• June 13, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2021

Ilegal na droga, “never-ending one” na problema ng bansa – PDu30

Posted on: June 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PUMIYOK si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang problema sa ilegal na droga ay maituturing na “never-ending one” at kapag hindi naresolba ay maaaring malagay ang bansa sa kontrol ng narco-politicians.

 

“But if you want to see how it can destroy a country, just look at Mexico, [Sinaloa]. They are the ones who dictate who will run for governor in the local areas, who run for the mayor. It’s narco-politics,” ang bahagi ng talumpati ni Pangulong Duterte sa isinagawang paglulunsad ng Global Coalition of Lingkod Bayan Advocacy Support Groups and Force Multipliers na naglalayong magtatag ng malakas at matibay na collaborative partnership sa komunidad bilang suporta sa nagpapatuloy na kampanya laban sa kriminalidad at terorismo.

 

Ayon sa #RealNumbersPH data ng pamahalaan, “as of April 30″ ngayong taon, nagsagawa ang drug law enforcement agencies ng 200,632 anti-illegal drug operations, na nagresulta naman ng pagkaka-aresto sa 289,622 drug dependents habang 6,117 katao naman ang namatay simula noong Hulyo 1, 2016.

 

Nakumpiska rin ng mga operatiba ang P60 bilyong halaga ng illegal drugs, kabilang na ang ilang 7,748 kilograms ng shabu na nagkakahalaga ng P48.70 billion maliban pa sa pagwasak sa 784 drug dens at clandestine laboratories sa buong bansa.

 

“This is the one side story of people said 7,000 killed. Well, that was – five years I started to declare war against illegal drugs. But the other side is how many policemen and soldiers did I lose? Aplenty,” ayon sa Pangulo.

 

Kaya nga, patuloy niyang idedepensa ang mga pulis na ginagampanan ang kanilang tungkulin alinsunod sa batas.

 

“The policemen, do not worry, let me know if that is the case. I will defend you. Ako na mismo  because I gave the lecture and I gave you the guarantee that I will protect you as long as you do your duty in accordance with law,” anito.

 

Gayunman, sinabi ni Pangulong Duterte, na ang sinumang naaresto at nagmakaawa para sa kanyang buhay ay hindi dapat patayin.

 

Maaari namang gamitin ng mga rumespondeng mga pulis at drug law enforcers ang kanilang mga baril kapag nanlaban ang inaresto.

 

“You are not supposed to kill a person when he is down, crying, kneeling, begging for his life. That is the essence of the arrest. If he goes voluntarily with you, good. That would be the ideal arrest. But if they resist arrest violently, then you have every right also to do your thing, commensurate,” ayon sa Chief Executive.

 

Aniya, tinatayang nasa mahigit 1,000 katao ang inaaresto kada araw na may kaugnayan sa illegal drugs.

 

“And the drugs has continued to be imported, getting inside into our communities and continue to plunder the lives of people and whatever income. There are shabu and they continue to number in billions until now. And the human rights are not even worried about home many children would still be destroyed and homes are, I said, rendered dysfunctional,” anito.

 

Giit ng Punong Ehekutibo, ang kriminalidad illegal drugs, at korapsyon ay ilan lamang sa mga problemang kanyang ipinangako noong election campaign 2016 na kanyang tutugunan.

 

Labis namang nagpapasalamat ang Pangulo sa Philippine National Police (PNP) dahil sa pagsisikap nitong pigilan ang pagtaas ng violent crimes, ang pakikipagtulungan ng mga pribadong mamamayan ay bahagi rin ng “difficult task of achieving lasting peace across the nation.”

 

“We cannot overemphasize the valuable role of the PNP in deterring crime and maintaining peace and order in our society. But we cannot also deny the fact that if we are to totally eradicate criminality and terrorism, we need the active participation of our people,” ani Pangulong Duterte.

 

Para sa Pangulo, ang mga “selfless volunteers” ay maituturing na “new batch of heroes.”

 

“I trust your partnership with PNP will remain strong in years ahead. We all have a part in building a better nation. I am pleased to know that you have heeded the quality to serve and improve the quality of life of our people,” aniya pa rin. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

‘Si PNoy ang nagpatuloy ng mga ‘di natapos nina Ninoy at Cory’ – Ballsy

Posted on: June 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Walang humpya na pasasalamat ang ipinapaabot ng pamilya Aquino sa maraming mga nakiramay at nagdarasal sa kanilang pamilya kasunod ng pagkamatay ng dating Pangulong Nonoy Aquino.

 

 

Naging mabilis ang pangyayari. Aminado ang iniwang pamilya ni PNoy na gulat sila.

 

 

Sa loob ng dalawang araw ay naihatid sa kanyang huling hantungan ang kanilang kapatid, katabi ng kanilang mga magulang.

 

 

Ang naturang pasanin sa pag-asikaso sa lahat at ang sakit ng kanilang naramdaman ay naging magaan daw dahil sa mabilis din na tulong ng mga kaibaigan na bukas sa kanilang pamilya.

 

 

Para kay Kris Aquino mas higit pa sa aktibidad at pagbibibigay pugay sa kanilang kapatid bilang naging presidente ang kanila sanang iaalay.

 

 

Kasama na sana ang pagsasagawa ng lamay sa Malacanang para sa state funeral.

 

 

Pero dahil nga sa nagkataaon din na umiiral ng krisis sa pandemya, naging simple ang lahat.

 

 

Sa pagsasalita naman Ballsy Aquino-Cruz matapos ang misa sa Church of Gesu sa Ateneo de Manila University sa Quezon City, binalikan ang isa sa mga pag-uugalai ng kanilang kapatid.

 

 

Tulad ng ayaw na ayaw nitong maging pabigat siya at hindi sila nag-aalala.

 

 

Ito na marahil ang dahilan na sa gitna ng karamdaman ay maraming bagay na sinarili ni PNoy ang kanyang dinaramdam.

 

 

Sa kanyang mangingiyak na pagsasalita, nagbigay pugay din si Ballsy at tinawag na ang tinahak na landas ni Noynoy ay bilang pagpapatuloy sa mga hindi nagawa ni Ninoy at dating Pangulong cory.

 

 

“Si Noy ayaw nya talaga na maging pabigat siya,” ani Aquino-Cruz. Ayaw niya na kami’y nag-aalala at ayaw nIya na hindi kami nakakatulog dahil sa pag-iisip sa kanya.”

 

 

Una nang sinabi ni Ballsy na ngayong nakapiling na raw ni PNoy ang kanilang mga magulang ay “mission accomplished” na ito dito sa lupa.

Pacquiao-Spence tagilid!

Posted on: June 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Posibleng hindi matuloy ang inaabangang mega fight sa pagitan nina eight-division world champion Manny Pacquiao at World Boxing Council (WBC) and International Boxing Fe­deration (IBF) welterweight champion Errol Spence Jr.

 

 

Nagsampa ng demanda ang Paradigm Sports dahil sa breach-of-contract ng Pinoy champion sa ahensiya.

 

 

Humihiling ang Paradigm Sports na ibalik ni Pacquiao ang $3.3 million advance gayundin ang pagharang sa nakatakdang salpukan nina Pacquiao at Spence sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila) sa Las Vegas, Nevada.

 

 

Sa ulat ng The Athletic, mismong si Paradigm Sports head Audie Attar ang nagsampa ng demanda sa Orange County, California.

 

 

Idinahilan ni Attar ang hindi pagtalima ni Pacquiao sa kasunduang labanan si four-division champ Mikey Garcia.

 

 

Sa halip, mas pinili nitong labanan si Spence.

 

 

Iginiit ni Attar na Paradigm Sports lamang ang may karapatang maki­pagnegosasyon sa laban ni Pacquiao dahil pumirma ito ng kontrata sa ahensiya.

 

 

“In addition to the millions of dollars in straightforward economic loss that Paradigm stands to suffer, the damage to its reputation resulting from Pacquiao’s breaches is incalculable,” ayon sa lawsuit na isinulat ni Paradigm lawyer Judd Burstein.

 

 

“Just when Paradigm was at the cusp of establishing itself as a major player in professional boxing, Pacquiao has left its reputation as a boxing representative in tatters,” dagdag nito.

 

 

Handa naman ang kampo ni Pacquiao na sagutin ang demanda.

 

 

Naglabas ng sariling statement si Atty. Dale Kinsella — ang legal counsel ni Pacquiao — upang depensahan ang Pinoy champion.

 

 

“The complaint filed by Paradigm Sports in California state court on June 25, 2021 is a frivolous effort to interfere with Manny Pacquiao’s upcoming mega-fight, and it can and will fail for numerous reasons,” ani Kinsella sa statement.

 

 

Nakatakda ring humingi ng danyos ang kampo ni Pacquiao sa oras na mapatunayang wala itong nilabag na kontrata.

 

 

“Should this matter actually proceed beyond Friday’s filing in a court of law, Mr. Pacquiao will vigorously defend this action, assert his own claims against Paradigm Sports, and seek to recover his attorney’s fees as well,” dagdag pa ni Kinsella.

SHARON, pinasalamatan ni Sen. KIKO sa throwback post; pinauuwi na dahil miss na miss na

Posted on: June 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKATUTUWA ang throwback photo post ni Megastar Sharon Cuneta kasama ang asawang si Sen. Kiko Pangilinan na kuha noong 1997 sa New York.

 

 

Sa naturang post ni Mega, inamin niya na may mga pagkukulang din ang kanyang butihing esposo.

 

 

Panimula niya sa kanyang IG post, “Distance has a way of making you appreciate more what you usually take for granted when it is nearby.

 

 

“I have been away from home for the longest non-concert-tour time ever, & being away has made me realize all the more how much my ‘neighbor’ Kiko Pangilinan & our children mean to me.

 

 

Pag-amin pa ni Sharon, “No, Kiko isn’t perfect. He is masungit, makulit, and born with an already deep and loud voice.

 

 

“It thunders and echoes throughout our house when he is disappointed at an employee’s inefficiency or non-performance.

 

 

“These, in contrast to my having been born naturally malambing, super affectionate, and a ‘touch’ person. But what only we his family see that people do not is just how loving he is towards us in his own way.

 

 

Sabi pa niya, “I am blessed to have been given a husband who is faithful, devoted to me & our family and always puts us first.

 

 

“Kahit minsan gusto kita sakalin o maging homicidal sa inis sa ‘yo, Sutart, aba di hamak naman na mas outnumbered ng happy moments natin ang nakakainis na moments!

 

 

“I am proud of the family we have. The children we have managed to raise to have no sense of entitlement—thanks largely to you!

 

 

“Because you know Mama was born loving spoiling those she loves-what more those she loves the most? To the betterment of our offspring, they are non-materialistic nor self-centered.

 

 

“They are humble, ask for little in terms of material things, & in spite of our complicated lives owing to our respective chosen professions,we have all remained simple.

 

 

Panghuli sa post ni Mega, “You may not be a billionaire who can buy me all the Hermés bags or my dream of a pink diamond (which I wouldn’t buy even if i could afford it when it can buy me & our family too many memories of travels and time together), but you give us your ALL.

 

 

“I love you with all my heart. Thank you for loving me.

 

 

Comment naman ni Kiko sa post ng asawa, huwaaawwww…..how did I miss this? Thank you for this sutart! You are the wind beneath my wings.

 

 

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤.”

 

 

Come home na! Love you and miss you! say pa ng senador na talagang nami-miss na nila si Sharon na nag-e-enjoy naman ng kanyang bakasyon sa Amerika, kahit pinagsasabay ang pagtatrabaho.

 

 

Sa Agosto pa makakauwi si Sharon, sakto naman yun dahil ipalalabas na sa Vivamax ang comeback movie niya sa Viva Films ang Revirginized na mula sa direksyon ng kontrobersyal na si Darryl Yap.

(ROHN ROMULO)

VP Robredo kontra sa panukalang pag-armas sa mga sibilyan

Posted on: June 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Magiging delikado umano at malaki ang tsansa na maabuso ang planong pag-aarmas sa mga civilian volunteers.

 

 

Ito ang naging pagtaya ni Vice President Leni Robredo sa proposal ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Sinabi ni Robredo na maraming mga insidente noong nakaraan na inaabuso ang nasabing pagdadala ng armas.

 

 

Maraming mga paraan aniya na maresolba ang isang problema kahit na hindi idaan sa pagdadala ng mga armas.

 

 

Magugunitang ipinakula ni Pangulong Duterte ang pag-armas ng mga sibilyan bilang tulong na rin sa mga kapulisan. (Daris Jose)

‘Herd immunity’ sa Pasko sa NCR Plus 8, posible

Posted on: June 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Posible pa rin na maabot ang ‘herd immunity’ sa National Capital Region (NCR) at walo pang lugar sa bansa laban sa COVID-19 sa pagsapit ng Pasko kung matitiyak ng pamahalaan na hindi kakalat sa Pilipinas ang Delta variant na nagmula sa India.

 

 

Sinabi ni Fr. Nicanor Austriaco, miyembro ng OCTA, na tiwala siya na makakamit ang herd immunity sa NCR Plus 8 kahit na nasa 2.25 milyon o 3.87% ng populasyon pa lamang ang fully vaccinated nitong Hun­yo 22. Nabatid rin na nasa 8.9 milyong doses na ng bakuna ang naipamahagi ng pamahalaan.

 

 

“Given the numbers, our hope that we will reach herd immunity in NCR Plus 8 by Christmas is reasonable. This does not take into effect the Delta variant,” saad ni Austriaco.

 

 

Sa kasalukuyan, may 17 kaso ng Delta variant pa lamang ang naiuulat sa bansa na ikinasawi ng isang pasyente.

 

 

Una na ring inihayag ng Department of Health (DOH) na target nilang mabakunahan ang 108,000 indibidwal kada araw sa Metro Manila, Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Pampanga, Rizal, Metro Cebu at Metro Davao na maaaring maisagawa dahil sa pagdatingan ng mas maraming bakuna ngayon.

 

 

Ngunit hindi rin dapat pakasigurado ang pamahalaan sa posibleng surges ng Delta variant na dahilan ng surges sa India at ngayon ay sa ilang bansa sa Africa.

 

 

“Over the past year and a half, we have a surge when there’s a new variant. It’s now coming down after the arrival of Alpha and Gamma variants. Now we have to protect ourselves against Delta,” paalala ni Austriaco. (Gene Adsuara)

Hinay-hinay sa pagbaba sa ‘lockdown status’ ng Metro Manila

Posted on: June 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nais ni Department of Health (DOH) at treatment czar Dr. Leopoldo Vega na maghinay-hinay ang pamahalaan sa pagbababa ng ‘lockdown status’ ng Metro Manila dahil sa napapaulat ngayon na mas mapanganib at nakakahawang variants ng COVID-19.

 

 

“Wala pa tayo sa out of the woods. Hindi pa tayo nakakalabas kasi gradual decrease natin kasi dahan dahan pang bumababa. At saka may variant of concern, ‘yung sinasabi nilang Delta variant,” ayon kay Vega.

 

 

Kasalukuyang nasa general community qua­rantine with restriction’ ang Metro Manila kasama ang Bulacan. Ang pinakamababang istatus ay ang modified general community quarantine (MGCQ).

 

 

Kailangang hindi mahuli ng ‘off-guard’ ang pamahalaan sa kabila ng pagtiyak niya na hindi pa kumakalat sa ‘local setting’ ang naturang variant.

 

 

Patunay nito ang pagkakaroon na ng bansa ng 17 kaso ng Delta variant na karamihan ay mga manlalakbay at bagong dating sa Pilipinas.

 

 

Sa kabila naman ng pagbaba ng mga kaso sa National Capital Region (NCR) sa mga nakalipas na linggo, hindi pa naman umano masasabi na talagang wala na lalo na at nagkakaroon ng surge sa ilang mga lugar sa Visayas at Mindanao.

 

 

Sa unang ulat ng OCTA Research, kabilang ang mga siyudad ng Davao, Bacolod, Iloilo, Cagayan de Oro at Tacloban ang nakitaan ng malaking pagtaas sa mga kaso. Habang sa Metro Manila, bumaba ng 700 ang average na kaso kada araw mula Hunyo 15-21. (Daris Jose)

Baguio city Mayor Benjamin Magalong, mananatiling tracing czar – Malakanyang

Posted on: June 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MANANATILI pa ring tracing czar si Baguio City Mayor Benjie Magalong.

 

Sa katunayan, ani Presidential Spokesperson Harry Roque ay patuloy ang mga ibinibigay na pagsasanay o training ng alkalde sa iba’t ibang mga Local Government Units (LGUs) para sa epektibong contact tracing system.

 

“Si Mayor Magalong pa rin po at ang alam ko po ay patuloy ang kaniyang ginagawang training sa iba’t ibang mga LGUs para sa epektibong contact tracing system,” ani Sec. Roque.

 

Sinabi pa ni Sec. Roque na mahalaga ang ginagampanang papel ni Magalong lalo na at pinaghahandaan ng gobyerno ang pagdaragdag pa ng mga contact tracers.

 

Kabilang aniya rito ang additional contact tracers sa pinag- uusapan ngayong Bayanihan II at Bayanihan III.

 

“Naghahanda po tayo ng mga contact tracers na additional din ‘no bukod doon sa mayroon na tayo. At iyan nga po siguro ay kabahagi ng pag-uusapan ukol po sa Bayanihan II at Bayanihan III,” aniya pa rin.

 

Magugunitang, nadamay noon sa kontrobersiya si Magalong na nauwi sa paghahain nito ng resignation matapos na dumalo ito sa party ng vlogger na si Tim Yap kung saan ay inamin din nitong nagkaroon ng paglabag sa health protocol. (Daris Jose)

Marvel Studios, Reveals The Power Of The ‘Ten Rings’ In A New Trailer Of ‘Shang-Chi’

Posted on: June 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Marvel Studios’ Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings has just revealed a new trailer, and it gives us a glimpse of the power of the Ten Rings.

 

 

The film centers on Shang-Chi, the first Asian superhero to lead an MCU (Marvel Cinematic Universe) film. Years after trying to leave his past behind, Shang-Chi gets drawn back into the dangerous world of his family and the Ten Rings organization. Watch the new trailer of the film below: https://www.youtube.com/watch?v=8YjFbMbfXaQ&t=116s

 

 

After the release of its teaser back in April, the full trailer is now giving us a closer look at the power of the Ten Rings– the mystical weapon possessed by the Mandarin. As the trailers have confirmed, the Mandarin who leads the Ten Rings organization is also the father of Shang-Chi.

 

 

Actor Simu Liu stars as Shang-Chi, and alongside him are Tony Leung, Awkwafina, Michelle Yeoh, Fala Chen, Meng’er Zhang, Florian Munteanu, and Ronny Chieng. Directed by Destin Daniel Cretton, this film is set for release on September 3.

 

 

For more information and updates, follow Marvel on FacebookTwitter, and Instagram, or visit the Marvel website.

(ROHN ROMULO)

IBA-IBANG PASILIDAD PINASINAYAAN SA NAVOTAS

Posted on: June 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINASINAYAAN ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang iba’t-ibang pasilidad kasabay ng selebrasyon ng ika-14th cityhood anniversary nito.

 

 

Pinangunahan ni Cong. John Rey Tiangco, Regional Director of the World Scout Bureau Asia Pacific Region Jose Rizal Pangilinan, Director of Bureau of Plant Industry George Culaste, at Good Greens President Simon Villalon, ang blessing at inauguration ng walong karagdagang towers sa Urban Vertical Farm sa NavotaAs Homes 2–Tanza na may 12 greenhouse towers at pinakamataas sa Metro Manila.

 

 

Ang unang apat na towers ay pinondohan ng Boy Scouts of the Philippines–Navotas City Council and Good Greens, habang ang walong karagdagan ay buong pinondohan ng Department of Agriculture-Bureau of Plant Industry.

 

 

“Despite our lack of space, we strived to put up a farm here in Navotas to help promote food security among Navoteños. Now that we are in a pandemic, it is more crucial that we have a sufficient and sustainable source of food,” ani Cong. Tiangco.

 

 

Ang Good Greens na namamahala sa proyekto, ay nagsabi na ang 12 tower ay maaaring gumawa ng parehong ani tulad ng isang 3-hectare traditional farm.

 

 

Pinangunahan din ni Cong. Tiangco, Vice Mayor Clint Geronimo at iba pang mga opisyal ng lungsod ang pagpapasinaya sa Tangos Elementary School Multi-Purpose Building at ERC Covered Court, kapwa sa Brgy. Tangos North, health center sa Brgy. NBBS Proper; at ang Navotas Rescue Center sa Brgy. NBBS Dagat-dagatan.

 

 

Naging isang lungsod ang Navotas noong 2007 sa pamamagitan ng pagsisikap at pamamahala ng dati at kasalukuyang alkalde na si Toby Tiangco.

 

 

“We have overcome so many challenges over the years. Whatever we have achieved, it is because of the support and contribution of every Navoteño,” sabi ng alkalde. (Richard Mesa)