• September 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 6th, 2022

Sara Duterte, VP inauguration tuloy sa Davao sa Hunyo; may misa, concert

Posted on: June 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SIGURADO nang idaraos ang inagurasyon ni Vice President-elect Sara Duterte sa Davao City sa Hunyo 19.

 

 

Sa katunayan, idaraos ang inagurasyon sa San Pedro Square simula alas- 3:00 ng hapon at magtatapos ng alas-11:00 ng gabi.

 

 

Papayagan naman ang publiko sa nasabing lugar ng alas-2:00 ng hapon.

 

 

Magsisimula ang event sa isang thanksgiving Mass ng alas-3:00 ng hapon sa San Pedro Cathedral na dadaluhan ni Archbishop Romulo Valles.

 

 

Sinabi ng kampo ni Duterte na ang misa ay mapapanood via livestream sa LED walls ng San Pedro Street na aabot sa kanto o sulok ng CM Recto at Anda Streets, Bolton Street, hanggang sa kanto ng Magallanes at Rizal Streets.

 

 

Susundan naman ito ng inaugural ceremony ng alas-4:30 ng hapon sa stage area.

 

 

Manunumpa si Duterte sa isang tanggapan bilang pang-15 bise-presidente ng Pilpinas sa harap ni Supreme Court Justice Ramon Paul Hernando.

 

 

Pagsapit naman ng alas-6:00 ng gabi ay sisimulan na ang Musikahan-Pasasalamat concert na dadaluhan nina Andrew E, Isay Alvarez, Robert Seña, Njel de Mesa, at Wency Cornejo. Si Giselle Sanchez ang magsisilbing host ng programa.

 

 

Sa kabilang dako, pinaalalahanan naman ng kampo ni Duterte ang publiko na i-observe ang health at safety protocols gaya ng “wearing of face masks, sanitizing hands regularly, and practicing cough and sneezing etiquette.”

 

 

Ang lahat ng dadalo sa event ay dadaan sa pamamagitan ng security screening sa entry points.

 

 

Ang lahat ng attendees ay pinayuhan na huwag magdala ng backpacks, huwag magsuot ng jackets at huwag magdala ng mga matutulis na bagay.

 

 

Mayroon namang hiwalay na lugar para sa mga persons with disability (PWD), senior citizens, at mga buntis.

 

 

Samantala, may ilang kalye naman sa paligid ng Davao City Hall at kalapit-lugar ang isasara sa mga motorista sa Hunyo 18 hanggang 19 para sa nabanggit na event.

 

 

Pinayuhan ang mga ito na asahan na ang mabigat na daloy na trapiko. (Daris Jose)

DOTr: Accomplishment Report sa ilalim ng Duterte Administrasyon

Posted on: June 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Naglatag ng accomplishment report and Department of Transportation (DOTr) sa ilalim ng Duterte administrasyon kung saan may mga game-changing transport infrastructure projects, programs at initiatives sa apat na sector nito ang natapos at nagawa habang ang iba naman ay nabigyan ng solusyon ang matagal ng problema sa transportasyon.

 

 

 

Sa sector ng aviation at proyekto sa airports, nakumpleto nito ang 250 airport projects kasama ang passenger terminal ng Clark International Airport, Bicol International Airport, Mactan-Cebu International Airport, Bohol-Panglao International Airport at Puerto Princesa International Airport habang may higit pa na 68 ang ginagawa.

 

 

 

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade natanggal na rin ang “laglag-bala” at “bukas-bagahe” sa mga airports habang ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay na recognize bilang isa sa 10 most improved airport sa buong mundo noong 2018 dahil sa ginawang mga enhancement at upgrades dito.

 

 

 

“This is what we have done – build the airports, improve it, modernize it make it world-class,” wika ni Tugade.

 

 

 

Habang ang sector ng railway na naglalayon na magkaron ng operational expansion ang railway mula sa dating 77 kilometers upang maging 1,200 kilometers.

 

 

 

Sa ngayon, ay may dalawang (2) proyekto sa railway ang natapos na noong 2021 habang ang anim (6) ay ginagawa pa at may anim (6) pa na magsisimula pa lamang.

 

 

 

Ang mga nasabing proyekto ay ang MRT 3 Rehabilitation Project at LRT-2 East Extension ganon din ang Cavite Extension, MRT 7, Metro Manila Subway, Common Station, PNR Clark Phase 1 (Tutuban-Malolos), PNR Clark Phase 2 (Malolos-Clark) PNR Calamba at PNR Bicol.

 

 

 

Dagdag pa ni Tugade na sa ngayon ang mga pasahero ay nabibigyan ng magandang serbisyo dahil sa magandang train ride sa MRT 3 pagkatapos na ang MRT 3 ay sumailalim sa rehabilitation. “The movement at the MRT 3 now is not only smooth and convenient, fast and reliable, it is also safe” saad ni Tugade.

 

Mayron naman na 579 ang proyekto sa seaports ang nakumpleto ng Philippine Ports Authority (PPA) simula noong 2016 habang may tinatapos pa na 163 na seaports.

 

 

 

“For road transport, efforts were undertaken to improve commuting experience, particularly through the realization of road-based transport infrastructure and programs, including the PITX, EDSA Busway, PUV Modernization Program, Cebu Rapid Transit at Bike Lanes, as well digitization initiatives which aim to deliver seamless, swift and efficient service,” wika ni Tugade

 

 

 

Naresolba rin ang problema at issues sa vehicle license plates at drivers’ license card.

 

 

 

“We may not have solved all the transport problems in six years, but we have addressed many. Never before in the history of the country has the DOTr done so much in so short time -notwithstanding COVID-19, earthquakes, typhoons,” pagtatapos ni Tugade.  LASACMAR

‘Never wish ill on others’, dahil mabilis ang karma: JESSY, nag-react sa pagkakasama ng photo ni LUIS sa mga ‘crying grooms’

Posted on: June 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAG-REACT si Jessy Mendiola-Manzano sa pagkakasama ng asawa niyang si Luis Manzano sa isang FB post na kung saan ang ‘crying grooms’ daw ay kalimitan ay nagpi-fail ang marriage at napupunta sa hiwalayan.

 

Sa bandang huli ng post, “Oh yung nasa last na photo putulin na ang sumpa o uunahan ka ni senyorita Jessy Mendiola char!”

 

Kaya ‘di napigilang mag-comment ni Jessy sa post, “Never wish ill on others. (red heart emoji) masyado nang madaming negativity sa mundo. (smiling face emoji)

 

Babala pa ni Jessy, “wag pagtawanan ang heartbreak ng ibang tao, mabilis ang karma.”

 

Kasama nga ang photos nina Aljur Abrenica, Tom Rodriguez, Jon Gutierrez at Jason Hernandez.

 

Comment naman ng mga ‘marites’:

“Be careful Jessy.”

“You be careful. Like what she said karma happens to people with ill will.”

“I used to dislike Jessy Mendiola and I don’t think I will ever be a fan. pero may point naman siya. hindi naman ata maganda na idamay pa sila sa mga ganyang kalokohan since so far mukhang maayos naman sila. pati si Vilma ang bait sa kanya.”

“i dont like her but she has a point. it’s not right to make jokes at the expense of someone’s marriage. buhay nya yan karapatan nyang mag react.”

“Sobrang KJ! Buti nalang may sense of humor asawa niya.”

“She isn’t KJ. It’s appropriate for her to say that. Masyado na ginawang pyesta ang heartbreak ng ibang tao na pati yung nanahimik dinadamay. God can see your thoughts.”

“‘Di naman kasi katatawanan na iwish na magcheat sayo asawa mo. Bad joke yun.”

“Ang cringe naman kasi ng umaatungal sa kasal na LALAKE. Sa true lang.”

“Ang OA atungal talaga d ba pwedeng tears of Joy lang…”

“Emosyon kasi nila yun sa mahalagang pangyayari sa buhay nila. Kailangan bang pigilan at i-kontrol para di ka mag-cringe, sa true lang?”

“Ang sexist mo naman. Pag ba lalaki di na pwedeng maging emotional?”

“Eh kung gusto niyo ng mga lalakeng umaatungal eh di kayo na lang. Wag niyo lahatin. May mga tao naman talaga na naaalibadbaran sa mga lalakeng mas maatungal kaysa sa mga babae. Tapos ending ano? Cheater? Yuck. MAHINANG NILALANG. sa kasal pa lang nakita na.”

“You can wish pero who knows what tomorrow brings? just Pray and let God be the center of your marriage and work on it, it is a work in progress kasi as you grow old and older nagiiba ang ugali ng bawat isa. so, for now Jessy be happy nasa honeymoon stage pa kayo. just dont say anything that you will regret later or years from now.”

“Never wish ill on others pero sa dulo “mabilis ang karma”.”

 

“Pero naintindihan ko naman why she reacted hindi naman tama na idamay sila. Contradicting lang yun sinabi niya.”

 

“Karma is both ways naman e. You do good, karma will do you good, pag bad eh di bad. Golden rule naman yan!’

 

“Mas ok nga noh, na sana hindi nya include ang “mabilis ang karma” hindi kasi na proof read ni Luis lol.”

 

“Stating mabilis ang karma is not an ill-wish. She’s just saying that it has consequence.’

 

“She has a point. Parang winiwish na rin ng iba na mangyari rin sa kanya when they included him. Di maganda mag wish ng masama para sa iba bumabalik talaga sayo yun.’

 

“Mukhang matino naman si Luis at mahal na mahal nya si Jessy.’

 

“Mukhang mabait din naman si Jessy.”

 

“Mukhang maalaga sila sa isat isa. Give and take sila sa relationship nila. Hndi yung klase ng girl na gusto sya lang lagi nasusunod at inaalaganan.’

 

“Pwede naman i-ignore na lang ang pag-include kay Luis.”

 

“Bakit ba kasi wini-wish nyo pa na maghiwalay sila Jessy at Luis? Nakakaumay na. Yung idol nyo masaya naman din dun sa pinakasalan nya. Lahat naka-move on na.”

 

“Agree with jessy on this one. Pwede maging marites na hindi hateful at malicious. Nakikichismis lang tayo. Huwag magimbento ng kwento at huwag magwish ng masama sa iba. Be respectful.”

 

“Luis is just playful but in reality he is very much responsible & matino kind of guy.”

 

“Actually very interesting nga na pag umiyak ba ang groom – was it really because of happiness or maybe too overwhelmed by other emotions – like doubts, guilt, stress etc? hmmmm.”

 

(ROHN ROMULO)

P5.1M HALAGA NG SHABU, NASABAT NG BOC

Posted on: June 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG nasa P5.1 milyong halaga ng methamphetamine hydrochloride na karaniwang kilala sa tawag na “Shabu” ang nasabat, habang dalawang claimant ang nasakote matapos ang matagumpay na anti-drug interdiction operation na pinagsama-samang isinagawa ng Bureau of Customs NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group sa Central Mail Exchange Center noong Hunyo 02, 2022

 

 

Bandang alas-5:45 ng hapon, Naarestado ang consignee, isang residente ng Cainta, Rizal, at ang kanyang kasamahan na residente ng lungsod ng San Juan  alas 5:45 hapon ng Huwebes  matapos tangkaing kunin ang package sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.

 

 

Ang kargamento ay idineklara bilang “Bateria, Musical, Dulces” o Set of Toy Drums na ipinadala mula sa Mexico, na dumating noong Mayo 30, 2022.

 

 

Unang nadiskubre ng BOC nang dumaan sa X-ray scanning at sumailalim din sa 100% physical examination.

 

 

Nadiskubre ng customs examiner ang 750 gramo ng shabu na nakasilid sa toy drum set.

 

 

Ang mga claimant ay kasalukuyang sumasailalim sa custodial investigation para sa tuluyang inquest prosecution para sa paglabag sa R.A. 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na may kaugnayan sa Seksyon 119 at 14. (GENE ADSUARA)

4 barangay sa Irosin, Sorsogon, apektado na ng ashfall mula sa bulkang Bulusan

Posted on: June 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASA apat na barangay na raw ang apektado sa Irosin, Sorsogon dahil sa ashfall mula sa bulkang Bulusan matapos itong mag-alburuto dakong alas-10:37 Linggo ng umaga.

 

 

Ayon sa municipal disaster risk reduction and management office (MDRRMO) officer na si Fritzie Michelena kabilang sa mga apektadong barangay ang Cogon, Bolos, Gulang-Gulang at Tinampo.

 

 

Nasa 800 na pamilya raw ang bahagyang naapektuhan ng ashfall sa naturang mga barangay.

 

 

Sa naganap ding phreatic explosion ng Bulkang Bulusan marami rin umano ang apektado sa Juban.

 

 

Base naman sa inisyal na assessment hindi pa raw kailangang ilipat sa evacuation centers ang mga apektadong pamilya.

 

 

Pero nakahanda naman daw ang lokal na pamahalaan sakaling kailanganin silang ilikas.

 

 

Una rito, iniulat ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum na nagtagal ng 16 minutes ang pag-aalburuto ng bulkan na maari pa raw masundan.

 

 

Samantala, mahigpit na naka-monitor ang Malakanyang sa kondisyon ng Bulkang Bulusan matapos ang phreatic eruption na nangyari.

 

 

Sinabi ni Presidential Communications Secretary at Acting Presidential Spokesperson Sec. Martin M. Andanar, naka-standby 24/7 ang lahat ng concerned agencies matapos itaas sa Alert Level 1 ang situwasyon doon.

 

 

Kaya ang paalala ng Malakanyang sa publiko partikular na sa mga residente na nakatira sa paligid ng bulkan, maging bigilante, i-monitor ang anumang kaganapan kaugnay sa kondisyon ng bulkan at makipag-ugnayan sa lokal na awtoridad.

 

 

Nauna rito, inanunsyo ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs)Linggo ang pagkakaroon ng phreatic eruption sa Bulusan Volcano sa Sorsogon.

 

 

“This is to notify the public and concerned authorities of an ongoing phreatic eruption at Bulusan Volcano,” saad sa tweet ng seismic bureau.

 

 

Ang phreatic eruption ay isang “steam-driven explosions that occur when water beneath the ground or on the surface is directly heated by hot rocks or new volcanic deposits or indirectly by magma or magmatic gas,” anang paliwanag ng Phivolcs.

 

 

Sinabi naman ni National Disaster Risk Reduction and Management Council spokesperson Mark Timbal na mayroong naiulat na insidente ng ash fall sa Brgy Cogon sa Irosin.

 

 

“Ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Irosin ay naghahanda ng mga evacuation centers,” pagsisiguro pa niya.

 

 

Sinabi ng NDRRMC na nakikipag-ugnayan sila sa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council of Bicol hinggil sa pagputok ng bulkan.  (Daris Jose)

TAGLE ITINALAGA NG VATICAN

Posted on: June 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ITINALAGA  ni Pope Francis si Luis Antonio Cardinal Tagle sa ibang posisyon, sa pagkakataong ito bilang miyembro ng Congregation for Divine Worship and the Discipline of the Sacraments.

 

 

Iniulat ng Radio Veritas na ginawa ng Vatican ang appointment sa publiko noong Hunyo 1 kaugnay ng anunsyo sa iba pang mga obispo na bahagi ng opisina.

 

 

Sa ilalim ng nasabing katungkulan, ang mga pari, diakono, at iba pang ordinadong ministro na gustong gumamit ng Lumang Rito ay kinakailangang isumite ang kanilang kahilingan sa Cardinal at sumang-ayon na sundin ang mga bagong pamantayan ng simbahan.

 

 

Pinangunahan ang Congregation for Divine Worship ni Cardinal-elect Archbishop Arthur Roche na bahagi ng  consistory na nakatakdang gawin sa  August 27. Pinalitan nito si  Cardinal Robert Sarah na magreretiro sa May 2021.

 

 

Bukod sa pagiging miyembro ni Tagle sa Dicastery for Divine Worship at the Discipline of the Sacraments, bilang Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples, pinangangasiwaan din niya ang Dicastery for Evangelizations.

 

 

Miyembro rin ang dating Manila archbishop sa ibat-ibang opisina tulad ng  Congregation for Catholic Education; Institutes of Consecrated Life and Societies of Apostolic Life; the Oriental Churches; Pontifical Councils; Legislative Texts; Inter-Religious Dialogue; Administration of the Patrimony of the Apostolic See; Cardinal Commission for the Supervision of the Institute for the Works of Religion and Grand Chancellor of the Pontifical University Urbaniana.

 

 

Pinamunuan din ni Tagle ang Caritas International bago siya naitalaga sa Vatican. (GENE ADSUARA)

Solidong Gilas sa 2023 FIBA World Cup — Reyes

Posted on: June 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANGAKO  kahapon si Gilas Pilipinas program director Chot Reyes na isang solidong national team ang maglalaro sa 2023 FIBA World Cup.

 

 

Ito ay matapos ang silver-medal finish ng Nationals sa nakaraang 31st Southeast Asian Games kung saan sila tinalo ng Indonesia para sa gold medal sa Hanoi, Vietnam.

 

 

“We will put together the best team possible for August 2023,” wika ni Reyes sa ‘Power and Play’ program ni Noli Eala.

 

 

Natanggal sa Pinas ang SEA Games men’s basketball crown matapos ang 33 taon dahil sa pagkatalo sa Indonesia na nagparada ng isang dating NBA forward.

 

 

Ngayon ay tututukan ni Reyes at ng Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang preparasyon sa FIBA World Cup, nakatakda sa Agosto ng 2023, simula sa third window ng Asian qualifiers.

 

 

Haharapin ng Gilas, hahawakan ni Serbian coach Nenad Vucinic at pamununuan nina Thirdy Ravena at Dwight Ramos kasama ang mga collegiate stars, ang New Zealand sa Hunyo 30 sa Auckland.

 

 

Sunod nilang lalabanan ang India sa Hulyo 3 sa MOA Arena.

Bukod sa FIBA WCA World qualifiers ay sasabak din ang Gilas sa 2022 FIBA Asia Cup sa Hulyo 12-24 sa Indonesia.

Bahagi ng paglilinaw: Gobyerno, nagdagdag ng mas maraming lungsod, bayan sa listahan na nasa ilalim ng Alert Level 1 hanggang Hunyo 15

Posted on: June 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPALABAS ang Malakanyang, araw ng Sabado ng “revised list of areas” sa ilalim ng pinakamababang COVID-19 alert level mula Hunyo 1 hanggang Hunyo15.

 

 

Kabilang na rito ang mas maraming lungsod at munisipalidad mula sa ilang rehiyon.

 

 

Sinabi ni Acting presidential spokesperson Martin Andanar na inaprubahan, araw ng Huwebes ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekumendasyon na makapagbibigay linaw hinggil sa alert level status sa iba’t ibang lugar sa buong bansa.

 

 

Sa bagong listahan, marami ang nananatili gaya ng nakasaad sa bersyon na ipinalabas noong Mayo 27, bagama’t mas maraming “component cities and towns” ang isinama sa ilalim ng Alert Level 1.

 

 

Base sa naging pagbabago, ang mga sumusunod na lalawigan, HUCs, at ICCs na inilagay din sa ilalim ng “most lenient classification” hanggang sa kalagitnaan ng Hunyo ay: National Capital Region: Caloocan City, City of Malabon, City of Navotas, City of Valenzuela, Pateros, City of Pasig, City of Marikina, Taguig City, Quezon City, City of Manila, City of Makati, City of Mandaluyong, City of San Juan, City of Muntinlupa, Parañaque City, City of Las Piñas, Pasay City

 

 

Cordillera Administrative Region: Abra, Apayao, Baguio City, Kalinga, Mountain Province

 

Region I: Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan

 

Region II: Batanes, Cagayan, City Of Santiago, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino

 

Region III: Angeles City, Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Olongapo City, Pampanga, Tarlac, Zambales

 

Region IV-A: Batangas, Cavite, Laguna, Lucena City, Rizal

 

Region IV-B: Marinduque, Oriental Mindoro, Puerto Princesa City, Romblon

 

Region V: Albay, Catanduanes, Naga City

 

Region VI: Aklan, Bacolod City, Capiz, Guimaras, Iloilo, Iloilo City

 

Region VII: Cebu City, Lapu-Lapu City (Opon), Mandaue City, Siquijor

 

Region VIII: Biliran, Eastern Samar, Ormoc City, Southern Leyte, Tacloban City

 

Region IX: Zamboanga City

 

Region X: Bukidnon, Cagayan De Oro City, Camiguin, Iligan City, Misamis Occidental, Misamis Oriental

 

Region XI: Davao City, Davao Oriental

 

CARAGA: Butuan City, Surigao Del Sur

 

Gayundin, ang mga sumusunod na component cities at municipalities na inilagay sa ilalim ng Alert Level 1:

 

Cordillera Administrative Region: Benguet – Buguias, Tublay; Ifugao – Kiangan, Lagawe (Capital), Lamut

 

Region IV-A: Quezon – Atimonan, Candelaria, City of Tayabas, Dolores, Lucban, Mauban, Pagbilao, Plaridel, Polillo, Quezon, Sampaloc, San Antonio, Tiaong

 

Region IV-B: Occidental Mindoro – Looc, Lubanga; Palawan – Cagayancillo, Culion

 

Region V: Camarines Norte – Basud, Capalonga, Daet (Capital), San Vicente; Camarines Sur – Bombon, Cabusao, Camaligan, Caramoan, Iriga City, Pamplona, Pili (Capital), Presentacion (Parubcan), San Fernando, Tigaon; Masbate – Balud, City of Masbate (Capital), Mandaon; Sorsogon – Barcelona, Bulusan, Casiguran, City of Sorsogon (Capital), Gubat, Irosin, Juban, Magallanes, Prieto Diaz, Santa Magdalena

 

Region VI: Antique – Anini-Y, San Jose (Capital), Sebaste, Tobias Fornier (Dao); Negros Occidental – Candoni, City of Victorias, Enrique B. Magalona (Saravia), La Carlota City, Pulupandan, Sagay City, San Enrique

 

Region VII: Bohol – Batuan, Calape, Corella, Dimiao, Duero, Garcia Hernandez, Jagna, Lila, Loay, Loboc, San Isidro, San Miguel, Sevilla, Sikatuna, Tagbilaran City (Capital); Cebu – Alcoy, Borbon, City of Talisay, Oslob, Pilar, Santander, Tudela;

 

Negros Oriental – Amlan (Ayuquitan), Bacong, Dauin, Dumaguete City (Capital), Valencia (Luzurriaga), Zamboanguita

 

Region VIII: Leyte – Albuera, City of Baybay, Dulag, Javier (Bugho), La Paz, Matag-Ob, Matalom, Palo, Tunga, Villaba;

 

Northern Samar – Capul, Lapinig, Lavezares, San Antonio, San Jose, Victoria; Samar (Western Samar) – Marabut, Pagsanghan, Paranas (Wright), Tarangnan, Zumarraga

 

Region IX: Zamboanga Del Norte – Dapitan City, Dipolog City (Capital), Jose Dalman (Ponot), Labason, Piñan (New Piñan), Polanco, Rizal, Salug; Zamboanga Del Sur -Lapuyan, Mahayag, Molave, Ramon Magsaysay (Liargo);

Zamboanga Sibugay – Buug, Diplahan, Ipil (Capital), Tungawan

 

Region X: Lanao Del Norte – Bacolod, Baroy, Lala, Linamon, Tubod (Capital)

 

Region XI: Davao De Oro – Montevista, Nabunturan (Capital), New Bataan; Davao Del Sur – Padada

 

Region XII: Cotabato (North Cotabato) – Antipas, Arakan, City of Kidapawan (Capital), President Roxas; South Cotabato – Banga, City of Koronadal (Capital), Polomolok, Santo Niño, Tantangan; Sultan Kudarat – City of Tacurong, Kalamansig, Lebak

 

CARAGA: Agusan Del Norte – Carmen, Jabonga, Kitcharao, Magallanes, Nasipit; Agusan Del Sur – Bunawan, Loreto, Prosperidad (Capital), San Francisco, Santa Josefa, Sibagat; Dinagat Islands – Cagdianao, Dinagat, Libjo (Albor), Loreto, Tubajon; Surigao Del Norte – General Luna, Mainit, Tagana-An

 

Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao: Maguindanao – South Upi, Upi; Tawi-Tawi – Turtle Islands

 

Samantala, ang mga sumusunod na lalawigan, HUCs, at ICCs na inilagay naman sa ilalim ng Alert Level 2, “without prejudice to their respective component cities and municipalities which may be under a different Alert Level Classification” ay:

 

Cordillera Administrative Region – Benguet, Ifugao

 

IV-A – Quezon

 

IV-B – Occidental Mindoro, Palawan

 

V – Camarines Norte, Camarines Sur, Masbate, Sorsogon

 

VI – Antique, Negros Occidental

 

VII – Bohol, Cebu, Negros Oriental

 

VIII – Leyte, Northern Samar, Samar (Western Samar)

 

IX – City of Isabela, Zamboanga Del Norte, Zamboanga Del Sur, Zamboanga Sibugay

 

X – Lanao Del Norte

 

XI – Davao De Oro, Davao Del Norte, Davao Del Sur, Davao Occidental

 

XII – Cotabato (North Cotabato), General Santos City (Dadiangas), Sarangani, South Cotabato, Sultan Kudarat

 

CARAGA – Agusan Del Norte, Agusan Del Sur, Dinagat Islands, Surigao Del Norte

 

Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao – Basilan, Cotabato City, Lanao Del Sur, Maguindanao, Sulu, Tawi-Tawi.

7,000 slots, bukas para sa TNVS application – LTFRB

Posted on: June 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSIYO ng Land Transportation Franchising and Regulatory (LTFRB) na basa 6,869 slots pa ang bukas para sa aplikasyon para sa transport network vehicle service (TNVS).

 

 

Sa kasalukuyan kasi, nasa mahigit 1,000 pa lamang ang natatanggap na aplikasyon ng ahensiya mula ng magsimula ang aplikasyon noong Abril 30.

 

 

Kaugnay nito, nag-abiso ang LTFRB sa mga applicants na hindi nakakumpleto ng kaukulang dokumento na gumamit ng bagong email accounts sa kanilang online application process upang muling makonsidera ang kanilang aplikasyon para sa TNVS.

 

 

Una rito, base sa LTFRB Board Resolution No. 065 series of 2022, nasa 7,000 TNVS ang inilaan para sa Metro Manila, 200 sa Central luzon, 500 sa Bicol Region at 150 sa Western Visayas.

 

 

Sa ngayon, nasa 26,301 TNVS units ang nag-o-operate sa buong bansa kung saan karamihan na nasa 25,495 ay nag-o-operate sa Metro Manila.

 

 

Nagpaalala naman ang LTFRB sa panibagong fare system para sa TNVS.

 

 

Dapat na nasa P40 ang flagdown rate para sa isang Sedan-type at P15 ang pamasahe sa kada kilometro at P2 kada minuto.

 

 

Para naman sa premium AUV/SUV, ang flagdown rate ay nasa P50 at P18 ang kada kilometro at P2 kada minuto habang sa Hatchback o sub compact TNVS naman nasa P30 ang flagdown rate kung san P13 ang kada kilometro at P2 naman kapag kada minuto.

Dagdag na pondo para sa paggawa ng plaka, hiling ng LTO sa susunod na administrasyon

Posted on: June 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HUMILING ang Land Transportation Office (LTO) sa susunod na administrasyon ng dagdag na pondo para sa paggawa ng plaka.

 

 

Ito ay sa kadahilanang nasa 11 milyon na ang backlog ng LTO sa paggawa ng plaka ng motorsiklo.

 

 

Sa isang press conference ay sinabi ni Department of Transportation, LTO chief Assistant Secretary Edgar Galvante na sa ngayon ay nasa pitong milyong plaka na ang kanilang natapos at umaasa pa aniya sila na maglalaan pa ng dagdag na pondo ang Marcos administration para rito.

 

 

Patuloy kasi aniyang nadadagdagan at dumadami ang mga indibidwal na bumibili ng motor kada taon na may average increase na P1.2 milyon hanggang P1.3 milyon dahilan kung bakit kinakailangan din nilang magtrabaho ng overtime upang mahabol ito.

 

 

Matatandaan na una nang humingi si Galvante ng P2.6 bilyon para tugunan ang backlog ng kagawaran dahil sa naging problema nito kabilang na ang outsourcing ng produksyon ng mga plaka dahil hindi sa kawalan ng kakayahan ng mga planta sa bansa na tugunan ang paggawa ng plaka. (Daris Jose)