• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May, 2021

PDu30, walang ipinangako noong 2016 election na may kinalaman sa Chinese ‘incursion’ sa WPS

Posted on: May 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na wala siyang ipinangako na kahit na ano hinggil sa Chinese ‘incursion’ sa West Philippine Sea, nang tumakbo siya sa pagka-pangulo noong 2016 elections. 

 

“I never, never, in my campaign as President, promise the people that I would re-take the West Philippine Sea. I did not promise that I would pressure China,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi.

 

“I never promised anything. Just because I’m President, gusto n’yong makipag-away ako,” dagdag na pahayag nito.

 

Giit nito, nagpanggap lamang ang mga opisyal ng nagdaang administrasyon na tina-trabaho ang usaping ito.

 

Sa pre-election debate noong 2016, sinabi ni Duterte na hindi siya maglulunsad ng giyera laban sa China kapag hindi ito sumunod sa ruling ng The Hague na pumabor sa PIlipinas hinggil sa maritime dispute sa China.

 

Sa halip ay hihilingin niya sa Philippine Navy na dalhin siya sa boundary ng Spratlys sa West Philippine Sea para siya ay makapag ‘jet ski’ habang bitbit ang watawat ng Pilipinas.

 

Sinabi pa niya na pupunta siya sa airport na itinayo ng China sa reclaimed land at itatanim doon ang Philippine flag.

 

“This is ours. Do what you want with me,” ang sasabihin aniya niya sa Beijing.

 

“Matagal ko nang ambisyon na maging hero ako. Kung pinatay nila ako dun, bahala na kayo umiyak dito sa Pilipinas.” diing pahayag nito. (Daris Jose)

LeBron James muling ininda ang injury kaya ‘di makakapaglaro vs sa Nuggets

Posted on: May 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi makakapaglaro si Los Angeles Lakers star LeBron James sa laban nila ng Denver Nuggets ngayong Martes May 4 dahil sa right ankle injury.

 

 

Natamo nito ang injury noon pang Marso 20 at hindi nakapaglaro ng 20 games.

 

 

Nagbalik ito sa paglalaro nitong Biyernes kung saan magkasunod silang natalo ng Sacramento Kings at Toronto Raptors.

 

 

Sinabi ni Lakers coach Frank Vogel na namamaga pa rin ang injury ni James na labis niyang iniinda kaya hindi siya makakapaglaro.

 

 

Nasa pang-limang puwesto ngayon ang Lakers sa Western Conference na kaparehas ang Dallas Mavericks at Portland Trail Blazers na mayroong 36 panalo at 28 talo, habang mayroong walong laro na lamang natitira.

Pagsipa ng online registration ng PhilSys, pinuri ni PDu30

Posted on: May 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINURI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagsisimula ng online registration ng Philippine Identification System (PhilSys) noong Abril 30.

 

ito’y matapos na humingi ng paumanhin si National Economic Development Authority (NEDA) chief Karl Chua para sa “technical difficulties” na sumira sa pilot registration via “online portal” para sa national ID registration.

 

“I have conveyed my sincerest apologies to the Filipino people for the inconvenience at ngayon po kausap namin araw-araw ang mga international and local experts para matulungan tayo na iimprove yung capacity. Dahil ito ay isang pilot , we will make sure to learn from our experience,” ang sinabi ni Chua kay Pangulong Duterte sa Talk To The People, Lunes ng gabi.

 

Agad namang pinakalma ni Pangulong Duterte si Chua sabay sabing nagustuhan niya at pinasalamatan ito sa pagsisikap na maitulak sa pamamagitan ng pilot registration sa kabila ng naharap sa problema sa online portal.

 

“This is something which has been the dream of every administrator in government. I congratulate you. Do not worry. You have your precious time to the people. Saludo ako diyan ” ayon kay Pangulong Duterte.

 

Inaalala ni Pangulong Duterte kung paano ang nakalipas na administrasyon ay nagtangkang magpatupad ng ilang anyo ng national ID systems subalit nabigo dahil sa protesta mula sa makakaliwa.

 

“Matagal na talagang gusto natin ‘yan, ang problema ang una, the loudest you could hear at the time was the Left. Ayaw nila kasi  it will identify them. May syndrome e, may syndrome sila so di natin masisisi ,” ani Pangulong Duterte.

 

Sinabi naman ni Chua na ang website, na idinisenyo para i- accommodate ang 16,000 ‘simultaneous users’ kada minuto ay umabot ng 35,000.

 

Aniya, may ilang 46,000 Filipino, o tatlong beses sa normal capacity, ang nais na magparehistro sa kahalintulad na oras sa unang minuto.

 

Kaya ang resulta, marami ang hindi naserbisyuhan dahil dumanas ang sistema ng pagkabagal at downtime.

 

Samantala, pinasalamatan naman nito ang mga Filipino na nakapag-rehistro na at naghihintay na lamang ng kanilang national ID.

 

“Yung pagdagsa po nila sa registration last April 30 online ay isang patunay na maraming Pilipino ang may gustong kumuha ng national ID at pag may national ID na po sila ay mabibigyan pa natin sila ng mas maraming serbisyo at matutulungan natin yung recovery ng ating bansa,” aniya pa rin.

 

Taong 2018, tinintahan ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11055 o the Philippine Identification System Act, “to establish a single national ID for all Filipinos and resident aliens.”

 

Sinabi ng mga Economic managers na makatutulong ang national ID para mapabilis ang distribusyon ng ayuda, mapalalawak ang access sa financial services, at i-streamline ang Covid-19 vaccination program. (Daris Jose)

PDu30, pinasalamatan si President Putin para sa 15k doses ng SputnikV

Posted on: May 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINASALAMATAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Russian President Vladimir Putin para sa delivery o paghahatid ng inisyal na 15,000 doses ng Sputnik V Covid-19 vaccines sa Pilipinas.

 

“With the added shipments arriving from Russia, let me thank the Russian people, the government and President Putin for their kind-hearted support for the Filipinos,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi.

 

Ang 15,000 doses ng Sputnik V vaccines na nakuha ng gobyerno ay dumating sa bansa noong Mayo 1.

 

Sinaksihan naman ng mga opisyal ng National Task Force (NTF) Against Covid-19, sa pangunguna ni vaccine czar, Secretary Carlito Galvez Jr., Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, at Russian Ambassador to the Philippines Marat Pavlov ang pagdating ng mga bakuna na gawa ng Gamaleya Research Institute of Epidemiology and Microbiology.

 

Ayon kay Galvez, ang initial doses ng nasabing bakuna ay nakatakda sanang dumating noong Abril 28 subalit naantala dahil sa “logistical challenges.”

 

Ang Sputnik V ay nangangailangan ng storage temperature na “minus 18 degrees Celsius at below (frozen solution).”

 

Sinabi naman ni Deputy chief implementer at testing czar Vince Dizon na limang local government units sa Metro Manila gaya ng Maynila, Taguig, Makati, Paranaque, at Muntinlupa ay makatatanggap ng inisyal na 3,000 doses ng bakuna simula sa araw ng Martes.

 

Aniya, ang pilot rollout ay kailangan para ma-assess at review ang ibang logistical requirements.

 

Sinabi ni Galvez, na ang Piilipinas ay nakapag-secure ng kabuuang 10 milyong doses mula sa Gamaleya subalit ang nasabing bilang ay maaaring dumobe.

 

Sa pagdating ng Sputnik V, ang bansa ngayon ay mayroong tatlong brands ng Covid-19 vaccines sa imbentaryo nito gaya ng CoronaVac mula sa China’s Sinovac Biotech, at AstraZeneca mula sa British-Swedish manufacturing company ng kahalintulad na pangalan.

 

Ang Sputnik V ay nakapag-secured na ng emergency use authorization (EUA) mula sa Food and Drug Administration (FDA) ng PIlipinas. (Daris Jose)

MAJA, inaming nasira ang image at career nang makipagrelasyon kay GERALD; tumanggi na makasama sa teleserye

Posted on: May 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BINALIKAN ni Maja Salvador ang naging relasyon nila ni Gerald Anderson na umabot ng dalawang taon at aminadong ‘di sinuwerte na alam naman ng lahat na ex-boyfriend ito ni Kim Chiu na bestfriend niya.

 

 

Ayon sa IG post ng @kowalerts, nagbigay ng pahayag si Maja tungkol sa kanila ni Gerald, “LOOK: #MajaSalvador explains the damage the relationship did to her image and her career because of her relationship with #GeraldAnderson that time.

 

 

“Dapat hindi namin pinilit. Oo, na-in love kami sa isa’t isa. Pero siguro ‘yung mahirap na sa umpisa pero parang andiyan na eh! Alam mo ‘yung ganon?

 


     “Pero alam mong nag-struggle kaming dalawa, individually. Kasi ako gapang talaga from the start. Kasi siya, dumadami pa ‘yung commercials niya. Ako talaga as in gapang ako, wala ako. Nawalan ako ng mga endorsement.

 

 

Super react na naman ang netizens sa naging pahayag na ito ni Maja, bakit daw kailangan pa niyang magsalita after eight years, dumaan na rin si Bea Alonzo at ngayon nga ay may Julia Barretto na si Gerald.

 

 

May isang netizen pa ang nagsabi na parang nagbibigay ito ng warning, kaya dapat lang na kabahan si Julia. May ilan pa rin na galit kay Maja at hindi nakalilimot, dahil siya ang sinisisi kung bakit nasira ang Kimerald loveteam.

 

 

Anyway, isiniwalat din ni Maja sa naging panayam ni G3 San Diego sa Mega Magazine na tinanggihan niyang makasama si Gerald sa Init Sa Magdamag dahil sa kasintahan na si Rambo Nunez, “Bago pa nga lang ‘yung relationship namin, tinodo ko na, eh. As in, kasi ‘di ba, grabe ako sa pagpapahalaga ko sa work?

 


     “So walang makakapigil sa akin if mag-kissing scene ako, love scene, ganyan, kahit ‘di comfortable ‘yung ka-relationship ko. I do it because it’s my work.

 

 

“And then, noong nagkabalikan kami ni Rambo, meron akong moment na, ‘Gusto ko mag-work ‘to.’ Baka kaya hindi nagwo-work kasi wala akong pakialam. Kasi sarili ko lang iniintindi ko, parang hindi ko pinapahalagahan ‘yung nararamdaman ng partner ko.

 

 

“So iyon ‘yung nag-start na kinausap ko ‘yung mga bossing. ‘I want this relationship to work. Sorry po.

 

 

Tumuloy nga si Gerald sa Init Sa Magdamag at si Yam Concepcion ang masuwerte na napili para sa bidang character na ‘di tinanggap ni Maja at kasama rin nila si JM de Guzman.

 

 

Samantala, after ng matsugi ang SNL (Sunday Noontime Live!) nila ni Piolo Pascual sa TV5, napalitan naman ito ng inspirational drama series na Niña Niño na sinubaybayan namin gabi-gabi at balitang mataas ang ratings dahil maganda ang naturang teleserye. (ROHN ROMULO)

Curry, nagbuhos ng 41-pts upang itumba ng Warriors ang Pelicans

Posted on: May 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Lumakas pa ang tiyansa ng Golden State Warriors na makahabol sa NBA playoffs matapos na itumba ang New Orleans Pelicans, 123-108.

 

 

Sa ngayon nasa Western Conference play-in position ang Warriors sa labas ng top six na mga teams habang meron na lamang pitong games na nalalabi.

 

 

Inaasahang dalawa pang games ay magtatagpo muli ang dalawang magkaribal na team.

 

 

Sa laro kanina, muli na namang nagpakitang gilas si Stephen Curry na umiskor ng 41 big points na sinuportahan ni Draymond Green na nagtala ng triple double performance gamit ang 10 points, 15 assists at 13 rebounds para sa Warriors (33-32).

 

 

Umabot naman sa walong three pointers ang naipasok ni Curry na hindi kinaya ng Pelicans.

 

 

Ang New Orleans (29-36) ay nasa pang-11 puwesto kung saan nasayang din ang big game ni Zion Williamson na kumamada ng 32 points.

Nakipagbarilan, drug suspect todas sa Malabon buy bust

Posted on: May 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Todas ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makipagbarilan sa mga pulis na nagsagawa ng buy-bust operation sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Joel Villanueva ang suspek na si Erwin Arcega, 39 ng 41 Dr. Lascano St. Brgy. Tugatog na hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Malabon sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan.

 

 

Ayon kay Col. Villanueva, dakong 10:40 ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kontra sa suspek sa P. Concepcion, Brgy. Tugatog.

 

 

Nabatid sa imbestigasyon nina PSSg Ernie Baroy at PSSg Diego Ngippol na habang nagaganap ang transaksyon sa pagitan ng suspek at ng isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer ay napansin ni Arcega na parak ang kanyang katransaksyon.

 

 

Agad naglabas ng baril ang suspek at pinutukan ang poseur-buyer na naging dahilan upang mapilitan namang gumanti ng putok ang back-up na operatiba hanggang sa tamaan si Arcega sa katawan kaya’t isinugod ito ng mga pulis sa naturang pagamutan.

 

 

Narekober ng rumespondeng mga tauhan ng SOCO sa crime scene ang isang ca. 38 revolver na kargado ng dalawang basyo ng bala at tatlong bala, dalawang basyo ng bala ng cal. 9mm, isang plastic sachet ng hinihinalang shabu at wallet na naglalaman ng assorted ID’s, P650 cash. (Richard Mesa)

Ads May 6, 2021

Posted on: May 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Malakanyang, itinanggi na smuggled at illegal ang covid 19 vaccine na itinurok kay PDu30

Posted on: May 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ITINATWA ng Malakanyang na smuggled at illegal ang COVID-19 vaccine na itinurok kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Sinasabing di umano’y hindi pa clear ang bakuna na mula sa Chinese state firm Sinopharm sa emergency use sa bansa.

 

“The vaccine from Chinese state firm Sinopharm that Duterte took on Monday is “covered by compassionate use,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Matatandaang noong Pebrero, ang Philippine drug regulator ay nagbigay sa security team ng compassionate use license para sa 10,000 Sinopharm shots.

 

Bilang commander-in-chief ng Armed Forces of the Philippines, “entitled” si Pangulong Duterte na gumamit ng nasabing bakuna.

 

“As far as the President is concerned, he did not violate any laws,” aniya pa rin.

 

Ang bakuna na natanggap ni Pangulong Duterte ay bahagi ng karagdagang 1,000 doses na idinonate ng China.

 

“Hindi po smuggled ang ginamit ng Presidente dahil ito po ay donated ng Chinese government,” pagtiyak ni Sec.Roque.

 

Kaagad namang dumalo sa pulong si Pangulong Duterte matapos mabakunahan at hindi naman ito nakaranas o nakaramdan ng kahit na anumang reaksyon mula sa bakuna.

 

Samantala, sinabi naman ng Food and Drug Administration (FDA) ng Pilipinas na ang Sinopharm’s COVID-19 vaccine na itinurok kay Pangulong Duterte ay covered ng compassionate use permit (CSP) na ipinalabas ng ahensiya noong Pebrero.

 

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, ang limited use permit ay ipinagkaloob sa Presidential Security Group (PSG) bago pa dumating ang bakuna sa bansa.

 

“Ito ‘yung hiningi ng PSG dati bago pa dumating ang mga bakuna dito sa Pilipinas. Mayroon silang donation from China at hiningan ito ng special permit para nga maprotektahan ang Presidente at mukhang ‘yun din po ang ginamit sa ating pangulo kagabi,”  ayon kay Domingo.

 

Ang CSP ay pinapayagan para sa limited use ng investigational drugs o unregistered drugs. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Kiamco kampeon sa Behrman Memorial 9-Ball

Posted on: May 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Namayagpag si two-time Asian Games silver medalist Warren Kiamco sa 5th Annual Barry Behr-man Memorial Spring Open 9-Ball na ginanap sa Q Master Billiards sa Virginia, USA.

 

 

Hindi nakaporma sa tikas ng Cebu City pride si Manny Chau ng Peru matapos itarak ang impresibong 11-5 desisyon sa championship round.

 

 

Ito ang unang titulo ni Kiamco sa taong ito at ibinulsa ang $4,500 top purse samantalang naiuwi ni Chau ang $2,300 runner-up purse.

 

 

Nakasiguro ng tiket sa final round si Kiamco makaraang gulantangin si dating world champion Mika Immonen ng Finland sa semifinals sa dikitang iskor na 9-8.

 

 

Sa first round, agad na nagparamdam ng pu-wersa si Kiamco nang ilampaso nito si Tom Czaplicki, 9-2 bago itakas ang pukpukang 9-8 desis-yon kontra kay American Hall of Famer Johnny Archer sa second round.

 

 

Pinataob din ni Kiamco sina Daniel Sardoncillo sa third round (9-3), kababayang si Jeffrey De Luna sa fourth round (9-8) at Reymart Lim sa quarterfinals (9-4).

 

 

Magandang panalo ito para kay Kiamco na nagkasya lamang sa dalawang sunod na runner-up finishes sa One Pocket at 10-Ball events ng Iron CIty Open kamakailan. Ilang torneo pa sa US Circuit ang lalahukan nito.