• April 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Sara ipinagtanggol

IPINAGTANGGOL ni Duterte Youth Party-List Rep. Ducielle Marie Cardema ang napipintong appointment ni presumptive Vice-President Sara Duterte bilang Education Secretary sa kritisimo ni Senator Risa Hontiveros ukol sa kuwalipikasyon ni Duterte.

 

 

“If you need to reform and uplift a very big organization, specially the biggest in the country like DepEd, what you need basically is, a strong leadership character, and the nation knows that Mayor Sara Duterte is a strongwoman leader with a strong political will to enact changes,” ani Cardema.

 

 

Ayon sa mambabatas, hindi basehan ang sinasabi ni Hontiveros na dapay ay isang education expert ang mamuno sa Department of Education.

 

 

“Siya nga hindi doctor/health worker pero nag-serve as PhilHealth Director. Ang kelangan lang naman ay may puso at tapang para sa adbokasiyang gusto, alam niya dapat yan, nakapag-panukala naman siya about Reproductive Health & Mental Health kahit hindi siya doctor/health worker,” giit ni Cardema.

 

 

Dagdag pa nito na aanuhin mo ‘yung mga taong may Doctorate Degree at hindi na lumabas sa classrooms buong buhay nila pero mahiyain na kapag makikipaglaban para sa pagbabago sa mga kaguruan at takot sa pagharap sa Kongreso para ipaglaban ang mas malaking budget ng education sector.

 

 

Bilang Mayor ng Davao City ay naging bahagi sa pamumuno ng Local School Board si Duterte at sinosolusyunan ang mga problema ng mga guro at mag-aaral sa kanyang lokalidad.

 

 

Nainiwala ito na kayang kaya ni Duterte ang papel bilang Education Secretary, isang batang-bata na national leader na may puso ng isang ina para sa mga kabataan, may political will ipagtanggol ang ating mga guro at kapwa Pilipino at may leadership skill na baguhin ang mga nakasanayang burukrasya. (ARA ROMERO)