• April 19, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April, 2021

Ryan Reynolds and Samuel L. Jackson, Back in Action In ‘The Hitman’s Wife’s Bodyguard’

Posted on: April 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

THE upcoming action-comedy sequel The Hitman’s Wife’s Bodyguard starring Ryan Reynolds and Samuel L. Jackson, has just received its first trailer.

 

 

Aside from to the return of Reynolds and Jackson, as Michael Bryce and Darius Kincaid, respectively, also reprising their roles from The Hitman’s Bodyguard are Salma Hayek as Jackson’s wife Sonia, and Richard E. Grant as Mr. Seifert. Joining this series for the first time are Frank GrilloAntonio Banderas and Morgan Freeman.

 

 

In the film, the world’s most lethal odd couple – bodyguard Michael Bryce and hitman Darius Kincaid – are back on another life- threatening mission. Still unlicensed and under scrutiny, Bryce is forced into action by Darius’s even more volatile wife, the infamous international con artist Sonia Kincaid. As Bryce is driven over the edge by his two most dangerous protectees, the trio get in over their heads in a global plot and soon find that they are all that stand between Europe and a vengeful and powerful madman (Antonio Banderas). Joining in the fun and deadly mayhem is Morgan Freeman as…well, you’ll have to see.

 

 

Check out the first trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=xJF4jXNIEIo

 

 

Prior to the trailer release, the sequel to the 2017 film The Hitman’s Bodyguard had its release date moved up to the beginning of this summer. The planned follow-up has been in the works for a while now after the first film made over $176 million worldwide, with plans for a sequel being announced the following year, and Patrick Hughes once again returning to direct.

 

 

The Hitman’s Wife’s Bodyguard was originally scheduled for an August 28, 2020 release, but was pushed back almost an entire year to August 20, 2021 due to the COVID-19 pandemic.

 

 

The Hitman’s Wife’s Bodyguard comes to theaters on June 16.  (ROHN ROMULO)

ALEX, pusunin lang pero hindi pa sila magkaka-baby ni Mikee

Posted on: April 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA pamamagitan ng kanyang IG post, muling nilinaw ni Alex Gonzaga na hindi pa sila magkaka-baby ni Mikee Morado.

 

 

Kitang-kita nga sa kanyang photos na hindi pa nga siya buntis,This post is to show and inform you guys na I’m back to work and no po di pa ako buntis pusunin lang talaga ko. Swipe to see. Lastly i dig this shirt ‘coz im AG and i love @jagjeans76

 

 

May isa namang follower ang nag-react at sinabi nito na, “Hindi dapat tinatanong ang babae kung buntis sya or kelan magbubuntis kasi very insensitive yun so I hope tigilan na si Alex or any girls in asking if buntis sila. We never know ano struggle ng ibang babae to conceive babies. Ang iba nakukunan pa. Ang iba kahit capable mag alaga ng bata di pa nabibiyayaan.

 

 

“2021 na may ganyan pa ding mindset na porket kasal kelangan buntis agad. Let the couple enjoy their married life. Hindi porket public figures sila pati ba naman yan kelangan itanong paulit ulit. In God’s perfect time ibibigay sa kanila ni Lord ang blessing na magka baby. When that happens, wait na lang if ishare nila sa public. No need na pangunahan. Mind your own life mas okay.”

 

 

Reaction pa ng ibang netizens:

 

“PERIOD NA WALA NG RUMORS HAHAHAHHAHAHA.”

“And kung sakalin buntis ka man. Aba mas masaya yun!”

“Just enjoy your married life..in God’s perfect time, magkakaroon din kayo ng little mikee or little alex…”

“Bakit ba issue yun? Ano naman kung buntis si Alex G normal lang naman kasi may asawa na siya.”

“Wala naman masama kung buntis ka or ma issue Ka na buntis, you don’t need to explain may asawa ka naman kasal ka Naman.. so ano aman ngaun?”

“Sooo what kng buntis? I dont understand whats the big deal.”

“There’s nothing wrong YOU being pregnant. You’re married and you have husband.”

“Eh ano naman ngayon kung mabubuntis, may asawa naman yung tao. Eh iba nga dyan wlang jowa bigla2 nabubuntis.”

“Hi Cath even you are buntis that will be a blessing besides you are married already. Enjoy the ride on your new life horizon stay safe your follower and subscriber here at UAE.”

“Just enjoy your married life yon kayo munang dalwa ni Mikee kc nsa period of adjustment pa kayo as husband and wife ♥ ”

“Ano naman kung buntis ka di baaaa? You’re married naman.. di naman kabet lol papansin mga tao.”

“And what if naman po if you’re pregnant? Huhu I mean why would you feel the need to validate/justify po? We’d be happy naman if ever hehe and I feel you po sa pusunin.”

“Inaabangan po NAMIN Kung kelan k magkaka baby.. siguro super cute un kasi parehas kaung gwapa ni konsi. Ingat po kau always. Parehas po tau taga taytay at solid fans po ninyo. Palagi ako nakaabang sa mga vlog mo po subscriber n din po ako.”

“when kaya magkakaron ng seve @mikee_mo ayh! natag AHHAHAH”

@cathygonzaga sabe kuya mikee scam daw po yung magkakalumpuhan kayo hahaha, kaya pano ka mabubuntis agad.”

 

 

Marami rin pumuri kay Alex sa pagiging fresh at ‘yun iba naman ay gandang-ganda sa kanya.

 

 

May netizen pa na nagsabi na sa kakapanood daw ng vlog ni Alex ay napapanaginipan na niya ito at yun iba ay tuwang-tuwa dahil nakakawala raw ng stress lalo na ngayong may pandemya.

 

 

May isa pang nagbiro na, “Akala ko si @ivanaalawi ang hot din kasi.” (ROHN ROMULO)

DERRICK, naghintay ng magandang timing at nanggulat sa underwear pictorial

Posted on: April 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NOON pa hiling ng mga beki na gawing endorser ng Bench Body underwear si Derrick Monasterio dahil sayang daw yung ganda ng katawan nito kung ang ini-endorse niya ay t-shirt, jacket at jeans.

 

 

Naunahan pa raw si Derrick nina Paul Salas at Gil Cuerva na mag-underwear sa pictorial eh mas maganda raw ang katawan niya.

 

 

Naghintay lang daw ng magandang timing si Derrick at ginulat niya ang mga beki sa lumabas na pictorial shoot niya kunsaan suot niya ay puti at dark gray na underwear.

 

 

Kaya pala noong magkaroon ng lockdown last year ay nag-focus si Derrick sa pagpapalaki ng katawan. Nagpagawa pa ito ng sariling gym sa bahay para tuluy-tuloy ang workout niya kahit sarado ang mga gym.

 

 

Post ni Derrick sa Instagram: “Best part of being a @benchbodyph model is having UNLIMITED UNDERWEAR! 

 

 

Seriously though been wearing them since I was in highschool and It’s an honor to represent this brand.”

 

 

***

 

 

CERTIFIED content creator na talaga ang Kapuso teen actor na si Will Ashley.

 

 

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi niyang natanggap na niya ang Silver Play Button mula sa YouTube dahil higit 100,000 na ang subscribers ng kanyang channel.

 

 

Inumpisahan ni Will ang pagba-vlog noong August 2019 at simula noon ay lagi nang inaabangan ng viewers ang mga video niya lalo na tuwing kasama niya ang co-stars sa nagdaang top-rating GMA Afternoon Prime show na Prima Donnas.

 

 

***

 

 

TULUYAN nang naghiwalay sina Alex Rodriguez at Jennifer Lopez.

 

 

Last Wednesday ay kinumpirma na ito ni Alex sa pamamagitan nang pag-post ng mga photos nila ni Jennifer sa kanyang IG Story.

 

 

Tribute daw ito ni Alex sa four-year relationship nila ni Jennifer. Kasama rin sa photos ang kanilang mga anak na naging close na sa isa’t isa.

 

 

Kinumpirma naman ng rep ni Jennifer ang paghihiwalay nila sa “Extra.”

 

 

Ayon sa joint statement: “We have realized we are better as friends and look forward to remaining so. We will continue to work together and support each other on our shared businesses and projects. We wish the best for each other and one another’s children. Out of respect for them, the only other comment we have is to say is thank you to everyone who has sent kind words and support.”

 

 

Sa latest post ni Jennifer, hindi na niya suot ang engagement ring na bigay ni Alex.

 

 

Noong unang pumutok ang balitang hiwalay na sila last March, mabilis na pinabulaanan ito ni Alex at sinabing inaayos nila ang kanilang relasyon.      Pumunta pa si Alex sa Dominican Republic kunsaan nagsu-shoot ng movie si Jennifer para patuloy ang pag-uusap nila. Pero nauwi rin sa totohanang breakup after a few weeks.

 

 

Ayon sa isang source: “Both Jennifer and Alex are incredible and two very busy people with big public lives. They will continue working in all of their business ventures together. They’ve always encouraged each other to dream big and go bigger — they’ve built something really unique together and the success of their business partnerships/goals are important to them.”  (RUEL J. MENDOZA)

5 lumabag sa curfew sa Caloocan, nahulihan ng shabu

Posted on: April 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kulong ang limang indibidwal kabilang ang dalawang ginang na nahuli dahil sa paglabag sa curfew matapos makuhanan ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan city.

 

 

Dakong 1:50 ng madaling araw, nagsasagawa ng “Oplan-Galugad” sa Warayan Street, Minamonte Heights, Barangay 180 ang mga pulis nang mamataan nila sina Marco Nazul, 52, construction worker at Allan Sibug, 57, tricycle driver na lumabag sa curfew.

 

 

Nang mapansin ng dalawa ang mga pulis ay tinangkang tumakas ng mga ito subalit, kaagad silang naaresto nina P/Cpl, Daddie Antonio Jr at Pat. Ivan Jay Estanislao na kabilang sa grupong pinamumunuan ni P/Capt. Jansen Ohrelle Tiglao.

 

 

Inatasan ng mga pulis ang dalawa na ilabas ang laman ng kanilang bulsa at nakuha sa kanila ang tig-isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa P5,032,00 lahat ang halaga.

 

 

Alas-11:20 ng gabi nang respondehan ng mga tauhan ni Bagong Barrio Sub-Station head PLT Julius Villafuerte, kasama ang 2nd MFC RMFB NCRPO ang natanggap na SMS sa pamamagitan ng NCRPO Compliance Monitoring System na may Ref# R210409-1442 sa Progreso St. Brgy. 151, Bagong Barrio.

 

 

Pagdating sa lugar, naispatan ng mga pulis sina Mary Grace Cañete, 37, Ma. Lany Morales, 54, at Cecilio Mabongga, 58, na gumagala na malinaw na paglabag sa city ordinance No. 0889 subalit, nang lapitan nila para alamin ang kanilang pagkakilanlan ay nagtakbuhan ang mga ito.

 

 

Hinabol sila ng mga pulis at nang makorner ay inatasan ang tatlo na ilabas ang laman ng kanilang mga bulsa at nakuha kay Cañete ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu, dalawang plastic sachets naman ng shabu ang nakumpiska kay Morales at isang plastic sachet ang narekober kay Mabongga na tinatayang aabot lahat sa P9,724 ang halaga. (Richard Mesa)

LTFRB: 4,400 PUVs pinayagan magkaron ng operasyon

Posted on: April 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

May 4,400 na public utility vehicles (PUVs) ang pinayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magkaron ng muling operasyon sa may mahigit na 250 PUV na ruta.

 

 

Ayon kay LTFRb officer-in-charge Zona Tamayo na may 1,800 na traditional jeepneys at 2,600 na provincial buses ang pinayagan na mag operate.

 

 

Ang operasyon ng provincial buses ay depende pa rin sa quarantine protocols na pinatutupad ng local government units na kanilang destinasyon.

 

 

“The LTFRB has to provide safer and more transport options for frontliners, workers and authorized persons outside residence amid the COVID-19 pandemic,” wika ni Tamayo.

 

 

Simula ng magkaron ng total transportation shutdown noong nakaraang taon, ang LTFRB sa kasalukuyan ay nagbukas na ng may 76 percent na ruta at PUV units sa Metro Manila.

 

 

Mayron nang kabuohang 745 na ruta ang naging operational sa Metro Manila na may 53,441 na PUVs, kasama ang buses, jeepneys at UV express units.

 

 

Sinabi din ng Department of Transportation (DOTr) na ang muling pagbubukas ng mas maraming ruta ay nangangahulugan ng may mas ligtas na pagpipilian ang mga pasehero ng masasakyan sa gitna ng mga nagkalat na colorum vehicles na nagsasakay illegally ng mga pasahero sa loob at labas ng Metro Manila.

 

 

“With the opening of provincial bus routes, we expect the PUVs to provide mobility that is not transmission vector and that public health protocols are adhered with by the commuters,” dagdag ni Tamayo.

 

 

Sa kabilang dako naman ay nanawagan si Senator Grace Poe sa pamahalaan na tugunan ang kalagayan ng mga pasahero na maaaring mahawa ng COVID 19 at nagbabayad ng mas mahal sa kanilang gastos sa pagsakay dahil sa limitadong public transportation.

 

 

“The lack of PUVs is the reason why people cram themselves into buses and jeeps that are available because they do not know when the next ride will come,” saad ni Poe.

 

 

Ayon sa datus mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) na ang inflation sa transportation ay tumaas ng 13.8 percent noong March mula sa 10.4 percent noong February dahil sa 47.5 percent na acceleration fares sa tricycles.

 

 

“When bigger vehicles such as buses and jeeps are not available, commuters are forced to take short-route rides, hopping from one area to another, that’s why commuting is now more expensive,” wika ni Poe.

 

 

Dagdag pa niya na dapat ay talagang bigyan ng pansin ng pamahalaang ang kalayagayan ng mga commuters na nagtratrabaho upang kumita lamang ng kanilang ikakabuhay upang mapagkasya ang kinikita sa panahon ng pandemya.  (LASACMAR)

ANIM NA DISTRICT HOSPITAL NG MANILA LGU NASA “RED FLAG” NA

Posted on: April 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HALOS okupado na ang anim na pampublikong ospital sa lungsod ng Maynila .

 

Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na  baka hindi na nila ito kayanin  ngunit tiniyak naman ng alkalde na agad nilang gagawan ng paraan ang nasabing sitwasyon  upang mabigyan ng karampatang lunas ang mga pasyente ng COVID-19 na nangangailangang ma-admit o ma-confine.

 

Ang mga district hospital sa Maynila ay ang Gat Andres Memorial Medical Center, Ospital ng Tondo, Ospital ng Sampaloc, Ospital ng Maynila, Sta. Ana Hospital at Justice Jose Abad Santos Medical Center kugn saan nasa 75%  na ang occupancy rate.

 

Ayon kay Domagoso, mula sa kabuuang bilang na 523 COVID-19 beds ay nasa 382 na ang okupado nito.

 

Kaugnay nito, ipinahayag naman ni Domagoso na nasa 46% lamang ang occupancy rate sa mga quarantine facilities sa Maynila.

 

Sa 870 bed capacity ng mga quarantine facility ay nasa 399 lamang ang okupado kaya may sapat pang pwesto para sa mga kailangang maisailalim sa quarantine.

 

Tuluy-tuloy naman ang isinasagawang libreng RT-PCR swab testing ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa Quirino Grandstand sa pamamagitan ng drive-thru at walk-in naman sa Sta. Ana Hospital at sa Delpan Quarantine Facility.

 

 

Sa mga nais aniyang magpasuri ay makipag-ugnayan muna sa Manila Emergency Operation Center ng (MHD) para makapag-schedule ng appointment.

 

Maaaring kumontak sa mga numerong 09608229384, 09777297572, 09150656335, 09616281414, 09954966176, 09610627013, 09051393560, at 09051393563 upang makakuha ng inyong schedule ng swab test.

 

Batay sa pinakahuling datos ng MHD, nasa kabuuang 4,083 na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila kung saan nasa 46,395 naman ang mga gumaling na sa nasabing sakit habang pumalo na sa 1,018 ang nasawi dahil sa Covid. GENE ADSUARA

Mga miyembro ng media, kasama na sa A4 priority group list para mabakunahan ng COVID vaccine

Posted on: April 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KABILANG na ang mga miyembro ng media sa nabigyan ng prayoridad kaugnay ng nagpapatuloy na vaccination program ng gobyerno.

 

Ito ang nakasaad sa pinakahuling resolusyon na inilabas ng Inter Agency Task Force (IATF) kasunod ng ginawang pag- aapruba sa Priority Group A4 of the National COVID-19 Vaccine Deployment Plan.

 

Saklaw ng resolusyon ang kapwa nasa pribado at mga government news media na una na ring inihirit ng ilang mambabatas na makasama sana sa priority list ang mga nasa larangan ng pamamahayag.

 

Sa kabilang dako, pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang hakbang na ito ng national government dahil malinaw na pagkilala ito sa ‘nature’ ng trabaho at halaga ng gampanin ng media workers na panatilihing makapagbigay ng impormasyon sa publiko  hinggil sa pandemya.

 

“Nagpapasalamat po tayo sa national government dahil dininig nila ang ating apela na isama ang mga miyembro ng media sa priority list para sa bakuna laban sa COVID-19,” ani Go.

 

“Ang media ay napakaimportanteng sektor at maituturing ding essential workers dahil sa tungkulin na kanilang ginagampanan. Sila ang nagdadala ng balita at kasangga natin sila sa pagbibigay ng tamang impormasyon sa publiko,” paliwanag ni Go..

 

Sa araw-araw na coverag, ay  palagi aniyang exposed sa banta ng COVID-19 ang media workers kaya dapat lang  na maproteksyunan agad ang mga ito ng bakuna.

 

Nauna rito, sinabi ni Testing czar Secretary Vince Dizon na isasama na ang mga miyembro ng  media sa  A4 group ng vaccine priority list ng pamahalaan na binubuo ng frontline personnel sa essential sectors.

 

Sinabi naman ng National Economic and Development Authority na ang A4 classification ay kinabibilangan ng mga manggagawa  na mayroong “high levels of interaction with or exposure to the public” at economic sectors na kailangang matiyak ang  “security, consumers and worker safety.”

 

Bago pa nagsimula ang vaccine rollout, nauna nang umapela si Go sa pamahalaan na isama ang mga miyembro ng media sa COVID-19 priority list na walang pagpigil o pagkontra sa ibang sektor na kinilala na bilang prayoridad gaya ng  frontliners, senior citizens at iba pang vulnerable sectors.

 

“Dapat po ang media ay bigyan din ng prayoridad ‘pag andyan na ang safe at epektibong vaccine para tuluy-tuloy din po ang inyong pagtatrabaho, pagko-cover at pagdadala ng balita sa ating mga kababayan,” ang pahayag ni Go.

 

Sa kabilang dako, pinuri rin ni Go ang mga essential workers na ang gampanin ay matapang na harapin ang hamon na dala ng COVID-19.

 

Ang mga media workers ani Go lalo na ang field reporters, ay katulad din ng mga frontliners  na isinusugal ang kanilang kaligtasan para lamang mapanatili na maipaalam sa sambayanan ang situwasyon ng bansa sa COVID-19 .

 

“Saludo po tayo sa kagitingan ng lahat ng frontliners. Bukod sa mga medical at uniformed personnel, kilalanin rin natin ang serbisyo at sakripisyo ng iba pang mga ordinaryong manggagawa, tulad ng media, na nakikipagbayanihan sa laban na ito,” diing pahayag ni Go.

 

Samantala, hinikayat naman ni Go ang publiko na magpabakuna na “as soon as they are eligible.”

 

Hinimok din nito ang lahat na turuan ang kanilang sarili ukol sa bakuna partikular na hinggil sa ‘safety and   efficacy’ nito at mangyaring ang asahan at paniwalaan lamang ay ang mga verified information na ipinalalabas ng tamang awtoridad at  health experts at umiwas sa fake news.

 

“Sabi ko nga, magtiwala kayo sa bakuna. Huwag kayong matakot sa bakuna. Matakot kayo sa COVID-19. Ang bakuna po ang solusyon para malampasan natin itong problemang ito … bakuna po ang tanging susi para ma-attain po natin ‘yung herd immunity sa community,” paliwanag ni Go.

 

At sa pagbibigay aniya ng tamang impormasyon, sinabi ni Go na mapapalakas nito ang komunidad na mas lalo pang magpartisipa sa bayanihan.

 

Kaya nga, hinikayat ni Go ang media na patuloy na magbigay ng “timely, accurate and relevant information” sa publiko para mapalakas ang kumpiyansa sa bakuna at  mas lalo pang mapataas ang  awareness sa lahat ng pagsisikap na ginagawa para magupo o matalo ang COVID-19.

 

“Makiisa po tayong lahat. Bawat isa sa atin ay may mahalagang papel na ginagampanan sa laban na ito. Hindi po ito laban ng gobyerno lamang kundi laban ng buong sambayanang Pilipino. Hindi ito panahon para magsisihan. Panahon ito upang makipagtulungan,” giit ni Go. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

ALICE, nakapag-vaccine na at balak nang bumalik kasama ang baby sa kabila ng mataas na Covid-19 cases

Posted on: April 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MALAPIT na ring mapanood sa GMA Telebabad ang Legal Wives nina Dennis Trillo, Alice Dixson, Bianca Umali at Andrea Torres.

 

 

Malamang na iyon ang reason kaya nag-post na si Alice sa kanyang Instagram na babalik na siya sa bansa from Canada, kasama na ang kanyang baby na tinawag lamang niyang Baby A, through surrogacy.

 

 

Hindi ba siya takot umuwi ng Pilipinas sa kabila na may Covid-19 pa rin sa bansa?

 

 

    “Truth be told: im a bit anxious about flying back to Manila this month with travel restrictions, Covid & all.  Many people have questioned and discouraged me pero tingnan natin. 

 

 

Wish us good luck & health. I am traveling solo with a newborn (that’s right peeps no assistant in tow) just little Baby A & I.” 

 

 

Mababasa raw sa kanyang YouTube vlog kung paano mag-travel safely internationally ngayong panahon ng Covid-19.

 

 

Katatapos lamang ni Alice magpa-vaccine ng first dose niya ng Pfizer, na ang second dose ay 3 to 4 weeks later pa, kaya nagtatanong siya kung may Pfizer na sa Pilipinas dahil dito na niya balak magpa-vaccine ng second dose niya, para makauwi na sila ng baby niya rito.

 

 

***

 

 

EXCITED na ang fans ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza dahil ngayong gabi na mapapanood ang naiiba na namang character na gagampanan niya sa drama series na I Can See You: The Lookout. 

 

 

Si Barbie ang isa sa mga Kapuso actresses na hindi namimili ng role, lalo na kung first time niyang gagampanan ito.

 

 

Gaganap si Barbie bilang si Emma Castro, ang all-around helper at raketera girl na napasok sa isang magulong trabaho para lamang sa maysakit na kapatid.  Ayon kay Barbie, tinatanggap niya kahit anong role na ibigay sa kanya, hindi niya itinatanong bakit ganoong role ang gagampanan niya.

 

 

“Basta inilalagay ko po ang sarili ko sa character, kapag nagsimula na akong humarap sa camera na all-made up bilang si Emma Castro: the red highlights, red lipstick, and the outfits. This factors made me feel bolder and tougher.”

 

 

Makakasama ni Barbie si Christopher de Leon na isang dream-come true sa kanyang makatrabaho ang well-respected na actor, Paul Salas, Adrian Alandy, Benjie Paras, Arthur Solinap, Marina Benipayo, Elijah Alejo, Luis Hontveros, Ella Cristofani, and directed by LA Madridejos.

 

 

Mapapanood ito at 8:50 PM, pagkatapos ng First Yaya.

 

***

 

TIYAK na ikatutuwa ng mga fans ng bagong love team nina Julie Anne San Jose at David Licauco, ng new romantic-drama series na Heartful Cafe.

 

 

Sa halip kasing sa GTV ito mapapanood, simula sa Monday, April 26, ay sa GMA Telebabad na ito eere, pagkatapos ng First Yaya sa GMA-7.

 

 

Makakasama nila sina EA Guzman, Ayra Mariano, Victor Anastacio, Zonia Mejia, at Jamir Zabarte. 

 

 

***

 

MARAMI nang na-excite nang ilabas ng GMA Network ang mga bago nilang shows and programs, isa na rito ang action-packed family drama na Agimat ng Agila, na itatampok ang much-awaited TV comeback ni Ramon “Bong” Revilla Jr. 

 

 

May mga nag-comment na ngang isa raw ang show sa inaabangan nila na mai-air na ng GMA.  Nai-excite daw sila sa bumubuo ng cast.

 

 

Makakasama ni Bong sa adventure series sina Sanya Lopez, Roi Vinzon, Benjie Paras, Allen Dizon, Michelle Dee, Ms. Elizabeth Oropesa, at may special participation si Sheryl Cruz, plus ang mga special guests na itatampok nila per episode.

 

 

Sa direksyon ito ni Rico Gutierrez at mapapanood pagkatapos ng 24 Oras Weekend, bago ang Centerstage (NORA V. CALDERON)  

MISTER PINALO NG KAHOY SA DIBDIB, DEDO

Posted on: April 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nasawi ang isang 51-anyos na lalaki matapos hatawin ng kahoy sa dibdib ng isang 21-anyos na binata makaraan ang pagtatalo sa Valenzuela city.

 

 

Dead-on-arrival sa Valenzuela City Emergency Hospital ang biktima na kinilalang si Romeo Almeria, 51 ng Blk 2 Lot 22 Phase 2A, Brgy. Bignay.

 

 

Kasalukuyan namang nakapiit habang nahaharap sa kasong Homicide ang suspek na kinilalang si Amadeo Quimbao alyas “Mateo”, ng 30 Bartolome Subdivision, Brgy. Veinte Reales.

 

 

Batay sa imbestigasyon nina PSSg Regor Germedia at PCpl Almann Bohol, dakong 1 ng hapon nang magkaroon ng pagtatalo ang biktima at ang suspek sa 2.1 Northville 1, Brgy. Bignay hinggil sa halaman na pag-aari ni Almeria.

 

 

Sa kainitan ng kanilang pagtatalo, kumuha ng coco lumber (dos for tres) ang suspek at pinalo sa dibdib ang biktima na naging dahilan upang bumagsak ito sa lapag.

 

 

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek subalit agad namang naaresto sa follow-up operation ng mga tauhan ng Detective Management Unit (DMU) sa pangunguna ni PLT Robin Santos at Sub-Station 7 habang isinugod naman ang biktima sa naturang pagamutan subalit, hindi na ito umabot ng buhay. (Richard Mesa)

DUGYOT NA VENDOR SA DIVISORIA, SUSUSPENDIHIN ANG PAGTITINDA SA MAYNILA

Posted on: April 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINDI pagtitindahin ang mga vendor sa lungsod ng Maynila na mahuhuling dugyot sa kanilang mga puwesto sa mga pampublikong pamilihan partikular sa Divisoria.

 

 

Alinsunod na rin ito sa kautusan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na panatilihin ang kaayusan at kalinisan sa mga palengke.

 

 

Napag-alaman na mismong  ang  Dagupan Outpost ng Moriones Tondo Police Station ang nagsuspinde ng  Divisoria Night Market vendors mula C.M. Recto corner Juan Luna hanggang C.M. Recto corner Ilaya.

 

 

 

Ayon kay Domagoso, sinuspinde ng tatlong araw ang mga nasabing vendor dahil sa naiiwan umano nilang “cluttered waste” katulad ng hasang at kaliskis ng isda at mga plastik.

 

 

 

Sa  loob aniya  ng tatlong araw na pagkakasuspinde ng night market ay nagsagawa naman ng declogging operation ang Barangay 7 at inasistehan ng MPD-Dagupan Outpost sa pamumuno ni P/SMS Gerardo Tubera. “

 

 

 

Pinabalik din naman umano ang mga vendor sa Divisoria Night Maret matapos ang tatlong araw kung saan sila ay nangakong lilinisin na ang kanilang mga estasyon bago at pagkatapos ng oras ng pagtitinda upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan dito, ayon sa alkalde.

 

 

Samantala, pinaalalahanan naman ni Tubera ang mga manininda sa nasabing night market na panatilihin nila ang kaayusan at kalinisan sa kanilang mga pwesto dahil hindi umano ito mangingiming suspendihin ang mga susuway sa nasabing polisiya. (GENE ADSUARA)