ANG haba ng paliwanag ni Jennica Garcia sa kanyang Instagram account dahil sa isa o dalawang netizens na kinontra ang post niya.
Nag-post kasi si Jennica na tipong isinama siya ng tropa niya, pero parang sa couple’s trip daw pala at siya lang ang walang lovelife.
Madali naman talagang mai-imply ng post niya na barkadang lakad ito at single siya o sa pagkakataon na ‘yun, walang kasamang iba. Eh, ang siste, may mga nakakita sa kanila at nag-react sa post niya.
May nag-”Don’t Me, Don’t Us” kay Jennica at may nagsabi rin na “Showbiz nga naman.” Dahil nagkaroon ng impression na parang gumi-gimmick lang ito.
Kasama pala at katabi pa raw ni Jennica ang asawa na si Alwyn Uytingco at kasama rin ang dalawa nilang anak.
Ang haba-haba ng paliwanag ni Jennica at sinasabi niyang ‘di-porke’t hiwalay na ang mag-asawa, hindi na puwedeng magkasama. At binibigyang diin din niya na co-parenting sila at para sa kapakapanan ng dalawang anak nila. At ‘di rin ‘yun ang huling beses na magkakasama raw sila ni Alwyn.
May katarayan din si Jennica na mag-address ng comment sa kanya. Nagkalat ang bashers at haters sa social media. At kung gaano ino-open ng mga artista ang buhay nila sa socmed na aminin, malaki rin ang pakinabang nila, dapat handa rin ang mga ito na hindi lahat, positibo at sasang-ayon na lang sa lahat ng ipo-post nila.
Sa pagkakataong ito, hindi masisisi ang netizen na nakakita at nag-comment dahil sa implication na rin ng una niyang pinost.
***
ANG bilis makahalata o makaramdam ni Dennis Trillo.
Ito ang naging impression namin nang sa halip na ang isa sa gumaganap na misis niya sa bago niyang drama, ang Legal Wives na si Alice Dixson ang sumagot agad ng tanong, parang sumaklolo si Dennis rito.
Tinanong kasi ang main cast ng bagong primetime series ng GMA-7 na Legal Wives kung ‘yung situation nila sa serye, naranasan na nila sa totoong buhay.
Si Alice kasi ang unang asawa rito, pero tulad ng tatakbuhin ng istorya bilang isang Muslim, nagkaroon pa siya ng dalawa pang kaagaw na babae na naging legal wives din.
Ang tagal ni Alice na makasagot at tila ba nag-iisip ito kung sasagutin o hindi ang tanong. At do’n na to the rescue si Dennis na nagprisinta na siya na raw ang sasagot.
No wonder, only good words lang talaga ang lahat sa tinaguriang Kapuso Drama King. Lalo na nga ang tatlo niyang asawa sa serye na bukod kay Alice, may Andrea Torres at Bianca Umali pa.
(ROSE GARCIA)
Tumaas ng may 11 percent ang average daily new cases sa National Capital Region (NCR) o may 701 mula July 13 hanggang July 19, mas mataas sa dating daily average case na wala pang 700 kaso sa nagdaang apat na linggo.
FROM the mind behind the ‘Conjuring’ universe comes this new terrifying horror movie, Malignant.
Habang papalapit ang Tokyo Olympic Games ay lalong lumalakas ang paniniwala ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez na makakamit ng bansa ang kauna-unahang Olympic gold medal.
Nais ngayon ng mga alkalde ng Metro Manila na manatili pa rin sa loob ng mga bahay ang mga bata na may edad limang taon pataas kasunod ng banta ng mas mapanganib na Delta variant.
Kailangan maghanda ang Pilipinas para sa isang “worst-case scenario” laban sa posibleng pagkalat ng mas nakakahawang Delta coronavirus variant.
DAHIL sa pagtaas ng kaso ng coronavirus disease, inihayag ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas na ipatutupad muli ang 24 na oras na curfew para sa mga menor de edad.
Sa wakas kinoronahan na rin ang Milwaukee Bucks bilang NBA world champions makaraang tinapos na rin nila Finals series sa Game 6 laban sa mahigpit na karibal na Phoenix Suns sa score na 105-98.