Masaya si NLEX Road Warriors ace Kiefer Ravena na mabibigyan ito ng tsansang makapaglaro sa Japan B.League kasama ang Shiga Lakestars.
Subalit bago tumulak sa Japan, humingi ng tawad si Ravena sa pamunuan ng NLEX at ng liga sa aberyang naidulot ng biglaang announcement ng paglalaro nito sa Shiga.
“I apologize for any hurt feelings and stress this has caused the PBA and to my team, the NLEX Road Warriors,” ani Ravena.
Partikular na tinukoy ni Ravena ang PBA Board of Governors at si PBA commissioner Willie Marcial na nabigla rin sa anunsiyo ng Shiga noong Mayo.
“I specifically want to apologize to the PBA Board of Governors and Commissioner Willie Marcial who I know are doing their best to lead the PBA and meeting the changes and challenges brought about by the pandemic,” ani Ravena.
Humingi rin ng paumanhin ang dating Ateneo Blue Eagles standout sa mga fans na nakaabang sa bawat kaganapan sa kanyang Japan stint.
“Most especially I want to apologize to the PBA fans for the controversy and the distraction. It was not my intention,” dagdag ni Ravena.
Gayunpaman, malaki ang pasasalamat nito sa NLEX at PBA dahil napayagan na itong makapaglaro sa international league na isa sa kanyang pangarap noon pa man.
Wala pang petsa kung kailan magtutungo si Ravena sa Japan para simulan ang training camp nito kasama ang Lakestars.
Makakaharap ng Shiga sa opening day ng Japan B.League ang San-En NeoPhoenix na koponan ng kanyang nakababatang kapatid na si Thirdy Ravena.
Higit na nakakatakot ang Delta variant kumpara sa iba pang variants dahil kaya nitong manghawa ng hanggang walo katao na nasa kaniyang paligid, at ang walo naman na nahawaan ay kaya ring makahawa ng walo pa bawat isa.
Hindi pa tapos ang laban para sa lone world champion gymnast ng Pilipinas na si Carlos Yulo kahit pa bigo siyang makakuha ng final spot sa floor exercise event.
May panibagong 55 Delta variant ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health.
LIMANG hinihinalang drug personalities ang arestado sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan at Malabon cities.
LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang bahagi ng obserbasyon ng National Disaster Resilience Month (NDRM) at National Disability Prevent and Rehabilitation (NDPR) Week, nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare Development Office ng “Orientation on RA 10821 at Basic Sign Language” para sa mga empleyado, mga social worker at child development workers (CDW) sa lalawigan sa pamamagitan ng online conference na isinagawa sa Zoom application kahapon.
HANDA na si Presidential Spokesperson Harry Roque na magpaalam bilang tagapagsalita ng Pangulo.