MVP pinuri ang Gilas; sinuportahan si Chot
- Published on September 1, 2022
- by @peoplesbalita
PINURI ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) chairman emeritus Manny V. Pangilinan ang panalo ng Gilas Pilipinas sa bisitang Saudi Arabia sa fourth window ng FIBA World Cup Asian qualifiers kamakalawa ng gabi.
“Nice game tonight, Gilas. Thank you,” wika ni Pangilinan sa 84-46 paglampaso ng Nationals sa mga Saudis.
Kumolekta si Utah Jazz star Jordan Clarkson ng 23 points, 5 rebounds at 5 assists para muling banderahan ang Gilas Pilipinas na naglista ng 3-3 record sa Group E.
Humakot naman si 7-foot-2 Kai Sotto ng 16 points, 13 rebounds at 4 blocks para sa pagbangon ng koponan mula sa 81-85 kabiguan sa Lebanon.
Sa kabila ng kumbinsidong panalo sa Saudi Arabia ay ikinalungkot ni Pangilinan ang pag-boo at pamba-bash ng mga netizens kay coach Chot Reyes.
“Sad to hear reaction of OUR crowd to Coach Chot,” wika ng sportsman/businessman sa mga pambabatikos na natatanggap ng nine-time PBA champion coach mula sa mga fans.