAR Chief Information Officer Nazzer Briguera.

 

 

“Ilalaan po ito para mas mapalawak ‘yung industriya ng asin sa ating bansa at masiguro ang tuloy tuloy at sapat na supply po nito,” dagdag na pahayag ni  Briguera.

 

 

Gagamitin din ang nasabing halaga para palakasin ang kapasidad o kakayahan ng salt makers sa bansa.

 

 

“Within 2022 maisakatuparan ang mga mekanismo sa ilalim ng pondong ito upang matulungan ang salt industry,” ani Briguera.

 

 

Nauna rito,  isiniwalat  ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang plano ng administrasyon para paghusayin ang salt production sa bansa.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ng Office of the Press Secretary (OPS) na ang  Department of Agriculture, na pinamumunuan ni  Pangulong Ferdinand  Marcos Jr., ang mangunguna sa usaping ito kasama ang ilang ahensiya ng gobyerno.

 

 

Ang plano ayon kay Cruz-Angeles ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

 

Ang DA ay magi-implementa ng mga programa at inisyatiba  para palakasin ang salt production at supply; pangungunahan naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang iba’t ibang  “research and development initiatives” sa  salt production at tulungan ang  marginal at artisanal salt makers; pagsasakatuparan ng  Development of the Salt Industry Project (DSIP) para sa salt makers sa Regions 1, 6 at 9; palalawigin ng DA ang  salt production areas at isusulong ang “development of technologies to accelerate salt production” ; at ang gagawing pakikipagtulungan ng DA sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Science and Technology (DOST), and Department of Trade and Industry (DTI) para i-develop  ng husto ang local salt industry sa ilalim ng Republic Act 8172, o Act for Salt Iodization Nationwide (ASIN).”

 

 

Itinaas naman ng DTI ang presyo ng asin makaraan ang ilang taon na hindi nababago ang presyo nito.

 

 

Sa katunayan, inaprubahan nito ang pagtaas sa presyo ng  iodized rock salt sa P21.75 para sa 500 grams at  P23.00 para sa one kilogram.

 

 

“When it comes to iodized salt, the suggested retail price for a 100-gram pack is set at P4.50, while the price for a 250-gram pack ranges from P9.00 to P11.75 and P16.00 to P21.25 for a 500-gram pack. One kilogram of salt is priced at P29.00,” ayon sa DTI.

 

 

Sa gitna ng pagtaas,  pinanindigan naman ng DTI na walang nagaganap na kakapusan sa suplay ng asin sa bansa.

 

 

Samantala, magsasagawa naman ng beripikasyon ang BFAR sa napa-ulat na higit 90% ng asin sa bansa ay imported.

 

 

Ito ang inihayag sa Laging Handa ni BFAR Chief Information Officer, Nazzer Briguerra matapos na lumutang ang nasabing ulat na aniya’y galing mula sa pribadong sektor.

 

 

Aniya, napag-alaman nilang walang ganitong datos ang Philippine Statistics Authority o PSA  subalit dapat pa ring masilip ang lumabas na impormasyon lalo’t Department of Agriculture na aniya ang nagsabing kailangang matutukan ang sektor na nasa pag-aasin.

 

 

Nakita ani  Briguerra ng DA na kailangan nang matutukan ito ng ahensiya sa gitna ng paninigurong maging self sufficient ang bansa sa asin ng hindi aasa sa ibang bansa.

 

 

Aniya pa, kung mapapaunlad ang salt industry sa bansa, hindi lang aniya ito lilikha ng mas maraming trabaho na ang ibig sabihin ay mas aangat ang kabuhayan ng mga nasa linya ng industriya ng asin. (Daris Jose)

LTFRB: Posibleng magkaron ng PUJ fare hikes

Posted on: September 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAASAHAN  ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magkakaron ng panibagong round ng fare hike sa mga public utility jeepneys (PUJs) sa darating na lingo.

 

 

 

Ayon kay LTFRB chairman Cheloy Garafil na ang pagtataas ng pamasahe ay sinangayunan na ng LTFRB board subalit hindi pa alam kung P2 o P4 ang puwedeng ibigay sa mga drivers at operators at naaayon sa kanilang petisyon.

 

 

 

“Yes, the increase is due because the last time we had an increase, the level of diesel was just P44 per liter. Now its up to more than half by today. It’s just a question of how much fare increase we will give – in a way that will not greatly affect inflation and the purchasing power of commuters who will bear the brunt of the fare hike,” wika ni Garafil.

 

 

 

Nagkaron na naman ng pagtataas ng presyo noong Lunes ang gasoline, diesel at kerosene kung saan ito ay tumaas ng P1.40 para sa gasoline kada litro at P6.00 naman sa diesel at kerosene.

 

 

 

Dahil sa pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo, ang mga transport groups ay napilitan humingi muli ng pagtataas ng pasahe mula P2 hanggang P4. Sa ngayon, ang LTFRB ay may pitong (7) petisyon na inihain ng iba’t ibat grupo ng transportasyon tulad ng jeepneys, buses, TNVS, taxis, P2P shuttles at UV Express vehicles.

 

 

 

Ayon kay Garafil, ang kanilang ahensya ay magdidisisyon sa petisyon ng jeepney groups kapag sila ay nakapagbigay na ng position papers sa nasabing pagtataas kung saan ang deadline ay hanggang sa darating na Sabado.

 

 

 

“We can probably expect a resolution on the fare hike petitions at the earliest on the first week of September and the latest will be on the second week of September,” dagdag ni Garafil.

 

 

 

Kahit na sinusuportuhan ng LTFRB ang petisyon sa pagtataas ng pamasahe, ang ahensiya naman ay kinakailangan pa rin na ang desisyon ay naaayon sa National Development Authority (NEDA)’s position sa magiging epekto nito sa inflation.

 

 

 

Samantala, sinagot naman ni Garafil ang agam-agam ng mga transport groups tungkol sa hindi pagpapatupad ng LTFRB MC 2019-035 kung saan sinasabi na sa oras na magkaron ng pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo, ang LTFRB ay maaaring magkaron ng fare changes kahit wala ng public hearings at iba pang proceedings.

 

 

 

“That MC was passed before the pandemic and it says there that if there are new socioeconomic factors, new studies that would come up after the issuance of the MC that would affect its applicability, we will have to rely on other factors that came up,” saad ni Garafil.

 

 

 

Dagdag pa ni Garafil na dahil ang MC ay nilabas bago pa ang pandemya, kaya dapat ay repasuhin muna ang provisions at contents nito tungkol sa automatic adjustment dahil ayon sa NEDA kada P1 na fare hike ay magreresulta ng 3.3 percentage point inflationary effect.  Dahil dito, ang impact nito ay malala at makakaapekto sa inflation at purchasing power ng mga pasahero.  LASACMAR

Parang ‘tita’ raw ni Maja na mas looking young and fresh: SOFIA, nagiging ‘plastic doll’ at nagmukha pang matanda

Posted on: September 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAGDISKITAHAN ng mga mapanuring netizens sa look ni Sofia Andres na base sa mga larawan na pinost sa kanyang Instagram, ganun din sa account ni Maja Salvador.

 

 

Makikita nagpa-picture kay George Clooney at ibang Hollwood celebs, na kuha sa Swizerland na kung ginanap ang Omega Crans Montana golf competition.

 

 

Komento nila, ano nangyari kay Sofia at kinumpara pala nila ito kay Maja na fresh tingnan kaya mas litaw ang kagandahan kahit simple lang ang pananamit…

 

 

“May ghad anyare chura ni sofia sa sec pic 😱 anong ginawa mo girl ang ganda ganda mo na sana eh.”

 

“Anyare sa labi ni Sofia?? Kinagat ba ng pinalaking buyogggg, ahahaha?”

 

‘Sure ba na si Sofia yan? Bakit ang laki ng ipinagbago ng mukha? Lol”

 

“Ilabas nyo si sofia andres. Di sya yan!’

 

“Sofia kung ang aesthetics mo na gusto mong i-achieve is maging madam na mayaman go. Nakaka bother lang kasi youre so youthful before.”

 

“Ilang taon na ba c Sofia?? Bakit ang matured ata nya tingnan. Is it just the lighting or yan na talaga sya?”

 

“Nagiging plastic doll n si Sofia mygahd. Dont tell me idol nya si Donatella Versace? Chos!”

 

“Masyado na sobrahan sa filler si Sofia.”

 

“Ano nangyari sa face ni Sofia Andres? Mukha syang tumanda. Ang fresh fresh nya dati 🙁 Parehas sila ng labi ni Kylie. Biglang naging pout. Parang over na.”

 

“Ang cheap tignan nung damit ni Sofia, not a hater observation lang (peace emoji)”

 

“That necklace may be Dior but it looks so tacky the way she’s wearing it. Hindi match yun hair, dress, make up and accessories nya. They’re all too much on their own tapos pinagsabay sabay nya pa lahat. Hindi nya keri kaya nagmukha syang mashonda.”

 

As in! Lahat ng outfits nya Jan masyadong crap or trashy cyang tingnan! Kahit pa branded lahat suot nya, pero she looks cheap and trashy.

 

May binabagayan din pala ang pagiging morena. Sadly hindi bagay kay Sofia.

 

“Maggie Wilson vibes na talaga si Sophia Andres.”

 

Kaya komento pa nila…

 

“Ang pretty ni Maja. Ano bang nangyayari dito kay Sofia at mukha na syang tita ni Maja. Ang pretty nya before eh.”

 

“Totoo, mas young looking pa at fresh si Maja kay Sofia.”

 

“Swerte din naman ni Maja sa future mom-in-law niya eh. PR ba naman ng Omega, expect to her more in future Omega events.”

 

Suwerte si Maja kay Rambo pero mas swerte si Sofia kay Daniel.

 

Pero may nam-bash din kay Maja…

 

“Si Maja kahit talaga damitan mo ng classy & sophisticated pero yung aura nya pang masa talaga. Di ko ma explain, basta. 🤧”

 

“Same comment. Not demeaning because maja is very pretty but yes er vibe is pang masa talaga. I also don’t know what it is but elegant and maja sadly don’t go well together.”

 

“Maganda naman sya and happy love life, most importantly. Lol”

 

“She looks jologs kasi talaga. May mga alta naman na kahit di magdamit ng mga designer kemerut but yung aura nila alta talaga. Yun talaga ang wala kay Maja. She just doesnt have IT.”

 

“True yan, esp dun sa mga di naman pinanganak na alta and yet may bearing and can easily fit right in. Example si Angel Aquino. Mapa-sosyal or masa, galing niyang mag-blend.”

 

Say naman ng isang netizen sa haters ni Sofia, “Why the hate for Sofia??? Hirap talaga if you’re pretty and also with someone who is rich and you’re living the life 🤷 daming felt like you don’t deserve it. Hoy trabaho kayo or find yourself a rich partner mga inggit.”

 

 

(ROHN ROMULO)

MVP pinuri ang Gilas; sinuportahan si Chot

Posted on: September 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINURI ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) chairman emeritus Manny V. Pangilinan ang panalo ng Gilas Pilipinas sa bisitang Saudi Arabia sa fourth window ng FIBA World Cup Asian qualifiers kamakalawa ng gabi.

 

 

“Nice game tonight, Gilas. Thank you,” wika ni Pangilinan sa 84-46 paglampaso ng Nationals sa mga Saudis.

 

 

Kumolekta si Utah Jazz star Jordan Clarkson ng 23 points, 5 rebounds at 5 assists para muling banderahan ang Gilas Pilipinas na naglista ng 3-3 record sa Group E.

 

 

Humakot naman si 7-foot-2 Kai Sotto ng 16 points, 13 rebounds at 4 blocks para sa pagbangon ng koponan mula sa 81-85 kabiguan sa Lebanon.

 

 

Sa kabila ng kumbinsidong panalo sa Saudi Arabia ay ikinalungkot ni Pangilinan ang pag-boo at pamba-bash ng mga netizens kay coach Chot Reyes.

 

 

“Sad to hear reaction of OUR crowd to Coach Chot,” wika ng sportsman/businessman sa mga pambabatikos na natatanggap ng nine-time PBA champion coach mula sa mga fans.

MURDER MYSTERY “WHERE THE CRAWDADS SING” HOLDS SNEAK PREVIEWS SEPT 5 & 6

Posted on: September 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MANILA, August 31, 2022 – Critics describe it as “an engrossing mystery that keeps you guessing until the end.”  Now, local audiences get the chance to unravel the mystery earlier than expected as Where the Crawdads Sing sets sneak previews on September 5 & 6 in selected theaters everywhere.  

 

 

That’s a full week before the film opens wide across the country on September 14. Fans may check with their favorite theaters for ticket prices and screening schedule.

 

[Watch the film’s latest trailer at https://youtu.be/04kbkq2595c]

 

Based on the best-selling novel by Delia Owens, Where the Crawdads Sing tells the story of Kya, an abandoned girl who raised herself to adulthood in the dangerous marshlands of North Carolina. “Delia created a classic, timeless story with this book,” says the film’s director, Olivia Newman. “A romance, an underdog story, a murder mystery, a criminal trial, with a distinctive setting that lends to the drama and scope. We wanted to honor that with a faithful adaptation.”

 

Today’s announcement of the sneaks by Columbia Pictures coincides with the milestone that Where the Crawdads Sing has just achieved last week — the film has crossed the $100 million benchmark globally.  The gripping drama has now amassed $78.8M domestic (US) and $21.5M from the international box office (Australia, New Zealand and Europe).

 

It has also been embraced by fans and critics alike with an Audience Score of 96% on Rotten Tomatoes.  “This is a movie about fighting back against male intransigence that has the courage of its outsider spirit,” says the review in Variety, while The Chicago Sun Times writes “Daisy Edgar-Jones’ performance and the gorgeous imagery redeem the book adaptation.”

 

Underscoring the film’s rich literary origins, The Washington Post likens the film to “a Southern-fried `The Blue Lagoon’ meets `Murder, She Wrote’ — and topped off with a sprinkling of `To Kill a Mockingbird.’”

 

Finally, Coming Soon attests that “a captivating lead performance and a powerful ending ultimately keep this movie watchable for any fans of Delia Owens’s fascinating novel,” while National Post concludes, “over its two-plus hours I sat spellbound and intrigued. If a film can be described as a page-turner, Where the Crawdads Sing is that.”

 

3000 Pictures presents in association with HarperCollins Publishers a Hello Sunshine production, Where the Crawdads Sing. Starring Daisy Edgar-Jones, Taylor John Smith, Harris Dickinson, Michael Hyatt, Sterling Macer, Jr., and David Strathairn. Directed by Olivia Newman. Produced by Reese Witherspoon and Lauren Neustadter. Screenplay by Lucy Alibar. Based upon the novel by Delia Owens. The executive producers are Rhonda Fehr and Betsy Danbury. The director of photography is Polly Morgan, ASC. The production designer is Sue Chan. The editor is Alan Edward Bell, ACE. The costume designer is Mirren Gordon-Crozier. The music is by Mychael Danna.

 

Where the Crawdads Sing is distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  Connect with the hashtag #CrawdadsMovie

 

(ROHN ROMULO)