• April 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May, 2022

Pinoy Olympian EJ Obiena nasungkit ang SEA Games record sa pole vault at nakamit ang gold medal

Posted on: May 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BINASAG ngayon ng Pinoy Olympian na si EJ Obiena ang SEA Games record sa pole vault matapos masungkit niya ang gold medal at matagumpay na madepensahan ang kanyang korona.

 

 

Si Obiena na ranked 5th sa buong mundo sa pole vault ay nagtala ng SEA Games record makaraang malampasan niya ang 5.46m sa nagpapatuloy na 31st Southeast Asian Games sa My Dinh National Stadium sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Kinakailangan lamang ni Obiena na isang tangka para ma-clear ang dati niyang record noong 2019 sa Pilipinas.

 

 

Una na kasi niyang natalon ang 5.40m para matiyak ang gold medal matapos na malasin ang kanyang mga kalaban bunsod ng lagay ng panahon.

 

 

Sa kabila nito, pinilit pa rin ng 26-anyos na flag bearer ng Team Pilipinas na itaas sa 5.94m ang tatalunin para sana sa kanyang personal best.

 

 

Gayunman tatlong beses siyang nabigo at kung nagawa naman sana ay magtatala siya ng panibagong Asian record.

 

 

Ang kababayan naman na si Hokett delos Santos ay pumangalawa sa kanya na may 5.0m record.

 

 

Kung maalala muntik nang hindi napasama sa SEA Games si Obiena dahil sa iskandalo at away niya sa PATAFA na umabot pa ang kaso sa Kongreso hanggang sa makialam na ang Philippine Sports Commission, Malacanang at ang Philippine Olympic Committee.

Fighting Maroons bagong hari ng UAAP!

Posted on: May 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINAPOS ng University of the Philippines Figh­ting Maroons ang kanilang 36-taong pagkauhaw sa korona matapos talunin ang Ateneo Blue Eagles sa overtime, 72-69, sa ‘winner-take-all’ Game Three ng UAAP Season 84 men’s basketball championship kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

 

 

Hinirang na bayani si guard Joel Cagulangan na nagsalpak ng three-point shot sa natitirang segundo ng extra period para wakasan ang paghihintay ng Katipunan-based ca­gers sa inaasam na korona.

 

 

Isinara ng Fighting Maroons ang kanilang best-of-three titular showdown ng Blue Eagles sa 2-1 sa harap ng 15,000 fans na nanood sa venue.

 

 

Huling nagkampeon ang UP noong 1986 sa likod nina Benjie Paras, Ronnie Magsanoc at Eric Altamirano sa ilalim ni le­gendary coach Joe Lipa.

 

 

Ipinoste ng Blue Eagles ang 69-64 abante sa huling 1:47 minuto ng overtime mula sa ikalawang triple ni Gian Mamuyac kasunod ang tres ni Cagulangan at slam dunk ni Malick Diouf para itabla ang Fighting Maroons sa 69-69 sa natitirang 39.7 segundo.

 

 

Umalog ang tangkang jumper ni Dave Ildefonso sa posesyon ng Ateneo sa huling 16 segundo na nagresulta sa game-winning triple ni Cagulangan para sa UP.

 

 

Nauna nang inilista ng Fighting Maroons  ang 31-22 bentahe sa 3:22 minuto ng se­cond period mula sa tres ni Cagulangan bago naagaw ng Blue Eagles ang 59-56 bentahe sa hu­ling 56.7 segundo sa fourth quarter.

 

 

Ang triple ni CJ Cansino sa huling 47.8 segundo ang nagtulak sa Fighting Maroons sa  overtime.

Arroyo inendorso si Romualdez sa Speakership

Posted on: May 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INENDORSO ni dating pangulo at Congresswo­man-elect Gloria Macapagal-Arroyo si Leyte 1st District Representative at Majority Leader Martin Romualdez upang maging House speaker ng 19th Congress.

 

 

Ayon kay Arroyo, buo ang kanyang suporta para iluklok si Romualdez bilang susunod na House Speaker. Hinimok din nito ang kanilang mga kapartido na suportahan din si Romualdez.

 

 

Unang inendorso ng National Unity Party ang speakership ni Romualdez.

 

 

Paliwanag ni Arroyo, dekada na silang magkatuwang ni Romualdez sa pag­lilingkod sa mga Pilipino, kung saan malaking bahagi nito ay bilang kinatawan sa Kamara. Balik kongreso si Arroyo  sa Hunyo 30, matapos itong manalo  bilang  2nd District representative ng Pampanga.

 

 

Samantala, nagpahayag na rin ng suporta ang Nacionalista Party sa pangunguna ni Deputy Speaker Camille Villar kung saan ipinunto nito ang outstanding performance ni Romualdez bilang House Majority Leader sa pagpapasa ng mga vital na batas at pagbubuklod sa mga miyembro ng Kongreso na mula sa magkakaibang partido.

 

 

Sa pulong naman ng party-list coalition, tiniyak din nila ang kanilang suporta para sa pag-upo ni Romualdez bilang House speaker.

 

 

Naglabas na rin ng statement ang PDP Laban na kanilang sinusuportahan ang speakership ng Leyte solon.

 

 

Ayos kay PDP Laban President Alfonso Cusi, naniniwala sila sa kaka­yanan ni Romualdez na pag-isahin ang Kongreso at ipagpatuloy ang legacy program ng Duterte administration kasabay ng pagsusulong sa agenda ni presumptive president Bongbong Marcos.

DOTr: MM subway 2025 pa ang partial opening

Posted on: May 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na ang partial opening ng Metro Manila Subway project ay nalipat sa 2025 dahil sa mga challenges na dinulot ng pandemyang COVID-19 sa bansa.

 

 

 

Sinabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade na ang targeted  partial opening ng Metro Manila Subway ay sa 2025 habang ang buong operasyon ay sa taong 2027.

 

 

 

“If there’s no problem, what we have completed is already substantial to have partial operability. The landscape formatting has been made so that by 2027, the full operation of the first Metro Manila subway will commence,” wika ni Tugade.

 

 

 

Ngayon buwan na gagawin ang lowering ng unang tunnel boring machine at test run ng Valenzuela depot.

 

 

 

Samantala, tuloy-tuloy ang ginawang konstruksyon sa Metro Manila Subway project habang ang Department of Transportation (DOTr) ay lumagda kamakailan lamang sa isang “right-of-way usage agreement” sa apat (4) na malalaking kumpanya para sa pagtatayo ng dalawang (2) estasyon nito.

 

 

 

“We inked right-of-way usage agreement with Megaworld Corp., Robinsons Land Corp., Ortigas & Co. Ltd Parnership and Blemp Commercials of the Philippines Inc. to fastrack the construction of Japan-funded Metro Manila Subway Project,” wika ng DOTr.

 

 

 

Pumayag ang mga nasabing kumpanya na gamitin ang kanilang lupa para sa subway project ng walang bayad ang pamahalaan.

 

 

 

Ang Megaworld ay magbibigay ng 8,200 square-meter property para sa permanenting structure ng Kalayaan at Lawton na estasyon at may karagdagan pa na 14,400 square-meter na lupa para sa temporary facilities habang may konstruksyon.

 

 

 

Samantalang ang Robinsons Land ay magbibigay din ng 1,700 square-meter property para naman sa pagtatayo ng estasyon sa Tandang Sora.

 

 

 

Habang ang Ortigas & Co.ay maglalaan naman ng 5,200 square-meter lot sa Shaw Boulevard at mula naman sa Blemp Commercials ay ang 6,700 square-meter na lupa para sa pagtatayo ng estasyon sa Ortigas.

 

 

 

“Filipino taxpayers will save approximately P7.5 billion for not having to purchase 21,800 square meter of land for permanent stations and structures and will further save P770 million per year for up to five years for not having to lease 26,900 square meters of land for temporary facilities during construction,” saad ni DOTr undersecretary Timothy Batan.

 

 

 

Nagbigay din ang DOTr ng Contract Package 104 para sa Metro Manila Subway Project sa Megawide Construction Corp. at ang joint venture partners nitong Japan, Tokyu Construction and Tobishima Corp.

 

 

 

Sa nasabing kontrata, ang kasama ay ang pagtatayo ng underground na mga estasyon sa Ortigas North at South at ang connecting tunnels sa mga nasabing lokasyon.

 

 

 

Binigyan ng pondo mula sa Japanese government ang P488 billion na subway na babagtas mula sa lungsod ng Valenzuela hanggang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay.

 

 

 

Magiging 35 minuto na lamang ang travel time mula sa lungsod ng Quezon papuntang NAIA mula sa dating isang (1) oras at 10 minuto.  Kapag may operasyon na, ang subway ay makapagsasakay ng 370,000 na pasahero kada araw sa unang taon ng operasyon nito. LASACMAR

Ads May 16, 2022

Posted on: May 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Chris Evans Reunites with ‘Knives Out’ star Ana de Armas in a BTS image from ‘Ghosted’

Posted on: May 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

CHRIS Evans reunites with Knives Out star Ana de Armas in a behind-the-scenes image from their new movie Ghosted as it wraps filming.

 

 

Plot details are being kept under wraps for the film but it is being described as a romantic action comedy in the same vein as Michael Douglas and Kathleen Turner‘s Romancing the Stone. Evans and de Armas are leading the ensemble cast of Ghosted that also includes Adrien Brody, Mike Moh, Amy Sedaris, Tim Blake Nelson, Tate Donovan and Mustafa Shakir.

 

 

Development on Ghosted was first announced in mid-2021 when Evans and fellow Marvel Cinematic Universe star Scarlett Johansson entered talks to join the film with Rocketman‘s Dexter Fletcher directing on a script from Zombieland duo Paul Wernick and Rhett Reese. The film saw a slight change when Johansson was replaced by de Armas in December after the former had to depart the project due to a scheduling conflict. Filming on Ghosted officially kicked off in February 2022 and now one star has exciting news regarding the project.

 

 

Nearly three months after filming began on the project, Chris Evans took to Instagram to announce that filming has wrapped on his new movie Ghosted. Evans paired the announcement with a photo of he, Ana de Armas and director David Fletcher having a laugh in a car situated in front of a blue screen.

 

 

Anticipation has been high for Ghosted since the initial announcement that Evans and Johansson would reunite after two decades of working together on everything from teen heist film The Perfect Score to their long MCU tenures. Though there was some initial disappointment at Johansson’s departure, interest in the film has remained high with de Armas’ casting after she and Evans delivered acclaimed performances in Rian Johnson’s murder mystery comedy Knives Out. Additionally, with the film being penned by Deadpool duo Reese and Wernick, audiences have been confident that the film would turn out to be another fun adventure, which Evans’ BTS image certainly points to.

 

 

With filming now concluded on Ghosted, one can hope further plot details for the movie are revealed in the near future. That being said, the tease of a Romancing the Stone-style adventure does prove an enticing prospect for the time being, especially with the adventure romantic comedy genre seeing a strong resurgence in recent years with Dwayne Johnson and Emily Blunt’Jungle Cruise and Sandra Bullock and Channing Tatum‘s The Lost City

 

 

Only time will tell what’s to come from Evans and de Armas’ reunion as post-production gets underway on Ghosted. (source: screenrant.com)

 

(ROHN ROMULO)

VP Sara ipinagtanggol

Posted on: May 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IPINAGTANGGOL ni Duterte Youth Party-List Rep. Ducielle Marie Cardema ang napipintong appointment ni presumptive Vice-President Sara Duterte bilang Education Secretary sa kritisimo ni Senator Risa Hontiveros ukol sa kuwalipikasyon ni Duterte.

 

 

“If you need to reform and uplift a very big organization, specially the biggest in the country like DepEd, what you need basically is, a strong leadership character, and the nation knows that Mayor Sara Duterte is a strongwoman leader with a strong political will to enact changes,” ani Cardema.

 

 

Ayon sa mambabatas, hindi basehan ang sinasabi ni Hontiveros na dapay ay isang education expert ang mamuno sa Department of Education.

 

 

“Siya nga hindi doctor/health worker pero nag-serve as PhilHealth Director. Ang kelangan lang naman ay may puso at tapang para sa adbokasiyang gusto, alam niya dapat yan, nakapag-panukala naman siya about Reproductive Health & Mental Health kahit hindi siya doctor/health worker,” giit ni Cardema.

 

 

Dagdag pa nito na aanuhin mo ‘yung mga taong may Doctorate Degree at hindi na lumabas sa classrooms buong buhay nila pero mahiyain na kapag makikipaglaban para sa pagbabago sa mga kaguruan at takot sa pagharap sa Kongreso para ipaglaban ang mas malaking budget ng education sector.

 

 

Bilang Mayor ng Davao City ay naging bahagi sa pamumuno ng Local School Board si Duterte at sinosolusyunan ang mga problema ng mga guro at mag-aaral sa kanyang lokalidad.

 

 

Nainiwala ito na kayang kaya ni Duterte ang papel bilang Education Secretary, isang batang-bata na national leader na may puso ng isang ina para sa mga kabataan, may political will ipagtanggol ang ating mga guro at kapwa Pilipino at may leadership skill na baguhin ang mga nakasanayang burukrasya. (ARA ROMERO)

Webinar ukol sa Financing PH shock-responsive social protection, isinagawa

Posted on: May 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGSAGAWA ang House Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD) at UNICEF Philippines ng knowledge sharing webinar na pinamagatang “Lessons on Financing Shock-Responsive Social Protection in the Philippines.”

 

 

Sa pagbubukas na pahayag, sinabi ni CPBRD Deputy Secretary General Dr. Romulo Emmanuel Miral Jr. na nagsasagawa na ang House Secretariat ng mga rekomendasyon para sa magiging legislative ahenda ng papasok na 19th Congress.

 

 

Umaasa ito na masasagot sa webinar ang mga katanungan ukol sa “sufficiency of funds for disaster response, recovery and reconstruction, mobilization of funds to ensure availability and sustainability, at effective utilization of earmarked funds.”

 

 

Samantala, sinabi naman ni UNICEF Representative Behzad Noubary na isa sa mga dahilan ng child poverty ay ang “high vulnerability to shocks and the lack of capacity to respond to their immediate and long-term consequences.”

 

 

Pahayag pa ni Noubary na ang paggamit sa mga social protection programs bilang suporta sa traditional emergency response ay makakatulong para mapabilis ang proseso ng recovery sa socio-economic impact ng COVID-19.

 

 

Iprinisinta naman ni UNICEF Philippines Disaster Risk Management Specialist Fides Borja ang Philippine case study ukol sa disaster risk financing at social protection, upang ma-assess ang mga dahilan na nakaka-apekto sa bilis at overall effectiveness ng disaster risk financing mechanisms for shock responsive social protection.

 

 

Ayon kay Borja, ilan sa mga kasalukuuyang government initiatives na magbibigay ng positive social impact ay ang Philippine Identification System, Mandanas Ruling implementation at ang pagbuo ng Department of Disaster Resilience. (ARA ROMERO)

Tinawanan pa nang sitahin kaya lalong nag-init ang ulo… Broadway Legend na si PATTI LUPONE, may mga tinalakan dahil sa pagsusuot ng facemask

Posted on: May 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKATIKIM ng talak ang dalawang tao mula sa Broadway Legend na si Patti Lupone dahil ayaw nilang ayusin ang pagsuot ng kanilang facemask habang nasa loob sila ng American Theatre Wing.

 

Ayon sa two-time Tony Award-winning actress, sinita na raw niya ang dalawa tungkol sa kanilang facemask habang nasa entablado siya para sa Q&A kasama ang cast ng Broadway revival ng Company. Pero tumawa lang daw ang dalawa kaya lalong nag-init ang ulo ni Lupone.

 

“Who do you think you are? Just put your mask over your nose. That is the rule. If you don’t want to follow the rules, get the f— out!” talak pa ni Lupone.

 

Singot daw siya ng isa ng: “I pay your salary.” at sinagot naman siya ni Lupone ng: “You pay my salary? Bullshit! Chris Harper pays my salary!”

 

Napilitan ang palabasin ang dalawa ng security dahil sa hindi pagsunod sa safety protocol ng venue.

 

Kuwento ng isang eyewitness: “Patti had politely asked them to lift their masks several times. They just kept shaking their heads at her. That’s when she hit a breaking point, taking the mic, stopping the panel, and demanding they follow the rules. These people were so rude.”

 

Na-shutdown ang Broadway for 18 months dahil sa pandemic. Nagkasakit din si Lupone with Covid-19 kaya ayaw niyang maulit iyon dahil lang sa dalawang taong ayaw sumunod sa safety protocol ng venue. Kahit na raw na-lift ang pagsuot ng mask sa New York City, required pa rin daw ang audience to wear a facemask inside theaters para maprotektahan ang actors, musicians, crew members and staffers na mahawa sa virus.

 

May reputation si Lupone na titigil sa kanyang performance kapag may isang audience na nakaka-distract sa performance nito. Meron na siyang sinigawan dahil may kumuha ng photos na bawal gawin. May isa naman na kinuha niya ang cellphone dahil nagte-text ito.

 

Kinampihan si Lupone ng buong staff ng Company: “She is also a fierce advocate for the entire theatrical workforce. We stand with Patti and support her efforts to keep our entire community — from patrons to ushers, cast to stage crew — safe and healthy so we can keep Broadway open.”

 

Kilala si Lupone sa pagganap niya sa hit Broadway musicals na Evita, Gypsy, Les Miserables, Sunset Boulevard at Sweeney Todd.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Dahil two years na ang panganay na si Tili: SOLENN, ready na sa baby number two nila ni NICO

Posted on: May 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HANDA na raw for baby number two si Solenn Heussaff.

 

Dahil 2 years-old na raw ang panganay nila ng mister niyang si Nico Bolzico na si Thylane Katana or Tili, puwede na raw nilang paghandaan ang magiging kapatid nito ngayong 2022.

 

“Yes! Ready na kami for baby number 2. The clock is ticking and I’m not getting any younger. Kaya okey na magkaroon ng isa pang baby,” sey ni Solenn who will turn 37 na sa July.

 

Dagdag pa ni Solenn na tama lang daw yung two or three years na age gap kung sakaling magkaroon ng kapatid agad si Tili.

 

Pinabinyagan na nila Solenn at Nico si Tili noong nakaraang May 7. On Instagram, pinost ni Nico ang isang short video ng binyag ni Tili. Nilagyan niya ito ng caption na: “After 2 years and 4 months…”

 

Pinanganak si Tili noong January 1, 2020. Dahil biglang nagkaroon ng pandemic, na-delay ang pagbibinyag kay Tili. Ang pinsan naman ni Tili na si Dahlia na anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff ay nabinyagan na noong nakaraang March.

 

***

 

HABANG umeere pa ang teleserye na Artikulo 247, panay ang pag-asikaso ni Mark Herras sa anak nila ng misis na si Nicole Donesa na si Baby Corky.

 

Wala pa kasing sisimulan na bagong teleserye si Mark kaya sinusulit niya ang bawat araw na kasama niya ang kanyang mag-ina. Para kapag may dumating na bagong trabaho, at least ay nabigay niya sa kanyang pamilya ang maraming quality time.

 

Aminado si Mark na mas naging seryoso na siya sa kanyang trabaho. Hindi na raw puwede yung magtatrabaho dahil napipilitan siya. Nagtatrabaho siya dahil kailangan niya ito at mahal niya ang ginagawa niya.

 

“Siguro yung pinaka-change na ginawa nila sa akin is literal talaga na maging pokus sa trabaho. Talagang pokus ako, like nag-lock-in taping ako ng ilang buwan at nalayo ako sa mag-ina ko. Sakripisyo iyon pero ginawa ko dahil sinabi ko nga na focus na ako sa trabaho ngayon.”

 

Masaya rin si Mark na ang kanyang pamilya ang nagsisilbi niyang inspirasyon ngayon upang mas maging responsable sa lahat ng kanyang ginagawa.

 

Dahil sa pagsusumikap ni Mark, nagsisimula na rin siyang magtayo ng bagong bahay para sa kanyang pamilya.

 

“Dahil maganda ‘yung inspirasyon mo sa buhay, my wife and kay Corky, iba yung ligaya, iba ‘yung saya na ibinibigay nila sa akin. ‘Yung pagiging inspirasyon nila for me sobrang malaking bagay, mas focus ako na ayusin lahat ng ginagawa ko,” sey ni Mark.

 

(RUEL J. MENDOZA)