HANDA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbukas ng kanilang mga tanggapan sa mga araw ng Sabado at Linggo, kung kinakailangan para ma- accommodate ang mga katanungan ng indibidwal at pamilya na nagnanais na maging bahagi ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sinabi ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na ang inisyatibang ito ay naglalayong bigyang-daan ang mga single parent, mahihirap na pamilya, magsasaka, mangingisda at indibidwal na naghahangad na mapabilang sa 4Ps.
“Bubuksan natin ang mga gate ng DSWD,” ayon kay Tulfo.
Ang mga pangalan ng mga indibiduwal at pamilya ayon sa Kalihim na i- enroll o ipatatala ang kanilang mga sarili para makasama sa programa ay “still subject to validation and verification” ng mga tauhan ng DSWD para madetermina kung sila ay nasa klasipikasyon ng “mahirap” batay sa gamit na gagamitin ng standardized targeting system o “Listahanan.”
“Enrolled households during the On-Demand Application (ODA) have no guarantee to be automatically included in the program as they will undergo further evaluation and should meet the eligibility set by 4Ps,” ayon sa Kalihim.
Sinabi pa nito na ang listahan naman ng mga graduating o mga aalising pamilya mula sa 4Ps parent leaders ay isasailalim sa masusing balidasyon at cross-matching sa database ng departamento at sa resulta ng Listahanan 3.
“Iko-compare po natin ang listahan nila [parent leaders] sa listahan ng 4Ps to make sure na lahat ng aalisin natin ay talagang makatatayo na sa kanilang mga paa,” pahayag ni Tulfo.
Tiniyak pa nito ang walang pag-aalinlangan na implementasyon ng 4Ps na naglalayong tulungan ang mas maraming karapat-dapat na mahihirap na pamilya.
Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay isang hakbang ng pambansang pamahalaan para sa pagpapabuti ng kalagayang pantao ng ating mga kababayan.
Nagbibigay ito ng kondisyonal na tulong-pinansiyal para sa pinakamahihirap na Pilipino upang pabutihin ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng mga batang may edad 0 hanggang 18 taong gulang.
Kailangang matupad ng mga pamilya ang mga kondisyon ng pamahalaan upang maibigay sa kanila ang tulong-pinansiyal.
Halaw ito sa programang Conditional Cash Transfer (CCT) ng mga bansa sa Latin Amerika at Aprika, na napalaya sa kahirapan ang milyon-milyong tao sa buong mundo.
Ang DSWD ang punong ahensiya ng pamahalaan na namamahala sa 4Ps. (Daris Jose)
MAY nakaambang panibagong pagtataas sa singil sa pasahe sa darating na Setyembre.
NAGPASALAMAT si Mariel Rodriguez-Padilla kina Toni Gonzaga at Karla Estrada na kung saan nag-dinner sila isang kilalang steakhouse.
PATULOY na pinupunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga bakanteng posisyon sa pamahalaan.
SINABI ng Department of Agriculture (DA) na hindi kakayanin ng local farm output ng bawang, sibuyas at asin na ma-meet ang inaasahang demand hanggang sa huling quarter ng taon.
UMAASA ang Department of Tourism (DOT) na makakatulong sa pagpapalakas ng turismo ang nakatakdang job fair sa pagitan nila ng Department of Labor.
KINUWENTO ni Zoren Legaspi na kakaiba ang naging bond ng buong cast and crew ng ‘Apoy Sa Langit’ sa kanilang direktor na si Laurice Guillen.
MAGTUTUNGO sa California ang Philppine Womens’ National Football team para magsanay bilang kahandaan sa 2023 FIFA Women’s World Cup.