MAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Department of Health (DOH) sa ulat na ilang Chinese nationals ang nabakunahan ng COVID-19 vaccines sa bansa.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, hindi aniya malinaw kung ano ang naging batayan kaya naman kanila nang pinaiimbestigahan ang nasabing ulat.
Sinabi kasi ng pamahalaang lokal ng Pasay na ang nasabing mga Chinese nationals ay nabakunahan dahil maaaring sila ay senior citizens o may kapansanan o comorbidities na kasapi sa priority group ng vaccination program ng gobyerno.
Sinabi ng kalihim na sila ay mag-iimbestiga at kanila ring kakausapin ang Pasay LGU kung ito man ay may katotohanan.
Sa naging pahayag umano ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang naturangga dayuhan ay dumaan sa regular na proseso ng pqgbabakuna at hindi sila nabigyan ng special treatment sa vaccination sites.
Dagdag pa ng alkalde, nagsumute rin ng Barangay Certificates at Medical Certificates na nagsasabing sila ay residente ng lungsod ng Pasay at kabilang sila sa A2 o A3 priority groups
Sa ngayon ay wala pang hawak na numero ang DOH kung ilang mga banyaga ang nabakunahan sa bansa sa kabila na ang suplay ng bakuna para sa populasyon ng bansa ay nanatiling kulang o hindi sapat.
Ayon kay Duque, batid lamang aniya nila na nabakunahan ay mga miyembro ng diplomatic corps.
“Dinadala nila ‘yung bakuna nila at ‘yun ‘yung binibigay sa sariling empleyado,” anang kalihim. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
MAY plano raw pumasok sa showbiz si Miss Philippines Universe Rabiya Mateo.
Patuloy na nagpapagaling si US golf superstar Tiger Woods.
Sinamantala ni Filipino Taekwondo jin Kurt Barbosa ang pagkakataon sa last remaining five-seconds sa kaniyang laban sa men’s-58-kg semifinals division upang maipanalo ang Asian Taekwondo Olympic Qualification Tournament sa Amman, Jordan.
Ang konstruksyon ng unang bahagi ng Philippine National Railways (PNR) Clark project ay tuloy-tuloy at halos ay 50 percent ng tapos.
Posibleng makasama ang mga kabataang may edad 12 hanggang 15 taong gulang sa ‘vaccine priority list’ makaraang sabihin ng Department of Health (DOH) na kanilang pinag-aaralan na ito.
MALUBHANG nasugatan ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng dalawang ring lalaki sa Malabon city.
Bukod sa pagpayag ng Inter-Agency Task Force (IATF) na mabigyan ng bakuna ang mga miyembro ng Team Philippines na sasabak sa 2021 Olympic Games at Southeast Asian Games ay inaprubahan din nito ang pagdaraos ng swimming national selection meet.
PATAY ang isang 40-anyos na lalaki sa isang malaking sunog na naganap sa Port Area na umabot sa limang oras .
ANG South Korea’s Superstar na si Lee Seung Gi ay ginulantang ang lahat, lalo na ang kanyang mga tagahanga dahil sa lumabas na balita at mga paparazzi pictures mula sa Dispatch na “dating” na ito sa isang 5 years younger sa kanyang Korean star na si Lee Da In.