NATAPOS na ang Election 2022 sa bansa, pero ang mga netizens at viewers ng top-rating GMA Telebabad romantic-drama series na First Lady ay hindi pa tapos at sumisigaw pa sila ng suporta kay First Lady Melody na kandidatong Presidente ng bansa.
Bakit hindi si President Glenn Acosta (Gabby Concepcion) ang muling kumandidato? Nagkaroon kasi ng assassination attempt sa buhay ni PGA, at hospitalized pa siya, kaya si Melody ang napusuan ng kanyang mga ka-alyado para palitan siyang kandidato sa eleksyon.
Tinanggap naman ni Melody ang hamon sa kanya bilang president ng Pilipinas, at kalaban niya si Senator Allegra Trinidad (Isabel Rivas), pero hindi naging madali sa kanya ang ginawang desisyon. At sa Twitter at Facebook, bumuhos ang suporta para kay Melody. Tanong nga sa social media, “kung makaboboto kayo, sino ang iboboto ninyo sa pagkapresidente?
At tulad ng tunay na eleksyon, nakatikim si Melody ng bashings ng mga kalaban niya, tulad nang “ipagkakatiwala ba natin ang buhay natin sa isang tulad niyang walang alam dahil isa lamang siyang yaya?” May nagpadala pa sa kanya ng uniform ng isang yaya at iyon daw dapat ang isuot niya.
Pero hindi nanghina ang loob ni Melody, sa isang kampanya ay isinuot niya ang yaya uniform at sabi niya “tapat akong maglilingkod sa mga tao at hindi ko ikinahihiya na isa lamang akong yaya, pero malakas ang loob ko at hindi ako magpapatalo!”
Sa June 30, 2022 na ang proclamation ng ating newly-elected President of the Philippines, sabayan din kaya ito ng proclamation ni First Lady Melody? Ang First Lady ay napapanood gabi-gabi, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA-7.
***
NAKA-TAPING break si Bea Alonzo sa Start-Up kasama sina Alden Richards at Jeric Gonzales, kaya nagkaroon siya ng chance na magawa ang ika-100 episodes ng kanyang YouTube vlog.
May 2.51 million subscribers na si Bea. At ang latest vlog nga niya ay tungkol sa pagpunta niya sa Madrid, Spain, last March, bago siya nagsimulang mag-taping ng first teleserye sa GMA Network.
On her new vlog, Bea shared kung bakit siya pumunta sa Madrid. Ito ay para tumingin ng isang apartment doon dahil isa raw niyang dream ay magkaroon ng sariling bahay sa Europe. Kaya personal siyang pumunta ng Madrid, at nag-apartment hunting siya.
At sa six apartments na pinagpilian niya, ang napili niya ay iyong may elevator na magagamit ng mommy niya at ng mga pamangkin niya kapag naroon sila. Kaya ang promise ni Bea sa kanyang vlog, kapag natapos na ang teleserye nila nina Alden, babalik siya sa Madrid at gagawa siya muli ng isang vlog na iha-house tour naman ang mga subscribers sa nabili niyang bahay sa Madrid.
***
TULOY na tuloy na pala ang movie na pagtatambalan nina John Lloyd Cruz at Jasmine Curtis-Smith.
Kaya pala nag-tape nang ilang summer episodes si JLC ng sitcom niyang Happy ToGetHer sa Boracay, dahil magiging busy naman siya kapag nagsimula na sila ng shooting ng movie, na malamang lock-in din. Wala pang binanggit na title ng movie na isu-shoot nila at kung saan ang location nila.
Marami raw nagsasabing maswerte si Jasmine, dahil after niyang makatambal ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa GMA Telebabad na The World Between Us, ang best actor awardee naman ang bago niyang leading man.
(NORA V. CALDERON)
INAPRUBAHAN ng regional wage boards ang dagdag sahod na P33 para sa Metro Manila, at P55 at P110 para sa Western Visayas, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Sabado, Mayo 14.
MEET the best of the best. Get to know the Top Gun: Maverick crew with the reveal of their individual character posters.
TARGET ng Commission on Elections (Comelec) na maiproklama na sa susunod na linggo ang mga nagwaging kandidato sa pagka-senador at mga party-list groups.
NILINAW ng American financial services giant J.P. Morgan na mali ang iniulat ng ilang media ukol sa pagbagsak ng Pilipinas sa investment list ng Southeast Asian matapos ang landslide victory ni president-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa katatapos na eleksyon nitong Mayo 9.
NAGDAOS araw ng Biyernes, Mayo 13 ng thanksgiving event si Vice President Leni Robredo kasama ang buong Angat Buhay team sa Ateneo de Manila University (AdMU) campus.
MAY bagong programa si Ms. Charo Santos-Concio.
HINIKAYAT ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Acting Secretary Jim O. Sampulna ang mga kandidato ng 2022 national at local elections na linisin at itapon ng maayos ang kanilang campaign materials alinsunod na rin sa nakasaad sa Republic Act (RA) 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
NAGKAUSAP at binati na si presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos at US President Joe Biden.
PINANGUNAHAN ni Olympic pole-vaulter EJ Obiena na nagsilbing flag-bearer sa pormal na pagsisimula ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.