• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2021

Obiena papalitan bilang flag bearer sa Tokyo Games

Posted on: July 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sa inilabas na direktiba ng Tokyo Olympic Games Organizing Committee (TOGOC) ay kailangang nasa Japan na ang mga flag bearers 48 oras bago ang opening ceremonies sa Hulyo 23.

 

 

Dahil dito ay inaasa­hang papalitan ng Philippine Olympic Committee (POC) si national pole vaulter Ernest John Obiena bilang isa sa dalawang flag bea­rers ng Team Philippines.

 

 

Nakatakdang dumating ang 2019 Southeast Asian Games gold medalist sa Tokyo sa araw mismo ng opening ceremonies.

 

 

“Nire-require na ang mga flag bearers natin na dapat nandoon (Japan) na sila 48 hours before,” wika kahapon ni POC president Abraham ‘Bambol’ Tolentino sa online edition ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum. “Ang dating ni EJ is 2:30 ng 23.”

 

 

Bukod kay Obiena, hinirang din ng POC si Fil-Japanese judoka Kiyomi Watanabe bilang flag bearer ng delegasyon.

 

 

“With that, ipinaalam ko na sa athletics (association) na baka at malamang mapalitan ang flag bearer natin because of the recent development sa Tokyo,” wika ni Tolentino kay Obiena.

 

 

Inaasahang ihahayag ng POC ang kapalit ni Obiena ngayong araw.

 

 

Sina Obiena at Watanabe ay kabilang sa 19 na­tional athletes na pupuntirya sa kauna-unahang Olympic gold medal ng bansa.

Federer umatras na sa paglalaro sa Tokyo Olympics

Posted on: July 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagpasya si Swiss tennis star Roger Federer na huwag ng maglaro sa Tokyo Olympics.

 

 

Sa kaniyang social media inanunsiyo ng 39-anyos na tennis player ang hindi na pagsali sa Olympics dahil sa kaniyang injury sa tuhod.

 

Lumala kasi ang kaniyang injury sa katatapos lamang na Wimbledon.

 

Labis itong nadismaya at nanghihinayang dahil isang karangalan aniya at karagdagang exposure sa kaniyang career ang maglaro sa Olympics.

 

 

Hindi na nakapaglaro ito noong 2016 Rio Olympics sa Brazil dahil rin sa injury sa tuhod.

 

 

Magugunitang nakakuha ng gold medal si Federer sa doubles event noong 2008 Beijing Games at silver medal naman sa singles event sa 2012 London Games.

 

 

Una na ring umatras sa paglalaro sa Olympics sina Serena Williams, Rafael Nadal at Nick Kyrgios na magsisimula sa Hulyo 23.

Moreno at Pacquiao angat sa botohan sa pagka-senador sa 2022 – Pulse Asia Survey

Posted on: July 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nasa unang puwesto sina Manila Mayor Isko Moreno at Senator Manny Pacquiao sa Pulse Asia Survey sa mga tatakbong senador sa 2022 election.

 

 

Sinundan ito nina Davao City Mayor Sara Duterte, mamamahayag na si Raffy Tulfo, Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano at Sorsogon Governor Francis Escudero sa top six.

 

 

Mayroong 54 percent ang nakuha ni Pacquiao at 53.7 percent naman ang nakamit sa survey ni Moreno.

 

 

Pasok naman sa Top 12 sina dating Senator Bongbong Marcos, Antique Rep. Loren Legarda, Senator Panfilo Lacson, dating Senator Jinggoy Estrada, Senator Juan Miguel Zubiri at dating Vice President Jejomar Binay.

 

 

Isinagawa ang face-to-face survey noong Hunyo 7 hanggang Hunyo 16 na mayroong 2,400 na participants. ( Daris Jose)

Ryan Reynolds, Reveals Behind-The-Scenes Images Wearing His ‘Deadpool’ Suit Again

Posted on: July 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

RYAN Reynolds revealbehind-the-scenes images of himself wearing the Deadpool suit.

 

 

It’s been a few years since the actor last reprised his comic book role via David Leitch‘s Deadpool 2 from 2018. Since then, a lot has already happened, including the character now confirmed to be under Marvel Studios, with Deadpool 3 currently in the works.

 

 

In the meantime, the actor has been busy with other ventures. That includes a brand new movie, Free Guy, where he reunites with Taika Waititi. The pair previously co-starred in Martin Campbell‘s critically-panned Green Lantern movie, which both of them have joked about in the past.

 

 

In their latest project together, Reynolds plays the titular character, Guy, while Waititi is the narrative’s main villain, Antoine. Given this, they teamed up in the new trailer for the project wherein they reprised their respective Marvel characters. Waititi appeared as Korg, the rock-creature from the Thor films, while Reynolds reprised Deadpool; in it, they pretend to react to the promo clip.

 

 

That said, Reynolds remains masked in the whole bit, so it’s difficult to tell if it was even really him in the Free Guy promo. But now, the actor confirms that he’s indeed on set, donning the full Deadpool costume. In a series of Instagram Stories, he also joked about potentially stealing the suit even though Disney will most like come after him.

 

 

In early June 2021, Reynolds posted an image on his social media of Deadpool’s mask. Many perceived this either as something related to Deadpool 3 or figured he was just joking around. However, chances are that it had something to do with filming the latest Free Guy marketing clip.

 

 

Impressively, the actor could’ve let someone else wear the costume since it’s only for a promo and then add his voice-over later on.

 

 

This would’ve been easier; after all, Deadpool doesn’t remove his mask in the video anyway. But, chances are that Reynolds wanted to be as involved as he can in all aspects of the projects. In any case, he previously admitted to having fun with these promotional campaigns.

 

 

It’s worth noting, however, that this video is likely not Marvel canon, so this is technically not Reynolds’ first outing as Deadpool in the MCU. Understandably, many could assume that since Korg is there too, but this is purely for Free Guy.

 

 

At this point, Marvel Studios’ slate is stacked until at least 2023, with a mix of big and small screen projects in the pipeline. However, that doesn’t mean that Reynolds and his creative team aren’t already tinkering for potential narratives for the threequel. (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)

NO 1 MWP NG MPD ARESTADO

Posted on: July 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAARESTO  ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD)  ang isang lalaki na itinuturing na number 1 most wanted person (MWP)  ng MPD- Station 7.

 

 

Madaling araw ng Martes nang madakma si Willy Boy Centeno ,  31,  tricycle driver, at residente sa Daang Bakal, Tondo, Maynila sa busa ng warrant of arrest .

 

 

Ayon sa MPD, nagsagawa ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement ang mga tauhan ng  Station Warrant & Subpoena Section sa pangunguna ni  PCPT Darwin Serna sa lugar upang isilbi ang arrest warrant laban sa akusado.

 

 

Inisyu ni Honorable Judge Cynara Hannah L. Cayton, Presiding Judge, RTC Branch 8, Manila ang warrant laban kay Centeno na may petsang  November 4 dahil sa kasong murder .

 

 

Kasalukuyan nang nakadetine sa PS-7 Custodial Facility  ang akysado habang hinihintay ang pagbalik ng kanyang warrant of arrest at commitment order mula sa korte. (GENE ADSUARA)

Pacquiao, sanay na raw humarap sa mas malalaking boksingero kaysa kay Spence

Posted on: July 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Itinuturing ni American boxer Errol Spence na isang matinding laban ang matutunghayan ng mga boxing fans sa pagharap niya kay Filipino boxing champion Manny Pacquiao.

 

 

Sa isinagawang unang presser ng dalawang boksingero para sa August 21, 2021 na laban tiniyak ni Spence na magwawagi ito.

 

 

Alam daw niya ang kakayahan ng fighting senator sa loob ng boxing ring kaya kaniya rin itong pinaghahandaan para hindi madungisan ng pagkatalo ang kaniyang perfect 27-0 record na mayroong 21 knockouts.

 

 

Itinuturing niya na isang katurapan ng pangarap na makaharap ang legendary boxer na kahalintulad ni Pacman.

 

 

Hindi naman natinag si Pacquiao sa laki at mas batang boksingero na makakaharap dahil sanay na umano ito.

 

 

Iniaalay ng Filipino boxing champion ang laban sa buong bansa.

1-M pang Sinovac vaccine doses, dumating sa Phl

Posted on: July 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Karadagang 1 million doses ng Sinovac COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) vaccine ang dumating sa Pilipinas bandang alas-7:35 kahapon ng umaga.

 

 

Ang bagong batch ng Sinovac vaccine ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa Pasay City lulan ng Cebu Pacific Flight 5J 671.

 

 

Sinalubong ito ng vaccine czar na si Carlito Galvez Jr., at ng iba pang health officials.

 

 

Una nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nasa 10 million COVID-19 vaccine doses mula sa iba’t ibang manufacturers ang inaasahan nilang darating ngayong buwan.

 

 

Bukod sa Sinovac, kabilang sa iba pang brands na inaasahang darating sa bansa ay ang bakunang gawa ng Sputnik V, AstraZeneca, Pfizer, Moderna at Johnson and Johnson.

 

 

Mamayang hapon, 250,800 doses naman ng Moderna vaccine kabilang na iyong mga binili ng private sector, ang darating din sa Pilipinas. (Daris Jose)

BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING, NASABAT SA CLARK

Posted on: July 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NASABAT ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark Freeport Zone ang isang babae na biktima ng human trafficking na may pekeng pangalan.

 

 

Ang biktima ay pansamantalang hindi pinangalanan aklinsunod sa anti-trafficking laws, ay nagmula sa Cotabato ay tinangkang sumakay sa Qatar Airways flight No. QR 931 sa Clark International Airport at magtratrabahi bilang household service worker (HSW) sa Doha, Qatar.

 

 

Sa ulat nina Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) Officers Johnel Badua at Marc Danes Diego, na ang biktima ay sumailalim sa primary inspection hanggang  secondary inspection pero nahalata ang pabago-bago niyang salaysay kung saan sinabi nitong 27 anyos na siya at mayroon na itong Philippine Overseas Employment Administration-accredited agency bilang isang HSW.

 

 

Pero sa kalaunan ay nabuking din ito hanggang sa aminin nito ang tunay na pangalan at 24-anyos lamang siya.

 

 

“These human traffickers go as far as providing their victims documents that assume the identity of others,” ayon kay BI Commissioner Jaime Morente.  “This has to stop.  They are taking advantage of our kababayan in the midst of a pandemic,” dagdag pa nito.

 

 

Ipinaliwanag ni Morente na ang mga nasabat na biktima ng human trafficking victims ay isinasanguni sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para maibestigahan ang kanilang recruiters at para sila masampahan ng kaso.

 

 

“We pray that cases of these victims push through so that those who victimize the vulnerable will find themselves facing the harshest penalties to finally end this modus,” ayon pa sa BI Chief. (GENE ADSUARA)

Tsinoy na ayaw magbayad ng hotel bills, nagwala sa Quezon City, hinabol hanggang Maynila

Posted on: July 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Isang Tsinoy na hindi na nagbayad ng kanyang hotel bills at nagwala pa , ang naaresto ng mga awtoridad sa isang hot pursuit operation na nagmula sa Quezon City at umabot pa sa Maynila, kahapon ng umaga.

 

 

Nakilalang ang nadakip na si Arvin Chua Tan, 46,  ng New Manila, Quezon City, na  kasaluku­yan nang nakapiit sa Kamuning Police Station 10 (PS 10) ng Quezon City Police District (QCPD).

 

 

Dakong alas-10:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa isang hotel  na matatagpuan sa Timog Ave., Brgy. South Triangle, Quezon City.

 

 

Batay sa reklamo ni Catherine Pelaez Silva, 40, branch manager ng hotel, nabatid na dakong alas-11: 00 ng gabi ng Hulyo 12 ay nag-check-in sa kanilang establisimyento ang suspek.

 

 

Kahapon ay nag-check out umano ang suspek ngunit tumangging magbayad ng kaniyang bill. Nagulat pa umano ang mga staff ng hotel na sa halip magbayad ng bill ang suspek ay galit pa itong nanghihingi ng halagang P20,000 sa kanila sa hindi malamang dahilan at nagpakilalang empleyado ng DILG.

 

 

Kaagad namang rumesponde ang mga pulis ngunit sa kasagsagan ng komprontasyon ay mabilis na sumakay si Tan sa nakaparada niyang itim na BMW na nasa parking lot ng hotel, at saka ito pinaharurot palayo sa lugar.

 

 

Binangga pa umano nito ang nakaparadang mobile car ng mga pulis, maging ang NMAX motorcycle na sinasakyan ng isa pang alagad ng batas. Umabot pa ang ‘hot pursuit operation’ sa kahabaan ng Claro M. Recto Avenue, kanto ng Nicanor Reyes St., sa Maynila kung saan nakorner ang suspek at tuluyang naaresto.

 

 

Inihahanda na ng mga pulis ang mga kasong estafa, resistance and disobedience to a person in authority at multiple damage to property na isasampa laban sa kanya sa piskalya. (Gene Adsuara)

Superal nagreyna sa ICTSI

Posted on: July 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DINISPATSA ni Princess Mary Superal sina Harmie Constantino at Chihiro Ikeda sa birdie sa front nine at ang astig na hamon ni Chanelle Avaricio sa birdie sa 17th para maka-65 at maiposte ang one-stroke win sa kahahambalos na ICTSI Sherwood Ladies Challenge sa Trece Martirez City.

 

 

May 208 aggregate siya kasama pa ang 74-69 sa Sherwood Hills Golf Club para maisubi ang P112K winners check sa second victry sa apat na event ng Pilipinas Golf Tournaments, Inc.

 

 

“I actually had no idea of Chanelle’s surge but I knew there would be one who will go low,” bulalas ni Superal, na lumamang ng dalawa sa kambal na birdie mula sa No. 14 at tinablahan si Avaricio mula sa tatlong birdie. “But I just did what I was supposed to do, stuck to my routine and stayed focused.”

 

 

Nakuntento na lang sa P90K si Avaricio sa pagsegunda sa 65-209 samantalang tumersera si Constantino sa 72-214 na may kalakip na P75K. (REC)