SINABI ng Government Service Insurance System (GSIS) na ia- activate nito ang kanilang emergency loan program para sa mga miyembro at pensioners na matinding tinamaan ng tropical storm “Florita.”
Kadalasan na iniaalok ng GSIS ang emergency loans sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.
“GSIS members who have an existing emergency loan balance may borrow up to P40,000 to pay off their previous emergency loan balance and still receive a maximum net amount of P20,000. Those without an existing emergency loan may apply for P20,000. Pensioners may likewise apply for a P20,000 loan,” ayon kay GSIS president at general manager Wick Veloso sa isang kalatas.
Hindi naman binanggit ni Veloso kung kailan tatanggap ang GSIS ng aplikasyon para sa emergency loan.
“Active members residing or working in affected areas as well as old-age and disability pensioners based in the same areas may apply for the loan after the areas have been declared under a state of calamity,” anito.
Ayon kay Veloso, ang mga kuwalipikadong mag-apply ay iyong mga miyembro na aktibo sa serbisyo at hindi “on leave of absence without pay; ” mayroong tatlong buwan na bayad sa premiums sa nakalipas na anim na buwan; walang nakabinbing administratibo o kasong kriminal at mayroong net take-home pay na hindi bababa sa P5,000 matapos na ang lahat ng required monthly obligations ay ibinawas.
“Aside from the emergency loan, our members may avail themselves of the multi-purpose loan plus, which has a loan ceiling of up to P5 million. Pensioners, on the other hand, may borrow up to six months’ worth of their pension under our enhanced pension loan program or up to P500,000,” ayon kay Veloso.
Samantala, naglaan naman ang GSIS ng kabuuang P5.4 bilyong piso para sa emergency loan assistance para ngayong taon. (Daris Jose)
BASE sa title ng bagong movie na pinagbibidahan ni Julia Barretto, ang “Expensive Candy” ng Viva Films kung saan, leading man niya si Carlo Aquino at written and directed naman ni Jason Paul Laxamana, diretsahan naming tinanong si Julia kung gaano siya kamahal mahalin.
DAPAT munang magsumite ang TV5 Network Inc. ng clearance mula sa iba’t ibang national government agencies at local government units bago aprubahan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang investment agreement nito sa ABS-CBN Corp.
TINIYAK ng Department of Agriculture (DA) na walang magaganap na pagsirit sa presyo ng gulay sa Kalakhang Maynila sa kabila ng matinding epekto ng Severe Tropical Storm Florita.
WALA nang mangyayaring walk-ins sa gagawing pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng educational assistance sa mahihirap na mag-aaral sa bansa lalo na sa Metro Manila.
INATASAN ni PANGULONG Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga ahensya ng gobyerno na lutasin ang mga logistical challenges na kinakaharap ng mga transporter at cargo forwarders ng mga produktong pang-agrikultura para mapababa ang presyo ng mga bilihin sa pagkain.
PASABOG ang birthday post ni Herlene Nicole Budol na kung saan proud na proud siya na nakapag-suot ng costume at natupad na ang dream niya na maging ‘Darna’.
COLUMBIA Pictures’ gripping mystery-drama Where the Crawdads Sing boasts of the new original song by Taylor Swift titled Carolina which she composed after reading Delia Owens’ bestselling novel from which the film was based.
UMABOT sa 500 kwalipikadong Valenzuelano ang nakatanggap ng kanilang pinakahihintay na tulong medikal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at REX Serbisyo Center sa Valenzuela City Amphitheater.
NAGKAKASUNDO sina Jinkee Pacquiao at Heart Evangelista ‘pag dating sa pag-customize ng kanilang luxury bags tulad ng Hermes na nagkakahalaga ng milyones.