• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2021

7 ARESTADO SA DRUG BUY BUST SA VALENZUELA

Posted on: July 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PITONG hinihinalang sangkot sa illegal na droga kabilang ang dalawang bebot ang arestado sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela city.

 

 

Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief PLT Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Roy Hubilla, 45, welder, Jimmyboy Yumul, 38, Noel Villafranca, 33, Fortfred Bangan, 33, Daniel Quijano, 23, Aireen Macaraeg, 24, at Jheannewhyne Dela Cruz, 22.

 

 

Sa report ni SDEU investigator PSMS Fortunato Candido kay City Chief P/Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-12:40 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Madregalejo ng buy bust operation kontra kay Hubilla sa kanyang bahay sa 130 C. Molina St. Block 4, Brgy., Veinte Reales.

 

 

Kaagad dinamba ng mga operatiba si Hubilla matapos bentahan ng P500 halaga ng droga ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer habang naaktuhan naman ang anim pang mga suspek na sumisinghot umano sa shabu sa loob ng bahay.

 

 

Nasamsam sa mga suspek ang humigi’t-kumulang sa 5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P34,000.00, buy bust money, P1,000 recovered money, 3 cellphones at ilang drug paraphernalias.

 

 

Kasong paglabag sa paglabag sa Sec 5, 11, 12 at 15 under Article II of RA 9165 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga naarestong suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Malakanyang, ibeberipika muna ang ulat na ginagawang “kubeta” ng mga barko ng China ang WPS

Posted on: July 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

“We need to verify first because that is just a report.”

 

Ito ang tugon ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa ulat na ginagawang kubeta o tapunan ng mga ‘human waste’ o dumi ng tao ng mga barko ng China ang West Philippine Sea.

 

Sinabi ni Sec.Roque na hindi maingat kundi kailangan na maging responsable lamang ang pamahalaan na sagutin ang mga bagay na gaya nito.

 

“Tingnan muna natin kung may katotohanan dahil kung wala naman eh di tayo naman ang mapapahiya,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Dapat i-verify muna bago pumutak. Noong na-verify naman po natin na nag-export ng basura ang Canada sa atin,  pinabalik naman natin ang basura sa Canada. No IFs, no BUTs,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

“So, matagal na po tayong naninindigan na hindi basurahan at siyempre hindi kubeta ang Pilipinas,” dagdag na pahayag nito.

 

Sa ulat, mariing kinondena ng mga senador ang ulat hinggil sa pagtatapon umano ng mga barko ng China na ‘human waste’ o dumi ng tao sa West Philippine Sea.

 

Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, dapat imbestigahan at kung may sapat na basehan, dapat kasuhan ang mga ito sa korte.

 

“The Department of Environment and Natural Resources should investigate this, and if there is basis, file charges in court. Government cannot fine sidewalk litterers while turning a blind eye to this,” sabi ni Recto sa isang statement

 

Ayon naman kay Senadora Grace Poe, ang ginawa ng China ay tahasang insulto hindi lamang sa ating soberanya kung hindi maging sa lahat ng umaasa ng kabuhayan mula sa karagatan.

 

“Hindi ito gagawin ng kahit sinong matinong kapitbahay. This adds insult to injury. We are not the dumping site of any country, let alone by a nation laying claims on our territory,” reaksiyon ni Poe.

 

“Dapat makumpirma iyan ng sarili nating gobyerno para may sarili din tayong datos sa kung ano na nga ba ang patuloy na sinisira ng Tsina sa ating karagatan. Kalakip dito, dapat patuloy din ang ating panawagang paalisin na ng Tsina ang kanilang mga barko,” ayon naman kay Sen. Risa Hontiveros.

 

Iginiit naman ni Senador Panfilo Lacson na kumpirmahin muna ng pamahalaan ang nasabing ulat bago aksiyunan.

 

“Aside from being a serious and sensitive issue to resolve, it involves an Asian neighbor with whom we have at least 5 decades of diplomatic relations,” ani Lacson. (Daris Jose)

ANGEL, ‘di pinatulan ang mga bashers dahil totoo naman na mataba siya; nagsimulang mag-diet para sa kalusugan

Posted on: July 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ISA ang actress-TV host na si Angel Locsin ang nakaranas ng body shaming na talaga namang nilait ng mga bashers sa social media.

 

 

Nag-viral pa ang mga kuhang litrato sa taping ng public service program niyang Iba Yan na umabot ng isang taon, pero never talagang pinatulan ni Angel at pinagpatuloy lang ang pagtulong sa mga labis na nangangailangan sa panahon ng pandemya.

 

 

Sa naging panayam ni Angel sa YouTube channel na ‘Over A Glass or Two’, unang naitanong ang kanyang weight loss journey na maraming pinahanga.

 

 

Sabi niya sa naging dahilan ng ginawa niya, “For my health talaga. For my health lang talaga.”

 


     Kuwento pa ng aktres na ‘di nabawasan ang ganda kahit tumaba, “Nakikita natin yung blood pressure natin. So, yung sa akin mataas, mataas siya.

 

 

“Kaya kailangan ko siyang pagtuunan ng pansin. It’s not really for vanity. Siguro bonus na lang din ‘yon.

 

 

“Pero hinahabol natin yung importante, yung health, di ba? Alagaan natin sarili natin,” sabi pa niya.

 

 

Payo pa ni Angel sa gustong magpapayat tulad ng ginawa niya, “Sa mga gustong mag-diet, gawin niyo para sa sarili niyo, hindi para sa ibang tao, ha? Para sa inyo.

 

 

“Kasi, kahit anumang weight natin, kahit anong hitsura natin, you’re perfect, you’re you, you’re unique. Own it.

 

 

Kasunod nito ay sinabi niya ang dahilan kung bakit hindi siya pumapatol sa kabila ng matinding panlalait sa kanya.

 

 

“Totoo nga, ‘no? Ang dami nilang opinyon tungkol sa sarili ko. I cannot control how other people think, pero hindi yun sukatan kung mababawasan yung pagmamahal ko sa sarili ko.

 

 

“Buti na lang mahal ko ang sarili ko at nirerespeto ko ang sarili ko, dahil ang katawan na ito ay maraming pinagdaanan.

 

 

“Maraming na-achieve din naman at marami pa akong maa-achieve. So, kung wala ang katawang ito, wala si Angel Locsin.

 

 

“Wala ako dito. Wala akong kabuhayan. So, really grateful.

 

 

Dagdag pa ng Kapamilya star na malapit nang maging Mrs. Neil Arce, “Tanggap ko, I’m a work in progress. Alam ko naman ‘yun. Maganda ‘yun because there is room for improvement.

 

 

“We are human. Tao din naman tayo, hindi naman tayo yung mga nasa Magazine na ang tingin sa atin ng society na perfect at maganda.”

 

 

Kaya nga kahit ang dami niyang bashers nang lumubo ang kanyang katawan, deadma lang talaga siya.

 

 

“Hindi ako nagsasalita kasi, parang ano ang sasabihin ko, iyon yung opinyon nila sa sarili ko? Totoo naman, mataba naman talaga ako.

 

 

“Pero di naman masusukat nu’n kung sino ako, opinyon pa ng real life Darna.

 

 

***

 

 

SAMANTALA, panay ang throwback posts ngayon ni Angel Locsin sa kanyang Instagram account.

 

 

Isa nga yun ang pinost niya kasama ang super bagets pa na si Matteo Guidicelli na hawig sa Hollywood star, na kung saan cover sila ng Gadgets Magazine, nilagyan niya ito ng caption, “Initial D days with pre-artista @matteog. Mabait na talaga siya nuon pa man (prayers emoji).”

 

 

Sa isa pang photo ads na para sa anime series na Initial D: The Fourth Stage na pinalabas sa Animax noong 2005, na kung saan sila ang nag-dub ng Tagalog version ng show.

 

 

That time Kapuso pa si Angel at tinanghal na PH Sexiest Sexiest Woman 2005 ng FHM, habang si Matteo ay nakilala bilang 2004 Karter of the Year.

 

 

Nakaaaliw din ang captionni Angel para kay Matteo, “Baby ka pa dito @matteog. Ngayon, pwede ng mag-baby with @justsarahgph.”

 

 

Mukhang close talaga sina Angel at Matteo, at sa araw na ito, July 16, guest siya sa podcast ni Matteo na ‘Matt Runs’ na kung saan pag-uusapan nila ang kanyang buhay, sa pagsisimula sa pag-aartista at kanyang advocacy na makatulong lalo na ngayong panahon ng pandemya.

 

 

Streaming ang ‘Matt Runs Podcast’ sa Spotify at YouTube.

(ROHN ROMULO)

Tambalang Lacson-Sotto, welcome sa Malakanyang

Posted on: July 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

OKAY sa Malakanyang kung tuloy na nga ang tambalang Panfilo “Ping” Lacson at Vicente “Tito” Sotto III sa 2022 presidential election.

 

Sa katunayan, nagpaabot pa si Presidential Spokesperson Harry Roque ng pagbati sa nasabing tambalan.

 

“We wish them the very best because in a democracy, kinakailangan mayroong pagpipilian ang taumbayan,” ayon kay Sec. Roque.

 

Sa ulat, tuloy na tuloy na sa 2022 presidential election ang tambalang Lacson-Sotto.

 

Ito mismo ang kinumpirma ni Sen. Lacson kung saan tatakbo ito sa presidential post habang vice president post naman ang kay Senate President Sotto.

 

Ayon kay Lacson, nag-uusap na sila ni Sotto para isapinal ang pagtakbo sa national elections.

 

Sinabi ng senador na kahit mababa ang nakukuha nilang rating sa mga presidential bet survey ay hindi sila nagpapaapekto rito dahil magandang pagkakataon aniya ito para malaman at mapag-aralan ang kanilang gagawing istratehiya.

 

Aniya, isang seryosong usapin ang pagtakbo sa national position kaya dapat kalimutan na ng mga kandidato ang politics of entertainment. (Daris Jose)

‘Vaccine security,’ long term plan para sa mga dumarating na sakit’ – NTF

Posted on: July 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ipinupursige na ng pamahalaan ang paglikha ng katulad ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ng Amerika, bilang long term project sa paglaban sa mga lumalabas na sakit.

 

 

Ayon kay National Task Force (NTF) Against Covid-19 chief implementer Sec. Carlito Galvez Jr., sinisikap nilang pagsamahin ang kakayahan ng University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH), Analysis Center at Research Institute for Tropical Medicine (DOH-RITM).

 

Ang ganitong hakbang umano ay bilang paghahanda sa mga posibleng iba pang sakit na lilitaw sa mundo.

 

 

Hindi pa naman masabi ni Galvez kung gaano katagal bago maging operational ang sinasabi nitong pasilidad.

 

 

Pero tiyak umanong mangyayari ito, dahil iyon ang direksyon ng nais ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

“Sinisikap natin itong magawa. Ito talaga ang direksyon sa atin ng pangulo, para sa mga katulad ng sitwasyon ngayon na may pandemya,” wika ni Galvez.

 

 

Una nang naglaan ng reward ang chief executive para sa makagawa ng bakuna laban sa COVID-19, ngunit bigo ang mga local scientist dahil sa kakapusan ng magagamit na pasilidad para sa research at development. (Gene Adsuara)

Ads July 16, 2021

Posted on: July 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DIEGO, aminadong na-intimidate nang malamang makakatrabaho si CRISTINE kaya takot na takot magkamali

Posted on: July 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

AMINADO si Diego Loyzaga na he was intimidated upon learning na he will be working with Cristine Reyes sa Philippine adaptation ng K-drama na Encounter.

 

 

“Sobrang intimidated ako kay Cristine until nagkasama kami sa pictorial for the movie where I sensed na mukhang okay naman siya. Parang magkakasundo naman kami,” pahayag ng anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga.

 

 

“Pero pagdating naman sa set, during the shoot, bumalik na naman ang takot ko sa kanya. I was afraid baka magkamali ako. Natatakot akong magkamali. Hindi ako pwedeng mag-commit ng mistake pag kasama ko siya sa eksena kasi baka mapikon siya.”

 

 

Worried din si Diego na maging cause of delay siya sa shoot kung he won’t be able to do things right in the presence of Cristine.

 

 

“Lahat yun naiisip ko kasi siyempre she is Cristine Reyes. She is a well-known actress. I am still working my way up there so I have to be good,” kwento pa ni Diego.

 

 

Lagi nga raw siyang nagso-sorry kay Cristine pag nakalilimot siya ng linya or ng blocking. Pero ang lagi naman daw sinasabi sa kanya ng aktres ay huwag mag-worry kasi first day of shoot pa lang nila.

 

 

Dahil hango sa isang sikat na K-drama ang Encounter, sinubukan ni Diego na i-pattern ang character niya sa original na Korean actor who played it.

 

 

Pero ang sabi direk Jeffrey Jeturian ay hindi natural ang dating. Hindi mukhang normal. Kaya ang advice sa kanya ni Direk Jeffrey ay isipin niya how would he attack the role given the same situation.

 

 

Kabilang daw sa favorite scenes ni Diego sa Encounter involves his family.

 

 

“Maganda kasi ‘yung dynamics ng family ko. Sobrang close ko sila rito. Some of them nakatrabaho ko na dati. Naging ka-close ko rin si Tito Jeric Raval.     Sobrang love ko ang dynamics namin sa taping. Every scene na ginagawa sa bahay ng mga Hilario, it is always fun and light. Sobrang gaan, sobrang saya.”

 

 

May-December affair ang tema ng Encounter kaya natanong si Diego if it possible for him to fall for an older woman?

 

 

“Oo naman. I don’t think may problem, kung nagkakasundo naman kayo. Kung ang level of maturity ninyo and understanding is the same. It doesn’t matter kung may age difference,” sagot niya.

 

 

Ipalalabas ang Encounter sa Vivamax simula July 23.

 

 

***

 

 

SA presscon ng Init sa Magdamag para kina Gab Lagman at Alexa Ilcad ay tinanong ang dalawa kung may posibilidad bang ma-develop ang feelings nila sa isa’t-isa, considering na lagi silang magkasama sa taping.

 

 

“We are good friends. Focus muna kami sa career. Baka makadagdag lang sa stress if ever we are going to have a relationship,” sagot ni Gab.

 

 

“I want to make a name for myself muna kaya career ang focus ko. Hindi naman restriction kung sakaling magkaroon kami ng relationship pero for now mas maganda na career muna ang focus naming.”

 

 

Sagot naman ni Alexa, “We click together. Maganda ang samahan namin ni Gab. If ever we become an item in the future, I am open to it. If we are both single by that time, why not?”

 

 

Dagdag pa ni Alexa, “I am fond of him. What is not to like about him? He’s smart, guwapo. We’ll see what happens in the future.”

 

 

Ang tandem nina Alexa and Gab ang nagbibigay ng kilig sa madramang kwento ng Init sa Magdamag at nagustuhan naman ito ng mga viewers na gabi-gabi ay nakatutok sa engaging story ng teleserye.

(RICKY CALDERON)

Bb. Pilipinas International HANNAH, nagpasalamat sa ex-boyfriend na si MARLO na palaging nakasuporta

Posted on: July 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL sa pinost ni Marlo Mortel sa kanyang Instagram account na throwback pictures nila ng bagong crowned na 2021 Binibining Pilipinas International na si Hannah Arnold at may caption ito na, “So proud of this one! Hard work, dedication and a compassionate heart truly pays off.  From this pic last 2015, I’ve seen how you’ve grown to become the Queen that you were destined to be.  You are beautiful in and out and I can’t wait to see you shine and inspire us even more. The world is ready for you, our #MissInternational.”

 

 

     Nag-reply si Hannah sa post na ito ni Marlo at nagpasalamat sa singer/actor.

 

 

Aniya, “Omg throwback pics Hahahaha! Thank you Marlowe. So grateful for your support since 2014!!!”

 

 

Ilan sa mga followers ni Marlo ang nag-comment na sana silang dalawa na lang daw.

 

 

At ‘yun nga, nang makausap namin si Marlo, naging ex-girlfriend nga pala niya si Hannah. At ilan sa mga kanta niya na ni-release niya ngayong pandemic ay isinulat niya with Hannah on his thoughts.

 

 

Two years din tumagal ang relasyon nila, pero feeling ni Marlo, pareho raw nilang hindi kinaya ang LDR o long-distance relationship kaya hindi nag-work.

 

 

Obviously, friends pa rin sila at supportive sa isa’t-isa.

 

 

At hindi pa man, may disclaimer na agad si Marlo na ba paratangan siyang ginagamit ang ex dahil panlaban na ito sa Miss International.

 

 

Ipinaliwanag niya na even before ng pageant, na-explain na raw nila sa kanyang KUMU ang naging relationship nila nang bigla raw mag-greet sa KUMU live niya ang ex-girlfriend.

 

 

***

 

 

BASE sa inilabas na data ng LionHeartTV para sa Highest Grossing Filipino Movie Star, true to his title, unkaboggable pa rin talaga si Vice Ganda.

 

 

Nag-base sa official box-office records and official records of production, si Vice Ganda pa rin ang may pinakamalaking box-office result with the combined income ng mga movies nila from 2010.

 

 

4.5 billion ang record na nabuo ni Vice habang 3.8 billion si Kathryn Bernardo at 3.5 billion naman si Daniel Padilla.

 

 

Sabagay, anim na beses ngang pinarangalan na Box-Office King si Vice ng Guillermo…so, lumalabas silang tatlo ang top highest grossing Filipino artists with Vice being number one pa rin.

(ROSE GARCIA)

MARIAN, number one sa list ng ‘Most Followed Filipino Celebrities’ sa Facebook; nagpasalamat sa more than 25 million followers

Posted on: July 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MASAYANG ibinahagi ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera-Dantes sa kanyang Instagram Stories ang magandang balita na pinost ng dailypedia.net.

 

 

Ayon sa report si Marian ang nasa No. 1 spot ng listahan ng ‘Most Followed Filipino Celebrities’ sa Facebook as of July 2021.

 

 

Labis-labis nga ang pasasalamat ng asawa ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa kanyang Facebook followers na umabot na sa more than 25 million.

 

 

“Awww salamat po,” caption ng nanay nina Zia at Sixto at nangakong magla-live sa facebook.

 

 

“#MagLiveAkoSoon, Kita kits,” sabi pa ng magandang aktres.

 

 

Kababalik lang ni Marian sa kanyang social media account matapos na mag-lie low ng ilang linggo at last month nga ay naabot na niya ang 25 million mark sa FB followers.

 

 

Patuloy ngang nagho-host si Marian ng Tadhana na napapanood tuwing Sabado ng hapon at gabi-gabi naman silang napapanood ni Dingdong sa rerun ng Endless Love sa GMA Telebabad.

 

 

At dahil fully vaccinated na silang mag-asawa, hinihintay ng kanilang milyung-milyon na tagahanga na makagawa na sila ng bagong proyekto, kung hindi man teleserye, kahit na isang sitcom na mas magiging madali para sa kanila.

 

 

Abala pa rin si Marian sa kanyang tinatag na negosyo, ang ‘Flora Vida by Marian’, na palaki nang palaki at base sa kanyang mga IG posts, maraming nakaka-sosyal na gamit pambahay ang paparating na mula sa naman sa ‘Flora Vida Home.’

 

 

Patuloy rin siyang pinagkakatiwalaan ng mga products na ini-endorse na halos lahat ay nag-renew ng kontrata at may bago pang dumating.

 

 

Last week naman, mula silang nag-shoot ni Dingdong sa ini-endorse nilang banko na nagsi-celebrate ng kanilang anibersaryo, kaya muling makikita ang mag-asawa na magkasama kahit sa tvc at print ads lang.

 

 

Narito naman ang iba’t-ibang reaction ng netizens sa fashionpulis.com sa pagiging number 1 ni Marian sa list:

 

 

“Sampal to sa mga tard ng abs cbn. Congrats GMA7 And Ms. MARIAN RIVERA.”

 

 

“Asan na yung mga tards? Mga feeling sakalam sa socmed at mga pa-class kuno?!”

 

“Ayan si Marian, kesyo ootd, floral negosyo, family life o pagluluto, sinusundan ng tao. Simple pero relatable. Yan ang influencer!”

 

 

“Talaga ba baks? sa FB na pugad ng trolls lol e dinosaur na ang FB. Tiktok, omegle pati kumu ang in ngayon.”

 

 

“Mababa ang interactions ng page ni marian kahit most followed.”

 

 

“may video syang 17m views in 1 hour and 16 views in 2 hours. record breaking accdg to fnet…may pics syang in 1 day 1m likes. anong mababang interactions buti nga walng ads ung videos nya eh.”

 

 

“’Day di basehan ang Twitter ng kasikatan ng isang celebrity. Look at their movies, shows, endorsements. Yung social media nadadaya yan. Gobyerno nga daming dummy accounts.”

 

 

“Hindi yan daya. Maraming international fans si MArian na nakadagdag sa pinoy followers nya.”

 

 

“Marami siyang fans abroad dahil sa mga lumang serye niya.”

 

 

“Iiyak na naman ang mga kaF tards. Eh world class daw sila eh hahahaha!”

 

 

“I used to be Kaf. I agree. Settings and stage lang ang maganda sa Kaf atsaka OA (theatrical) acting. Pero pag pagtiyagaan mo ang Kah, meron rin mga magagaling na artista bukod pa may Marian. Magaling lang ang Kaf noon sa pa-trending on Twitter. I like the underrated actors of GMA.”

 

 

“Si Marian ang pinakasikat na pinoy artista dito sa Vietnam. Mga nanay ng mga students ko dito naka like sa page niya. Recently lang nung kumain kami sa korean restaurant here and the staff found out we’re pinoys, si Marian agad ang tinanong nila.”

 

 

“Tama. I think si Marian ang pinakasikat na pinay actress sa neighboring asian countries natin. Talo nya ang mga abs stars.”

 

 

“si marian unang sumikat jan dahil may kasunduan ang gma 7 at Vietnam to air shows sa abs cbn naman south africa.”

 

 

“Pinagpipilitan nga nilang si anne curtis daw ang most followed filipina celebrity. NGE!”

 

 

“Iba talaga si Yan! Pero hanga ako sa kanya talaga focus na sa family at business inactive pero sandamakmak endorsements.”

 

 

“I’m a social media manager. And it’s not just about having the most number of followers. What matters more is actually engagements. So yun yung mga reactions and comments. Marian’s FB hindi masyadong madaming engagements compared sa followers niya. Compare mo yan sa IG ni Anne. Anne gets at least 100k likes per post and millions sa views sa mga videos nya. Sa social media ranking, mas angat pa din si anne.”

 

 

“NO. Mababa parin yang engagements ni Anne and just because hindi masyadong nagco-comment mga followers ni Marian eh hindi na valid. Madaming asian fans si MArian. JUST ADMIT THAT ANNE CURTIS IS NOT THE MOST FOLLOWED FILIPINA IN SOCIAL MEDIA.”

 

 

“I’m not invalidating Marian’s popularity. She is popular. Pero sa social media game, mas mababa talaga ranking ni Marian. Kasi engagement talaga hinahanap ng mga sponsors. We use tools to count engagement sa page. On FB, you can only monetize pag video creator ka or if may sponsorship ka, pwede mo din i post. Sa IG, celebrities heavily monetize by sponsorship. And celebrities who are brand conscious, stay away from FB.”

 

 

“Nakakaloka kayo, karamihan ng mga artista wala talagang fb, usually twitter at instagram lang. Iilan lang mga sikat na may fb page.”

 

 

“Iba rin naman kasi karisma ng isang Marian Rivera. Kaya kahit anong lait ng mga kaF sa kanya they can’t put her down!”

 

 

“Masa infested kasi ang FB.”

 

 

“Mga comments na gaya nito are so funny. Di daw nila alam. Hahaha. uhm pag mamay ari ng fb ang IG. Between FB, IG, and twitter sa number of advertisers, mas mataas ang FB. So yeah. meron pa palang fb? Lol!”

 

 

“Most followed but wala masyado engagements mababa ang interactions, likes at views.”

 

 

“So you’re saying na hindi totoo yung numbers of followers nya? Hindi mo alam eh sikat yan si Marian sa ibang asian countries.”

 

 

“Kahit pandemic, millions ang views ng ibang artista sa IG. Anne rakes hundreds of thousands of likes per post.”

 

 

“So what? Fake news parin yung pinapakalat ng abs cbn na most followed filipino daw si anne curtis sa socmed. LOL!”

 

 

“Sa FB yan, puro jeje kasi dyan. Sa Twitter si Anne Curtis, mas may substance kasi mga tao dun.”

 

 

“Mas marami followers ni A sa fb dati pero nahack noong 19m followers, kaya back from the start, kung hindi siguro nahack hindi sya ang most followed. Sa ig naman kaf ang most followed.”

 

 

“Akala ko ba yung unkabogable star ang madaming followers sa FB at IG??”

 

 

“Kakabitter ng mga tao dito, jusko! admit or not sya ang most followed ph celeb sa fb. to answer ur questions mga day di sya masyadong active sa ig nya pero pa 11M na sya. pero meron syang 25+ endorsements na active. not a fan of her pero ang OA lang nga tao dito di nyo matanggap na nangusan yung mga idol nyo ika nga pag inggit pikit wag madami sinasabi lol”

 

 

“Lets face it. Marian is the prettiest n most popular couple sila ni Dong. Good influence how to raise a family. Congrats!”

 

 

 

(ROHN ROMULO)

 

VALENZUELANONG LUMABAG SA BATAS-TRAPIKO, ABSWELTO SA MULTA

Posted on: July 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGPASA ang Sanggunian ng Valenzuela City ng ordinansang nag-aabswelto sa mga motoristang Valenzuelano na nahuling lumabag sa mga batas trapiko sa pamamagitan ng No Contact Apprehension Program (NCAP) na magbayad  ng multa.

 

 

Nakasaad sa Ordinance No. 901 Series of 2021, ang mga motoristang lumabag sa batas trapiko habang nakataas ang enhanced community quarantine (ECQ) at modified ECQ o lockdown mula Marso 17, 2020 hanggang Mayo 14, 2021 ay ligtas na sa pagbabayad ng multa upang mapagaaan ang kanilang pasaning pangkabuhayan.

 

 

Nilinaw ng Sanggunian na naobserbahan nito na iilan lamang na rehistradong may-ari ng sasakyan ang nagbabayad ng multa, at karamihan sa kanila ay humihingi ng konsiderasyon mula sa lokal na pamahalaan.

 

 

Ayon sa ordinansa, para maabswelto sa multa ay kinakailangang punan ang NCAP relief application form at ipasa ito sa Valenzuela City Traffic Violations Adjudication Committee, na matatagpuan sa City External Services Office sa  Barangay Dalandanan.

 

 

Ang aplikante ay kailangan ring tunay na residente ng lungsod at kailangang magpakita ng hindi bababa sa dalawa sa mga sumusunod: voter’s ID, barangay clearance, real property tax declaration;  o anumang dalawang valid government-issued ID na may adres na matatagpuan sa Valenzuela City. Maaari lamang makakuha ng amnestiya sa multa hanggang Disyembre 31, 2021. (Richard Mesa)