• April 19, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April, 2021

Master list ng A4 group sa bakuna pinasusumite

Posted on: April 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Dahil inaasahang darating na sa mga susunod na buwan ang mga bakuna kontra Covid-19 kaya pinagsusumite na ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa Local Go-vernment units (LGUs) ang master list para sa Priority Group A4.

 

 

Kabilang sa A4 group ang mga sektor sa industriya ng transportasyon, market, manufacturing, go­vern­ment services, hotels, education, media at iba pa.

 

 

Paliwanag ni Nograles na ang alokasyon ng bakuna ay nakabase sa master list na ibibigay sa kanila ng bawat LGUs.

 

 

Tiniyak din niya sa publiko na ang supply ng bakuna ay available sa PIlipinas sa tulong ng Asian countries sa gitna ng kakapusan ng supply nito mula sa Western manufacturers.

 

 

Kabilang sa inaasa-hang maaaring pagkunan ng bakuna ay mula sa China, Russia at India. (Daris Jose)

642 kaso ng COVID-19 variants, natukoy

Posted on: April 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Umabot sa 642 mga bagong kaso ng iba’t ibang variants ng COVID-19 ang natukoy ng Department of Health (DOH) sa gitna ng tumataas na kaso ng virus sa bansa.

 

 

Ayon sa DOH, nasa 266 kaso ng B.1.1.7 o UK variant ang natukoy; 351 ang B.1.351 o ang South African variant at 25 bagong kaso ng P.3 variant o Philippine variant.

 

 

Sa 266 kaso ng UK variant, 11 dito ay mga “returning Overseas Filipinos (ROFs), 188 ang lokal na mga kaso at 67 pa ang kasalukuyang bineberipika ng pamahalaan. Walo na dito ang mga nasawi, 204 ang nakarekober at 54 pa ang kasalukuyang aktibo.

 

 

Sa 351 kaso ng South African variant, 15 ang ROFs, 263 ang lokal na kaso at 73 ang bineberipika. Apat na pas-yente na ang nasawi, 293 ang nakarekober at 54 pa ang aktibo.

 

 

Sa 25 P.3 variant, da-lawa ang ROFs, 21 ang lokal na kaso at dalawa ang bineberipika. Nasa 24 ang nakarekober na at isa ang nananatiling aktibo.

 

 

Muling iginiit ng DOH na ang P.3 variant ay hindi pa tinutukoy na “variant of concern” dahil hindi pa sapat ang hawak nilang datos upang masabing may seryosong epekto sa kalusugan ito.

2 BATA NASAWI SA SUNOG SA CALOOCAN

Posted on: April 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kaawa-awa ang sinapit ng dalawang bata na kapwa tatlong taong gulang matapos ma-trap nang sumiklab ang sunog sa dalawang palapag na bahay sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Dead-on-arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong sunog sa katawan ang biktimang si Kendal Janda, babae habang hindi rin umabot ng buhay sa Tondo Hospital sanhi ng suffocation si Mikho Cabansag.

 

 

Base sa report ni Arson Investigator FO1 Billy Reuben Umipig kay Caloocan Bureau of Fire Protection (BFP) Director FCINSP. Bernard Batnag Jr., dakong 6:35 ng gabi nang makatanggap sila ng tawag mula sa 911 hinggil sa naganap na sunog sa 190 Ana Bustamante St. 2nd Avenue, Brgy. 43.

 

 

Kaagad inatasan ni Fire Insp. Elyzer Ruben Leal, hepe ng Caloocan BFP Investigation Intelligence Office ang kanyang mga tauhan na rumesponde sa naturang lugar kung saan ideneklarang fireout ang sunog dakong alas-6:44 ng gabi.

 

 

Isang Alvin Ramos na residente sa naturang lugar ang tumulong na makuha sa nasusunog na bahay ang mga biktima at kaagad isinugod ang mga ito sa naturang pagamutan.

 

 

Sa imbestigasyon ni FO1 Umipig, tatlong pamilya ang naapektuhan ng sunog na nagsimula sa isang kuwarto sa unang palapag ng bahay habang tinatayang nasa P60,000 ang halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy.

 

 

Patuloy ang imbestigasyon ng Caloocan BFP upang matukoy ang tunay na pinagmulan ng sunog. (Richard Mesa)

BARBIE, inaming budget na lang at right timing ang kailangan para magpakasal kay JAK

Posted on: April 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SIMULA noong Lunes ay muling napapanood ang Kapuso Princess na si Barbie Forteza sa GMA Telebabad, gayundin sa GTV at Heart of Asia Channel hanggang sa Biyernes. 

 

 

Pinagbibidahan ni Barbie ang I Can See You: The Lookout kunsaan, ibang-iba ang role niya rito sa karaniwang napapanood sa kanya sa mga teleserye. Bukod sa after Kambal Karibal, magkasama at magkatambal silang muli ni Paul Salas at kasama rin niya ang dalawang nagbabalik Kapuso na sina Christopher de Leon at Adrian Allandy.

 

 

     Kay Barbie na rin mismo nanggaling na gusto na rin niyang grumadweyt sa mga pa-tweetums na role dahil sabi nga niya, hindi naman na siya bumabata.

 

 

    “Well, para sa akin, it would be very challenging kung ang ganitong klaseng material ay magiging pang-full-length, pang-mahabaang teleserye. Siyempre, kailangan naka-kondisyon ako, ganyan… pero, I would always love a challenge.

 

 

     “Pero when I say that I am willing to accept more mature roles, I’m not saying na sexy. Kasi, kapag sinabing mature, yun agad ang iniisip nila. It’s more on how I play the character. Enough of the teeny-bopper, siguro naman, kumontra na ko ro’n,” sey nga niya.

 

 

Pero, ayaw naman daw niyang pangunahan ang network. Kung ano raw ang ibibigay sa kanya, palagi pa rin naman daw niyang ibibigay ang 100% niya.

 

 

Sa isang banda, kahit sa personal na aspeto ng buhay ni Barbie, obvious na rin na iba na ang mindset niya. Maging sa relasyon na meron siya sa boyfriend na si Jak Roberto.

 

 

In fact, hindi ito ikinaila na may mga time na napag-uusapan din nila ang kasal, pero, dahil pandemic at marami pa rin silang kailangan gawin at pag-ipunan, darating din daw sa tamang panahon para ro’n.

 

 

At para kay Barbie, si Jak na ang nakikita niyang husband material talaga.

 

 

     “Wala na po kasi akong nakikitang parang rason kung bakit hindi siya. Siguro pinansiyal na lang po ang problema at saka, right timing.”

 

 

Natatawang sabi pa niya, “Budget na lang at right timing. Ha ha ha!”

 

 

     Naging malaking bagay rin daw kasi si Jak na nakatulong sa kanyang mag-mature at hindi lang din daw niya ito boyfriend, naging bestfriend na rin niya.

 

 

***

 

 

PAGKATAPOS mag-trending ang maituturing na Top Online Couple sa bansa na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad, tahimik ngayon ang dalawa.

 

 

Sila lang naman ang may mahigit 12 million subscribers sa kanilang You Tube account, iba pa ang million subscribers nila sa individual accounts nila.

 

 

Talent din sila ng PPL Entertainment, Inc. kaya kapatid nila sa management sina Dingdong Dantes, Jolina Magdangal at marami pang-iba. At Star Music artists din sila dahil last year, nag-launch sila ng kanilang album.

 

 

Bukod sa pagiging sikat na vloggers, marami na rin silang endorsements at recently lang, nagbe-venture na sila sa iba’t-ibang business.

 

 

Pero, nabulabog, lalo na ang mga “Mandirigma” tawag sa kanilang mga tagahanga sa sunod-sunod na post ni Camille sa kanyang Facebook page. Ni-reveal ni Camille ang nadiskubreng panloloko o pambabae raw ni Jayzam.   At sabi nga niya,Akala ko tatlo lang pero apat pala sila. Sana naman wala ng lumabas dahil sobrang sakit na. Para sa pang apat na babae chat ka ng chat sa akin kung okay lang ako ngayon tapos puta nakipag halikan kadin pala? At sa sasakyan pa namin?! Walang hiya kayo!      “Nakakadiri kayo! ikaw kung matino ka maliligo ka nalang mag sesend kapa ng suso mo? At jayzam sobrang grabe na to. Feb 13? Nag away tayo nyan may pa post post kapa na sumasayaw ng chivalry is dead dahil gusto mo ulit manligaw, dahil sa ginawa mong kasalanan sa kapatid kong si obrie, may pabili bili kapa ng bulaklak dahil valentines day?! Tapos pag tapos nun dapat matino kana?! Dahil okay na ulit tayo?!

 

 

So feb 15 natapos lahat ng kalokohan ni jayzam hindi na nag inom wala nadin kami kasama sa bahay kundi magulang nalang. Pero ngayon na nag labasan lahat hindi ko na kinakaya pa. At walang tigil tong isip ko kung bakit nagawa sakin to. Parang awa mo na sana huli natong nakita ko dahil sobrang sakit na ng ginawa mo. Wala nakong luhang maipatak dahil ubos na ubos na ko.”

 

 

Marami pang ipinost si Camille, kabilang ang mga pictures ng mga babae na diumano’y “babae” ng boyfriend.

 

 

Sa mga taga-subaybay nina Jayzam at Camille, alam ng lahat na matagal ng nagli-live-in ang dalawa at siguro, kung may kulang man sa kanila, kasal na lang. Nang huli namin silang makausap, naitanong pa namin sa kanila kung ano ang meron sa kanila at sa apat na taon, strong pa rin ang relationship nila na sinagot ni Camille nang, “yung loyalty.”

 

 

Obviously, kampi kay Camille ang netizens at pinapayuhan ito na hiwalayan na si Jayzam. Though, from a source, magkasama pa rin daw ang dalawa. At yung mga nakakakilala sa mga ito, naniniwala at umaasang malalagpasan nila at hindi mauuwi sa hiwalayan. (ROSE GARCIA)

Pananakot sa mga ospital, itinanggi ng DOH

Posted on: April 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinabulaanan ng Department of Health (DOH) na kanilang tinatakot ang mga pribadong ospital na ayaw magdagdag ng kapasidad sa gitna nang pagtaas ng bilang ng may COVID-19.

 

 

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, walang nagaganap na pananakot sa kanilang panig bagaman at nasa batas ang pagtataas ng kapasidad kung may pangangailangan.

 

 

Sabi pa ni Vergeire na dapat mag-expand ang mga pribadong ospital ng hanggang 30% mula sa orihinal na bed capacity para sa mga pasyenteng may COVID.

 

 

Ipinatutupad lamang aniya ng DOH kung ano ang nakasaad sa batas.

 

 

Pero naintindihan din aniya ng DOH ang mga ospital na kailangan ng mga bagong healthcare workers kaya tumutulong din sila sa pagbibigay ng mga kama.  (Daris Jose)

Ilang mga pagamutan nag-alok ng home care para sa mga COVID-19 positive

Posted on: April 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

May mga listahan na ang Department of Health ng mga pagamutan na magbibigay ng home care at telemedicines services para sa mga suspected, probable, mild at asymptomatic na pasyente para hindi na sila magpunta pa sa mga pagamutan.

 

 

Ang nasabing hakbang ay dahil sa kawalan na ng mga kuwarto ng mga pagamutan dahil sa dami ng mga pasyente na dinapuan ng COVID-19.

 

Kabilang sa mga serbisyo ng karamihang mga pagamutan ay ang home infection control, daily monitoring sa pamamagitan ng video call, virtual monitoring at health assessment ng mga doktor at nurses.

 

 

Mayroon ding mga home services ng swab test mula sa iba’t ibang packages.

VP Robredo naka-quarantine, close-in bodyguard nagka-COVID-19

Posted on: April 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kusang nag-quarantine si Vice President Leni Robredo matapos ma-expose sa kanyang close-in security detail na nagpositibo sa COVID-19.

 

 

Sa Facebook post ni Robredo, sinabi nito na handa na sana siyang umuwi sa Bicol nang makatanggap ng tawag mula sa contact tracer na positibo ang kanyang close-in security.

 

 

“I was all set to go. But just a few minutes ago, I received a contact tracing call informing me that my close-in security has tested positive [for COVID-19],” pahayag ni Robredo.

 

 

Anya, halos araw-araw ay kasama niya ang kanyang close-in security kahit sa loob ng sasakyan, sa elevator at sa opisina.

 

 

Ayon kay Robredo, susunod siya sa health protocols at sasailalim din sa RT-PCR o swab test.

 

 

Matatandaan na no­ong nakaraang taon, nag-quarantine na rin si Robredo matapos ma-expose sa taong nagpositibo sa COVID-19.

 

 

Una nang naglunsad ang tanggapan ni Robredo ng mobile Swab Cab na nagkakaloob ng libreng antigen COVID tests sa mga lugar na may mataas na kaso ng virus. (Daris Jose)

HOME SERVICE VACCINATION PARA SA MGA ‘BEDRIDDEN’ NA MANILENYO, ISASAGAWA

Posted on: April 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAGSASAGAWA ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng home service vaccination para sa mga “bedridden” na Manilenyo upang sila ay mabakunahan kontra COVID-19.

 

Kasunod ng paglulunsad ng “home service vaccination” , sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na sa pamamagitan nito ay mabibigyan din ng bakuna  ang mga may karamdaman at walang kakayanang magtungo sa itatalagang vaccination sites ng lokal na pamahalaang lungsod.

 

Payo ng alkalde,  ipalista lamang sa nakakasakop na barangay ang pangalan at tinitirhan ng isang bedridden patient na nais magpabakuna upang mapuntahan ito ng kawani ng Manila Health Department (MHD) at maturukan ng covid vaccine.

 

Pinayuhan din ng alkalde ang mga bedridden patients na magpakonsulta muna sa kanilang doktor  bagao magpatala para sa vaccination lalo na ang may kinakaharap na comorbidity.

 

 

Samantala, batay sa pinakahuling datos ng MHD umabot na sa 72,141 frontline workers (A1), senior citizens (A2), at individuals with comorbidities (A3) ang nabakunahan na kontra COVID-19 sa Lungsod ng Maynila.

 

Patuloy naman ang isinasagawang bakunahan kontra COVID-19 ngayong araw kung saan kabilang sa babakunahan ang A1.1-A1.7 group, A2 group, at A3 group. Narito ang listahan ng vaccination sites para sa mga tatanggap ng kanilang first dose: District 1 – Emilio Jacinto Elementary School; District 4 – Ramon Magsaysay High School; at District 5 – Justo Lukban Elementary School

 

Makatatanggap na rin umano ng second dose ng bakuna ang medical frontliners mula sa A1.1-A1.7 group na nakakuha ng kanilang first dose noong March 2 hanggang March 18 kung saan ginaganap ang second dose vaccination sa Palacio de Maynila, Roxas Boulevard ngayong araw.

 

Patuloy naman ang paghihikayat ni Yorme Isko sa mga indibidwal na kabilang sa priority sectors na magpabakuna lalo na’t limitado pa ang bilang ng COVID-19 vaccines na dumarating sa bansa. Aniya, lahat ng interesadong magpabakuna kontra COVID-19 ay maaaring mag-register sa www.manilacovid19vaccine.ph

 

Paalala ng alkalde,  sumunod pa rin sa mga health safety protocols  at minimum public health standards  partikular ang pagsusuot ng  face mask at face shield at ang pag-oobserba ng physical distancing pagdating sa vaccination sites. (GENE ADSUARA)

Umaatras sa bakuna ‘di pipiliting magpaturok – DOH

Posted on: April 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tiniyak ng Department of Health na hindi nila pinipilit ang mga taong umaatras sa bakuna laban sa COVID-19 sa mismong araw na sila ay tuturukan.

 

 

Ginawa ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang pagtiyak matapos murahin at tawaging hambog ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang mga ayaw magpabakuna.

 

 

Ayon kay Vergeire, mayroon talagang mga tao na ayaw magpaturok sa mismong araw kung kailan sila babakunahan.

 

 

Sinabi ni Vergeire na tinatawag nila ang mga ito na “deferrals”.

 

 

“So mayroon hong iba’t ibang klaseng deferrals, ang isa diyan ito pong refusing ‘no, refusing on the day of vaccination itself,” ani Vergeire.

 

 

Hindi aniya pinipilit ang mga deferrals dahil boluntaryo naman ang pagpapabakuna.

 

 

Sa kabila nito, kinakausap pa rin aniya ng mga counselors ang mga tumatanggi sa bakuna at pinagpapaliwanagan upang makumbinsing magpaturok.

 

 

Matatandaan na nagpahayag ng pagkairita si Duterte sa mga ayaw magpabakuna na posibleng aniyang maging dahilan nang pagkahawa ng iba sa COVID-19. (Daris Jose)

Ads April 19, 2021

Posted on: April 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments