• April 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October, 2021

Matt Reeves’ ‘The Batman’ Has Finished Scoring, Reveals Composer Michael Giacchino

Posted on: October 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

AWARD-WINNING American musician and composer Michael Giacchino revealed via Twitter that the upcoming DC film The Batman finished scoring on October 22nd.

 

 

Giacchino spoke enthusiastically about the process, saying the orchestra “killed it.” The film, directed by Matt Reeves and starring Robert Pattinson as Batman, is slated to be released on March 4th, 2022.

 

 

Giacchino previously shared a sneak peek at the score earlier this fall and stated that he felt “total freedom to do whatever I want” due to Reeves’ support. Given Giacchino’s overwhelming excitement for the film, it sounds like fans have a lot to look forward to.

 

 

Giacchino began his scoring career in video games, but rose to prominence with his scores for Pixar, winning his first Oscar for Up in 2010. He also has significant experience scoring for major franchises, having written the scores for Jurassic WorldRogue One: A Star Wars Story, and both Marvel Spider-Man films, among many others.

 

 

Giacchino who also received an Emmy, and three Grammys has now become one of the most sought-after composers in Hollywood. Reeves and Giacchino have worked together multiple times, most recently on War for the Planet of the Apes. Their well-established working relationship likely influenced the freedom Giacchino felt working on The Batman.

 

 

Giacchino commented on Reeves’ take on Batman, saying that “what he’s doing is really cool, and it’s different and it feels fresh.”

 

 

DC recently released a new trailer as a part of DC FanDome that revealed how gritty Pattinson’s take on the character will be. The film also stars Colin Farrel as the Penguin, Zoë Kravitz as Selina Kyle, aka Catwoman, Jefferey Wright as Jim Gordan, Paul Dano as the Riddler, and Andy Serkis as Alfred. The Batman also features John TurturroPeter Sarsgaard, Barry KeoghanJayme Lawson, and Alex Ferns. Reeves co-wrote the screenplay with Peter Craig, and Dylan Clark produces. (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)

Carlos Yulo nasungkit ang world championship gold medal sa vault

Posted on: October 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nasungkit ni Carlos Yulo ang kanyang kauna-unahang gintong medalya matapos na namayagpag sa men’s vault event sa 2021 FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Kitakyushu City Gymnasium sa Japan ngayong araw.

 

 

Nagtapos ang 21-anyos ng average na 14.916 na pinalakas pa ng kanyang 15.033 score sa second vault matapos na makapagtala ng 14.800 sa kanyang unang attempt.

 

 

Ang pambato ng Japan na si Yonekura Hidenobu ang nakakuha ng silver medal sa score na 14.866 habang bronze naman ang nasungkit ng pambato ng Israel na su Andrey Medvedev na may score na 14.649.

 

 

Inaasahang bibigyan si Yulo ng cash incentives ng Philippine Sports Commission (PSC) dahil sa kanyang nakamit na kara­ngalan para sa bansa.

 

 

Ito ang ikalawang world title ni Yulo matapos magkampeon sa floor exercise ng 2019 edition sa Stuttgart, Germany kung saan niya nakuha ang tiket para sa Tokyo Olympics.

 

 

Si Yulo ang ikaapat na atletang nagbigay ng karangalan sa bansa nga­yong taon matapos sina Tokyo Olympics weightlif­ting gold medalist Hidilyn Diaz, U.S. Women’s Open golf champion Yuka Saso at US Open billiards king Carlos Biado.

 

 

Hindi naman siya pinalad sa finals ng parallel bars nang makuntento sa silver medal sa kanyang total score na 15.300 mula sa 8.900 sa execution at 6.400 sa difficulty.

 

 

Ang gold ay ibinulsa ni Chinese Hu Xuwie (15.466) habang ang kanyang kababayang si Shi Cong (15.066) ang sumikwat sa bronze.

Mental health issue sa gitna ng COVID-19 pandemic, pinapatutukan sa pamahalaan

Posted on: October 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinapatutukan ni House Committee on People’s Participation chairperson Rida Robes sa pamahalaan ang issue sa mental health sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

 

Mas dumami kasi aniya sa ngayon ang insidente ng depression at suicide bunsod ng pandemya.

 

 

Sa kabila aniya ng seryosong problema na ito ay limang porsiyento lamang ng budget ng Department of Health (DOH) ang inilaan para sa mental health programs.

 

 

Kaya nga inihain niya kamakailan ang House Bill No. 9980 na magtatatag ng mental health clinic sa San Jose Del Monte City sa Bulacan.

 

 

Kung sakali, ito ang siyang magiging kauna-unahan sa bansa kapag naisabatas ang naturang panukala.

 

 

Pasado na ang panukala sa Kamara at hinihintay na lamang ang pag-apruba ng Senado.

 

 

Kabilang sa mga serbisyong ibibigay nito ay counseling at therapy, iba’t ibang psychiatric services at psychotherapy services sa mga pasyenteng may anxiety, trauma at depression.

Pagbaba ng COVID-19 cases dahil sa malawakang vaccination – OCTA

Posted on: October 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kumpiyansa ang OCTA Research Group na ang patuloy na pagbaba ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 cases sa bansa ay dulot nang malawakang vaccination program na isinasagawa ng pamahalaan.

 

 

Ayon kay OCTA Fellow Dr. Guido David, sa ngayon ang reproduction number ng Pilipinas ay nasa 0.52 na lamang, na indikasyong nagkakaroon ng pagbagal ng hawaan ng virus.

 

 

Ang reproduction number ay ang bilang ng mga tao na maaaring mahawaan ng isang pasyente ng COVID.

 

 

Sinabi rin ni David na ang average daily infections sa buong bansa ay nabawasan din ng 35% o naging 4,500 mula sa dating 8,400 noong nakaraang linggo.

 

 

Inihayag pa ng eksperto na dahil marami nang protektado, wala nang masyadong makapitan ang virus, lalo na sa Metro Manila, na ang daily average ay nasa less than 1,000 na lamang sa ngayon.

 

 

“Ang kinakapitan nito ay mga unvaccinated or ’yung mga vaccinated na may comorbidity or ’di masyado nakakagawa ng antibodies ang katawan nila kaya sila nakakakuha ng virus,” dagdag pa ni David.

 

 

Sa ngayon aniya ay hindi pa sila nakakita ng spike ng kaso sa NCR sa ilalim ng Alert Level 3 ngunit hindi aniya ito dahilan upang magpabaya na ang lahat. (Daris Jose)

KRIS, malaki ang pasasalamat kay NOYNOY sa pagpapakilala ng ‘new man in her life’; looking forward nang maging ‘Mrs. Mel Sarmiento’

Posted on: October 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WE are happy for Ms. Kris Aquino who is now engaged sa kanyang boyfriend na si former DILG Secretary Mel Senen Sarmiento.

 

 

Sa kanyang mahabang IG post ay pinasalamatan ni Kris ang kanyang yumaong Kuya Noynoy Aquino na siyang nagpakilala sa kanya sa ‘new man in her life’.

 

 

Kris shared na alam ng kanyang Kuya na she will be broken sa pagkawala nito kaya his Kuya Noy made sure na there is someone who not only wiped her away her tears but made it also possible to smile and laugh again.

 

 

Dumating ito nung panahon na hindi niya inaasahan kaya tama nga ang lahat na nagsabi in God’s perfect time.

 

 

After what Kris had experienced and gone through in the name of love, she deserves to be happy. Sana nga ito na ang forever na inaasam niya.

 

 

Say pa ni Kris, “As much as I am proud to be an Aquino, looking forward na kong maging Sarmento.”

 

 

***

 

 

TAKOT sa multo si Candy Pangilinan kaya hindi siya mahilig manood ng horror movies.

 

 

Sa digital presscon ng Sa Haba ng Gabi, directed by Miko Livelo, ikinuwento niya na there was an instance na naligo siyang bukas ang pinto ng banyo, pati pinto ng kwarto dahil sa takot.

 

 

Nararamdaman niya kasi na may presence sa loob ng kuwartong tinutuluyan niya. Said incident happened sa isang probinsiya many years ago. Kaya anything na nakakatakot ay hindi niya pinanood.

 

 

In a way, sabi ni Candy, ay nakatatakot din ang experience nila during the shoot of Sa Haba ng Gabi. Bukod kasi sa binagyo sila ay nagkaroon pa ng earthquake while they were shooting.

 

 

Kasama rin movie ang couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles. The movie will be streamed sa Vivamax simula October 29.

 

 

***

 

 

PUMIRMA ng kontrata si Kiefer Sanchez, one of the members of the TNT Boys sa MAK Entertainment Services.

 

 

The contract signing was held last Saturday sa H Café and Events Place.

 

 

Ang MAK Entertaiment Services ay pag-aari ng couple na sina Ferdie Mak at Debbie. Isa itong US-based artist management and concert company.

 

 

Ang unang venture ng MAK sa concert production ay isang digital concert titled Sheryn Regis: Love United na co-prod nila with ABS-CBN.

 

 

Pero kahit na pumirma na si Kiefer sa MAK ay patuloy pa rin siyang magiging member ng TNT Boys.

 

 

Umaasa ang 16-year-old na si Kiefer na sa tulong ng MAK ay matutupad ang pangarap niyang makilala sa international music scene.

(RICKY CALDERON)

Ads October 25, 2021

Posted on: October 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

YASMIEN, apaw ang saya na ibinahagi sa vlog ang kanyang dream yellow car; bukod pa sa excitement sa bagong serye

Posted on: October 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAG-UUMAPAW pa rin sa saya si Kapuso actress Yasmien Kurdi sa natanggap na gift galing sa asawa na si Rey Soldevilla na ‘dream car’ niya.

 

 

Matapos ngang I-post ni Yas sa kanyang Instagram ang photos ng kanyang brand new car, na-upload na rin niya ito sa kanyang YouTube vlog na may caption, Yehey! Thank you soooo much pangga! Yun lang ang masasabi ko hehe…

 

 

Sobra saya nga ni Yas dahil finally pinayagan na siya ng asawa na mag-drive mag-isa ng dream car niya na Suzuki GLX Jimny 2021 na ang kulay ay Kinetic Yellow, para kitang-kita raw kahit sa gabi at iwas-aksidente na rin.

 

 

Sey pa niya, three years na raw niya hinihingi pero ayaw payagan ng hubby niya baka mag-drive lalo na at puyatan sa tapings.

 

 

Baka raw kasi ma-tempt siya mag-drive nang madaling araw para makauwi sa kanilang bahay.

 

 

“Since, lock-in tapings na ngayon, outside of it madalas ang mga travel papunta sa work is for variety shows and swab testings na.

 

 

“Before minsan lang talaga ako nakakapunta ng GMA building, pero ngayon lagi na, every work kailangan dumaan dun because of swab testings, say pa Yas na hindi na niya kailangan gamitin ang big van niya.

 

 

Makikita sa vlog na sobrang excited si Yas na mabili ang dream car, binuko siya ng asawa na 5 am pa lang daw ay gising at gusto nang pumunta ng 8 am sa show room.

 

 

Pero nasaraduhan sila ng bangko, kaya nakapag-down payment lang sila at kinabukusan na lang ito na-deliver sa kanilang house, at ‘yun nga na-drive na ito, kasama ang asawa at anak na si Ayesha.

 

 

Sinabi rin ng hubby niya na deserving naman siya na magkaroon na ng car na magagamit niya sa lock-in tapings.

 

 

Bukod sa new car niya sa sobrang cute na kinagiliwan ng netizens, excited na rin si Yas  ang newest offering ng GMA Entertainment Group ang much-awaited series na Las Hermanas.

 

 

Pagbibidahan nga ito ng three powerful and undoubtedly talented Kapuso stars na sina Yasmien, Thea Tolentino, at Faith Da Silva na gaganap bilang Manansala sisters na sina Dorothy, Minnie, at Scarlet.

 

 

Nang tanungin tungkol sa kani-kanilang character:

 

 

“Matapang ‘yung character ni Dorothy,” sabi ni Yasmien.

 

 

Siya ‘yung magba-balanse sa dalawang sisters niya para buo kami. Hindi niya hahayaan na magkawatak-watak ang Las Hermanas. Siya ‘yung responsable, siya ‘yung ate, siya ‘yung laging nag-a-advise, siya ‘yung laging uma-alalay at tumatayong magulang para sa mga kapatid niya.”

 

 

“I am most proud of how all of us worked together,” tugon naman si Thea.

 

 

“Walang nagsapawan ng eksena, lahat nagbibigayan at kapag sa times na hirap kami, nasusuportahan namin ang isa’t isa. Hindi lang sa aming mga actor, kundi pati na rin sa mga direktor at mga staff.”

 

 

Pahayag naman ni Faith, “I feel grateful for the trust that they have given me in this amazing project.

 

 

“For sure, I got really pressured especially lahat ng co-actors ko ay mga batikan at award-winning. And this is my first lead show, so the pressure was really there but I just did my part. I’m just really grateful na on or off-screen, iba ‘yung relationship namin nina Thea and Yasmien and I felt that I gained new sisters.”

 

 

Dagdag excitement pa sa Las Hermanas ay ang pagbabalik-Kapuso ni Albert Martinez as Lorenzo Ilustre, the charming, self-made businessman who will captivate the heart of Scarlet and be the root of the sisters’ falling out.

 

 

Pahayag pa ng aktor, “My takeaway from the series – respect women. You can’t possess them and turn them the way you want. You have to accept them the way they are and not create a mold for them because that will never work.

 

 

In a relationship, there should be two-way traffic all the time. One should understand the other, and one should understand the individuality of each partner.” 

 

 

Kasama sa powerhouse cast ng Las Hermanas sina Jason Abalos, Jennica Garcia, Lucho Ayala, Madeleine Nicolas, Melissa Mendez, Leandro Baldemor, Rubi Rubi, Robert Ortega, Orlando Sol, Coleen Paz, at Rita Avila.

 

 

Mula sa direksyon nina Monti Puno Parungao at Patrick Ferrer.

 

 

Samahan sina Dorothy, Minnie, at Scarlet sa Las Hermanas, simula ngayong hapon, October 25, at mapapanood Lunes hanggang Sabado after Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.

(ROHN ROMULO)

ALJUR, umaming nasadsad at nabugbog kaya nakapag-post laban kay KYLIE pero ‘di proud sa nagawa

Posted on: October 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA ginanap na face to face mediacon ng bagong pelikula ni Aljur Abrenica ay ipinaliwanag niya kung bakit niya nagawang mag-post ng mga dahilan kung bakit sila naghiwalay ng asawang si Kylie Padilla.

 

 

     “I’m not proud sa nangyari. The reason why nagawa ko ‘yun, ‘yung post, kasi I felt like nasadsad na ako, eh, nabugbog na.

 

 

So, it was not my intention na maglabas ng ganu’ng post pero naramdaman ko talaga na kailangan kaya nagawa ko ‘yun.

 

 

      “Ang sa akin, I think, nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin. Hindi ko na siya gusto pang i-elaborate dahil pamilya ko pa rin sila,” paliwanag ng aktor.

 

 

Pero aminado siyang si Kylie pa rin ang kanyang love of his life.

 

 

      “I can still say na she was the love of my life. Talagang minahal ko ‘yung babaeng ‘yun. And I valued our family more than anything. So I was really affected nang nangyari ‘yun.

 

 

     “Pamilya ko pa rin sila. May pagkakamali rin ako and for the sake of our children, gusto ko na lang matapos.

 

 

“She’s still the mother of my children, and may pinagsamahan pa rin kami, I will never forget that, ipinagpapasalamat ko ‘yun,” pahayag ni Aljur.

 

 

Dagdag pa niya, napakinggan n’yo na ang mga sinabi ko, sa post na ‘yun, at lahat lumabas na, hanggang du’n na lang. So, sana, hinihingi ko po sa inyo na para sa mga bata, para sa pinagsamahan namin ni Kylie, nagpapasalamat kami sa inyo, utang na loob namin sa inyo, ganun’n na lang. Maraming salamat po.”

 

 

Labis na nagpasalamat si Aljur dahil kahit may pandemya ay may trabaho siya tulad nitong bagong pelikula niyang Manipula mula sa direksyon ni Neal ‘Buboy’ Tan kasama ang producer at leading lady niyang si Ana Jalandoni kasama rin sina Kiko Matos, Rosanna Roces, Christian Vasquez, Allan Paule at Marco Alcaraz.

 

 

***

 

 

SA nalalapit na PoPinoy finals, ang mga natitirang Pop Dreamers ay nabigyan ng pagkakataong makasama ang Multimedia Prince na si James Reid bilang ultimate mentor sa nakaraang episode kahapon Linggo, Oktubre 24, sa TV5.

 

 

Sa kanyang 1-on-1 sa mga Pop Groups, ibinahagi ni James ang kanyang humble beginnings sa industriya at inilahad din sa mga PoPinoy aspirants ang kanyang mga natutunan sa kanyang buhay at career.

 

 

Kaya abangan ang Grand Finale sa November 7 sa TV5!

 

 

May sariling aktibidades naman si James sa Oktubre 31 base sa IG post niya.

 

 

     “Creepin’ it real. Catch me at #BacardiSessions this Halloween, live on the 31st of October on Careless’ Kumu and Facebook Page #DoWhatMovesYou.”

 

 

***

 

 

ANG tinaguriang phenomenal star at Dubsmash Queen na si Maine Mendoza ay magpapaalam na sa kanyang daily lifestyle program na #MaineGoals, matapos ang labintatlong linggo na puno ng kulitan at katatawanan.

 

 

Tampok sa #MaineGoals, na nagbukas noong Agosto 2 sa bagong 24/7 local comedy channel ng Cignal TV na BuKo, ang kapana-panabik na mga eksena at paglalakbay ni Maine.

 

 

Simula sa pag akyat sa Mt. Kulis sa Rizal noong pilot episode, sa kalesa riding, lodge housekeeping, pag train ng dolphins, at pag ear pierce sa kauna-unahang beses, lahat ng item sa personal na goals list ni Maine ay laging trending sa Twitter.

 

 

Panibagong Maine ang matutunghayan sa season-ender ng #MaineGoals dahil hindi lang siya basta magiging effortlessly funny at witty gaya ng nakasanayan ng kanyang mga katrabaho.

 

 

Sa huling linggo ng programa, mapapanood ang ghost hunting experience ng aktres at ang kanyang party planning skills. Makikita rin kung paano siya magbigay-salamat sa production staff ng show sa pamamagitan ng papremyo na galing mismo sa kanyang bulsa.

 

 

Kaya huwag palampasin ang huling linggo ng #MaineGoals sa ganap na 7:30 p.m. gabi-gabi sa BuKo Channel, Cignal TV Channel 2 (Cignal Postpaid Plans 290 pataas, at Prepaid Loads 100 pataas) at SatLite Channel 2 (Loads 49 pataas at Tingi Loads 10, 15, and 25), at sa Cignal Play app via App Store and Google Play.

(REGGEE BONOAN)

RABIYA, tuloy na tuloy na bilang leading lady ni Sen. BONG; SANYA, may participation pa sa ‘Agimat ng Agila’

Posted on: October 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

OUR best wishes and congratulations to the newlyweds Kapuso stars Tom Rodriguez and Carla Abellana.

 

 

The wedding took place at the San Juan Nepomuceno Parish Church in Batangas, last Saturday, October 23, 2021.

 

 

The stunning bride walk the aisle with her father. actor Rey Abellana and her mom Aurea (Rea) Reyes, wearing her dream wedding gown by Monique Lhuillier, while Tom is in a Francis Libiran suit.  In attendance is his mom Teresita Mott na umuwi from the US.

 

 

Personal na nagpunta si Carla sa shop ni Monique Lhuillier sa New York para pumili ng kanyang dream wedding gown, nagpaalam muna siya sa lock-in taping niya ng To Have And To Hold ng GMA Network.

 

 

Thrice na-denied si Carla na makaalis dahil sa mga health protocols ng pandemic, pero sa fourth time ay pinayagan na rin siyang makapunta ng New York.

 

 

Unang nag-meet sina Carla at Tom sa taping nila ng My Husband’s Lover in 2014 na  nagtuluy-tuloy sa kanilang relasyon.  They were engaged on October, 2020 pero nag-announce lamang sila nito on March 2021.

 

 

 

Sabay silang nag-lock-in taping, si Tom ay nasa The World Between Us, kaya virtual lamang ang wedding preparations nila with their wedding planners and suppliers.  Just on time ang magkasunod nilang pagkatapos ng lock-in taping para sa kanilang wedding.

 

 

***

 

 

THE First Lady na ang final title ng book two ng sinubaybaybayang primetime top-rating romantic-comedy series nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez na First Yaya. 

 

 

Naka-schedule na silang mag-quarantine simula sa November 7.  At kung walang magiging problema, after ng quarantine, diretso na sila ng lock-in taping at hihinto lamang sila para sa Christmas break.

 

 

Nag-post na si Gabby ng ‘new look’ photo niya after ng vacation niya sa kanyang beach house sa Lobo,  Batangas, as President Glen Acosta (PGA).  May Instagram post na rin si Sanya bilang si First Lady Melody.

 

 

Tanong ng mga netizens kung complete pa rin daw ang original cast, at patuloy na bang magiging friends sina Sanya at Maxine Medina?  Wala bang magiging  bagong threat sa relasyon nina PGA at Melody?

 

 

Abang-abang na lamang tayo kung may mababago sa cast na ididirek pa rin ni LA Madredejos.

 

 

***

 

 

TULUY-TULOY pa rin ang busy schedules ni phenomenal star Maine Mendoza dahil sa tatlo niyang shows, ang Daddy’s Gurl sa GMA-7, PoPinoy sa TV5 at #MaineGoals sa Buko Channel ng Cignal TV.

 

 

Kaya hindi muna siya napapanood sa daily noontime show na Eat Bulaga. 

 

 

Simula ngayong Monday, mapapanood si Maine sa finale week ng #MaineGoals matapos ang 13 weeks na puno ng tawanan at kulitan, na magtatapos sa Halloween episode nito sa Friday, October 29.

 

 

Napapanood ito ng Monday to Friday, 7:30 to 8:00 PM sa Buko Channel ng Cignal TV.

 

 

*          *          *

 

 

ITINULOY na ni Senator Bong Revilla ang hindi niya paglahok para sa National Election sa May, 2022.

 

 

Susuportahan muna niya ang mga miyembro ng kanyang pamilya, kasama na dito ang mga anak at asawa na tatakbo sa iba’t ibang government positions.

 

 

At itutuloy na rin niya ang book 2 ng action-fantasy series niya sa GMA-7, ang Agimat ng Agila.

 

 

Magsisimula na silang mag-taping sa first week of November.

 

 

Balitang may bagong leading lady si Sen. Bong sa book 2 ng Agimat ng Agila.

 

 

Siya na kaya iyong nababalitang may papasok na isang beauty titlist sa serye niya? (Ayon sa naglabasan, mukhang tuluy-tuloy na si Rabiya Mateo bilang leading lady ni Sen. Bong at may participation pa rin daw si Sanya Lopez. – Ed)

 

(NORA CALDERON)

Djokovic pinayuhan na magpaturok ng COVID-19 vaccine para makalaro sa Australian Open

Posted on: October 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mahigpit na pinaalalahanan ng mga opisyal ng Australia na dapat magpaturok ng COVID-19 vaccine ang sinumang tennis player na lalahok sa Australian Open.

 

 

Isa sa maaapektuhan ay si Australian Open defending champion Novak Djokovic.

 

 

Hanggang sa kasalukuyan kasi ay hindi pa rin isinisiwalat ng Serbian tennis player kung ito ay nagpabakuna na laban sa COVID-19.

 

 

Sinabi naman ni Minister for Immigration Alex Hawke na ang mga manlalaro mula sa ibang bansa ay dapat magkaroon ng dalawang vaccination shots para makapaglaro ng grand slam sa Melbourne Park sa darating na Enero.

 

 

Marami kasing mga professional tennis players ang nagdadalawang isip pa rin na magpaturok ng vaccine laban COVID-19.