• April 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May, 2022

Pinay power sa Vietnam SEA Games

Posted on: May 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINIRANG si two-time world gymnastics cham­pion Caloy Yulo bilang unang Pinoy athlete na kumubra ng tatlong gold medals sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Inangkin ng 22-anyos na si Yulo ang kanyang ikalawa at ikatlong gintong medalya nang maghari sa men’s floor exercise at still rings para idagdag sa naunang panalo sa individual all-around kamakalawa.

 

 

Umiskor ang Tokyo Olympian ng 15.200 points sa floor exercise at 14.400 points sa still rings para sa paghakot ng Team PHL  sa pitong gold medals.

 

 

Bigo si Yulo, kumuha ng dalawang golds noong 2019 Manila SEAG, na mahirit ang ikaapat na ginto nang tumapos sa ikaanim sa pommel horse event.

 

 

Nakatakda pa siyang sumalang sa high bar, pa­rallel bars at vault ngayong araw.

 

 

Nakamit naman nina triathlete Kim Mangrobang at Fil-Am gymnast Aleah Finnegan ang kani-kanilang ikalawang ginto matapos magreyna sa women’s duathlon at vault, ayon sa pagkakasunod.

 

 

Nauna nang nagwagi si Mangrobang sa individual triathlon at kasama si Finnegan sa panalo sa women’s team event ng gymnastics.

 

 

Kumuha rin ng gold sina Agatha Wong (women’s taijijian) at Arnel Mandal (men’s sandra 56kg) sa wushu at William Morrison (men’s shot put) sa athletics.

 

 

Binasag ni Morrison ang sarili niyang SEA Ga­mes mark para sa bagong 18.41m record.

 

 

May kontribusyong silver medal sina fencer Nathaniel Perez (men’s foil individual), jiu-jitsu fighter Jollirine Co (women’s U-45kg. nogi) at Janry Ubas (men’s long jump).

 

 

Nagdagdag ng bronze sina cyclists Naomi Gardoce (women’s MTB downhill individual) at John Derick Farr (men’s MTB downhill individual), Sonny Wagdos (men’s 5000m run), Joida Gagnao (women’s 3000m steeplechase), tennis pla­yers Alex Eala, Marian Capadocia, Shaira Rivera at Jenaila Prulla (women’s team event), jiu-jitsu fighters Jan Vincent Cortez (men’s U-56kg nogi) at Marc Lim (men’s -69kg) at pencak silat warrior Alvin Campos (men’s tanding Class F).

SSS pandemic relief at restructuring program, tapos na

Posted on: May 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

OPISYAL nang nagtapos ang Short-Term Member Loan Penalty Condonation Program (STMLPCP) o Pandemic Relief and Restructuring Program 5 (PRRP 5) ng Social Security System (SSS), araw ng Sabado, Mayo 14.

 

 

Ang PRRP 5, nagsimula noong Nobyembre 15, 2021, ay programang pinlano para bigyan ng financial relief ang mga pandemic-hit SSS members.

 

 

Pinapayagan nito ang “outstanding loan principal and interest” na ma-settled sa pamamagitan ng one-time full payment o installment term, at maging ang pag-waive sa accumulated penalties kapag nakapagbigay na ng full payment ng restructured loan.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Michael G. Regino na layon ng programa na ibalik ang kanilang “good standing kasama ang SSS sa pamamagitan ng nasabing condonation program.

 

 

Kabilang naman sa programa ani Regino ay iyong may natitirang Salary, Calamity, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), Emergency Loans, at Restructured Loan sa ilalim ng Loan Restructuring Program (LRP) na ipinatupad mula 2016 hanggang 2019. (Daris Jose)

Kung noon ay sweet at parang may something sa kanila: SHERYL, nag-iba ang statement at happy sa relasyon nina JERIC at RABIYA

Posted on: May 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGLABAS na ng official statement ang Aguila Artist Management ni Becky Aguila tungkol sa mga pamba-bash at isyu na ibinabato sa kanilang artist, ang Kapamilya star na si Andrea Brillantes.

 

Dahil sa pagiging all-out supporter ni Andrea sa kandidatura ni VP Leni Robredo, isa siya sa mga artista na talagang binabato ng mga grabeng pambabash.

 

At dumating na sa punto na kesyo ang mga ine-endorsong produkto ni Andrea ay kina-cancel na rin siya. Isa na raw rito ang Sir George by Mary Pauline Salon.

 

Pero sa statement na inilabas ng management ni Andrea, lumitaw na fake news ito at walang kontrata at hindi rin endorser si Andrea ng naturang salon.

 

Nakasaad sa official statement;

 

“Hindi totoong tinanggal si Andrea Brillantes sa anumang listahan ng celebrities ng Sir George by Mary Pauline Salon dahil unang una, hindi ito endorser at hindi rin siya kliyente sa loob ng mahigit limang taon ng naturang salon. Walang anumang kontrata sa pagitan nila at ng artista namin at walang anuman g obligasyon si Andrea sa kanila.

 

“Muling pinaalalahanan ang publiko na maging mapanuri at huwag basta basta nagpapaniwala sa nababasa nila online lalo na kung malisyoso ang intensiyon o may pansariling interes na isinusulong ang mga taong nagpopost tungkol dito.

 

“Nagpapasalamat naman kami sa lahat na patuloy na nagmamahal at nagbibigay ng pang-unawa kay Andrea, lalong lalo na sa brands o mga kumpanya na buo pa rin ang tiwala at suporta sa kanya. Taos puso po ang pasasalamat namin sa inyo.”

 

***

 

NAGKITA ng hindi sinasadya habang nagbabakasyon sa Boracay sina Pokwang at Andrew E.

 

Parehong mga naging todo ang pag-suporta ng dalawa sa kanilang mga kandidato sa pagka-Presidente at Bise Presidente.

 

Kung si Pokwang ay kay VP Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan, si Andrew naman ay kina Bongbong Marcos at Sara Duterte.

 

Hindi nag-cancell o nauwi sa pag-a-unfriend sa isa’t-isa ang dalawa dahil ayon kay Pokwang, naging mapayapa at ending, respeto pa rin daw ang nanaig sa kanilang dalawa.

 

Sa kanyang Instagram post, sinabit nito na, “Sa bandang huli, respect dito sa @twoseasonsphilippines naganap ang mapayapang gabi with @andrewe_dongalo nagkataon, nagkita kasama ang mga pamilya.”

 

Pero bukod sa nauwi naman sa maayos na pagkikita ng dalawa, naging kapansin-pansin din sa ilang netizens na kasama na sa picture ang partner at daddy ng anak ni Pokwang na si Malia na si Lee O’ Brian.

 

Naiisip na pala ng mga netizens na hiwalay na ang dalawa dahil wala na raw post na magkasama ang mga ito. Kaya tila nagulat pa na this time, kasama nilang mag-iina sa Boracay si Lee.

 

“Sobrang tagal na walang post with papang, kala ko wala na kayo. Glad he is still there, sana forever.”

 

***

 

NAGSALITA na si Sheryl Cruz nang magkaroon ng 10thanniversary celebration ang Artist Circle ni Rams David.

 

Isa si Sheryl sa binigyang parangal ng management na sa loob ng sampung taon ay nananatiling loyal sa Artist Circle along with more than 70 artists na.

 

Pero kapansin-pansin na kumpara dati na nai-interview namin si Sheryl tungkol kay Jeric Gonzales na dati niyang naging leading man sa teleserye ng GMA-7 na “Magkaagaw” na napaka-sweet ng mga pahayag nito about Jeric and it appeared na parang may something na talaga sila, this time, iba na.

 

Sinabi naman ni Sheryl na happy raw siya sa relasyon nina Jeric and Rabiya Mateo. Pero kumpara nga dati na tila close sila base sa mga naging pahayag niya, ngayon, “acquaintances” na lang ang paglalarawan niya rito.

 

But still, willing to work pa rin daw si Sheryl kay Jeric as long as okay ang project at bahala na raw ang manager niya, si Rams kung sakali man.

 

 

(ROSE GARCIA)

LandBank naglunsad ng ₱50B loan program para sa mga crisis-affected businesses

Posted on: May 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGLUNSAD ang Land Bank of the Philippines (LandBank) ng bagong loan program para sa mga negosyong labis na tinamaan ng natural o man-made disasters, gaya ng Russia-Ukraine war.

 

 

Sa isang kalatas, araw ng Linggo, inanunsyo ng LandBank ang bagong programa na tinawag nitong NATION SERVES, o National Assistance Towards Initiating Opportunities to Entities sa gitna ng “Social and Economic Reserves which Visible Entail Shockwaves to Businesses.”

 

 

Sinabi ng state-run lender na naglaan ito ng ₱50 billion para sa programa, naglalayong makapagbigay ng karagdagang working capital para sa mga negosyo.

 

 

Magagamit ng mga negosyo o enterprises ang bagong budget para palakasin ang kanilang operasyon, palawakin ang trading facilities, at stockpile supplies at inventories para mabawasan ang epekto ng naturang krisis.

 

 

“LandBank aims to bolster the resiliency of key development industries by cushioning the negative impact of economic disruptions,” ayon kay president at chief executive Cecilia Borromeo.

 

 

“Through the NATION SERVES lending program, we will also contribute to preventing price surges on basic commodities as we continue serving the nation,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Pinapayagan ng programa ang mga negosyo na makapag-secure ng hanggang 85% ng aktuwal na pangangailangan, na may interest rate base sa “applicable” Bloomberg Valuation Reference rate sa panahon ng pag-avail, idagdag pa ang hindi naman lalagpas sa 75% ng “prescribed spread” batay naman sa credit rating ng mga borrower. (Daris Jose)

Laban ni Mayweather sa Dubai hindi natuloy

Posted on: May 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IPINALIWANAG  ng organizer ng exhibition fight ni retired US boxer Floyd Mayweather ang hindi pagtuloy ng nasabing laban sa Dubai.

 

 

Ayon sa Global Titans Fight Series na kanilang kinansela ang nasabing laban ni Mayweather sa dating sparring partner nito na si Don Moore ay dahil sa pagpanaw ng nited Arab Emirates president Sheikh Khalifa bin Zayed Al Nahyan.

 

 

Dahil aniya sa pagpanaw ng kanilang pangulo ay ipinatupad ang 40-days of mourning kung saan lahat ng mga negosyo at maraming mga establishimento ay isinara.

 

 

HIndi pa matiyak ng organizer kung ano ang napiling bagong petsa ng laban.

 

 

Hindi naman nagbigay ng komento pa Mayweather at sa kaniyang social media account ay nagpost na lamang ito ng larawan ng pumanaw na pangulo ng UAE.

 

 

Ito sana ang pangatlong exhibition fight ni Mayweather mula ng talunin si Conor McGregor noog 2017 at si Tenshin Nasukawa ng Japan noong 2018.

12 NANALONG SENADOR, HANDA NG IPROKLAMA

Posted on: May 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HANDA  na ang Commission on Elections na iproklama ang mga nagwaging mga senador sa katatapos lamang na May 9 elections matapos matukoy na ang Certificates of Canvass (COCs) mula sa mga lugar na nagsagawa ng special election o hindi pa nagsasagawa ng halalan ay hindi na makakaapekto sa pangkalahatang senatorial rankings.

 

 

Ayon kay acting  Comelec spokesperson  Atty John Rex Laudiangco, nais nilang isagawa ang proklamasyon sa lalong madaling panahon

 

 

“By immediate, we mean that the canvass had practically covered and most of the COCs and those remaining votes perhaps referring to a special election will not anymore affect the canvass,” saad ni Laudiangco sa  press conference.

 

 

“If we reach that point, the Comelec will not delay the proclamation. I think we want this to be over and done with. The earlier we could proclaim the better… it will be a big savings to the government… we will not delay. For as long as we had canvassed and the remaining votes will not affect anymore (the results), I know for sure the NBOC (National Board of Canvasser) will schedule the proclamation,” dagdag niya.

 

 

Kabilang sa mga magdadaos ng special election ang 14 barangay sa Lanao del Sur.

 

 

Ang Beijing , China naman ang overseas na hindi pa rin nagsasagawa ng eleksyon dahil nasa ilalim pa rin ito sa lockdown bunsod ng mga kaso ng COVID-19 .

 

 

Ang mga botante sa munisipalidad ng Butig, Binidayan at Tubaran sa nasabing probinsya ay nasa  10,000 habang ang mga Pilipino saBeijing ay nasa  1,991 lamang .

 

 

Samantala,pinaalalahanan ni Laudiangco ang 12 nanalong senador na limitahan ang kanilang kasama sa panahon ng proklamasyon.

 

 

“We have to remind our potential senators-elect, this time, we will be limiting their companion like what we did during the filing of the Certificate of Candidacy (COC),” sabi ng opisyal.

 

 

Paalala pa niya na dunaranas pa rin ang bansa Ng pandemic at nasa alert level 1 pa kaya kailangang sundin ang ipinatutupad na minimum health protocol. (GENE ADSUARA)

Singil ng PHILHEALTH, tataas sa Hunyo

Posted on: May 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG magpatupad ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng mas mataas na premium rate sa mga miyembro nito.

 

 

Alinsunod ito sa Universal Health Care (UHC) Law na plano namang simulan sa darating na buwan ng Hunyo.

 

 

Ayon kay PhilHealth Senior Manager for Formal Sector-member Management Group Rex Paul Recoter, ngayong taong 2022 ay nasa sa 4% ang kanilang magiging premium rate, habang nasa P10,000 ang halaga ng income floor, at P80,000 naman ang income ceiling.

 

 

Ibig sabihin nito ay papalo na dapat sa P400 ang halaga ng monthly PhilHealth contribution ng bawat indibidwal na kumikita ng P10,000 kada buwan, kung kaya’t dapat ay papalo na sa P4,800 ang annual premium ng nasabing mga indibidwal.

 

 

Aabot naman sa P3,200 ang magiging monthly contribution ng mga miyembrong mga sumasahod ng hanggang P80,000 kada buwan na may katumbas naman na P38,400 na annual PhilHealth contribution ng mga ito.

IATF, suportado ang face-to-face classes para sa public at private schools

Posted on: May 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SUPORTADO ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagsasagawa ng face-to-face classes para sa lahat ng public at private public institutions para sa pangunahing edukasyon.

 

 

Gayunman, sinabi ng IATF na hindi dapat gamitin bilang requirement ang COVID-19 vaccination para sa pagsasagawa ng full face-to-face classes para sa basic education.

 

 

Sa halip ayon kay Presidential Communications Secretary at Acting Presidential Spokesperson Secretary Martin Andanar, hinikayat ng IATF ang public at private educational institutions for basic education na magsagawa ng COVID-19 vaccination programs para sa kani-kanilang mga mag-aaral.

 

 

“To provide an opportunity for children to be vaccinated, public educational institutions for basic education are enjoined to allow the Department of Health (DOH), in coordination with their respective local government units (LGUs), to facilitate the conduct of the COVID-19 vaccination programs within their premises,” ayon kay Andanar.

 

 

Samantala, ang mga private educational institutions for basic education ay maaaring magsagawa ng pagbabakuna sa kanilang mga mag-aaral sa pakikipag-ugnayan sa DOH at LGU na nakasasakop sa kanila.

 

 

Ang nasabing COVID-19 vaccination programs ay dapat na isagawa na may “informed consent” na ibinigay at nilagdaan ng magulang o guardian, at pagsang-ayon mula naman mismo sa mga mag-aaral alinsunod sa naaangkop na DOH guidelines.

 

 

Ang DOH, sa pakikipagtulungan sa kani-kanilang LGUs, ay dapat na tiyakin ang tamang implementasyon ng COVID-19 vaccination programs para sa basic education learners sa public at private educational institutions. (Daris Jose)

Resulta ng halalan, irespeto — PNP

Posted on: May 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KUNG  talagang mahal ninyo ang Pilipinas, igalang ang  resulta ng halalan.”

 

 

Ito ang apela sa publiko ni Police Maj. Gen. Valeriano De Leon, Deputy Task Force Commander STF NLE 2022 sa patuloy na protesta sa resulta ng nagdaang  eleksiyon.

 

 

“Patunayan ninyo na mahal talaga ninyo ang ating bansa at ito ay nag-uumpisa sa pag-respeto ng resulta ng halalan.

 

 

Nagsalita na ang taumbayan at maliwanag na ngayon kung sino ang magiging bagong presidente at bagong bise presidente, tanggapin natin ito ng bukal sa ating kalooban dahil ito ang desisyon ng mahigit tatlumpung milyong Pilipinong botante,” ani De Leon.

 

 

Sinabi ni De Leon na  may ilang grupo pa rin ang  nagsasagawa ng rally at protesta kung saan kinukuwestiyon ang umano’y iregularidad sa halalan.

 

 

Paliwanag pa ni De Leon, maituturing din na insulto sa mga guro, sundalo, pulis at coast guard personnel ang mga paratang na dayaan na walang matibay na ebidensiya.

 

 

Hindi matatawaran aniya ang mga sakripisyo ng mga ito upang matiyak lamang maisasagawa ng maayos at may kredibilidad ang May 2022 elections.

 

 

Gayunman, sinabi  pa ni De Leon, na ipatutupad pa rin nila ang maximum tolerance sa mga protesta alinsunod sa kautusan ni PNP Officer-In-Charge Police Lt. Gen. Vicente Danao. (Daris Jose)

MMDA, MMC magsasagawa ng malawakang pag-aaral hinggil sa posibleng bagong number coding scheme

Posted on: May 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SANIB-PUWERSA ang Metro Manila Council (MMC) at ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagsasagawa ng mas malawak na pag-aaral para sa implementasyon ng bagong number coding scheme sa rehiyon.

 

 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni MMDA chairperson Romando Artes na si Pasig Mayor Vico Sotto ang nagpanukala na pag-aralang mabuti ang bagay. Nagkaroon kasi ng pagpupulong sa pagitan ng MMDA at MMC bago pa ang 2022 polls.

 

 

“’Yan po ay pagpupulungan namin once na matapos po ‘yung further study na ‘yan. At magde-decide po ang MMC kung kailan po ipapatupad itong bagong number coding scheme,” ani Artes.

 

 

Mayroon din aniyang suhestiyon na ipagpaliban ang implementasyon ng bagong number coding scheme hanggang sa susunod na administrasyon.

 

 

“If the new scheme will be implemented before the current administration ends, it is suggested to have a review on the policy every three months,” ani Artes.

 

 

Nito lamang buwan ng Abril, ipinanukala ng MMDA ang bagong number coding scheme na ang pangunahing layunin ay bawasan ng 40% ang bilang ng mga sasakyan na dumadaan sa mga pangunahing lansangan sa Kalakhang Maynila.

 

 

Sa ilalim ng panukalang coding system, ang mga pribadong sasakyan ay pagbabawalan na bagtasin ang mga apektadong lansangan ng dalawang araw mula alas- 5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

 

 

“Plate numbers ending 1 and 2 will be on Monday and Wednesday; those ending in 3 and 4 on Monday and Thursday; 5 and 6 every Tuesday and Thursday; 7 and 8 Tuesday and Friday; and 9 and 0 every Wednesday and Friday,” ayon pa rin kay Artes.

 

 

Ang mga Public utility vehicles (PUV) gaya ng bus, jeepney, taxi, at ride-hailing services ay “excluded” o hindi kasama mula sa scheme.

 

 

Sa kasalukuyan, ipinatutupad ng MMDA ang modified number coding scheme mula alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi, mula Lunes hanggang Biyernes maliban tuwing holidays. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)