• April 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May, 2022

Japan ikinabahala ang missile test ng North Korea ilang araw bago ang pagdalaw ni Biden

Posted on: May 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IKINABAHALA ng Japan ang muling pagpapalipad ng North Korea ng kanilang ballistic missiles.

 

 

Sa pinakahuling insidente ay nagpakawala ang North Korea ng tatlong ballistic missile patungo sa karagatang sakop ng Japan.

 

 

Isinagawa aniya ang nasabing missile test ilang araw bago ang pagbisita ni US President Joe Biden sa South Korea at Japan.

 

 

Sinabi ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida na kaniyang inatasan ang mga militar na pag-aralan ang ginagwang missile test ng North Korea para matiyak ang kaligtasan ng mga eroplanong pandigma at barkong pandigma nila.

 

 

Ito na ang pang-16 na beses na nagsagawa ang North Korea ng missilte test ngayong taon.

Sa Spain na sila nag-celebrate sa pagkapanalo bilang Senador: MARIEL, sobrang happy na pwede ulit mag-pink na fave nila ni ROBIN

Posted on: May 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASA Barcelona, Spain na si Mariel Padilla, kasama ang dalawang anak nila ng newly-elected and number one Senator na si Robin Padilla, at ang parents niya.  

 

 

     Ayon kay Mariel, sa Instagram post niya, right after daw niyang nakaboto last May 9, diretso na sila sa NAIA para magbiyahe to Barcelona; “we survived a 20hr trip with 2 senior citizens and 2 kids.”

 

 

     Hindi naman binanggit ni Mariel bakit sila pumunta ng Barcelona.

 

 

Kaya doon na nagpasalamat na si Mariel sa lahat ng sumuporta at bumoto kay Robin.  Sa Barcelona na raw sila magsi-celebrate ng panalo ni Robin.  Doon na rin nagkuwento si Mariel kung paano sila nagtulong ni Robin sa pagkandidato nito bilang isa sa Senador ng BBM-SARA Uniteam.

 

 

     Inamin ni Robin na wala silang pondo para gastusin sa election,  “I won’t spend money on the campaign because I saved for my children,  That’s why Mariel is doing Live Selling. So cute.”

 

 

    Nagpasalamat naman si Mariel sa lahat ng mga kapartido ni Robin na tumulong sa asawa during their campaign.

 

 

   “Hanggang sa land trip lamang pwedeng sumunod si Robin.  Kaya isinasabay lamang siya ng mga kasama niyang may chopper, like si Jinggoy, lagi siyang isinasabay nito, noong bandang huli may nag-provide na sa kanya ng sariling chopper na sasakyan niya.  Salamat po sa mga nagtiwala at bumoto kay Robin.  Itutuloy po niya ang mga ipinangako niya noong campaign period, isa rito ang ‘Build, Build, Build Project’ ni President Rodrigo Duterte.

 

 

    Sunod na Instagram post ni Mariel: ‘yehey, pwede na ulit mag-Pink! #PinkloverOG, na sinagot ni Robin ng, ‘yes babe favorite natin na color.’ Dagdag pa ni Mariel, ‘@robinhoodpadilla yes babe hehehe ilabas ko na lahat.”

 

 

This time kasi, wala na raw color na dapat sundin.

 

 

       ***

 

 

      HANGGANG ngayon ay pinag-iisipan pa rin ng mga netizens kung paano magsisilang ang isang lalaking nabuntis.

 

 

      Ito ang nakaka-intriga sa False-Positive starring Glaiza de Castro at Xian Lim bilang mag-asawang nakatuwaan ng mga engkantadong sina Malakas at Maganda (Buboy Villar at Herlene ‘Hipon Girl’ Budol).

 

 

    Sa sama ng loob ng buntis na si Glaiza, kay Xian, hiniling niya kina Malakas at Maganda na sana ay malipat na ang pagbubuntis niya sa asawa para maranasan nito ang hirap ng pinagdaraanan niya.  Sinunod naman ng mga engkantado ang hiling ni Glaiza at nalipat nga ang pagbubuntis niya kay Xian.

 

 

    Inaabangan ito gabi-gabi, after ng First Lady sa GMA-7, kaya nagpasalamat si Xian: “Thank you all for watching False Positive.  Masakit talaga ang pinagdadaanan ko sa seryeng ito dahil saan lalabas ang batang nasa tiyan ko kundi sa  ______.  Weeknights on GMA Telebabad!

 

 

   Ilan nga sa comments: @victoriachale It’s a hoot & a hit! Congrats to you and the whole team!” @thewhattodonowmum Omg what a riot…good vibes only!” @zyklerge_k35 xian, ikaw na talaga ang bagong fav ko na comedy king.” @beneluzdumlao “nakaka-lessen ng stress everytime I watch False Positive!! I just could imagine and hear Kimmy’s laughter when she watches this on tv,  You’re so versatile Xian… kitang-kita ang diff. face projection mo in every scene!! Congrats!!!

 

 

       ***

 

 

     UMALIS si Multimedia Star Alden Richards last Thursday evening, May 12, kasama si Mama Tenten, papuntang USA.

 

 

     Taping break ni Alden ng GMA teleserye na Start-Up at ilang araw din siyang mawawala.  Walang makapagsabi kung ano ang dahilan ng pagpunta ni Alden sa US.  Pero babalik din siya sa May 18, para mag-prepare na for the lock-in taping nila nina Bea Alonzo, Jeric Gonzales, Yasmien Kurdi, at Ms. Gina Alajar, somewhere in Pampanga.

(NORA V. CALDERON)    

Nagpasalamat sa higit na tatlong dekada na magkasama: SHARON, wasak na wasak ang puso sa pagpanaw ng kaibigan na si FANNY

Posted on: May 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ILANG araw pagkatapos ng National Election, nadagdagan ang sobrang kalungkutan ni Megastar Sharon Cuneta dahil nagluluksa naman siya sa pagpanaw ng malapit na kaibigan na si Fanny Serrano.

 

 

Ramdam na ramdam ang kanyang IG post na may caption na, “Too much heartbreak, in only a matter of days.(kasama ng tatlong black hearts icon)”

 

 

Ni-repost ni Sharon ang photo ni TF na may caption na, “Rest in peace Tita Fanny Serrano!

 

 

“Born Felix Mariano Fausto Jr., the celebrity make-up artist, stylist, and Fashion designer passed away today (May 12) at 72 years old.

 

 

“He suffered a stroke in 2016 and another one in 2021.”

 

 

Kasunod na IG post ni Mega ang larawan ng mga kamay nila ni Tita Fanny, na kung saan pinadama ang kanyang pasasalamat sa kaibigang nakasama sa tatlong dekada ng kanyang pagiging artista.

 

 

Sabi ni Sharon, “The hands that made me feel and look beautiful for over thirty years, even when I didn’t think I did. Thank you, my dearest TF, my Tita Fanny, for your love, friendship, loyalty, and for all the laughter we shared.

 

 

“Thank you for wiping so many tears quietly as they poured from my eyes on so very many occasions over all these three decades. I find peace in that I kept my promise to you.

 

 

“I know you have gone straight to heaven, and I pray that I see and laugh with you again there someday…I love you so very much.”

 

 

Bumuhos naman ang pakikiramay at ang ilang ay nagpasalamat din sa mga nagawa ni TF tulad ni Dina Bonnevie.

 

 

Say ng aktres, “Prayers for you TF! I love you and thank you for being the first person to teach me how to pose for the camera. Thank you for all the wonderful pictorials and awards nights we did together! I know you are happy with Jesus forever.”

 

 

Nagwo-worry naman ang netizens para kay Sharon, comment nila, “Ok lng po ba kyo ate @reallysharoncuneta you need a break po kung maari po magpunta po kyo sa lugar kung san mkakagaan nang pakiramdam nyo po.”

 

 

 

“So sorry for your loss… our deepest condolences. Praying for strength during this time.”

 

 

 

“Growing up I am seeing Tita Fanny in TV making all artists look beautiful and now he is gone even id he does not know me it breaks my heart too.”

 

 

“Condolence and sending you tight hugs po mama. It must’ve hurt losing someone special to you. Stay strong mama, i know he’s watching you po from above there.”

 

 

“Keep strong ma,we’re here 4 u always ma,sending warm hugs.”

 

 

Comment pa ng ibang netizens:

 

 

“Condolences to TF’s family and to Tita Shawie. Alam ko mahal talaga ni Sharon si TF. Parang kay Shawie pa ata yun bahay or store ni TF. Kahit na sa interview kay TF sa house nya noon sabi nya super close sila ni Mega.

 

 

“This breaks my heart. They’ve been friends for over 30 years. And guess what, Sharon owns the land where his salon is located and let him have it there for ever. It’s a once in a lifetime friendship. RIP, TF.”

 

 

“To Sharon, be strong. when it rains, it pours – but it will not be forever. Look forward for the rainbow…”

 

 

“Bata palang ako icon na si TF. Kakalungkot pero ganun talaga ang buhay. Hayyy. RIP, TF! You were well-loved here on Earth.”

 

(ROHN ROMULO)

Malakanyang, pinangalanan na ang mga miyembro ng presidential transition team

Posted on: May 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LUMIKHA na ang administrasyong Duterte ng transition committee na magbibigay kasiguraduhan ng “smooth” na paglilipat ng kapangyarihan sa Hunyo 30.

 

 

Sa kanyang Talk to the People, araw ng Huwebes, sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na nagpalabas na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Administrative Order 47 para sa paglikha ng Presidential Transition Committee (PTC).

 

 

“The PTC will oversee the implementation of the transition activities of the entire government and see to it that delivery of services to the public remains unhampered,” ayon kay Medialdea.

 

 

“The AO also directs all departments, bureaus, and instrumentalities of government to create their own internal transition committees,” dagdag na pahayag ni Medialdea.

 

 

Si Medialdea ang magsisilbing chairperson  ng komite.

 

 

Ang mga miyembro naman nito ay kinabibilangan nina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., Finance Secretary Carlos Dominguez III,  Budget Undersecretary Tina Rose Marie Canda, at Socioeconomic Planning Secretary at National Economic and Development Authority chief Karl Kendrick Chua.

 

 

“We will work closely with the representatives of the incoming administration to ensure a peaceful and orderly transfer of power,” ani Medialdea.

 

 

Samantala, base naman sa unofficial count, kapwa malaki ang naging kalamangan ng bilang ng boto nina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ng kanyang running mate, Sara Duterte, sinasabing mahigit na sa 98% ng election returns ang naipadala na sa Commission on Elections. (Daris Jose)

CHR nanawagan sa mga otoridad na agad na tutukan ang mga election-related violence

Posted on: May 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga otoridad na tutukan ang mga naganap na election-related violence noong kasagsagan ng halalan nitong Mayo 9.

 

 

Sinabi ni CHR spokesperson Jacqueline de Guia na karamihang sa 16 election related incidents ay naitala sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

 

 

Dahil aniya dito ay inideklara na rin ng Commission on Election (COMELEC) ang failure of election sa 14 na barangay sa Lanao del Sur.

 

 

Dagdag pa nito na ang nasabing insidente ay hindi lamang nagdudulot ng takot sa tao at sa halip ay nais nilang sirain ang kredibilidad ng halalan.

 

 

Nararapat aniya na panagutin sa batas ang mga nasa likod ng iba’t ibang insidente sa katatapos lamang na halalan.

Ads May 14, 2022

Posted on: May 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PDu30, gusto pa ng 3 hanggang 5 drug lords ang mapatay

Posted on: May 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA KABILA nang mahigit isang buwan na lamang ang itatagal sa Malakanyang, sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na mayroon pa siyang isang natitirang target sa kanyang “war against illegal drugs” at ito ay ang mapatay ang mga drug lords.

 

 

Sa katunayan, nagbigay na siya ng marching orders sa mga pulis na patayin ang mga drug lords at hamunin ang mga kriminal na lumaban sa mga awtoridad.

 

 

“Siguro bago ako mag-alis makatapos lang tayo ng tatlo o limang drug lords. Gusto ko patay, ayaw ko ng buhay. Gusto ko makita ang drug lords. Lumaban kayo kapag dumating na ang pulis. I urge you to fight it out. I will tell them, my coworkers in government, we have to gamble, we have to fight them,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

 

Sa oras na bumaba na aniya siya sa Hunyo 30, sinabi ng Pangulo na handa siyang magbigay ng tulong sa mga police personnel na mahaharap sa asunto dahil lamang sa ginampanan ng mga ito ang kanilang tungkulin kaugnay sa anti-drug operations at sakaling makapatay ng mga suspek habang nasa operasyon.

 

 

Tiniyak ng Punong Ehekutibo na poprotektahan niya ang mga ito kung sila ay inakusahan ng mali, sinabi niya sa mga pulis at tropa ng sundalo na maging matatag at matapang bitbit ang drug war.

 

 

“Kapag napasubo kayo, hindi na ako presidente, doing your duty sa trabaho lang, huwag kayong matakot. Kung wala kayong makuhang abugado, ako ang pupunta sa korte para sa inyo,” pagtiyak ng Pangulo. (Daris Jose)

Pinoy athletes sisimulan na ang paghakot ng ginto

Posted on: May 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAASAHANG  madaragdagan pa ang unang gold medal ng Team Philippines sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa pagsalang ngayon sa finals ng anim na national kickboxers.

 

 

Sisimulan din ng mga Pinoy athletes ang kanilang mga kampanya sa 15 pang sports events para sa pormal na pagbubukas ng mga kompetisyon matapos ang ope­ning ceremony kahapon na binanderahan ni pole vaulter EJ Obiena bilang flag-bearer.

 

 

Nagmula kay Mary Francine Padios ang u­nang gold medal ng bansa sa Vietnam SEA Games nang manguna sa women’s seni tunggal event ng pencak silat.

 

 

Nakakuha rin ang bansa ng limang silver at limang bronze medals mula sa kurash, handball at rowing competitions para upuan ang No. 4 spot sa medal standings.

 

 

“Let’s encourage our athletes, let’s pray for them. They have prepared hard for this, it’s their time to shine now,’’ sabi ni Philippine Sports Commissioner at Chef De Mission Ramon Fernandez.

 

 

Kumolekta ang Vietnam ng 10 golds, 7 silvers at 10 bronzes para kaagad manguna sa paghakot ng mga medalya kasunod ang Malaysia (9-3-6) at Indonesia (3-4-0).

 

 

Kumpiyansa si Sama­hang Kickboxing ng Pilipinas (SKP) Secretary-Ge­neral Atty. Wharton Chan na malalampasan nila ang nakamit na tatlong golds, dalawang silvers at isang bronze noong 2019 Manila SEA Games.

 

 

“Our athletes have done a tremendous performance and exceptional job despite fighting in a hostile terrain after beating several Vietnamese athletes,” ani Chan.

 

 

Babanderahan naman ni two-time World Gymnastics champion Caloy Yulo ang kampanya ng mga Pinoy bets sa 15 pang sports events.

 

 

Lalahok si Yulo sa men’s pommel horse, rings, even bars, high bar, floor exercise at vault.

 

 

Kumolekta si Yulo ng dalawang gold at limang silver medals noong 2019 Manila edition.

 

 

Naghari ang 22-anyos na Batang Maynila sa floor exercise at vault events ng 2019 at 2021 World Championships sa Stuttgart, Germany at Kitakyushu, Japan, ayon sa pagkakasunod.

 

 

Sasalang din ang mga national athletes sa badminton, 3×3 basketball, billiards and snookers, bodybuil­ding, chess, esports, fen­cing, golf, gymnastics, sepak takraw, table tennis, tennis, wushu at indoor volleyball.

 

 

Kumpiyansa si Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion na makakapag-uwi ang national team ng siyam na gintong medalya kasama ang apat ni Yulo sa MAG.

Sara Duterte, susunod na DepEd chief – Marcos Jr.

Posted on: May 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PUMAYAG si Vice Presidential frontrunner Sara Duterte na pamunuan ang Department of Education (DepEd).

 

 

“I think I am already authorized to announce the first nominee that we will be giving to the Commission on Appointments when the time comes, should I be proclaimed. That is that our incoming vice president has agreed to take the brief of the Department of Education,” ayon kay presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. araw ng Miyerkules sa isang televised speech.

 

 

Ani Marcos, isa sa kanyang mga dahilan kung bakit itinalaga niya si Duterte bilang susunod na Education secretary ay dahil sa naging gampanin nito (Duterte) bilang ina na nagnanais na “make sure that her children are well-trained and well-educated.”

 

 

“That’s the best motivation that we can hope for. So that is the first announcement that I can make that has come out of this process,” ayon kay Marcos. (Daris Jose)

EJ Obiena excited ng maging flag bearer sa SEA Games

Posted on: May 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LUBOS  ang kasabikan ni Filipino Pole Vaulter EJ Obiena sa pagiging flag bearer ng bansa sa pagsisimula ngayong araw ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Dumating ang 26-anyos na si Obiena isang araw bago ang formal opening ceremony na gaganapin sa My Dinh National Stadium.

 

 

Napili kasi ang world sixth best pole vaulter na maging flag bearer kasama si Filipina weightlifter Hidilyn Diaz na maging flag bearer ng bansa.

 

 

Subalit nagpasya si Diaz na ipaubaya na lamang kay Obiena ang pagiging flag bearer.

 

 

Magugunitang hindi natuloy ang pagiging flag bearer ni Obiena sa Tokyo Olympics noong nakaraang taon matapos na hindi umabot sa itinakdang panuntuna ng organizers na dapat sa loob ng 48 oras ay nasa Tokyo na ito.

 

 

Magaganap ang SEA Games mula Mayo 12 hanggang 23 sa 11 iba’t ibang lugar sa Vietnam.