MUKHANG aligaga na si Kapuso actress Carla Abellana dahil hindi na magtatagal at ikakasal na sila ng fiancé niyang si Kapuso actor Tom Rodriguez.
Pero heto at naka-lock in taping pa siya sa bago niyang teleserye na To Have And To Hold, with Max Collins and Rocco Nacino.
Updated nga ni Carla ang mga followers niya sa mga ginagawa niya at isa na rito ang small accident daw niya sa taping, na hindi naman niya binanggit kung ano, basta ang post niya, after ng taping that day, una niyang pinuntahan ang @theaiveeclinic dahil ayaw niyang magka-scar ito at makita sa kanyang wedding day.
Pinost din ni Carla sa kanyang vlog na nagpaalam na sila ni Tom sa ama niyang si Rey Abellana, para sa nalalapit nilang church wedding sa October 23, 2021 sa Tagaytay City.
Matagal daw silang nag-usap ng ama. Kamakailan ay nabanggit ni Rey na matagal na silang hindi nagkikita at nagkakausap ng anak, kaya tuwang-tuwa raw siya sa pagpapaalam ni Carla, at ibinigay naman niya ang blessings niya para sa mga ikakasal.
Malamang magkasabay matapos ang lock-in taping ng engaged couple.
Reportedly by the middle of August ay tapos na si Tom sa taping nila ng The World Between Us, with Alden Richards and Jasmine Curtis-Smith.
Ganoon din si Carla na tuluy-tuloy din ang lock-in taping nila sa Bataan. Kaya tamang-tama na pagkatapos ay mahaharap na nilang dalawa ang paghahanda sa nalalapit nilang kasal.
***
GOOD news sa mga followers ng GMA Afternoon Prime drama series na Prima Donnas, dahil tuluy-tuloy na ang pagkakaroon ng book two nito.
Nagkaroon na sila ng zoom story conference na dinaluhan ng cast nito. Present sina Wendell Ramos, Katrina Halili at Aiko Melendez, ganoon din ang mga prima donnas na sina Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo, with Elijah Alejo, Vince Crisostomo, Wil Ashley and Eunice Lagusad. Makakasama pa rin nila si Ms. Chanda Romero
May mga bagong gaganap sa book two, dahil nasa cast na si Sheryl Cruz. Bago rin si Phillip Lazaro, Miguel Erasga at Bruce Roeland.
Papasok din si Allan Ansay, ang first runner-up sa StarStruck 7,bna tiyak na siyang magiging katambal ni Sofia, na pansamantalang nawala sa serye dahil wala pa siyang fifteen years old noon, na requirement ng IATF.
Magkasama sina Sofia at Allen sa kanilang vlog na sinusundan ng kanilang mga followers.
And of course, kasama rin sa zoom storycon ang director na si Ms. Gina Alajar, na tamang-tama namang tapos na rin ang taping nila ng Nagbabagang Luha na ipalalabas na simula sa August 2, sa GMA Afternoon Prime, pagkatapos ng Ang Dalawang Ikaw.
***
NASa isang resort na sa Quezon province ang cast ng Lolong, ang dambuhalang adventure-serye sa Philippine primetime ngayong 2021.
Tampok dito sina Ruru Madrid at ang dalawa niyang leading ladies, sina Shaira Diaz at Arra San Agustin.
Si Ruru ang gaganap na si Lolong, isang binatang may kakaibang kakayahan na makipag-usap sa dambuhalang buwaya na tinawag nilang si Dakila.
Bago sila sumabak sa lock-in taping, nagkaroon na ng paghahanda at training ang tatlo sa mga maaaksiyong eksena.
Produced ito ng GMA News & Public Affairs.
(NORA V. CALDERON)
NILINAW ni Presidential Spokesperson Harry Roque na “expression of frustration” lang ang naging payo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang naging successor na magdeklara ng martial law para maalis ang korapsyon sa pamahalaan.
INALALA naman ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla ang kaarawan ni Comedy King Dolphy noong July 25.
JAMES Gunn, the director of the Guardians of the Galaxy films, is really going out of the conventional superhero film formula in his upcoming DC film,
Lumakas pa ang pag-asa ng Pilipinas na podium finish sa nagpapatuloy na Tokyo Olympics matapos pumasok na rin sa round-of-16 ang Pinoy boxer na si Carlo Paalam sa nagpapatuloy na Tokyo Olympics.
Nakatangap ang Department of Transportation (DOTr) ng 34 bidders para sa contract packages ng PNR-Calamba project kung saan inaasahang magsisimula ang construction sa susunod na taon.
Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mula sa apat na oras na curfew sa National Capital Region (NCR), ay asahang magiging anim na oras na ito.
KLINARO ni Department of Health (DOH) – CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) Regional Director Eduardo C. Janairo na ang limang kaso ng Delta variant sa rehiyon ay pawang mga local cases lamang at hindi isang local transmissions.
NAKATSIKA namin si Congressman Alfred Vargas via a zoom presscon last Sunday, a few hours after ng virtual graduation niya from UP National College of Public Administration and Governance or NCPAG where he took up a master’s degree in public administration.
SA tuwing magpo-post si Matteo Guidicelli tungkol sa wifey na si Sarah Geronimo, punum-puno talaga ito ng ka-sweet-an.