DUMAAN pala sa matinding depression ang Kapuso actress na si Faith da Silva noong magkaroon ng COVID-19 pandemic.
Mag-isa lang daw kasi sa kanyang tinitirhan na apartment noon si Faith kaya nakaramdam daw siya ng matinding lungkot at takot.
“I was just 18 or 19-years old then. Ang hirap noong nag-iisa ka tapos worried ka pa dahil nag-stop lahat ng ginagawa mo. Breadwinner po ako sa family ko kaya takot akong mawalan ng trabaho.
“Paano na ang pamilya ko kung wala akong kitain? Yun ang mga pumapasok sa isipan ko noon kaya iyak ako nang iyak,” kuwento pa niya.
Buti na lang daw at naging saviour ni Faith ang GMA dahil pinapa-loan sila ng kanilang suweldo every month hanggang sa maayos ang lahat at makapag-taping na sila ulit.
“If not for GMA, hindi ko po alam kung saan ako hahanap ng panggastos. Malaking tulong yung pagbigay nila sa amin ng loan. Tapos nagkaroon na ako ng taping with Las Hermanas. Ngayon po nagsunud-sunod na po ang tapings ko sa ibang shows.
“Nagdasal po talaga ako para makawala sa depression ko at maging mas matibay ang buo kong pagkatao. Kung makikita akong weak ng pamilya ko, baka pati sila ay manghina rin. Buti na lang po na laging nandyan ang family ko to give moral support,” sey pa ni Faith.
Kung may nawala daw kay Faith noong pandemic, ito raw ay ang kanyang non-showbiz boyfriend. Naghiwalay daw sila during the pandemic na isa sa nakadagdag noon sa depression niya.
“I won’t go into details. We broke up during the pandemic. I’ve realized so many things sa sarili ko that time. Now that I’m loving myself in a way na tama para sa akin hindi ko na hahayaan ‘yung sarili ko to open up to someone who isn’t ready or mature or someone who isn’t for me.
“There’s no harm in waiting for the right person. Lahat ng pinagdaanan natin, worth it naman kapag dumating ‘yung tao na para sa’yo, kasi doon mo mararamdaman ang tunay na pagmamahal.”
Kaya sa Valentine’s Day daw, ang kanyang date ay ang kanyang mommy at kapatid. Mas gusto raw ni Faith na makasama ng kanyang pamilya ngayon.
Habang naghihintay siya ng bagong teleserye, nag-release ng kanyang single si Faith under GMA Playlist titled “Sana Sabihin Mo Na Lang”.
***
MALAKI ang binawas na timbang ni Ashley Ortega para sa role niya as Jackie Antonio-Sagrado sa teleserye na Widows’ Web.
“I have to put so much effort to create the classy and elegant character of Jackie Sagrado. Physically I have to lose weight for this character para maging mature ‘yung hitsura ko.
“The way I dress, my posture, how I modulate my voice, even my look, talagang pinag-isipan ‘yung peg nila. Actually ito na siguro ang pinaka-mature role na nagawa ko. And ‘yung mga kasama kong actors talagang veterans,” pagbabahagi ni Ashley.
Para ma-maintain ni Ashley ang kanyang figure, todo effort siya sa workout at bago nag-lock-in taping, ilang araw din daw siyang nag-ice skating para bumalik daw ang lambot ng katawan niya,
“I have to be consistent. Hanggang sa end ng teleserye, kailangan ganoon ‘yung look ko. Hindi lang sa katawan but also the makeup on my face para magmukhang mature. ‘Yung hair ko, my extensions, kasi ayaw ni Direk Jerry (Sineneng) ng flat,” dagdag pa niya.
Pati raw ang paghugot niya ng emotions sa isa mga mabibigat na eksena ay tinulungan siya ni Direk Jerry.
“Once naman natapos si direk, I make sure na I have to shake it off, ayoko siyang dalhin kasi ma-stress pa ako, marami pa akong eksenang gagawin kaya kailangan kong mag-move on at mag-let go. Natutunan ko na siguro ‘yun and I got used to it.”
Kasama rin sa Widows’ Web sina Carmina Villarroel, Pauline Mendoza, Vaness del Moral, Adrian Alandy, EA Guzman, Christian Vasquez, Allan Paule, Tanya Gomez, Arthur Solinap at Ryan Eigenmann.
(RUEL J. MENDOZA)
BALIK GILAS Pilipinas si Marc Pingris para sa first window ng FIBA World Cup Qualifiers na idaraos sa Pebrero 24 hanggang 28 sa Smart Araneta Coliseum.
HINDI makapaniwala si Andrea na mabibigo siyang makita si Janine sa kauna-unahang pagkakataon. Hindi niya maihakbang ang mga paa patungo sa loob ng chapel kung saan nakalagak ang labi ng kaibigan. Hinayaan na lang niya na itago ng mga patak ng ulan ang kanyang mga luha.
MAY tamang panahon ang pagsasa-ayos ng may limang ektaryang Manila Zoo, sabi ni Atty. Alex Lopez, pero hindi ngayong patuloy pa rin ang peligro ng nakamamatay na pandemyang Covid-19.
MAGANDANG balita para sa mga Commissioned officers, enlisted personnel at civilian employees ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil mae-enjoy na ng mga ito ang libreng sakay sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).
ARESTADO ang labing dalawang hinihinalang drug personalities sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan, Malabon at Valenzuela at Navotas Cities.
SA MAPAGKALINGANG kandungan ni Lola Corazon, sa gitna ng mga magaganda at namumukadkad na mga bulaklak ng hardin, ay namaalam si Janine.
SINABI ng Department of Education (DepEd) na “generally smooth” ang pagpapatuloy ng limited face-to-face classes sa ilang piling public at private schools sa National Capital Region (NCR).
NASA Australia ngayon si US Secretary of State Antony Blinken para makipagpulong sa Asia-Pacific allies.
SUPER react na naman ang netizens at matatapang ang kanilang komento sa IG post ni Angel Locsin na may art card na kulay pula at nagsusumigaw na ‘Never Again!’