KUMPIYANSA ang Malakanyang na hindi madadamay si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa nagpapatuloy na Senate investigation ukol sa ginawang pagbili ng gobyerno sa P8 bilyong halaga ng medical supplies mula sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.
“Absolutely not. Wala naman po silang ebidensya na nakukuhang may overpriced,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque nang tanungin kung ang imbestigasyon ay patungo sa pagdamay kay Pangulong Duterte.
“Anong maili-link kay Presidente? Ingay lang po. Desperado manalo sa eleksiyon,”dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Inamin ni Pharmally director Linconn Ong sa Senate probe na ang kompanya ay nangutang mula kay Michael Yang, dating economic affairs adviser ni Pangulong Duterte.
Noong nakaraang linggo, inamin din ni Pharmally official Krizle Mago na ang pinapakialaman ng mga empleyado ng Pharmally ang expiry dates ng face shield para sa health workers na binili sa kanila ng gobyerno.
Sinabi ni Sec. Roque na ang pag-amin ay hindi sapat para patunayan na ang ginawang pagbili ng pamahalaan ng medical supplies mula sa Pharmally ay irregular.
“This needs to be substantiated with physical evidence,” ani Sec. Roque sabay sabing “talk is cheap.”
Gayunman, hindi naman sinabi ni Sec. Roque kung magsasagawa ng imbesigasyon ang Justice department.
“It is up for them (Department of Justice) to decide,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, bago pa umamin si Mago, isang unidentified Pharmally warehouse worker ang nag-testify sa Senate blue ribbon committee na pinapalitan nila ang expiry dates ng face shields base sa utos ni Mago.
At nang tanungin ni Senador Richard Gordon “if that was the case and if Pharmally is swindling the government, ang sagot ni Mago ay “I believe so that is the case, Mr. Chair.”
Ani Mago, tumanggap lamang siya ng utos mula kay Pharmally corporate secretary at treasurer Mohit Dargani, subalit mariing itinanggi naman ng huli ang nasabin alegasyon.
Samantala, sinabi ni Sec. Roque na patuloy na ipagtatanggol ng Pangulo ang legalidad ng Pharmally purchases sa kanyang regular Talk to the People address.
“The President will continue to answer these matters as a matter of discourse between two independent branches of government. Hindi masama ito,” anito. (Daris Jose)
SINABI ni National Task Force Against Covid-19 chief implementer at
DEDO ang isang helper matapos saksakin sa leeg ng kapitbahay makaraan ang pagtatalo nang magising ang suspek sa ingay ng biktima sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.
Kinumpirma ng reigning Western Conference champion Phoenix Suns na ang kanilang top player na si Devin Booker ay hindi muna makakasama ngayong linggo sa pagsisimula sa training camp dahil sa health at safety protocols ng NBA.
ANG Department of Health (DOH) ang maga-anunsyo sa Oktubre 1 kung mananatili o babaguhin ang COVID-19 alert level sa National Capital Region (NCR).
DAHIL na rin siguro sa pandemic at ang situwasyon na kinaharap ng mga Filipino sa bansa at sa nakikitang ginagawa lang ng gobyerno kung bakit tila mas marami ngayon, kahit sa mga artista ang tila “nagising” na.
DUDA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na napapaso o nae-expire ang face shields.
Pormal nang nilagdaan nina Education Secretary Leonor Magtolis Briones at Health Secretary Francisco Duque III ang Joint Memorandum Circular para sa pilot implementation ng Limited Face-to-face Learning Modality.
Nagkaron ng ground breaking ceremony ang P95 billion na Pasig River Expressway (PAREX) project sa pangunguna ng San Miguel Corp. na siyang magdudugtong sa eastern at western cities ng Metro Manila.